Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 013 - Second Disappointment


MARIING napalunok si Rome nang sulyapan niya isa-isa ang mga tiyahin na naka-upo sa mahabang couch paharap sa kaniya. Ang mama niya ay naka-upo sa single sofa habang ang papa niya ay nakatayo sa likuran nito. Samantalang ang Ate Connie naman niya ay naka-upo rin sa harapang single sofa na kinauupuan ng mama niya— looking so worried.

Ang lahat ng mata ay nakapako sa kaniya, waiting for her to explain herself.

Bakit?

Dahil nahuli lang naman siya ng Papa niya na nakikipag-date kay Baron sa isang mall sa Pasay.

Ang alam ng mga magulang niya ay kasama niya si Connie, subalit ang ate niya ay sa Baclaran church nagpunta samantalang siya ay dumiretso sa MOA para makipagkita kay Baron. Ang totoo ay nagsinungaling din siya kay Connie— dahil kahit ito ay hindi alam ang pakikipag-relasyon niya. Ang sabi niya sa kapatid ay si Jiggy ang kikitain niya, kaya pumayag itong makipagsabwatan sa kaniya para payagan sila ng mga magulang.

Little did Connie know that Jiggy was out of the country with her family and that she was seeing her secret boyfriend.

Kung hindi ba naman kasi siya sisitahin nito, eh hindi sana secret boyfriend ang label ni Baron. At kung hindi sana istrikto ang pamilya niya pagdating sa mga lalaking manliligaw, eh 'di sana ay sa bahay nila umakyat ng ligaw si Baron. At kung hindi sana mataas ang pamantayan ng pamilya niya ay sana, naipakilala niya nang pormal ang kasintahan.

Alam niya ang magiging reaksyon ng mga ito kaya naglihim siya. Alam niyang pagbabawalan siya ng mga itong makipagkitang muli kay Baron, kaya naglihim siya. Alam niyang ilalayo siya ng pamilya sa katulad ni Baron, kaya naglihim siya.

Her family wouldn't let her fall in love with anybody she wanted. Her family had to decide for her— and her future. Yes, it sucks. Pero dahil nangako siyang magiging mabuting miyembro ng pamilya ay sinunod niya ang mga ito.

Ang problema— umiibig na siya. At mahirap kalaban ang pag-ibig. Ang tanging magagawa lang niya ay kombinsihin si Baron na baguhin ang anyo... kahit papaano. That would be unfair on Baron's side, pero kung mahal siya nito, they would meet halfway.

Kaya lang... bago pa man niya tuluyang makombinsi si Baron na baguhin ay sarili ay nakita na sila ng ama.

Ano'ng malay niya na sa MOA nagpunta ang mga magulang para mag-grocery? Nasa McDo sila ni Baron at nag-uusap nang makita sila ng papa niya. Ang talas ng paningin ng ama niya dahil kaagad siya nitong nakilala. Her father was horrified, lalo nang makita si Baron na nakasuot ng itim na T-shirt na may imprint na bungo at tattered jeans. Ang blonde na buhok nito'y naka-half bun at ang hikaw sa ibabang labi at sa mga tenga ang naging sanhi kung bakit naeskandalo ang papa niya at hinila siya palayo sa lalaki.

Baron introduced himself as her boyfriend— and her father almost had a heart attack.

Yes, OA ang naging reaksyon ng Papa niya. Buti na lang at nasa grocery ang mama niya at wala roon, kung hindi ay baka nag-drama na rin doon ang ina niya.

Her father didn't make a scene, thank God. But he told Baron to stop seeing her because he wouldn't approve of the relationship. After that, her father literally dragged her outside and started preaching to her until they reached the car.

Kaya ngayon... ay heto. Naka-harap na naman siya sa husgado— na tila napaka-laking kasalanan na naman ang kaniyang ginawa.

"Alam kong nagsabi kaming maaaring kang magpaligaw kapag tapos ka nang mag-aral. Pero sa isang katulad niya?" sabi ng Papa niya na diretso pa rin ang tingin sa kaniya.

Huminga siya ng malalim at buong tapang na sinalubong ang tingin ng ama. "Tao rin naman si Baron, Pa—"

"You dare disrespect me, Rosenda Marie?!" Halos dumagundong ang tinig ng ama sa buong bahay. Nakikita niya ang pamumula ng mukha nito sa galit, ang mga mata'y matalim at ang anyo ay mapanganib. "Nakikita mo ba ang anyo ng lalaking iyon o nabulag ka lang?"

Napalunok siya at pinigilan ang mga luhang bumagsak. "Mabuting tao si Baron, Pa—"

"Hindi ang kabutihan niya ang unang makikita ng ibang tao kapag magkasama kayo kung hindi ang anyo niya, Rosenda!" sigaw pang muli nito. "Ano ang sasabihin nila kapag nakita ka, na isang guro at kabilang sa pamilyang ito, na may kasamang lalaking mukhang nagbebenta ng droga?"

Napatayo siyang bigla sa sinabi ng ama. "Weren't you just being judgemental, Pa? Hindi pa ninyo kilala iyong tao pero kung husgahan niyo ay ganoon na lang! Baron has always been soft and gentle with me."

Sabay-sabay na pagsinghap ang narinig niya mula sa mga tiyahin. Nakikita niya sa mukha ng mga ito ang malisya. Sigurado siyang naipagkamali ng mga ito ang ibig niyang sabihin.

"Sit down, Rosenda, and don't you dare raise your voice!"

Ini-kuyom niya ang mga palad upang pigilan ang sariling patuloy na sumagot. Tina-trato siya ng mga itong parang bata at napapagod na siya. But she calmed herself and conceded— hanggang maaari ay ayaw niyang magkagulo sila ng pamilya, so she sat back on her seat and bent down her head.

Ang mama niya na kanina pa tahimik ay nagsalita rin. "Gaano na kayo ka-tagal na magkasintahan ng lalaking iyon?"

She bit her lower lip and closed her eyes tightly. Lalong magagalit ang mga ito kapag nalaman na bago pa ang graduation niya sa college, mahigit isang taon na ang nakararaan ay naging sila na ni Baron.

Yes, it had been more than a year since she and Baron became a couple. At simula noon hanggang sa mga oras na iyon ay si Jiggy pa lang ang nakakaalam. She was planning to let her family know about her 'secret boyfriend' right after graduation, sa pag-aakala niyang bibigyan siya ng mga ito ng kalayaan. Subalit hindi nagbago ang turing ng mga magulang sa kaniya, ng pamilya. At dinaig din siya ng takot, lalo at ayaw ni Baron na baguhin ang sarili. Ang sabi nito'y tatanggapin ito ng pamilya niya sa kung ano ito, hindi bilang sa kung papaano ito gustong makita ng pamilya niya.

Alam niyang darating din ang araw na makukumbinsi niya si Baron, alam niyang darating ang araw na maiintindihan nito kung bakit nila kailangang gawin iyon. At kapag nangyari iyon ay saka na niya ito ipakikilala sa buong familia.

Pero, bago dumating ang araw na iyon ay nakita sila ng papa niya. Nabunyag ang kaniyang sekreto. And there she was— trying to convince her family that Baron was a good person despite his physical appearance.

"Tinatanong kita, Rosenda. Don't make me repeat my question," mariin pang sambit ng mama niya na pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.

Muli siyang napalunok. "We... we've been together for... fifteen months—"

"Fifteen months?!" sabay na bulalas ng mga tiyahin. Ang Tita Marites niya ay nagpaypay pa ng kamay na tila hihimatayin. Ang Tita Maureen naman niya ay naitapik ang palad sa noo, habang ang Tita Marife at Tita Maya niya ay nanlaki ang mga mata.

"Ibig sabihin ay nilabag mo ang bilin namin na huwag ka munang magpaligaw hanggang hindi ka pa tapos sa pag-aaral," sabi ng Papa niya sa mapanganib na tono. Ibinalik niya ang pansin sa ama at nakita ang pagdilim ng anyo nito.

Wala siyang maisagot— dahil totoong nilabag niya ang usapan nila ng mga magulang . Kung Connie nga ay nasunod iyon, bakit hindi siya? At naiintindihan niya ang pinagmumulan ng galit ng mga ito. Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang paghuhusga ng mga ito kay Baron— which she already expected.

Kung bakit ba kasi naging bahagi siya ng pamilyang mapanghusga...

Pamilyang walang pakealam sa damdamin niya dahil mas mahalaga sa mga ito ang pangalan at dignidad nila.

Oh, she wished she was born to a different family.

*Stop being so ungrateful! Pasalamat ka't may maayos kang buhay kompara sa iba! *Sigaw ng isang bahagi ng utak niya. *Kumakain ka ng higit sa tatlong beses isang araw, nabibili ang mga kailangan mong gamit, napag-aral ka ng maayos hanggang kolehiyo, at nakatutulog ka sa maayos na tirahan— ano'ng nire-reklamo mo?! *Napalunok siya. Kung sino man ang sumi-sermon sa utak niya ngayon ay maayos na ginagawa ang trabaho. Nang dahil sa kaisipang iyon ay nabalanse niya ang damdamin at hindi nagpalamon sa galit at rebelyon na unti-unting bumabangon sa dibdib niya.

People respect your family and no one ever dared to catcall you in public. Nasipulan ba kayo ni Connie? Wala ni isang tao sa bayan na nakakakilala sa pamilya ninyo ang nagawang bastusin kayo— dahil sa pangalang iningatan ng unang henerasyon. Everything your family did was for your own effing good! How can you be so ungrateful?

Muli siyang napalunok sa naisip.

Leche!

"Lalo kaming nawalan ng tiwala sa'yo, Rosenda."

Nag-angat siya ng tingin upang makita ang malungkot na anyo ng mama niya. Nakikita niya sa anyo ng ina ang pagpipigil nito na maluha. Namumula ang mukha nito sa pagpipigil na umiyak. Tumayo ito at nagpaumanhin sa lahat bago tumalikod at umakyat sa taas. Ilang sandali pa'y sumunod din ang mga tiyahin niya. Pero bago umalis ang mga ito ay muli muna siyang tinapunan ng blangkong tingin ng apat.

Nang makalabas ang mga ito ay saka niya narinig ang papa niya na muling nagsalita. "Ayaw kong makarinig ng kahit na anong balita o usap-usapan tungkol sa iyo at sa lalaking iyon, Rosenda Marie. So, please. Do not see him again and humiliate this family." Iyon lang at tinalikuran na rin siya ng ama at umakyat na sa taas.

Napayuko siyang muli at pinag-krus ang mga daliri. Ang bigat ng pakiramdam niya. Nag-umpisang manlabo ang kaniyang mga mata hanggang sa naramdaman na lang niya ang pag-bagsak ng mainit na likido sa mga kamay niya.

"Rome..."

Nag-angat siya ng tingin kay Connie nang marinig ang tinig nito. Nakatayo ito sa harap niya at nasa mukha ang simpatya. Paluhod itong naupo at hinawakan siya sa mga balikat.

"Gusto kong magtampo sa paglilihim mo sa akin, pero ayaw ko nang magdagdag ng bigat sa pakiramdam mo. No matter what happens, I will always be here for you as your big sister, okay?"

She sniffed and wiped away her tears. "Ikaw, Connie. Hindi ka ba nasasakal sa pamilya natin?"

Matagal na nanahimik si Connie at tila nag-isip ng tamang isasagot. Makalipas ang ilang sandali ay nagpakawala ito buntong hininga saka pilit na ngumiti. "There were times that I felt like I was choking... with the rules and conditions set by our family. Pero... inilalagay ko na lang sa isip ko na para rin naman iyon sa kapakanan natin. Our family just wanted to protect us... and make our lives better. Pino-protektahan lang nila ang pamilya mula sa mga taong mapanghusga."

Hindi na siya sumagot pa at tahimik na lang na lumuha.

Naupo si Connie sa tabi niya saka ginagap ang kaniyang mga kamay. "Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa mga lolo at lola natin?"

She frowned. "Ano'ng kwento?"

"Hindi mo ba narinig ang kwento sa atin ni Mama noong elementarya pa lang tayo?"

"I never listened to our mother's stories. Alam mong lagi akong tulog kapag nagku-kwento siya ng tungkol sa pamilya—"

"That's it. Kaya hindi mo naintindihan ang lahat at kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng pamilya natin sa dignidad. Kaya ka nasasakal dahil hindi mo naiintindihan ang lahat, Rome."

"Ano'ng ibig mong sabihin, Connie?"

"Nagsimula ang lahat sa mga magulang nina Mama. Our grandfather, who we never had a chance of meeting, was a school principal and our grandmother was a farmer's daughter. Grandpa was accused of raping grandma— dahilan upang bugbugin ng taong bayan si Lolo at pinaalis sa serbisyo. Little did everyone know that Granda and grandma were in love, itinakas lang ni Lolo si Lola mula sa mga mapanakit nitong magulang. Sa galit ng mga magulang ni Lola ay ipinalabas nilang ginahasa ni Lolo ang anak nila. He was condemned. His dignity was ruined. Kaya kasama si Lola ay lumayo sila at bumuo ng tahimik at masayang pamilya, malayo sa mga taong nanghusga sa kanila noon. They ended up here. Our grandpa worked hard as a farmer— silang dalawa ni Lola. Nagkaroon sila ng limang anak na babae na pareho nilang iningatan." Connie paused for a while, ang tingin ay sandali nitong inikot sa kabuoan ng bahay nila.

"I was still a baby when Lolo died, and a year later, si Lola naman. Itong bahay natin ngayon ay ang dating kubo ng buong pamilya, na pinaayos at ni-renovate lang nila Mama at Papa. Ang buong compound kung saan tayo nakatirang lahat kasama sila tita ay ang lupa mula sa dugo't pawis ng mga ancestors natin.

For years, this family made sure that our name would remain clean, including our dignity. Magsikap upang makamit ang pangarap, maging mabuti sa kapwa upang pagpalain, maging disente, maging matapat, at matakot sa Diyos. Those were the words mama remembers na madalas sabihin ni Lolo. Lahat silang magkakapatid ay sumunod sa mga salitang iyon."

Ibinalik ni Connie ang tingin sa kaniya, ang ngiti nito sa mga labi ay banayad. Ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniya ay humigpit

"Our family only wants nothing but to live peacefully, away from criticism, from condemnation. Noong katorse ka at ginawa mo iyon kay Cayson, labis na nag-alala sila Mama. Ayaw nilang mapag-usapan tayo ng buong bayan at maranasan natin ang kahihiyang dinanas noon nila Lolo at Lola. Walang pamilya ang nagnanais na mapasama ang isang miyembro nila, Rome. Kaya sana ay dumating ang araw na maintindihan mo kung bakit sila ganito.

What our family did... was for the best."

TO BE CONTINUED...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro