CHAPTER 011 - Another Humiliation
Lalong nanlaki ang mga mata ni Rome kasabay ng pag-pigil sa paghinga nang kunot-noong yumuko si Cayson.
She smirked in her mind.
Kung iniisip mong tatanggapin ko ang pag-alalay mo sa aking makatayo ay nagkakamali ka! I'd rather stay on the floor all night!
Subalit ang inakala niyang pag-alalay sa kaniya ng lalaki ay hindi nangyari. Dahil hindi ito yumuko upang alalayan siya, kung hindi damputin ang nabitiwan niyang envelope, bago muling tuwid na tumayo.
Lalong nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Caligh Carson Montemayor was holding the envelope where her golden report card was hidden! Bigla siyang nag-panic.
"What is this?"
Malakas siyang napasinghap nang makitang binuksan nito ang envelope, inilabas ang report card, at mula roon ay binasa ng malakas ang pangalan niya.
"Rosenda Marie Cinco..." Ngumisi ito saka muli siyang sinulyapan. Ngising ikina-tili ng ibang mga babaeng estudyante sa paligid.
"Wow, you look quite different from two years ago," sabi pa nito, walang pakealam sa pagkakatumba niya.
Hindi niya ito magawang sagutin sa sobrang kaba. Gusto niyang tumayo at agawin mula rito ang card, subalit hindi niya alam kung papaanong gagawin iyon nang hindi siya magmumukhang katawa-tawa sa harap ng marami. Sa tangkad ng lalaki ay baka hindi rin niya makuha mula rito ang card niya.
"Is this your report card?" Muling sinipat ng lalaki ang card at doon niya pinigilan ang paghinga— lalo nang makita niya kung papaanong tumaas ang mga kilay nito sa mga nakitang marka.
Oh, her grades from other subjects were actually okay. Wala siyang line of nine pero wala namang bumaba ng eighty five, maliban sa Physics. At masasabi niyang mataas na ang mga grades niyang iyon kompara sa mga nakalipas na taon. Pero alam niyang hindi pa rin impressive kung iku-kompara sa mga grades dati ni Connie at ng pinsang si Dudz.
"Wow, look at these grades..." wari pa ng lalaki sa tonong nang-uuyam.
Mabilis siyang tumayo at inagaw mula rito ang card subalit mabilis nito iyong itinaas sa ere. Sa inis ay itinulak niya ito. Sa kasamaang palad ay hindi man lang ito natibag sa ginawa niya. Para lang siyang duling na lamok na bumangga sa pader.
Itinaas niya ang kamao at akma itong susuntin sa dibdib nang maagap nitong nahawakan ang kamay niya. Umiling ito saka muling ngumisi.
"Matapang ka pa rin hanggang ngayon..."
"Ibalik mo sa akin ang report card ko!"
"I was just looking. Masama bang gawin?"
"Oo, lalo kung walang permiso ko!"
"Geez, you didn't have to shout, I could clearly hear you." Muli itong ngumisi, halatang pinaglalaruan siya.
Doon siya tuluyang napikon.
"Give me back my fucking card!" Akma niya itong susuntukin gamit ang isa pa niyang kamay nang biglang marinig ang pamilyar na sigaw,
"Rosenda Marie!"
Nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pag-gapang ng lamig sa buong katawan nang marinig ang malakas na tinig ng ama mula sa loob ng accounting office. Napatingin siya roon at doon niya nakita ang mga magulang na nakatayo sa likod ni Cayson, katabi ang ilang pang mga taga-Accounting department. Ang mga magulang niya ay nanlalaki rin ang mga mata sa narinig na pagmumura niya— which she didn't mean to say. Inis na inis lang talaga siya.
Ibinalik niya ang pansin sa lalaki nang bitiwan nito ang braso niya. Napangisi itong muli saka ibinalik ang pansin sa card niya.
"Seventy-six in Physics? Are you kidding me?"
At doon tumigil ang mundo niya, kasunod ng pag-guho niyon.
Bahagya na niyang narinig ang malakas na pagsinghap ng mama niya sa likuran ni Cayson at ang pag-ubo ng papa niya. Ang ilang mga estudyanteng nakapaligid ay nagbulungan, ang iba'y nagtawanan pa.
Oh! She felt so embarassed! Ramdam niya ang pag-gapang ng init sa mukha sa sobrang pagkakapahiya. Ang plano niyang sabihin ang tungkol sa bagay na iyon sa mga magulang ay naging bombang pasabog sa harap ng madla.
Ibinaba ni Cayson ang card at nginisihan siya. His devilish smirk made her hate him even more. Kung pwede lang siyang pumatay ng tao, ginawa na niya sa sobrang galit.
"You should study harder," sabi pa nito pagkaraan ng ilang sandali. "With these grades, I don't think you will be able to finish school." Doon lang nito inabot sa kaniya ang card.
Matalim ang tinging ipinukol niya rito. Marahas niyang inagaw ang card mula sa lalaki saka itinago sa kaniyang likuran na tila muli nitong aagawin iyon.
Cayson slid his hands into his pockets and grinned sheepishly. Nilingon nito ang mga taong nasa loob ng accounting office, kasama na ang mga magulang niyang napahiya rin sa nangyari, at maayos na nagpaalam.
Bago tuluyang umalis si Cayson ay muli siya nitong sinulyapan at ningisihan.
Ang mga estudyanteng nasa paligid ay nagbigay daan sa lalaki na nginitian ang lahat, dahilan upang impit na namang magtilian ang mga ito. Sinundan nilang lahat ng tingin ang lalaki hanggang sa lumiko ito at wala sa kanilang paningin. Doon unti-unting umalis ang mga estudyante. Ang iba'y sumunod pa sa lalaki.
So, hindi sila pumila rito para magbayad sa accounting booth, narito sila para makita ang diablo!
Malakas na tikhim ng mama niya ang umagaw ng kaniyang pansin. Nang lingunin niyang muli ang pinto ay nakita niya roon ang mga magulang— looking at her blankly. Doon siya natilihian. Hindi niya alam kung lalapit, babatiin ang mga ito o hihingi muna ng dispensa sa nangyari. Pero tumalikod na ang mama niya pabalik sa loob, at ang papa naman niya ay sinenyasan siyang pumasok na bago siya tinalukuran.
Laglag ang balikat na sumunod siya, pero bago pa man siya makapasok sa loob ay may humawak sa braso niya; si Connie. Nahinto siya at hinarap ito.
"Narinig ko ang nangyari mula sa ka-klase kong narito kanina," bungad nito. Puno ng pag-aalala ang tinig. "Bakit ba kasi si Cayson na naman ang nakadaupang palad mo ngayon?"
Muling tumalim ang mga mata niya saka sinulyapan ang daang nilakaran kanina ni Cayson. "Sinusumpa ko talaga ang lalaking iyon, Connie. Mamatay na siya!" she hissed.
Hinampas siya ng kapatid sa braso. "Hayaan mo na si Cayson, walang mangyayari kung magtatanim ka ng galit sa kaniya. He will soon be our parents' boss, umayos ka. Hali ka na, pumasok na tayo sa loob. At ihanda mo na iyang mga eardrums mo sa sermon sa'yo nina Papa at Mama."
Napa-labi siya at nagpaakay kay Connie. Pero bago siya tuluyang pumasok sa accounting office ay muli niyang nilingong ang hallway. Mainit na mainit ang ulo niya. Bigyan lang talaga siya ng pagkakataon ng langit at sisirain talaga niya ang buhay ng lalaking iyon!
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
SCHEDULE OF UPDATE
Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday
Facebook VIP: Completed / Paid Membership
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro