Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Seven - Questionable

KUNG KINAKABAHAN SI STACEY sa ideya na kakausapin niya si Ronnie tungkol kay Paige, mas lalo siyang kinabahan nang makita ito sa mansyon.

Tumayo siya agad mula sa pagkakaupo sa sofa at inabangang makalapit ito sa kanya.

"Follow me," lingon nito saglit sa kanya habang tuloy-tuloy sa paglakad.

Lumagpas na ito sa salas at pumanhik sa grand stairs, kaya nagmamadaling sumunod si Stacey dito.

Kanina, pagkatapos nila magdinner, naunang magpaalam si Kylie na uuwi na. Kaya silang tatlo ang tumuloy sa balak nilang saglitin ang mga shops sa mall at mamili nang kaunti bago umuwi.

After buying a little bit of this and that, Paige received a message regarding her latest art commission. May pinapapulido ang kliyente raw nito at kailangan nang maagapan kaya nagpaalam si Paige sa kanilang dalawa. Stacey and Luz decided to go home as well. Pero dahil gusto pa niyang mapalapit at makuha ang loob ng nanay ni Renante, nag-presenta si Stacey na sumama sa ginang sa pag-uwi at samahan itong maghapunan. They bought a cake for dessert then went straight to the mansion.

Nagpaalam saglit si Luz na magbibihis kaya naiwan sa salas si Stacey. Sa kahihintay, naabutan na siya roon ng napadaan na si Ronaldo, ang ama nila Renante. Nagbatian sila at tinanong niya rito kung nakauwi na ba si Ronnie. Ang sagot nito ay hindi pa. 'Tapos, niyaya siya nitong sumabay na rito sa pagpunta sa dining room, pero tumanggi si Stacey at idinahilan na ipinangako niya kay Luz na hihintayin ito sa salas. Hindi na siya kinulit ni Ronaldo at tumuloy na ito sa dining room.

Nang maiwang mag-isa na naman, doon na niya sinamantala ang pagkakataon para tumawag sa opisina ni Ronnie. Nakalista kasi sa phonebook katabi ng telepono sa mansyon ang numero nito.

At ngayon, heto at idinala siya ng lalaki sa office room ng bahay.

Inilapag nito sa desk ang bitbit na smartphone at laptop na nasa loob ng sleeve nito. Then, Ronnie faced her.

"What is it?"

Stacey took in a deep breath.

"Look, I just want to ask some questions. I am just concerned, okay?"

"Concerned about what?"

Parang ang awkward naman kung direkta kong sasabihin na concerned ako sa kanya.

Tinatagan ni Stacey ang hitsura.

"Kapatid ka ni Renante kaya, concerned ako sa'yo."

Ronnie did not smile. Nanatili itong nakasimangot at tinanggal ang reading glasses na suot. Isinabit ito ng lalaki sa bandang gitna ng kwelyuhan ng suot nitong button-down polo na ash blue.

"Okay," walang latoy nitong saad.

"You know the Rosa Cobra design? Iyong ginawang design ni Paige para sa isa sa mga wristwatch ng VVatch?"

Nagsalubong ang mga kilay nito at itinukod ang mga kamay sa desk. Dahil nakatalikod dito si Ronnie, bahagyang napaliyad ito habang isinasandal sa desk ang likuran ng mga hita.

"What about it?"

Napalunok siya.

How would Ronnie feel, if he hears something that will make him doubt his girlfriend's loyalty?

Parang naninikip na ang dibdib niya.

I know, this should not come from me... Pero baka lalo akong kainisan ni Ronnie kapag nagsawalang-kibo ako. Dahil imposibleng hindi niya malaman kung ano ang totoo. At imposibleng hindi niya malaman na may ideya ako tungkol sa sasabihin ko ngayon sa kanya...

Stacey finally had the courage to reply. "Paige said, the design is inspired by the man she loves."

Nabawasan ang pagkakasimangot ni Ronnie. Umaliwalas man ang mukha nito, hindi pa rin sapat ang mga narinig nito para mapangiti man lang.

Stacey waited but what he gave her was silence. Lalo tuloy siyang kinabahan.

Wala siyang masabi. He's probably clueless kung ano ang kinalaman niya sa Rosa Cobra design. Kung paanong siya ang naging inspiration ni Paige para gawin ang design na iyon!

Stacey kept studying the expression on Ronnie's face.

Nawala ang pagkakasimangot niya... But he doesn't look happy. Maybe, I surprised him.

"Ronnie—"

Napatigil si Stacey dahil hindi sinasadyang nasabayan nito ang kanyang pagsasalita.

"And what about it?"

Natatakot siyang sabihin dito na hindi maganda ang kutob niya tungkol sa Rosa Cobra design. Ayaw niyang sabihin kay Ronnie na isang tao lang ang alam niyang pwedeng i-link sa design na iyon...

Si Pierre, at ang tattoo nito na sa tagong parte ng katawan lang pwedeng makita...

"I... I just want to know kung paanong ikaw ang naging inspiration ng ganoong klase ng design..." ngiwi niya.

Damn, I really can't tell him!

Sumimangot ulit ito. Nababasa ni Stacey na naka-plaster ang malaking Are You Kidding Me? sa gusot nitong mukha.

"Why don't you ask Paige? Magkatrabaho kayo sa VVatch, right?"

Tumalikod na ito at inilabas ang laptop mula sa sleeve nito bago inilapag sa desk.

"Just answer my question."

Hinarap siya ng lalaki. He looked pretty fed up of her and their pointless conversation.

"Diretsahin mo na lang ako, Stacey. What bothers you about that design? Why are you so curious about the inspiration behind it? Is it because of you being a maverick? Dahil sawa ka na sa pagnenegosyo kaya interesado ka nang pasukin ang art industry?"

Natulala na lang si Stacey sa lalaki. He actually helped her come up with an alibi and she could not believe it.

"Yes," mahina niyang sagot.

Medyo nabawasan ang kaba niya nang matanggal ang pagkakasimangot nito.

"Do you want to ask me a favor? Kung paano ka magiging close kay Paige? Para makakuha ka ng insight kung paano maging artist o designer na tulad niya?"

Actually, I have designed my own bags at Hibla before so, I don't really need a designing mentor...

"Yes..." pigil hininga niyang sagot. "At magagawa ko lang iyon kung... kung sasabihin mo sa akin kung paanong ikaw ang naging inspiration sa Rosa Cobra design niya."

Tumaas ang isang kilay ni Ronnie.

"She probably already told you that I am the inspiration behind it. Why don't take her word for it?" Itinukod nito ang isang kamay sa balakang. "What are you really up to?"

She mustered up all courage.

"Ayoko manira ng relationship. It's just that... hindi kasi ako sure.... Gusto ko lang makasigurado na maayos ang relationship ninyo ni Paige..."

Ronnie groaned impatiently. And damn, Stacey hates it when someone is displaying an attitude towards her.

"Look!" mariin niyang saad. "Paige just said that her inspiration for Rosa Cobra's design is the man that she loves, that she still loves..." Hindi mapigilan ni Stacey ang mapabuntonghininga nang mabigat bago nagpatuloy, "...and it's bothering me because..."

Ronnie crossed his arms, giving her a narrow-eyed look as he waited for her to get to the point.

Stacey swallowed. "Because I saw the exact same design on someone else's tattoo."

There! I finally said it! Stacey subtly puffed a breath.

Ikinalas ni Ronnie ang mga brasong nakaekis sa dibdib nito at inabot ang pinakataas na butones ng polo nito. Namilog ang kanyang mga mata habang pinapanood ang mabilis nitong pagtatanggal ng pang-itaas nito.

"Whoa," atras niya kasabay ng pagrehistro ng galit sa kanyang mukha. "What the hell are you doing?!"

Kumo-quota na kasi siya sa dami ng lalaking naghuhubad sa harapan niya sa week na ito. First, Pierre, and now, Ronnie? Renante would always be an exemption pero bakit itong dalawang ito na hindi naman niya kaano-ano...

Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"Ronnie!" she seethed as he tossed his shirt in the air. Dahil sa pagkataranta at pagkalito, she accidentally blurted, "Just tell me na may ganoon kang tattoo, hindi iyong ipapakita mo pa sa akin!"

Bago pa naka-react si Stacey, tinatanggal na nito ang butones ng suot na pantalon.

Natanggal na ang butones sa pantalon ni Ronnie bago nag-sink in dito kung ano ang huli niyang sinabi. Natigilan tuloy ito at napatingin sa kanya.

"Ronald—" a voice chimed in coming from the door that just opened.

Gulat na napasinghap siya nang malingunang nakasilip doon si Luz.

At tulad ni Stacey, gulat na gulat din ang matanda.

.

.

ONE HOUR EARLIER...

ABALA si Renante sa harap ng laptop nito. Nakaupo siya sa desk sa loob ng kwarto ng namayapang Tito Manuel ni Stacey. Ever since he moved in with her in this bungalow, he had been using this bedroom.

Oo, pwede naman sila magsama ni Stacey sa iisang kwarto. Pero mas pinili nilang mag kanya-kanya ng kwarto dahil alam nilang mapapadalas ang ganitong scenario na kahit oras na ng tulog o pahinga, nagtatrabaho pa rin si Renante. He would occasionally have some phone calls, make inquiries related with purchasing and price canvasing, at ang walang katapusang ingay ng pagtitipa nito sa laptop o pagki-click ng mouse. He wouldn't want to disturb Stacey's sleep with that. He also didn't want to disturb her sleep by making late hours and early morning movements on her bed.

Kaya kahit alam ni Renante na ginagamit niya ngayon ang kwarto ng lalaki na nagpakamatay daw dahil sa kanyang nanay, he had to make do with this set-up.

Sobrang focused na siya sa pakikipag-coordinate sa freelance web developer tungkol sa mga ipapabago sa online shop ng VVatch nang mag-ring ang kanyang smartphone.

He ignored it until the smartphone stopped ringing. Pero nang muling mag-ring ito, nagpaalam muna siya sa video chat na web developer, ini-mute ang kanyang microphone at ini-off ang web cam bago sinagot ang tawag.

"Mom?" kunot-noo niyang sagot sa tawag ni Luz.

Hi, Renante. How are you?

He took in a deep breath. Akala niya kasama nito sila Stacey at Paige para mag-café?

Hinagilap ng kanyang paningin ang maliit na orasan sa sulok ng screen ng bukas niyang laptop. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas-diyes na ng gabi!
Ibinalik niya ang atensyon sa kausap sa smartphone.

"I'm good. Ir's already ten, so I bet you're home now. Do you want to check kung nakauwi na rito si Stacey?"

Well, no, because she's here in the house.

Lalong nagsalabit ang kanyang mga kilay.

"Hinatid ka niya? Why? What happened to Manong Tony?" tukoy niya sa driver ng kanyang mga magulang.

Manong Tony is alright, hijo. We are just going to have a midnight dinner here. Come and join us.

Napasandal si Renante sa kinauupuan.

Should I say yes? he thought. What if, pinapapayag ako ni Mom para mapilit niya si Stacey mag-midnight dinner sa bahay kahit ayaw ng girlfriend ko? What if, it's Stacey who came up with this idea at dapat ako maki-cooperate rito?

Renante internally sighed.

A few minutes later and he was already dressed up in jeans and black short-sleeved polo with a red dragon embroidered beautifully at the back.

He was spritzing on some perfume as he check how he looked in the mirror, then headed to the door and slipped in his brown leather boat shoes.

Pagkarating sa mansyon, saktong padaan sa salas ang isa sa mga katulong.

"Hi," bati ni Renante rito. "Narito raw ang girlfriend ko? Si Stacey?" He had to elaborate, hindi kasi sigurado si Renante kung matatandaan ng mga katulong si Stacey lalo na at hindi naman ito madalas napapadpad sa bahay na ito.

From simple curiosity, the maid's facial expression gradually lightened up.

"Ah, opo, Sir! Sabay sila dumating dito ni Ma'am Luz!"

Renante was relieved by the maid's response. He looked around before returning his eyes on her.

"Then, they must be in the dining room now?"

"Si Sir Ronaldo pa lang po, Sir Renante," sagot nito. "Si Ma'am Stacey nakita ko kanina na nakasunod kay Sir Ronnie paakyat sa hagdan."

Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata.

Ronnie. Is he going to roast Stacey again?

"Sige. Pupuntahan ko muna sila. Salamat."

Hindi na niya hinintay pa ang isasagot ng katulong. Pumanhik na si Renante sa hagdan.

Saktong nakita niya sa pasilyo si Luz. Pinanood niya saglit ang ina habang binubuksan ang pinto sa office room.

Kitang-kita niyang maaliwalas ang mukha ni Luz. As soon as the door opened, the old woman peeked and called.

"Ronald—"

Kinabahan siya nang ganoon kabilis na naputol ang boses ng kanyang nanay. Nanigas ito bigla sa kinatatayuan at nanlaki sa sindak ang mga mata.

Nagmamadaling sumaklolo si Renante rito. He placed his hands on Luz' shoulders as he stood by her side.

"Mom, what happ—" hindi natuloy ang kanyang sasabihin dahil habang nagsasalita, napagawi ang tingin niya sa bukas na pinto.

He saw what's inside the office room— Ronnie half-naked in front of Stacey. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro