CHAPTER 003 - The Devil: Cayson Montemayor
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
MARAHAS na inapakan ni Jiggy ang preno ng kotse pagkarinig sa sinabi niya, dahilan upang halos humampas din ang mga katawan nila sa dashboard. Kung wala siyang seatbelt ay siguradong iyon nga ang nangyari sa kaniya.
Kahit ang kasunod nilang sasakyan ay biglang napa-preno at malakas na bumusina— marahil ay nagulat din sa biglaang pag-hinto ng sasakyan nila. And to think that they were in the middle of the expressway where cars were almost flying.
Buti na lang at hindi sila na-disgrasya.
Nakaramdam siya ng pagkahilo sa biglaang pagpreno ng sasakyan, dahilan upang sapuin niya ang ulo at bahagyang umungol. "Jigs, ano ba?"
"Tell me it wasn't true."
She opened her eyes and turned to Jiggy— and there she saw the disbelief in her eyes. Naka-awang ang natural na mapulang mga labi nito at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kaniya.
Inayos niya ang pagkakaupo saka sinulyapan ang mga sasakyang naka-pila na halos sa likuran nila. Ang iba'y nag-overtake na samantalang ang iba'y malakas pa ring bumubusina. Muli niyang nilingon si Jiggy na hindi pa rin tumitinag.
"It's true. Pero saka ko na sasabihin sa'yo kung papaano nangyari iyon. For now, let's go. Baka may makaaway pa tayong mga motorista rito."
Unconvinced, Jiggy continued to drive. Namamangha pa rin ito sa narinig at nakikita niya iyon sa mukha nito. Naroong hahagurin nito ang noo gamit ang kaliwang kamay... naroong huhugot ito ng malalim na paghinga at naroong papalatak ito.
Minabuti niyang ibaling ang pansin sa labas ng bintana at hayaan muna si Jiggy na i-rehistro sa isip ang mga impormasyong sinabi niya. Hanggang sa narinig niya itong nagsalita.
"Sana sa demonyo ka na lang pumatol, Rosenda Marie."
Malungkot siyang ngumiti habang pinanatili ang tingin sa labas ng bintana ng kotse, watching the tall buildings and the aiport from afar. They were already on the skyway and she could see everything from above. Including the clear sky... na kabaliktaran sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Tila may namumuong bagyo sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.
Huminga siya ng malalim. Pag-uwi sa bahay ay sasabihin niya sa Ate Connie niya ang kaniyang kondisyon— alam niyang masasaktan ito pero kung may tao man sa pamilya nila ang pagsasabihan niya ng problema, walang iba iyon kung hindi ang kapatid niya.
Ang tanong... ano rin kaya ang magiging reaksyon nito kapag nalamang si Caligh Carson Montemayor ang nakabuntis sa kaniya?
She'll probably cry until she goes blind.
Muli siyang nagpakawala ng buntonghininga. Connie hated that man, too.
Ipinatong niya ang siko sa bintana ng kotse saka nangalumbabang tumingin sa kawalan. Sa isip ay naglalaro kung ano'ng paliwanag ang gagawin niya sa kapatid kapag nagkaharap na sila nito.
*
*
*
"KAKAUSAPIN ko kayo bukas ni Connie nang sabay tungkol sa... nangyari," sabi niya nang makababa sa kotse at sumilip sa bintana ng front seat.
Pasado ala-una pa lang ng hapon nang maihatid siya ni Jiggy sa compound ng pamilya nila sa Parañaque.
Nanatiling walang imik ang kaibigan, pero nakikita niya sa mga mata nito ang lungkot at pag-aalala. Jiggy could still not fathom how and why did she fell into that devil's charm. Well— she did not. And she never would. Pero iyon ang nakikita niya sa mga mata ng kaibigan. Kaya bukas na bukas din, matapos nilang magsimba ng buong pamilya, ay yayayain niya ang kapatid na magtungo sa paborito nilang coffee shop sa area nila at doon na sila hihintayin ni Jiggy.
Her sister Connie and Jiggy were the only people she could trust with her secret.
Kung hindi siya nabuntis ay ililibing na lang sana niya sa limot ang nangyari—tulad nang napag-usapan nila ng lalaki. Pero ganito ang nangyari. At wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang magsabi ng totoo sa mga ito. Saka humingi ng tulong kung papaanong maso-solusyunan ang suliranin niya.
Bumuntonghininga si Jiggy saka ibinaling ang tingin sa harapan. "You better give us a clear and valid explanation, Rome. Hindi ko tatanggapin ang mababaw na rason pagdating sa lalaking iyon."
Pilit siyang ngumiti saka tuwid na tumayo. "Drive safely."
Hindi na nagsalita pa si Jiggy saka isinara na ang bintana ng front seat.
Hanggang sa makalayo na ang sasakyan ng kaibigan ay hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan. Her eyes were on the road, but her attention wasn't really there. She was thinking about that day.
'I have done everything para alagaan ang pangalan ng pamilya ko sa bayang ito at ang trabaho ko sa school, Cayson Montemayor. Kaya umaasa akong ang nangyaring ito sa atin ay pareho nating ililibing sa limot.'
'I don't kiss and tell, Rosenda Marie Cinco.'
Oh! Pakiramdam niya ay bumaliktad ang sikmura niya nang sumagi sa isip ang mga sinabi nila sa isa't isa noong huling araw na magkita sila. Ang araw na nagising silang dalawa at parehong nagkagulatan.
Pareho silang nagkamali nang gabing iyon. Isang pagkakamaling nagbunga.
Ano na ngayon ang gagawin niya? Hindi kakayanin ng pamilya niya ang ganoong uri ng kahihiyan. At hindi rin kaya ng kaniyang konsensya na magdulot ng ganoong kahihiyan sa pamilya niya. Talagang itatakwil na siya nang tuluyan ng mga magulang niya, ikahiya ng mga tiyahin, at pagtawanan ng mga tao sa paligid. Masisira ang pangalan ng buong pamilya nila!
Oh, what am I going to do? Hindi niya mapigilang ngatngatin ang kuko sa hinlalaki sa sobrang nerbyos.
What am I going to do to save my family from humiliation?
Abortion?
Malakas siyang napasinghap sa naisip. Protectively, her hands went down to touch her tummy.
No! Never!
Her preganancy may be something she didn't plan, but she would never, ever, hurt her baby! Ang pagmamahal at hilig niya sa mga bata ang dahilan kung bakit siya naging isang guro at hindi lang dahil iyon ang tradisyon ng pamilya. Kaya bakit niya sasaktan at hindi bibigyan ng pagkakataong mabuhay ang kaniyang sariling anak? She wouldn't deny her baby to live in this world! Maghahanap siya ng solusyon sa problema niya. Mag-iisip siya ng solusyon para iwasan ang magdulot ng kahihiyan sa pamilya niya.
Maaari siyang magpanggap na na-destino sa ibang lugar— tutulungan siya nina Connie at Jiggy para maisakatuparan iyon! Pero... hindi mangmang ang pamilya nila. They would surely talk to the Montessori and ask about her transfer. Mag-iimbestiga ang mga ito, and they would surely, eventually learn about her lie.
That leaves Cayson Montemayor... Her final option.
'...umaasa akong ang nangyaring ito sa atin ay pareho nating ililibing sa limot.'
Muli umalingawngaw sa kaniyang isip ang mga salitang iyon na binitawan niya sa lalaki noong umagang iyon.
Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga saka dinama ang kaniyang tiyan.
"Mukhang walang sekretong kailangang ilibing. I need that man to save me, and my family from humiliation."
TO BE CONTINUED...
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
SCHEDULE OF UPDATE
Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday
Facebook VIP: Completed / Paid Membership
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro