CHAPTER 008 - First Disappointment
NANG makapasok sila sa opisina ay namamanghang sinuyod niya ng tingin ang magandang silid. Visitor's area palang, mukha at amoy mayaman na! May naka-unipormeng babaeng naroon sa loob at kausap ng papa niya. Siguradong iyon ang sekretarya ni Mrs. Montemayor. Ilang sandali pa'y iginiya na sila nito sa silid kung saan naroon ang opisina ng ginang.
Nang makapasok ay natigilan siya. She was expecting to meet someone who looked like a terror old lady. Sa halip, ay nakangiting may edad na babae ang tumayo sa likod ng executive table at binati sila.
"Good Morning, Ma'am," magalang na bati ng tatay niya.
"Good morning, Mr. Cinco. How are you today?"
Habang magkausap ang papa niya at ang ginang ay sinamantala niya ang pagkakataon upang suriin ng tingin ang buong opisina. There were abstract paintings on the wall, from five by eight to sixteen by twenty-four, all looking very expensive. Sa ibabaw ng maganda at mukhang mamahaling chest of drawers ay may mga picture frame ng familia Montemayor, mula sa lumang wedding photos ni Mrs. Althea Montemayor at ng asawa nito, hanggang sa larawan ng buong pamilya kasama ang diablo— si Cayson. She frowned as she stared at Cayson's smiling photo. It was probably taken years back, base sa mas batang itsura nito. Sa larawan ay mukha itong mabait at hindi mukhang manloloko. Kahit ang sungay nito ay hindi halata sa mga larawan, alam kaya ng lola nito kung gaano ito ka-bastos at walang hiya?
"Rome, hihintayin kita sa opisina ko."
Napa-igtad siya nang marinig ang sinabi ng ama. Bago pa siya makasagot ay nagpaalam na ito at lumabas ng opisina— leaving her alone with the matriarch.
Kabado siyang pumihit paharap sa nakangiting si Mrs. Montemayor. Pilit siyang ngumiti. "G-Good morning po."
"Good morning, hija, please have a seat." Itinuro nito ang upuang nasa harapan ng executive table.
"T-Thank you, Ma'am..." Sa nanginginig na mga tuhod ay lumapit siya roon at naupo. Ni hindi niya maintindihan kung bakit siya nine-nerbiyos gayong mukha namang mabait ang ginang. Napayuko siya at pa-simpleng sinuri ang sarili.
Ang school uniform niya na dapat ay one inch below the knee lang ang haba ay mas pinahabaan niya. Ang dapat na black school shoes na requirement sa school ay hindi niya sinusunod, sa halip ay black Converse shoes ang lagi niyang suot at ang white blouse niyang uniporme ay lagi niyang tinu-tupi ang manggas. Laging naiinis ang mama niya sa itsura niyang iyon pero wala itong magawa. Ngayong kaharap niya si Mrs. Montemayor ay tila gusto niyang pagsisihan ang hindi niya pagsuot ng matinong uniform at pag-ayos ng kaunti sa sarili. She felt like... trash.
"Your father said you have something to tell me?"
Nag-angat siya ng tingin at nahihiyang sinalubong ang mga mata ng ginang. "I... I came here to apologize, Ma'am," aniya. "Nagkaroon po ako ng pagkakamali noong isang araw. Nagawa ko pong... bastusin ang inyong apo, si Caligh Carson—" She stopped when the old woman chuckled.
Later on, that chuckle turned into waves of laughter.
Doon siya kinunutan ng noo. Hindi sya makapaniwala sa lakas ng tawang pinakawalan ng ginang.
Mrs. Althea Montemayor, the matriarch, the School Director of one of the finest schools in the country, a socialite, and a billionaire, was actually laughing out loud like a man. Nakikita niya kung papaanong namula nang husto ang maganda nitong mukha sa pagtawa.
Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na nakatitig lang sa kaharap, nagtataka at hindi makapaniwala. She didn't even know why she was laughing. Nakakatawa ba ang sinabi niya? O baka iyong itsura niya?
*What is... wrong with her? *tanong niya sa isip.
"Oh my God, that was funny..." sabi ng ginang makalipas ang ilang sandali. Nakatawa pa rin ito at nagpapahid ng luha. Ang maganda nitong mukha, sa kabila ng edad, ay lalong gumanda sa tuwing ngingiti. She was wearing light makeup, too, which made her look like beautiful a Hollywood actress. Oh, yes. Actually, kamukha nito ang Hollywood actress na si Meryll Streep. "I'm sorry for cutting you off, I just couldn't help it."
Naka-kunot pa rin ang noong umiling siya. "W—Wala po iyon..."
Malapad pa rin ang pagkakangiti nito nang kumukha ito ng tissue sa kulay silver na tissue box sa ibabaw ng table nito at nagpahid ng luha. Ilang sandali pa'y tumikhim ito at nakangiti muli siyang hinarap. "Actually, you didn't really have to apologize for what you did. Cayson somehow deserved it, naging bastos siya."
Napa-kurap siya. Ano raw?
Sumandal sa kinauupuan si Mrs. Montemayor at ipinag-krus ang mga kamay sa ibabaw ng executive table nito. "You see... Since my grandson moved to the States four years ago, he started to really get crazy when it comes to dating women. Hindi ko alam kung saan siya natutong maging bastos sa mga babae, o kung saan siya natutong paglaruan ang mga ito. He was okay when he was still living here. But I guess independence and freedom changed him. Dahil wala ako sa tabi niya upang gabayan siya, ay kung sinu-sino ang mga naging barkada niya sa States na nagturo sa kaniyang maging palikero. Well, when it comes to me, my grandson is the sweetest. But when it comes to women he's dating, hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya nagpapahalaga. I guess it's only because he hasn't found his match."
His match? Sino ang makakapantay sa diablong iyon? Kapareho niya ring diablo?
"Naniniwala akong isang araw ay matututunan din ng apo ko ang rumespeto at magpahalaga sa mga babae. At balang araw... alam kong may taong darating para turuan siya noon." Sa pagkakataong iyon ay biglang sumeryoso ang ginang.
Ipasok niyo na lang sa mental ang apo niyo, Ma'am, gusto niyang sabihin.
"Oh well," Mrs. Montemayor clapped her hands and smiled again. Muli nitong pina-sigla ang tinig. "H'wag mo nang alalahanin ang paghingi ng tawad doon sa nangyari. Don't worry about your parents, either, I will talk to them and let them know that everything is all good now. Cayson is the one who actually needs to apologize, kaya lang ay nakaalis na siya kaninang umaga pabalik sa America. Kung nalaman ko lang ng mas maaga ang nangyari ay hindi ko muna pinaalis ang batang iyon. I just heard about the news this morning, mula sa mga tita mo."
She grimaced. Sa isip ay hiniling niya na sana ay makalimutan na rin ng mga tiyahin niya ang nangyari.
"Well then, we're all good, yes?" Nakangiting sabi ni Mrs. Montemayor na ikina-ngiti niya. Hindi niya inasahang magiging ganito ka-dali ang lahat, makakahinga na siya ng maluwag. Kapag nakausap na ng ginang ang mga magulang niya pati ang mga tita niya ay unti-unti na ulit silang magkakabati ng mga ito.
"Maraming salamat, po, Mrs. Montemayor."
"No. Thank you. Dahil tinuruan mo ng leksyon ang batang iyon. He was actually pissed last Saturday night at wala sa mood makipag-usap. Siguradong hindi natanggap na pride n'on ang ginawa mo." The old woman chuckled again and she was mesmerized. Kay gaan nitong kausap at titigan. Pakiramdam niya sa ginang ay anghel na hindi kayang magalit o sumimangot. Ilang sandali pa'y muli siyang nitong tinititigan at pinong nginitian.
"In the future, my grandson will be back here to manage the school and your paths may cross again. I do hope, na sa pagdating ng panahong iyon, ay nagbago na siya at ang galit mo sa kaniya'y naglaho na."
I doubt it— sabi niya sa utak. Pero siyempre, hindi niya isasatinig iyon. Sa halip, ay binigyan niya ng pilit na ngiti at ginang bago tumayo at muling nagpasalamat bago nagpaalam.
Nakangisi siyang lumabas sa opisina ng School Director at mabilis na tinungo ang accounting office kung saan naghihintay ang tatay niya. Ang buong akala niya'y sermon at pangangaral ang daratnan niya mula sa lola ni Cayson Montemayor, buti na lang at kabaliktaran ang nangyari.
Kung siya ang magiging lola ko, magkaka-intindihan talaga kami. Malas lang niya sa apo niya...
Pagdating niya sa accounting office ay inabutan niyang bakante ang table ng ama. Ayon sa mga kasama nitong naroon ay nagtungo ito sa faculty room upang makausap ang mama niya. Doon siya dumiretso. Habang naglalakad ay iniisip na niya kung papaanong hihingi ng dispensa sa mga magulang. Well, kahit papaano ay kailangan niyang gawin iyon dahil naapektuhan ang mga ito sa ginawa niya at simula noong Sabado ng gabi ay hindi pa siya nakakahingi ng pasensya sa mga ito.
Ilang hakbang na lang bago niya marating ang nakabukas na pinto ng faculty room sa dulo ng corridor ay nahinto siya nang marinig ang malakas na tinig ng Tita Marites niya mula sa loob.
"I hope your daughter learns her lesson. Ang mga estudyante ko'y alam ang nangyari at nagtatanong kung kaano-ano ko si Rosenda Marie."
"Mine, too." Tinig naman iyon ng Tita Maureen niya. "This issue has become a big deal, kilala ng lahat si Caligh Carson Montemayor at hindi sila makapaniwalang may gagawa ng ganoon dito. Ang masaklap pa ay ka-pamilya ng mga guro at empleyado ng paaaralang pag-aari ng pamilya nito ang nambastos."
"Kausap na ni Mrs. Montemayor si Rome ngayon," mahinahong sambit ng Mama niya. "Hayaan ninyo at kakausapin ulit namin siya at sisiguraduhing hindi na niya uulitin ang ginawa sa kahit na kaninong estudyante."
"Dapat lang, Merry," sabing muli ng Tita Marites niya. "Turuan mo nang maayos iyang anak mo."
Nanlulumo siyang sumandal sa pader ng faculty room at pinanatiling naka-kubli ang sarili. Hindi siya makapaniwalang ganoon ka-tindi ang epekto ng ginawa niya sa pamilya nila— sa mga tiyahin niya.
Kahit kailan ay hindi pa niya narinigan ng ganoon o nakitang nagtalo o hindi nagkasundo ang magkakapatid— ngayon pa lang. At iyon ay dahil sa kaniya.
Napa-igtad siya nang lumabas sa pinto ng faculty room ang Tita Marites niya, kasunod ang Tita Maureen at Tita Marife niya. Nagulat pa ang mga itong makita siya roon.
"G-Good morning po..." aniya sa mga ito, halos hindi niya kayang salubungin ang tingin ng mga tiyahin.
Dati-rati, sa tuwing uuwi ang mga ito at magkikita sila, ay humahalik pa siya sa mga pisngi ng mga ito o hindi man ay nagma-mano. Pero ngayon ay iba na. She hesitated to even look straight into their eyes because she was ashamed of what she did.
Ang Tita Marites niya ang unang nakabawi sa pagkagulat at tinanguan lang siya bago ito tuluy-tuloy na naglakad. Ang Tita Maureen naman niya'y tinapik siya sa balikat at sumunod na rin. Habang ang Tita Marife naman niya ay lumapit at hinalikan siya sa pisngi.
"Be good now, Rosenda," anito bago siya binigyan ng tipid na ngiti at sumunod na rin sa dalawang kapatid.
Bumuntonghininga siya saka tinatagan ang loob bago pumasok sa faculty room. Nakita niya ang mama niyang nakaupo sa likod ng desk nito habang ang papa naman niya'y naka-upo sa stool na nasa harap ng desk. Sabay na napalingon ang mga ito nang pumasok siya, at kaagad na nagsalubong ang kanilang mga mata.
At that time, she felt really heavy. Nakikita niya ang matinding disapointment at lungkot sa mukha ng mga ito. At iyon ang anyo ng mga magulang niya na kahit kailan ay hinding-hindi niya makakalimutan— lumipas man ang panahon.
At sa oras na iyon, habang magkatitig sila ng mga magulang, ay ipinangako niya sa sarili na magbabago na siya. Hindi na niya muling bibigyan ang mga ito ng kahihiyan o disappointment. Nais niyang ibalik ang tiwala ng mga ito.
At si Caligh Carson Montemayor? Sana nga ay hindi na niya ito makita pang muli.
And she hoped he rots in hell forever!
TO BE CONTINUED...
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
SCHEDULE OF UPDATE
Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday
Facebook VIP: Completed / Paid Membership
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro