Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 005 - Precilla


▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️



Ten years ago... Back when she was fourteen years old.

"Rome!"

Muntikan nang mabilaukan si Rome nang tapikin siya sa likod ng kaibigang si Jiggy. Naroon siya sa likod ng classroom nila at nakaupo sa damuhan at nanananghalian.

"Ano ba, Jigs!" singhal niya sa kaibigan bago niyuko ang baong hotdog na nahulog sa damuhan sanhi ng pagtapik nito sa kaniya. Sandali siyang nanlumo— tinipid-tipid pa man din niya ang pagkagat niyon kanina dahil nais niyang papakin iyon kapag naubos na ang baong kanin. Kung alam lang niyang mahuhulog iyon sa damuhan ay sana, inubos na niya kanina pa. Binalingan niya ang kaibigan saka tinitigan ito ng masama.

Si Jiggy ay ngumisi lang saka naupo sa tabi niya.

Sinuri niya ng tingin ang kaibigan na halos humiga na sa damuhan. Si Jiggy ang matatawag na poging tomboy dahil totoong may itsura ito. Tisay—este, tisoy ito dahil sa amang Amerikano, matangkad at may mahahabang mga biyas, saka ang tangos ng ilong. Ang buhok nitong ka-kulay ng buhok ng mais ay pina-iksian nito, barbers cut, dahilan upang mas lalo itong magmukhang lalaki.

They had been classmates since last year, subalit naging magkaibigan lang simula noong mag-transition siya sa 'pagiging lalaki'.

Yes. She transitioned to a lesbian. And she did that because she fell in love with a girl. Dati ay okay naman siya... She wore girly clothes with bright colors, like yellow and fuchsia pink. Did some make-up at the age of thirteen and stylishly tied her beautiful long and wavy hair. She used to have boy crushes back in primary school— used to write love letters and send them to boys. Until— she met the girl that would turn her world upside-down.

Nag-umpisa siyang kumilos at umasta na parang lalaki at magsuot ng oversized T-shirt na pag-aari ng tatay niya.

After meeting the girl she fell in love with, she started changing into a different person. Physically, emotionally, and mentally. At hindi iyon nagustuhan ng pamilya niya.

"Bakit ka ba narito?" tanong ni Jiggy na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Dinampot nito ang nahulog na hotdog at ibinato sa malayo. "Nasa court si Precilla kasama ang mga ka-klase niya para manood ng practice game. Tara roon."

Ibinaba niya ang baunan sa damuhan at dinampot ang tumbler. Binuksan niya iyon at uminom muna ng tubig bago sumagot. "I am giving her up."

"Giving her up?! You have been crushing on her since last year! Magdadalawang taon ka nang dumi-diskarte sa kaniya tapos ngayon ay susukuan mo na lang?"

Nagkibit-balikat lang siya at hindi sumagot.

Si Precilla Costa ang babaeng nagpabago sa kaniya— ang nagpa-tibok ng puso niya. Nasa fourth year na ito at kabilang sa top ten graduating students. Ito rin ang laging representative ng school pagdating sa mga sports dance contests at siyang leader ng cheering squad nila, dahilan upang makilala ito bilang 'high school sweetheart'.

Noong freshman siya at una niya itong makita na nagpa-practice ng sayaw sa school gymnasium ay hindi na ito nawala sa isip niya. Because of Precilla, she realized that she had a soul of a man stuck in a woman's body. Kaya simula noong araw na iyon ay nagbago na siya. At upang maipahayag niya ang damdamin sa dalaga ay araw-araw siyang nagpapadala ng mga love letters, bulakalak at meryenda— iyong tipikal na panliligaw talaga. Kalaunan, napansin siya nito at tinanggap bilang kaibigan.

At first, Precilla thought she was just joking about her sexuality. Kaya upang patunayan dito na pusong lalaki talaga siya at ito ang gusto niya ay nagpagupit siya ng buhok, in a crew cut, na ikina-himatay ng Mama niya at ikina-init ng ulo ng Papa niya.

Simula noon ay pinanatili niyang ganoon ang gupit ng buhok. Two years later after she transitioned, she decided to stop pursuing her.

Huminga siya ng malalim saka iniligpit ang baunan bago tumayo. Ni hindi na siya nag-abalang pagpagan ang palda na nadikitan ng mga tuyong damo. "Well, ang sabi ni Connie ay may dine-date si Precilla na mayamang manliligaw."

Kinunutan ng noo si Jiggy saka tumayo na rin. "Sinong mayamang manliligaw?"

Balewala siyang nagkibit-balikat, "Malay ko. Maka-tanong ka parang kilala mo lahat ng tao sa bayan natin, ah? Sinabi lang naman iyon ni Connie."

Si Connie ay nakatatanda niyang kapatid at ka-klase ni Precilla. Bagaman hindi rin suportado ng ate niya ang pagkakahumaling niya sa kapwa babae ay hindi ito nakalimot na magbigay sa kaniya ng update tungkol sa crush niya. Kalaunan, dahil sa madalas niyang pagpapadala ng love letters noon kay Connie para kay Precilla, ay naging malapit na magkaibigan ang dalawa.

Tinapik siya ni Jiggy sa braso, "Bakit ngayon ka pa susuko kung kailan nagiging close na kayo? Marami naman dating mga manliligaw si Precilla pero hindi ka sumuko. Bakit ngayon pa?"

Bumuntong hininga siya saka nag-umpisa nang maglakad pabalik sa classroom nila. "Dahil ang sabi ni Ate ay malaki rin ang pagkakagusto ni Precilla sa lalaking iyon. Sobrang pogi raw at mayaman. Ano'ng laban ko roon? Isa pa, ang sabi nga nila... kung mahal mo ang isang tao, susuportahan mo kung saan siya liligaya." Nanulis ang nguso niya saka naka-simangot na sinipa ang maliit na bato sa daan. "Siguraduhin lang ng lalaking iyon na hindi niya sasaktan ang Precilla ko. Dahil kapag nalaman kong pinaiyak niya ang babaeng mahal ko, susugurin ko talaga siya."

*

*

*

"PRECILLA, bakit namumula ang mga mata mo?!"

Mabilis na bumangon sa pagkakahiga si Rome mula sa rattan na duyan nang marinig ang malakas na boses ng Ate Connie niya.

Kasalukuyan siyang nasa gilid ng bahay nila kung saan nakasabit ang duyan sa dalawang puno ng aratiris at pinag-iisipan kung papaano ipakikita sa mga magulang ang resulta ng final exam niya. Muntik na siyang bumagsak. Isang puntos na lang at talagang bagsak sana siya. Pero magkaganoon man ay hindi pa rin niya kayang ipakita iyon sa mga ito— they would be horrified with her scores. Hindi tatanggapin ng mga ito ang ganoong marka sa exam, baka mapalo siya ng ama niya.

Pero sandali niyang inalis sa isip ang tungkol sa bagay na iyon.

Bumaba siya sa duyan at sa mabilis na mga hakbang ay tinungo niya ang harap ng bahay nila. Ikinubli niya ang sarili sa gilid ng pader at sumilip sa front door. Doon ay nakita niya si Precilla na nakayakap kay Connie sa harap ng pinto.

Oh, her heart fluttered whenever she saw her, ewan ba niya. Si Precilla na kasi yata ang pinaka-magandang nilalang na nakita niya sa buong buhay niya.

Those beautiful almond eyes swept her through her feet, those luscious red lips were making her think of heaven. Ang mahaba at tuwid nitong lampas balikat na buhok at sumusunod sa bawat pag-galaw nito, at ang balat nitong namumula sa tuwing nabibilad ng kaunti sa araw, ay tunay na kaaya-aya.

Precilla was the epitome of beauty. And she just wanted her. Kung lalaki lang sana siya...

"He... he broke up with me," paiyak na sabi ni Precilla makalipas ang ilang sandali.

"He broke up with you? Who?" tanong naman ni Connie habang hinahagod sa likod ang kaibigan.

"Caligh Carson Montemayor," paiyak na sagot ni Precilla kasabay ng marahang pagsinghot.

Kinunutan siya ng noo.

Caligh Carson Montemayor?

Nai-kuyom niya ang mga kamay.

Kilala niya ang lalaking iyon! Kasamahan iyon sa basketball team ng pinsan nilang si Dudz, ang nag-iisang anak ng Tita Maritess nila! Bagaman hindi pa niya nakikita ang lalaki ay kilala niya ito dahil madalas itong i-kwento sa kaniya ng pinsan. Oh, hindi niya naisip man lang na ito ang nanliligaw kay Precilla!

"Tsk, sabi ko naman kasi sa iyo, h'wag mo nang patulan ang lalaking iyon at mukha namang hindi seryoso sa pakikipag-relasyon. Hindi ka nakinig sa amin na mga kaibigan mo!"

Ibinalik niya ang pansin sa dalawa nang marinig ang sinabi ng ate niya. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Precilla habang yakap-yakap ni Connie.

"Hali ka na nga at pumasok ka muna sa loob. Mukhang marami ka nang naubos na luha diyan sa lalaking iyan."

Nang pumasok ang dalawa sa loob ng bahay ay mabilis na umalis sa pagkakakubli si Rome at nagtungo sa harap. Sa pamamagitan niyon ay nakita niya at malinaw na narinig ang sunod na mga nangyari.

"Hindi ko inaasahang papatulan mo nga ang lalaking iyon. Kailan pa naging kayo?" tanong ni Connie na ngayon ay naka-upo na sa sofa katabi si Precilla.

"Two weeks ago..." pasinghot na sagot ng isa.

"What? At nakipaghiwalay na kaagad siya sa iyo?"

"He's going to the States to take up his masters and he said that the long-distance relationship will never work—"

"Tell me the truth, Precilla," hinawakan ni Connie sa balikat ang kaibigan. "Kaya ka ba hiniwalayan ng lalaking iyon ay dahil nakuha na niya ang gusto sa'yo?"

Umiling ito saka nagpahid ng mga luha. "Wala pang nangyayari sa amin. Kaya lang... sa tingin ko ay may iba siyang kasintahan at ginawa na lang niyang rason ang pag-alis niya para makipaghiwalay sa akin." Marahan itong muling suminghot. "He was probably bored with me, kasi hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang gusto niya."

"Oh my," napa-tapik ng noo si Connie sa mga narinig. "Ano pa nga ba ang inaasahan mo? Kaibigan ng pinsan ko ang lalaking iyon at kasamahan sa basketball team. Ang narinig ko'y notorious playboy talaga ang Caligh Carson Montemayor na iyon, dahil sa maraming pagkakataon ay may mga babaeng nag-aaway sa court nang dahil sa kaniya. How can you fall for someone like him?"

"Because I thought he was the sweetest," paiyak pa ring sagot ni Precilla na ikina-ikot ng mga mata ni Connie. "And he wasn't just someone, Connie. Siya ang nag-iisang apo ni Mrs. Althea Montemayor, ang may-ari ng Montemayor International Colleges. He is every woman's dream—"

"Every dumb woman's dream, you mean?" tuya ni Connie na ikina-simangot ni Precilla. "Bakit parang may pakiramdam akong hindi ka nagagalit sa kaniya sa kabila ng ginawa niya sa iyo?"

"Because..." Napa-yuko si Precilla at muling humikbi. "Because I still love him. Alam mo namang bago pa niya ako niligawan ay malaki na ang pagkakagusto ko sa kaniya. Unang kita ko pa lang sa kaniya noong araw na nanood tayo ng practice game nila sa plaza ay nagkagusto na kaagad ako sa kaniya. Tawagin mo na akong tanga, pero... nagmahal lang naman ako, Connie." Muli itong napahikbi na ikina-kuyom ng mga palad ni Rome.

How dare he hurt my Precilla?!

Bago pa siya makapag-isip ng tama ay mabilis niyang tinungo ang mountain bike na nakasandal sa gilid ng puno ng aratiris. Ilang sandali pa'y lumabas na siya sa compound nila at mabilis na nag-pedal patungo sa diyablo.


TO BE CONTINUED...


▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️


SCHEDULE OF UPDATE

Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday

GoodNovel: Completed / Paid Story

Facebook VIP: Completed / Paid Membership

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro