Chapter Three - Lunch
DARK BLUE SHORTS AND GREEN TUCKED-IN POLO. Maliban doon, may hawak na sunvisor sa kamay ang matandang lalaki- ang tatay ni Renante na si Ronaldo.
His dark hair was thinning, yet decently covered his scalp anyways. Medyo malaki ang pinayat ng ama ni Renante. Dahil sa pinayat, medyo nagmukhang laylay ang balat nito. Mas naging prominente ang kulubot niyon sa maputing kutis ng lalaking nasa 60s na nito.
Ronaldo's eyes sparkled with genuine surprise.
"Buti naabutan ko kayo. Si Ronnie na rin ang nagsabi na nandito kayo."
Stacey took in a deep breath. She already met Renante's father on few occasions, but not on casual settings like this one. Kahit kailan kasi, hindi pa siya nakakaapak sa bahay nila Renante. Bilang na bilang ang mga pagkakataong nakita niya ito tulad noong graduation nila at ilang programs sa school nila noon na kailangan ng presensya ng mga magulang. In fairness with Renante's father, he could attend to those things inspite of the fact of being a busy businessman.
Ginawaran niya ng magalang na ngiti ang matanda at mas nilaparan iyon nang gumawi ang tingin nito sa kanya.
Siyang sagot ni Renante sa ama.
"Don't tell me you decided to drop by here just because Ronnie told you I am here?"
"Not really. He just mentioned you're with someone here," simple na naman ng sulyap ni Ronaldo sa kanya bago bumalik sa anak nito. "So, I figured..." the old man shrugged and left the rest up to Renante to fill in.
Akala niya matutuwa ang lalaki. Pero taliwas sa inaasahan niya ang naging reaksyon nito. Renante released a tired groan. Iniwan siya saglit ng lalaki para lapitan ang ama nito, napunta tuloy ang kanyang tingin kay Ronnie.
Ronnie, Renante's older brother, had his wavy hair neatly swept on one side, flicking up some strands that made his hair look like a cap of black chocolate ice cream on a cone. Ronnie is staggering handsome in his forties despite his seemingly displeased expression at her presence- eyes narrowed, tight-lipped, eyebrows slightly furrowed.
Of course, he would be displeased. Hindi kasi ibig sabihin na girlfriend na siya ni Renante at nabigyang linaw na ang maling pagkakakilala nito sa kanya ay gan'on gan'on na lang iyon.
Na magkakasundo na sila kaagad ni Ronnie.
"Dad, come on. Stace is not even briefed about meeting you today," malumanay nitong paliwanag sa ama. "You might pressure her-"
"What pressure?" lapit na rin ni Stacey sa mga ito. "What's wrong with me meeting your Dad, Renante? Ayaw mo ba?"
Relaxed lang ang kanyang tono. Wala siyang ibang ibig sabihin doon, nagtatanong lang siya ng maayos sa lalaki. But Renante took her words differently. She saw it in the way his amicable face changed into a dark scowl.
"Stace, can we just talk later?" at binalik nito ang tingin sa ama bago sa kapatid nitong si Ronnie. "Please, accompany Dad for a while. I'll just meet you all later for lunch sa resto rito. Stace and I just-" naputol ang sasabihin ni Renante dahil nang lingunin siya nito, nawala na siya sa kinatatayuan.
Nag-uunahan ang mga paa ni Stacey sa pag-walk out sa mga ito.
Mga mata lang ni Ronnie ang gumalaw. Napatingin sa kisame. He was already groaning internally, probably adding one point under the column of cons list that he mentally set for Stacey.
"What did I tell you?" sa wakas nailabas na ni Renante ang tunay na boses nang makaalis si Stacey. He was being all nice earlier for her sake. "Bigla-bigla na lang kayo sumusulpot dito nang hindi handa 'yong tao." Then he shook his head. "We'll just talk," paalam ni Renante sa mga ito at umalis na bago pa nakasagot sila Ronnie at Ronaldo.
Naabutan na lang siya ni Renante sa built-in restaurant ng country club.
"Stace," sabay nito sa kanyang mga hakbang.
Pinili niya ang seat na overviewing sa berdeng latag ng turf grass. Sa pwestong iyon, kitang-kita ang isang parte ng gold course na pumapaikot sa clubhouse.
"Yes, Renante?" hila niya ng upuan para sa sarili. Gawa ang upuan na egg-shaped sa rattan na may malambot na puting kutson sa mismong seat niyon.
He took the seat across hers on that smooth marble topped steel table.
"Bakit bigla kang umalis kanina? Ni hindi ka nakapagpaalam kina Dad."
"Should I acknowledge that we met them? Kasi base sa nangyari kanina, parang ayaw mong mag-meet kami ng tatay mo."
He gave her a teasing look, and she didn't like it. It made it simply seem that Renante was not taking this seriously. That the way she was reacting right now was just a funny thing to him.
"You know that's not true." Nagseryoso na ito, pero pang-unawa ang makikita sa paglambot ng anyo ng binata. "I thought you'll appreciate that I interfered."
Appreciate? How--
"When we are going to meet each other's parents, I want all of us prepared, all of us in our best presentation, alright?"
Hindi siya kumbinsido. "Bakit? Iniisip mo bang hindi nila ako magugustuhan sa kung sino talaga ako? Is that why we must be well-prepared and be in our best behavior bago sila ma-meet?"
"Hindi sa ganoon," pilit nitong saluhin ang kanyang mga mata pero nakatanaw lang sa golf course si Stacey. "Iyan ka na naman, eh. Lahat na naman ng paliwanag ko, kinokontra mo. Wala naman akong masamang intensyon-"
"I am just going to have a small talk your with Dad," harap niya rito. "What could go wrong? Or are you ashamed to introduce me to him as your girlfriend?"
Sa maikling sandali at sa relasyon nilang inabot na ng maraming buwan, ganito kabilis bumalik ang mga insecurity noon ni Stacey.
"Is it because I am not like Sonny?" Napalunok siya. Sinikap niyang manatiling matatag. Pero ang kapalit niyon ay hindi siya makalingon sa kausap. Natatakot siyang gumuho sa harapan ni Renante kapag nagtama ang kanilang mga mata. "I know Tito Ronaldo likes Sonny very much. He likes Sonny for you."
She heard his heavy sigh. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Renante.
"But you're the one I want for me, Stace. Kaya bakit bumabalik na naman tayo sa dati? Diyan sa pag-aalala mong si Sondra ang makakatuluyan ko?"
Hindi niya alam ang sasabihin.
"Masaya na si Sonny kay Maximillian. Why don't you be happy now..." his voice became more gentle, "...with me?"
Napalingon si Stacey kay Renante. Nagtama ang kanilang mga mata.
She loved him in so many levels, and in all levels. From a simple highschool crush, to a puppy love, to that first true love than soon turned passionate. Then this.
This love... with a level she couldn't name yet.
But she knew for certain that she loves him. She loves him still and stronger than the way she used to love him.
May pakikiusap sa mga mata nito.
"Kainis. Hindi kita matiis," bulong ni Stacey na siya kang ang nakakarinig.
Nagbaba na lang siya ng tingin.
"I'm sorry for the way I acted," she sighed defeatedly. "Baka gutom lang ako."
He gave her an intent look. Kilala niya ang ganoong titig ni Renante. Naninigurado ito. Nang walang masilip na dapat kwestiyunin, malaya na itong nakangiti.
"You'll love the food here."
"You sound so sure," her smirk was teasing as she took the laminated menu card from a wire stand. "How often do you go here to play?"
At inisa-isa na niya ang mga nakalista sa menu card.
"Mula pagkabata pa. Dito madalas nagkikita-kita ang Dad at ang mga kumpadre niya. But mostly, his business associates. Some clients." Nakatitig ito sa kanya habang nagpapaliwanag, magaan na ang mood.
"It means you've been playing here for that long. No wonder ang galing mo mag-shoot." Her eyes peeked from behind the top part of the menu card she was holding. A playful grin lifted a corner of her lips. "I mean, mag-golf."
Pinatong ni Renante sa mesa ang mga braso. Kung wala lang nakapagitang mesa sa kanila, ilalapit pa nito ang mukha sa kanya.
"Is it really okay for you to meet Dad today?"
Okay na siya, eh. Bakit bumalik sa pinagtatalunan nila kanina ang topic?
"Renante, akala ko ba tapos na tayo diyan?" pagsusungit ni Stacey habang binababa ang menu card. "If you're not ready then I can wait--"
"It's not really about me being ready, but you. If you're ready then," he sat back and leaned against his seat, "let's do it. Habang nandito pa sila sa golf club. What can you say?"
Stacey sighed. "Akala ko ba.."
"If you want to, let's do it then. Hm?"
He gave her a downward nod, encouraging her to reply.
"Shoot."
Tinawagan ni Renante sa cellphone si Ronnie para samahan nito si Ronaldo sa restaurant. Lumipat sila sa pang-apatang mesa na malapit sa centerpiece ng restaurant na iyon.
That centerpiece is the giant wood sculpture that depicted a giant wheeled gold bag. May kasama nakalitaw sa tuktok niyon na malapad na dulo ng golf club at golf ball sa pinakaibabaw niyon.
Katatapos lang nila um-order at hihintayin pa nilang i-serve iyon. Kaya awtomatikong kwentuhan muna ang maaatupag nila sa mesa.
"I'm glad we get to finally meet," maluwag ang ngiti sa kanya ni Ronaldo. "Well, not just meet but you know, actually sit down for a while and talk, Stacey Vauergard."
"After bugging me about it for months, your insistent nature finally paid off," Renante shrugged boringly.
Binalik ni Stacey ang tingin kay Ronaldo. Matamis na ngitian ang lalaki.
"I am also glad..."
Should she call him Sir? Or Mr. Villaluz? Or copy how he addressed her and call him in full name like, Ronaldo Villaluz? Tito?
Dad?
And what about Ronnie?
Pagkasulyap pa lang ni Stacey rito nasalo na niya ang nainingkit nitong mga mata. Pinili niyang ignorahin ito. Hindi man lang nag-effort ang kuya ni Renante itago ang pagpoprotesta sa mukha nito.
Bahala na.
Ang pinaka-focus niya dapat ngayon ay ang mag-iwan ng magandang impression sa tatay ni Renante.
"Well, I don't want to pressure you," Ronaldo stole a glance at Renante, waiting for his son's approval. Renante just gazed at Stacey. So, Ronaldo resumed, looking back at her. "So, let's just talk about something else now. Mamaya na lang ang tungkol sa inyo nitong bunso ko."
Stacey remained smiling. "Sure thing."
Habang dinadaan nila Renante at Ronnie sa palitan ng tingin ang pagtatalo, nagsimula na si Ronaldo.
"How's Derrick?"
"Derrick?"
"Derrick Vauergard," Ronaldo leaned closer to his side of the round table excitedly, placing his sunvisor on an empty space beside his hand.
Derrick Vauergard... my father.
"Oh, he's good. He's good."
Come on, Stacey, think! Say something else! Add something else to that! Screamed Stacey at the back of her mind. Pero ano naman ang idadagdag ko? Wala ako masyadong alam sa tatay ko... We haven't talked for months...
"Is he still managing this import-export venture? Nag-expand na ba sila ng branch sa Ireland?"
"My father's been in Ireland for three years. Ongoing pa rin ang paglakad ng mga permits at requirements para maging operational ang Vauership sa Ireland. If that happens, import-exports from Ireland to other parts of the globe via Vauership will be possible."
"Isn't China the biggest exporting country? Why opt for Ireland?" singit ni Ronnie, seryoso at bahagyang nabawasan ang pagkabagot sa mukha.
So, this is what interests Ronnie... business matters.
Pinangunahan ni Stacey ang sarili. She had to keep talking instead of musing about how Ronnie's mind works. She returned her attention to Ronaldo yet glanced a bit to Ronnie every now and then because she's answering his question.
"Ang pagkakaalam ko, pinili nila ang Ireland kasi masyado nang congested sa China. Kumbaga, maraming competition sa delivery industry doon. Meanwhile, via studies and calculation, mas mapapamahal ang Vauership kung sa Germany sila magba-branch out. So, they chose Ireland which is not bad dahil isa siya sa top 5 biggest import-export country worldwide."
Ronnie just stared at her pensively.
"You seemed to know a lot about your father's business. Ikaw ba ang OIC sa main branch ng Vauership? Is that why?"
Magaan siyang natawa. It was her tension at the new question, and relief upon seeing Ronaldo's loose smile, impressed with her.
"Actually, I don't involve myself that much with my father's business."
"Stacey has her own business," Renante proudly chimed in, smiling back at her before shifting his eyes back to Ronaldo. "She's into producing woven bags."
Lalong nagliwanag ang mukha ng matanda.
"That's great!" pagsigla ng boses ni Ronaldo. "Tell me more about it, Stacey. Woven bags? Do you design them yourself?"
Pumaling ang kanyang ngiti.
"My wife loves bags," patuloy ni Ronaldo, halatang ang intensyon ay i-encourage siyang magkwento pa rito. "She'll be delighted if you'll show her some of your products. She might buy them all, I tell you."
Lalong pumaling ang ngiti ni Stacey. Ni hindi na nga umabot ang ngiti sa kanyang mga mata.
"I have an idea," pahabol ni Ronaldo. "What if, you join us for dinner sometime next week? So you'll meet Renante's mother too. You can bring some of your designed bags. What about that?"
Nilipat ni Stacey ang tingin kay Renante. Sa totoo lang, humihingi na siya ng saklolo sa binata. Gusto niyang itigil na ang diskusyin tungkol sa negosyo niya. She wanted Renante to say something like, designing and weaving bags doesn't happen in a snap of a finger. Na imposibleng mapagbigyan ang request ni Ronaldo na magdala siya ng mga bag para sa misis nito.
Mukhang nabasa naman nito ang ibig niyang sabihin...
"Dad, aren't we moving too fast with this... dinner that you're proposing," malumanay na pagitan ni Renante sa palitan nila ni Ronaldo ng usap.
"What too fast? We're just inviting your girlfriend for dinner!" nakangiti pa rin nitong wika.
"Dad, pinagbigyan ka na namin makasama sa lunch. Don't pressure Stace--"
Nagsalubong kay Renante ang mga kilay nito. "What pressure? I am being nice here and you're--" nagpasaklolo na sa kanya si Ronaldo. "Is there something wrong with inviting you for dinner, Stacey?"
She couldn't find the right words. Hindi ito ang gusto niyang kahinatnan ng usapan. Stacey would definitely love to join Renante's family for dinner. But not bring some woven bags for his mother...
"No, Dad. Okay? Maybe some other time," pagpipinal ni Renante
.
.
"WHY DO YOU HAVE TO MENTION THAT?" Sa wakas, nailabas na rin ni Stacey ang saloobin, nasa boses ang pagod nang makasakay sila ng kotse.
They used her red Corvette to get to the golf countryclub. Kasalukuyang nakapatong sa ibabaw ng manibela ang mga kamay ni Stacey.
"Mention what?" salubong ang kilay na lingon sa kanya ni Renante.
"'Yong negosyo ko! Why do you have to mention that to your Dad?" lingon niya rito.
Nagdilim ang anyo nito. Renante didn't like her tone.
"Why? What's wrong? Iyan ba ang dahilan kaya biglang lumamig ka sa akin kanina?"
Pagkatapos kasing humindi ni Renante sa dinner na dadaluhan nila, doon na niya sinimulang huwag ito masyadong pansinin. Lalo na nung dumating na ang mga pagkain nila. At bago pa sila natapos, nagpaalam siyang aalis na kaagad dahil may emergency sa production ng woven bags.
She bade her goodbyes to Rinaldo graciously but Stacey lied about that bit regarding her emergency. Renante knew she was lying too. Pero nakisakay sa kanyang alibi ang lalaki kaya heto sila ngayon.
"Why do you have to mention that?"
"Because you said it yourself, wala kang alam masyado sa negosyo ng tatay mo. Kaya para tigilan na ni Dad ang kakatanong tungkol doon, I told him about your own business!" harap nito ng pagkakaupo sa kanya, pinatong sa ibabaw ng backrest ng driver's seat ang braso. Nakatukod naman ang siko ni Renante sa dulo ng backrest ng kinauupuan nitong shotgun seat. "Akala ko naman nakakatulong ako kanina, masama pala ang loob mo sa ginawa ko!"
"Dapat kasi, hinayaan mo na lang ako!" harap niya sa binata. "Pinapangunahan mo ako."
His lips tightened. She knew that move. Nagpipigil si Renante na may masabing hindi dapat masabi. He winced and after a few seconds of considering, he returned his dark eyes on her.
"Gusto ko lang naman ipagmalaki sa Dad na may sarili kang negosyo. That it's worth talking about more than Vauership. I thought you'll be happy there, talking about the things you're passionately working on."
Iyon na nga iyon eh. Ilang buwan na siyang nawalan ng passion sa paghahabi ng mga bag. Kaya binenta na niya ang negosyo sa makakapagpatuloy niyon. Nawalan man kasi siya ng passion para sa woven bags, gusto pa rin ni Stacey manatiling operational ang negosyo para patuloy na i-promote niyon ang mga gawang Pinoy. Para sa mga taong tumatangkilik. Kahit pa hindi na siya ang nagma-manage niyon.
She wanted to leave this passion already, but leave this industry still thriving in someone else's hands for those who loves and were about to love its art and product.
Binalik na lang niya sa harap ang tingin, tinukuran ang manibela ng siko habang pinipisil-pisil ang sentido.
Dama niya ang pag-ayos ni Renante sa kinauupuan nito. Mabigat pa rin ang atmosphere sa loob ng sasakyan. Nakakatensyon ang namumuong katahimikan sa pagitan nila.
Hay, heto na naman sila at nag-aaway.
"Umuwi na tayo, Stace," malamig na wika ni Renante, diretso sa harap ang tingin.
Stacey flinched and slightly shook her head. Matapos ang ilang minutong paghinga ng malalim at paghahanda, tumuwid na rin siya ng upo. She started the car and drove them home.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro