CHAPTER 002 - Mad and Betrayed
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
DAHAN-DAHANG iminulat ni Rome ang mga mata nang magising siya sa mabining hangin na humahampas sa mukha niya.
Sa pagmulat ay ang puting kisame ang una niyang nakita at ang ceiling fan na umiikot at nakadirekta ang hangin sa kaniya.
*Where am I? *tanong niya sa isip habang ini-ikot ang tingin sa paligid.
Pamilyar iyon. Parang nanggaling na siya roon?
Wait... Am I still in the clinic?
"Thank God, you're awake!"
Napalingon siya sa narinig na boses at nakita ang nanlalaking mga mata ni Jiggy— her bestfriend. Nasa likuran nito si Doktora Olivera na naka-halukipkip at nakatingin din sa kaniya. Mabilis siyang bumangon upang mapa-ngiwi nang maramdaman ang matinding pagkahilo. Subalit imbes na bumalik sa pagkakahiga sa maliit na kama na naroon sa loob ng clinic ay pinilit niyang harapin ang mga naroon.
"I'm... sorry. K—Kanina pa ba ako narito?"
"Nawalan ka ng malay paglabas mo sa clinic kanina," sagot ng doktora. "Normal ang blood pressure mo pero sa tingin ko ay sa sobrang pagod kaya ka nawalan ng malay. You need to stay in bed for a day or two to gain energy and to relax your mind."
Tumango siya at tinitigan si Jiggy na nagdidilim ang anyo. Puno ng katanungan ang mga mata nito kaya napabuntonghininga siya.
"We will talk later. Sa ngayon, alalayan mo muna akong tumayo, nanghihina ang mga tuhod ko at gusto ko nang umuwi para makapagpahinga sa bahay."
Tahimik na tumayo si Jiggy at inalalayan siya.
"May itinurok akong gamot sa iyo para gumaan ang pakiramdam mo. Maya-maya ay mawawala na ang hilo mo," sabi naman ng doktora.
Tumango siyang muli at nagpasalamat dito bago ipinulupot ang isang braso sa braso ng kaibigan.
Pagdating sa labas ay nakita niya ang nakaparadang SUV ni Jiggy sa parking space ng clinic. Sandali siya nitong binitiwan upang dukutin ang susi at buksan ang pinto ng front seat. Inalalayan siya nitong makapasok at ito na rin mismo ang nagkabit ng seat belt niya at nagsara ng pinto bago umikot sa driver's seat at sumampa roon.
Hanggang sa imaniobra ni Jiggy ang sasakyan at patakbuhin iyon ay hindi ito nagsalita.
She released a deep sigh. "If you have questions, go ahead."
Subalit nanatiling tahimik ang kaibigan at pinanatili lang ang tingin sa daan.
Doon niya ito tahimik na sinuri ng tingin.
Jiggy had been her friend since they were just thirteen. Naging magka-klase sila nito noong first year high school hanggang kolehiyo. They took different courses but they remained close dahil sabay pa rin sila nitong umuuwi pagkatapos ng klase at madalas na magkasama sa mga school events and parties.
And Jiggy was actually... a lesbian. Her real name was Jenny Grace and her sexuality was already like that even before they became friends.
Kung nagpaka-babae ito ay marahil, hahabulin ito ng mga kalalakihan dahil sa angking ganda at makinis na balat. Pero ibang landas ang pinili nito. Jigs cut her hair short, yaong tila sa mga sundalo, and dyed it in rose gold. She had tattoos on her body, too, which made her look even cooler. She wore decent men's clothes— jeans, a white top covered by a business coat, and shiny leather shoes.
Jigs actually reminded her of the Hollywood actress Ruby Rose, dahil ganoong-ganoon ang postura nito.
And they became friends because she used to be like her. Yes— used to. But that was a long time ago.
More than seven years ago... back when she was just fourteen... she fell in love with a woman. Akala niya noon ay ipinanganak dapat siyang lalaki at hindi babae. Dumating siya sa puntong itinanong niya sa sarili kung ano ba talaga dapat siya? Kung saan ba dapat siya? Nagulo ang utak niya nang dahil lang sa pag-ibig na naramdaman niya sa kapwa babae.
But that didn't stay long. Nang magtapos sa highschool ang babaeng crush niya ay umalis ito kasama ang mga magulang patungong Singapore kung saan naka-destino ang ama nito bilang Chef sa isang sikat na hotel doon. At simula nang mawala ito sa paaralan nila ay bigla na lang siyang nagbago at bumalik sa dati. She didn't intend to go back to being a woman, but it happened when her girl crush left.
Buong akala niya'y pusong lalaki na talaga siya, pero napagtanto niyang nagkaroon lang pala talaga siya ng matinding girl-crush kaya siya panandaliang naging ganoon. At nang mawala ang babaeng gusto niya'y nagbalik siya sa dati. She started wearing her old 'lady' clothes again, and started to act and speak like a woman. Hanggang sa nagtapos siya sa highschool ay hindi na siya muling nag-ukol ng pagtingin sa kapwa babae. She had a boyfriend back in college, at doon ay napatunayan niya sa sariling babae pa rin pala talaga siya.
Pero kahit na nagbalik siya sa pagka-babae ay hindi pa rin tumigil o nawala ang pagkakaibigan nila ni Jiggy. They became really good friends through the years... hanggang ngayong may kaniya-kaniya na silang buhay.
Jiggy was now a Senior Marketing Manager in a big marketing company in Ortigas, while she had become a teacher like the rest of her family.
Yes. And that's the worst part.
Dapat ay siya ang nagtuturo ng tamang asal at gawi sa mga kabataan ngayon— pero itong nangyari sa kaniya? She would surely be a laughing stock of the town.
"Sino ang ama ng batang dinadala mo, Rosenda Marie?"
Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang marinig ang seryosong tinig ni Jiggy. Her best friend never used that tone to her before— nor called her in her complete name, kaya hindi niya naiwasang sandaling kabahan.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagpahatid kanina papunta sa OB-GYN clinic, ang buong akala ko'y may ipatitingin ka lang na kung ano sa sarili mo. I didn't expect it to be a baby."
Doon na siya nagpakawala ng hikbi na kanina pa niya pinipigilan.
Sabado ang araw na iyon at pareho silang walang pasok ni Jigs, kaya tinawagan niya ito at nagpasama sa isang clinic sa Ayala. Alam niyang nagtaka ito kung bakit sa isang OB-GYN clinic sila huminto, subalit hindi ito nagtanong. Nagsabi itong sa sasakyan na maghihintay sa kaniya at nagyaya pa sanang mag-lunch sa labas. But— it didn't turn out well.
Suminghot siya saka nagpahid ng mga luha. "I— I can't tell."
"What do you mean you can't tell?" Nasa tinig na ni Jiggy ang pagkainis. Bahagya siya nitong nilingon at sandaling sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "Malaking eskandalo sa pamilya ninyo kapag lumobo iyang tiyan mo nang walang lumulutang na ama para pakasalan ka. Ni hindi ko alam na may boyfriend ka—"
"Wala akong boyfriend."
"So, ano? Tumuwad ka lang at napasukan ng hangin iyang tiyan mo saka nabuong bata?" pamimilosopo ng kaibigan na ikina-simangot siya. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ilihim mo sa akin ang pakikipagrelasyon mo. Tapos heto, magugulat na lang ako na buntis ka? I thought we're friends?"
She sniffed and looked away. She couldn't tell Jiggy. She just couldn't. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag nalaman kung sino ang naka-buntis sa kaniya.
"Ayaw mo bang sabihin sa akin dahil pamilyado ang lalaki? Are you a mistress?"
Buhat sa sinabi nito ay napasinghap siya ng malakas saka nanlalaki ang mga matang sumagot. "Of course not!"
"Then, who, Rosenda Marie?" Jiggy snapped back. Nakikita niya ang pamumula ng mestiza nitong mukha sa sobrang inis. Alam niyang nag-aalala lang sa kaniya ang kaibigan kaya ganoon ang reaksyon nito. At hindi niya ito masisi. Alam nito kung ano ang mangyayari sa kaniya kapag nabunyag sa lahat ang kondisyon niya.
Pero papaano ba niyang sasabihin sa kaibigan na ang ama ng batang nasa sinapupunan niya ay ang pinaka-huling lalaking maaaring isipin nito na makadaupang palad niya?
Papaano niya ipaliliwanag na ang namagitan sa kanila ng lalaki ay isang gabing pagkakamali lang? She was very, very drunk. She thought it was her ex-boyfriend, so she allowed it to happen. Not until she woke up the next morning and discovered that she had sex with the devil.
Nakipag-niig siya sa lalaking buong buhay ay sinumpa niya. Ang lalaking iyon ang naging sanhi ng maraming kahihiyan niya noong kabataan niya. Ang lalaking sinisi niya sa lahat ng kamalasan sa buhay niya.
Yes. The father of her child was someone she used to know— and despised. Bata pa lang siya noon ay sinumpa na niyang mamatay na ang lalaki, tamaan ng kidlat, o masunog sa impyerno. Ganoon ka-tindi ang galit niya rito. And it didn't change even after they met again... on that night... when the baby was conceived.
She hated him before and she would hate him forever.
"Gusto kitang tulungan, Rome, pero hindi ko alam kung papaano kung ganitong naglilihim ka." Sa pagkakataong iyon ay mahinahon na ang tinig ni Jiggy. Nawala na rin ang pamumula ng pisngi sanhi ng inis.
Mariin siyang pumikit at isinandal ang sarili sa upuan. Humugot muna siya ng malalim na paghinga bago muling nagsalita.
"Si Cayson Montemayor. Siya ang ama ng batang dinadala ko."
TO BE CONTINUED...
✨
SCHEDULE OF UPDATE
Wattpad: Friday, Saturday, and Sunday
Facebook VIP: Completed / Paid Membership
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro