CHAPTER 001 - Pregnant Out of Wedlock
▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️▪️
"CONGRATULATIONS! You are six weeks pregnant."
Mahigpit na napa-kapit si Rome sa magkabilang hawakan ng couch nang marinig ang sinabi ng may edad nang doktora na sumuri sa kaniya.
Nanlamig ang buo niyang kalamnan, pakiramdam niya ay para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Naramdaman din niya ang biglang pag-alburoto ng kaniyang sikmura— she felt like throwing up any minute. Kahit ang kaniyang paningin ay nanlalabo sa sobrang kaba at pagkabahala.
She blinked and swallowed the lump in her throat as she stared straight into the doctor's curious eyes.
"Why?" tanong niya sa nanginginig na tinig.
"Why?" kunot-noong ulit ng doktora sa sinabi niya.
"Bakit... nangyari ito?" aniya saka sinapo ang nag-uumpisang sumakit na ulo.
Sa nakalipas na mga araw ay may hinala na siyang ganoon nga ang kondisyon niya, dahil sa madalas niyang pagsusuka at pagkahilo. At first, she thought it was only because of her migraine. Pero nang tumindi nang tumindi ang sama ng pakiramdam niya ay nagpasya na siyang magpatingin sa doctor.
And it was confirmed. She was pregnant. And that was something she did not prepare herself for. She remembered taking a pill or two for her migraine— at ngayon ay nag-aalala siya.
Paano kung maapektuhan ng mga gamot na iyon ang batang nasa sinapupunan niya?
Wait— should I really worry about it now? Dapat ay ang hagupit ng mga magulang ko ang alalahanin ko ngayon!
Muli niyang sinapo ang ulo saka yumuko at pinigilan ang mga luhang bumagsak. Oh, she was so scared and worried. Itatakwil siya ng buong pamilya niya kapag nalaman ang kondisyon niya!
Ang doktora na akma na sanang magsusulat ng bitaminang ire-reseta sa kaniya ay nahinto at lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nang makita ang reaksyon niya. "Are you married?"
She slowly shook her head.
"In a relationship then?"
Muli, ay umiling siya.
Huminga ng malalim ang doktora saka ibinaba ang hawak na ballpen sa ibabaw ng mesa bago sumandal sa upuan at humalukipkip. "Kayong mga kabataan talaga..." Napa-iling ito. "If you engaged in unprotected sex, you could either get a disease or a baby. You are lucky enough that it's not the former."
She felt like she's sweating all over. Sapo pa rin niya ang ulo habang nakatingin sa tiled floor— sa balintanaw ay nakikita niya ang pag-lipad ng mga damit niya sa labas ng kanilang bahay, ang malakas na sigaw ng Mama niya sa kaniya at ang masamang tingin ng Papa niya. Isama na roon ang sermon ng mga mga tita niya at ang pag-iyak ng Ate Connie niya.
Everybody would be very disappointed and hurt once they found out that she was pregnant out of wedlock. Siguradong itatakwil siya ng buong pamilya. And that was something she didn't want to happen.
She had caused her family humiliation back when she was in high school and college. Ilang beses na sumama ang loob ng mga magulang niya nang dahil sa mga pinag-gagagawa niya noon. Kaya matapos ang lahat ng iyon ay nangako siyang magtitino at hindi na magdadala ng kahihiyan sa pamilya.
But this time— she's in big trouble. Walang takas at walang pag-iwas. Her tummy would eventually pop up in the next two months— and people would start talking about her and her family. Ano'ng mangyayari sa kaniya? Sa mga magulang niya? Sa buong pamilya niya? Her family had a name and reputation to protect. They have fought for it for years! Ano'ng karapatan niyang patuloy iyong sirain?
"Here are the vitamins you need for the baby."
Nag-angat siya ng tingin at napatingin sa resetang ini-abot sa kaniya ng doktora. Sandali siyang napatitig lang sa kapirasong papel na iyon bago inabot at wala sa sariling tinitigan iyon na tila naroon ang sagot sa kaniyang suliranin.
"It's essential to prioritize your well-being and take proper care of yourself now that you're expecting a baby," narinig pa niyang sabi ng doktora. "Eat healthily, drink a lot of water, and stay away from stress. Come back to me every first week of the month for a prenatal check-up."
Wala sa sariling tumango lang siya at saka tumayo na.
"T—Thank you, Doc," aniya sa mahina at nanginginig na tinig bago tumalikod. Nararamdaman niya ang panginginig ng kaniyang mga paa at tuhod habang naglalakad sa pinto subalit hindi niya iyon pinansin.
Mabilis siyang humakbang patungo sa desk ng assistant sa waiting area at nagbayad ng fee. May sinasabi ito sa kaniya subalit hindi niya pinakinggan. She was just too worried and scared at that moment to observe her surroundings. Nanlalabo rin ang kaniyang paningin at pakiramdam niya at kakapusin siya ng hininga.
"Ma'am?"
Napa-kurap siya nang bahagyang lumakas ang tinig ng assistant.
"W—What?"
"Okay lang po ba kayo? Namumutla po kayo at pawisan po ang inyong noo," sabi nito, nasa tinig ang pag-aalala. "Maupo po muna kayo, Ma'am. Wala pa naman pong ibang pasyente. Mukhang hihimatayin kayo—"
"I'm... I'm okay," mabuway niyang sagot. Ni hindi na niya kinuha ang sukli sa isanglibong inabot niya sa assistant at mabilis na tumalikod.
Subalit hindi pa man niya narating ang pinto ng clinic ay bigla siyang nakaramdam ng matinding pagkahilo. Biglang tila umikot ang kaniyang paningin, and there were stars above her head.
Sinubukan niyang i-pilig ang ulo sa pag-asang maalis niyon ang hilo niya. Subalit lalo lang siyang nahilo at bago pa siya nakahanap ng makakapitan ay bigla na lamang bumagsak ang katawan niya sa sahig.
And before she blacked out, she heard the lady assistant scream for help.
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro