Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Six - Getting On Her In-Laws' Good Side

PAGKATAPOS MAG-HEART-TO-HEART TALK, ini-briefing na si Stacey ni Kylie tungkol sa kung paano pakikitunguhan at makaka-good shot sa nanay ni Renante. Saktong nagkukwentuhan na lang sila tungkol sa kanya-kanyang pinagkakaabalahang trabaho nang dumating si Paige.

Suot ni Paige ang usual nitong istilo ng pananamit na may cream at light brown color combination— for this occasion, she wore a cream-colored turtle-neck sleeveless crocheted top and mocha-colored high-waisted straight pants. Nakaladlad ang maikli at unat nitong buhok.

Habang paupo ang babae, tinapunan nito ng nagtatakang tingin si Kylie. Mabilis na napansin ni Stacey ang pagkukwestiyon sa mga mata ng babae.

"This is Kylie, my best friend," pakilala niya sa kalapit. Pagkatapos, inilipat naman niya ang tingin kay Kylie. "Kylie, this is—"

Natigilan siya dahil nagningning ang mga mata ni Kylie. Bahagyang nakaawang pa ang mga labi nito habang manghang-manghang nakatitig kay Paige.

"H-Hi, Paige Uychengco..." she almost sighed dreamily.

Paige remained poker-faced.

"Hi, Kylie."

Kylie gave Stacey a look, asking for her approval. Wala namang ideya si Stacey kung ano ang gustong sabihin ni Kylie kay Paige pero nagtiwala na lang siya sa kaibigan at tumango bilang sagot dito. Masayang ibinalik ni Kylie ang tingin kay Paige.

"Paige, I love your works!" Kylie declared, suppressing her fangirling squeal.

Paige remained composed and emotionless.

"Thank you."

"I bought that bunny print from your online shop! Naka-frame sa kwarto ko," kwento ni Kylie.

Stacey just watched the two of them. Medyo naiinggit siya kay Kylie dahil magaling itong kumilala ng mga tao. Kaya heto at may naiisip na conversation starters. Stacey has never been really that interested with people, with knowing the people around her because she thought she's already okay being the lone wolf... being alone and independent.

For Stacey, trying to get to know people before meeting them would be like stalking them, which reminds her of having a stalker that traumatized her back in college. And trying to get to know people in action would be like chasing them, which reminds her of chasing renante and her mother before because she craved for their attention and affection. Kaya heto siya ngayon, hindi niya alam kung paano magsisimula ng conversation kahit siya ang nakaisip ng get-together na ito. Meeting people in personal is very different from meeting people because you have an agenda at the back of your mind.

Nasa kalagitnaan ng pagpuri si Kylie sa tinutukoy nitong 'bunny print' nang matanaw ni Stacey mula sa malayo ang nanay ni Renante.

Luz wore her usual white dress ensemble. This time it is a round-necked dress with short sleeves that slightly hugged her round figure. May pearl bracelet ang ginang at hawak nito ng dalawang kamay sa tapat ng ilalim ng dibdib nito ang maliit na puting handbag. She had her hair tied in a low bun. Her make-up was softly applied and made her serene beauty pop out, but failed to hide some of the fine lines on her face.

Tatayo na sana si Stacey para sunduin ang ginang mula sa entrance ng café, kaya lang, natigilan siya nang mapatingin ito sa kanyang direksyon. Stacey gave Luz an inviting smile. Siyang lakad ng ginang patungo sa kanilang table.

"Sobrang liit ng bunny sa artprint na iyon, pero iyon ang una kong napansin," patuloy ni Kylie habang tahimik na nakikinig lang dito ang walang karea-reaksyong si Paige. "At iyong malaking puno ng acacia na main subject ng art at nasa center? Sobrang ganda. Ang realistic ng dating kahit may fusion ng 90s anime artstyle a.k.a vaporwave iyong artwork." Paige gently smiled at Kylie. "Thank you for noticing the bunny."

Napatingin si Stacey kay Paige nang maulinigan ang sinabi nito. Nagliwanag naman ang mukha ni Kylie sa komento ng babae.

"OMG!" kinikilig nitong pagpipigil na namang mapatili. "Sabi na nga ba! Sobrang importante rin ng white bunny na nasa artwork na iyon!"

"That bunny is me," Paige said, lowering her head and staring blankly at the table. "In my personal life, people rarely notice me. It is as if, I am just a small detail behind an artwork."

Napatitig si Stacey sa babae. She's being very attentive, dahil ito ang unang beses na nag-open up si Paige tungkol sa sarili nito.

"And that big tree..." mahinahon nitong patuloy sa mahinhin ngunit matatag nitong boses, "...is Ronnie."

Kylie sharply inhaled and leaned on her side of the table. "Bakit puno?"

Ngumiti ulit si Paige.

"Because like a tree, he grows... He grows as a person each day, each year. And I am that bunny on the background, watching his growth in awe."

"That's so sweet," matamis na ngiti ni Kylie habang titig na titig kay Paige.

Nahihiyang napailing lang ang babae. Aksidenteng napatingin ito sa kanya nang mag-angat ng ulo. Bumalik tuloy ang pagiging seryoso ng mukha nito.

"Stacey," she warned, "whatever you heard—"

Stacey made a zippering-the-mouth gesture then, smiled knowingly at Paige. Dahil doon, umaliwalas na ang mukha nito pero hindi katulad kanina na tila sobrang in-love ito habang inaalala si Ronnie.

Saktong nakalapit na si Luz sa kanilang table. Tumayo silang tatlo para makipag-beso sa ginang bago sila halos sabay-sabay na umupo.

And the rest of the evening went well. Tulad ng usapan nila ni Kylie, ang kanyang kaibigan ang naghahain ng mga conversation starters at ice breakers. Dahil doon, walang naa-out of place sa mga topic na pinagkukwentuhan nila. Stacey would sometimes steal a glance at Kylie and smile gratefully. Because Kylie is really helping her so much to get closer to her future in-laws.

Drinks na lang ang natitira sa kanilang table nang pasimple siyang tapunan ng makahulugang tingin ni Kylie. Kumabog ang kanyang dibdib dahil alam niya ang ibig sabihin nito. Napagkasunduan kasi nila ni Kylie na bibigyan siya nito ng cue kapag sisimulan na niyang kausapin nang solo ang isa kina Luz at Paige. Kailangan niyang gawin ito para maging close sa mga importanteng tao sa buhay ni Renante.

Stacey gave Kylie a quick nod and a nervous smile. Ibinalik agad ni Kylie ang tingin kay Paige.

"By the way, Paige, are you open for collabs?"

Namilog ang mga mata ng babae. "Collab?"

"Oo. I told you, nagdidigital art din ako." Pagkatapos nilingon ni Kylie si Luz at nginitian. Nang dumako ang tingin ni Kylie sa kanya, alam niyang nagbibigay na ito ng signal na kausapin niya ang nanay ni Renante.

Stacey swallowed. This is it.

Bumalik na kay Paige ang atensyon ni Kylie. "Magaling ka kasi sa small details. I wanted to draw something na may feudal japan na theme pero..."

Stacey glanced at Luz. Saglit itong nakatitig kina Kylie at Paige, nakangiting nakikinig sa dalawa kahit halatang hindi ito maka-relate sa pinag-uusapan ng mga ito. She quietly lowered her head. She was about to pinch the straw dipped in a tall glass of ice tea, when she felt her stare. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang ginang.

"Are you enjoying the place?" tanong ni Stacey dito.

"Of course," nakangiti nitong wika kahit tila may lungkot sa mga mata nito.

"You're quiet most of the time. Is it because madaldal si Kylie at hindi kayo makasingit?" magaan niyang biro rito.

Luz gently chuckled. "I don't mind. Hindi ko rin naman alam kung ano ang ikukwento o sasabihin."

"Hindi ho ba kayo sanay sa tsismisan namin?"

Tuwid pa rin ang postura ng ginang, pero tumingin sa ibaba ang mga mata nito. Blangko na nakatitig ang mga ito sa mesa.

"After a very long time, Stacey, ngayon lang ako nagkaroon ng mga kasamang lumabas para mag-bonding."

Natulala siya saglit sa ginang dahil naalala niya ang sinabi noon ni Renante.

"All these years, your mother kept insisting that it is my mother's fault your tito died. My mother suffered for it. Your mother influenced everyone in their circle of friends to blame my mom and everyone should stay away from her."

Lumiit ang kanyang ngiti nang hindi sinasadya.

"And you're all younger than me, so, I really have no idea what you really are interested to talk about."

"Ganoon po ba talaga kapag may married life na?" tanong niya rito. Stacey just wanted to know if what Renante said about Luz was true. "Nawawalan na ng time para lumabas at mamasyal kasama ang mga kaibigan?"

Napatitig sa kanya si Luz. There seemed to be an internal debate at the back of her mind, behind her serene face, before she answered.

"Well, ever since I became a housewife... and ever since my kids grew up, I have so much time. But friends..." Ngumiti lang ito at hindi na itinuloy pa ang sasabihin. But Stacey get the context of that smile. Luz just could not say it, but she doesn't have friends.

Naalala tuloy niya noong nakita ang ginang na nagsha-shopping mag-isa, at noong nag-surprise visit ito sa Hibla na katulong lang ang kasama.

Does this mean, Renante was telling the truth? Siniraan ba talaga ng nanay ko si Tita Luz... kaya lagi siyang mag-isa simula nang mamatay si Tito Manuel?

"Tita Luz!" singit ni Kylie sa kanilang usapan. Napansin kasi nito na kapwa sila natahimik.

Stacey and Luz turned to Kylie's direction. Nakatingin na rin sa kanilang dalawa si Paige na may maliit na ngiti sa mga labi.

"Nabalitaan niyo po ba iyong launch ng bagong bags from Louis Vuitton?"

Nagliwanag ang mukha ng ginang.

"I'm way ahead of you, dear. Mine is being shipped na rito sa Pilipinas."

Kylie gasped excitedly. "Oh, really?" Tumayo ito agad at nakipagpalitan sa kanya ng upuan para makapwesto sa tapat ng kinauupuan ni Luz. "Ano'ng design ang kinuha mo?"

Pagkaupo ni Stacey sa upuan ni Kylie, inilipat niya ang tingin kay Paige. Maaliwalas na ang mukha ng babae. Mukhang nag-enjoy ito makipag-usap kay Kylie tungkol sa art collab nila.

This is good. It means, mas maayos ko na siyang makakausap dahil pinaganda ni Kylie ang mood niya.

"Paige," tawag niya sa babae.

Nang lingunin siya nito, kapansin-pansing hindi sumungit o biglang sumeryoso ang mukha ng dalaga. Nanatili ang maliit na ngiti sa mga labi nito.

"Hm?"

"What's your inspiration for the Rosa Cobra design?"

Magaan pa rin ang ekspresyon sa mukha nito kahit kumupas bigla ang ngiti nito. "Wala na tayo sa VVatch. Do we still need to talk about work here?"

"Come on," ngiti niya rito. "Kanina lang, work ang pinag-uusapan niyo ni Kylie, eh."

"Hindi lang naman kasi work ang tingin ko sa digital art na ginagawa ko," taas nito ng isang kilay. Hindi ninerbiyos doon si Stacey dahil maaliwalas pa rin ang hitsura ni Paige at pabiro ang sarkasmo sa tono ng pananalita nito.

"I know. That's why I just want to know what's the inspiration behind your Rosa Cobra design."

"I just noticed," tuluyan na itong humarap ng pagkakaupo sa kanya at inignora ang pakikinig sa kwentuhan nila Kylie at Luz, "simula nang makita mo ang design, sobrang interested ka na rito. You even want to include it in our next release of latest wristwatch models."

"Yes," amin niya. "There's just something about that design. The details... parang hindi lang siya basta from imagination. It is as if... it is inspired from something... or someone."
Paige smiled meaningfully.

"The inspiration behind the design... is the man that I love."

Stacey was stunned in a nervous way by that answer.

"... the man that I love..." Paige's voice echoed in her head.

Si Pierre? Naguguluhang tanong ni Stacey sa sarili.

"The man you love... and you still love?"

Tumaas ang isa nitong kilay. She looked genuinely curious, not pissed off.

"Ano'ng klaseng tanon iyan, Stacey? Of course, I still love Ronnie." At pasimpleng nagnakaw ito ng tingin kay Luz na naaaliw sa pakikipagkuwentuhan kay Kylie bago nito mabilis na ibinalik ang naguguluhang tingin sa kanya.

"How come?" paling ang ngiti niyang tanong dito. Mas pinili ni Stacey ang manatiling nakangiti para hindi masamain ni Paige ang kanyang itatanong. "I mean, how come a rose and two snakes represent... or is inspired by Ronnie? Akala ko ba... puno siya?" Ang ibig sabihin niya sa 'puno' ay ang binanggit ni Paige kanina na may artwork ito kung saan ito ang kuneho at si Ronnie ang puno.

Ngumiti lang nang makahulugan si Paige at inangat ang tall glass nito ng iced coffee.

"Secret," sagot nito bago sumisipsip ng inumin gamit ang straw nito.

.

.

RONNIE'S OFFICE WAS DARK. Ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang maliit na bumbilya sa kisame na malamlam na sinag at nakatutok lamang sa desk nito. Bukod doon, nakatutok sa mukha ng lalaki ang nakakasilaw na liwanag mula sa bukas nitong laptop.

Folders in random thickness were stacked neatly on the other side of the desk.

Nakatitig pa rin sa laptop screen si Ronnie nang mag-ring ang cordless phone nito sa mesa. He ignored the first two calls because based on their office hours, they are already closed at 10 in the evening. But on the third call, he grunted as he sat straight and picked up the phone.

"Hello?" kunot-noo nitong saad, naniningkit ang mga mata sa likod ng suot nitong reading glasses na may anti-radiation feature.

Ronnie, it's me, Stace.

He almost held his breath. Binundol ng kaba ang dibdib ng lalaki.

"What happened to Renante?"

What happened? naguguluhang balik ni Stacey sa tanong ni Ronnie.

Lalong nagsuspetsa ang lalaki dahil parang hinihinaan ng babae ang boses nito sa kabilang-linya. Iyong tipo ng pananalita na ginagawa ng isang tao kapag ayaw nitong mag-ingay o marinig ng ibang tao.

He shook his head and felt impatient.

"Just tell me why you called," he gritted.

Ronnie, alas-diyes na. Hindi ka pa ba uuwi rito sa bahay niyo?

"What are you now? My mother?" he snapped in a hushed tone. "At ano'ng... nandiyan ka sa bahay namin?"

Stacey paused for a while before she managed to answer him.

Yes. Sinamahan ko kasing umuwi rito si Tita Luz.

Nalipat ang pag-aalala ni Ronnie mula kay Renante patungo sa ina nito.

"Bakit? What happened to my mother? Hindi ba may sarili siyang driver? May nangyari bang masama kay Manong Tony?"

Wala, okay? Walang nangyaring masama sa kahit na sino, Ronnie. Bakit ba iyong mga tanong mo parang ang dating, tinatawagan ka lang ng mga tao kapag may problema?

Napasandal na lang ang lalaki sa swivel chair nito at napisil ang espasyo sa pagitan ng mga kilay nito.

"Just tell me why you called," he groaned.

Umuwi ka na rito. May gusto lang akong itanong sa'yo.

"Ngayon mo na itanong. Pwede ba iyon, Stacey?"

At kasunod nito ang pagtataka ni Ronnie sa loob-loob nito kung nasaan na si Renante. Hindi pa ba nito hinahanap si Stacey nang ganitong oras?

No. Gusto kong makausap kita nang personal. Please.

He sighed. It must be something about his brother again. Ronnie decided to see what he can do to help, hindi dahil sa palagay na ang loob niya kay Stacey. He's going to do this for his brother.

"Alright. Uuwi na ako."

Iyon lang at nagmamadaling nagpaalam ang babae bago nito ibinaba ang telepono sa mansyon ng mga Villaluz na ginamit nito.

Ronnie left the folders on his desk. Maayos niyang tiniklop ang laptop at isinilid ito sa itim nitong sleeve bago binibitbit kasama niya palabas ng opisina. His black Toyota Corolla Sport appeared on the road as soon as it got out of VSMI building's basement parking.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro