Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One - Not Yet

WHAT HAPPENS WHEN YOU FINALLY GET THE MAN YOU WANT? Obviously, you become exclusively in a relationship. You go on dates. You go on trips together. And eventually, you come to a conversation about moving in with each other or getting married.

In Stacey's case, Renante only showed up in front of her gate with his bags.

"I want to live with you," desididong wika nito nang pagbuksan ni Stacey ng gate.

Stacey held her breath, eyed on his shiny black car before returning her gaze upon him.

Kahit malamlam ang ilaw mula sa kalapit na poste, malinaw na malinaw pa rin sa kanya kung gaano kagwapo si Renante. She pulled a hesitant smile before turning her back on him.

"Sa loob na natin pag-usapan 'yan," aniya bago nalapitan ang gate.

Nang makapasok ang kotse ni Renante, sinamahan siya nito pabalik sa gate. Tinulungan siya nitong isara ang mga iyon. They pushed the gates until its two doors met in the middle.

And so did they. Nagkatitigan sila saglit bago siya ang unang nagbawi ng tingin. Ni-lock ni Stacey ang gate.

"Bakit naman bigla-bigla? You haven't even asked me. You haven't even given me a heads up."

Pabalik na sila sa kotse.

"It's the spur of the moment," Renante answered casually.

"Baliw ka!" natatawang panlalaki ng mga mata nito sa nobyo.

Nobyo... ang sarap namang pakinggan niyon. She still could not believe that this man with jet-black hair brushed up carelessly with his fingers; this man with a piercing gaze who wore a pair of tight faded jeans and white polo shirt is all hers.

Stacey smiled as Renante popped the car trunk open. Lumantad ang naglalakihang bag at maleta ng mga gamit nito.

"Is that all?" pamewang niya nang tabihan ito.

Renante glanced at her then back to his things. "That's all of it. 'Yong iba, nasa loob ng kotse."

Mula sa bintana sa likuran ng kotse nito, ang naaninagan lang ni Stacey ay tatlong backpack, isang document bag, at isang laptop bag.

"You did not bring too much."

"I don't have that much," labas nito sa isang maleta.

"Let me help you," she presented and held one of those big sports bags.

Pinagtulungan nilang ipasok sa kanyang bahay ang mga gamit ni Renante. Nang matapos, magkatabi nilang pinagmasdan ang mga iyon sa sahig habang nakaupo sa sofa. Her boyfriend outstretched his arm over the top of the sofa's backrest sitting with his legs widely parted. Stacey, on the other hand, was cuddled under his arm. Komportableng nakadantay ang kanyang ulo sa balikat nito, habang yakap niya ang isang binti na nakataas sa upuan.

"You can tell me to get my own place," anito.

"Nah. I lowkey like to be with you in this house, Renante," she wore a satisfied smile and soft gaze. "Nahihiya lang akong yayain ka."

"Don't tell me the reason is, dahil babae ka? Kasi, hindi ako maniniwala."

She chuckled lowly. "Matagal mo na akong kilala. Alam ko, hindi ito ang ineexpect mo sa akin. You're expecting me to be very vocal and brave about the things that I want but, surprise, nahihiya rin ako. Walang kinalaman dito 'yong babae ako at lalaki ka kaya ikaw dapat ang mag-initiate na mag-live in tayo. It's just that..." Stacey smiled small as she shrugged.

"Just as I thought. You're just shy. I am not really surprised at all. It took you years to admit it to me that you want me," may himig ng panunukso sa boses nito.

Tinampal niya ito sa braso. Nagkatinginan tuloy sila. Renante was filled with shock. Samantalang si Stacey naman ay pabiro ang paninindak dito gamit ang nanlilisik na mga mata.

"Aba, kahit papaano may pride din ako! Tapos, alam ko pang ibang babae ang gusto mo—"

Pumulupot sa isang mahigpit na yakap ang mga braso nito. Natatawang nilapat ni Renante ang pisngi sa gilid ng kanyang ulo.

"We're already past that." Mabilis na bumalik sa kasalukuyan ang topic. "I am glad you're cool with letting me stay here."

"Oo naman, no. Pero hati pa rin tayo sa expenses," tingala niya rito sabay paltik ng hintuturo sa baba nito.

"Of course," he beamed at her.

Of course, everyone assumed that what followed that was their happily ever after.

But as usual... not yet.

Thirty-minutes after cuddling and chatting in that sofa, their first problem arrived.

"Saan mo dadalhin 'yang mga gamit mo?" habol ni Stacey kay Renante.

Naglipat na sila ng ilan sa mga gamit ng binata sa kanyang kwarto. Babalikan na lang nila ang ilan pang naiwan sa salas nang damputin ni Renante ang isa sa mga maleta. Hinila iyon nito palabas ng kanyang kwarto.

"Renante!" salubong na ng mga kilay niya. Hindi kasi siya sinasagot o pinapansin man lang ng lalaki.

Huminto si Renante sa tapat ng kabilang kwarto.

"You don't want to share my room?" matapang ang labas ng kanyang boses, pero sa loob-loob naghahalo ang kaba at pagkalito... ang maliit na pagkabasag.

Ayaw ba siyang katabi ni Renante sa pagtulog?

He turned his head to her. "I want this room."

Napasimangot siya. "Kwarto 'yan ni Tito Manuel."

"I know. Hindi ba, ito 'yong pinagamit mo sa aking kwarto dati? Nung namomoroblema pa tayo tungkol sa stalker mo?"

For some reason, Stacey stiffened. There was nothing condescending with the way Renante spoke. In fact, he was gentle and low-toned. Nakahalata ang binata. He looked apologetic as he took her arms.

"Sorry," he murmured, caressing the side of her face. "That experience was pretty tough. Hindi ko na dapat pinapaalala pa 'yon sa'yo."

Stacey smiled at him weakly. "It's alright. We can still talk about that incident, but I hope we keep that one as a secret between us."

Tumango ito at tinukod saglit ang noo sa kanyang noo.

"Our secret it is then," he smiled faintly and kissed the tip of her nose.

Lumayo na si Renante at binuksan ang pinto. It clicked open which brightened his face. Tinulak nito ang pinto para lakihan ang pagkakabukas bago binitbit papasok doon ang maleta.

"Renante!" singhap niya at malalaki ang hakbang na sinundan sa loob ng kwarto ang lalaki.

Renante placed the bag beside the bed. He looked around. Naroon pa rin ang magkakapatong na mga canvas ng painting. Nakakalat pa rin ang mga blangkong canvas na nahalo sa tapos nang paintings at sa mga naiwang hindi tapos ng namayapa niyang Tito Manuel.

"Dito na lang tayo matulog."

"Are you crazy?" singhal niya sa nakangiting lalaki. "Ano bang mayroon sa kwarto ko at ayaw mo doon?"

"Why?" Renante scanned the room with his eyes once more. "Komportable naman sa kwartong ito. I also like that there's scattered paintings in here. There's a lot for the eyes to look at." Napunta sa drawer na napapatungan ng mga brush holders at painting materials ang mga mata nito. "There's this cozy charm with this artist studio kind of set-up. You know what I mean?" lingon nito sa kanya.

Stacey gave Renante a bored look. "Kailan ka pa naging concerned sa aesthetics ng kwarto?" She stepped close to him. "Isa pa, I don't want us to sleep here. Imagine, Tito Manuel's ghost in here, seeing us fucking."

Renante's eyes began teasing, matching his devilish smirk. "So, that's your concern kaya nakikipagtalo ka sa kwartong gagamitin natin."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Tigilan mo nga ako, Renante. Be practical. Ang dami nating aayusin sa room na ito. Let's just leave Tito Manuel's stuffs here untouched. Doon na lang tayo sa kwarto ko matulog—" hablot niya sa pulsuhan ni Renante para hilain na ito palabas ng kwarto.

Pero naagapan siya ng lalaki. Sinabayan nito ang paghablot niya sa paghapit nito sa kanyang bewang. Bumunggo siya sa katawan nito nang hilain ng binata palapit. And once she collided with him, there was no way on earth she could distance from him unless he allowed. Naglapit ang kanilang mga mukha, ang ngisi ng binata... it just thrilled her inexplicably. A thrill sent by feeling a sense of delight in danger.

Stacey is this steel that gravitated close to a magnet like Renante. Inangat niya ng kaunti ang ulo habang palapit nang palapit ang kanyang mga labi sa mga labi nito. His eyes watched her inching closer, lips stretching wider before a light chuckle escaped his lips.

"Not yet," he pressed a finger softly on her lips.

Nagsalubong ang mga kilay niya rito.

"If you start kissing me now, you know I'll easily toss everything aside and kiss you back," his eyes probed deeply into hers, his face inched closer to hers. "And when I start kissing, you know that I'll never stop until I get you naked beneath me and scream in orgasm."

Kagat-labing pinasadahan niya na lang ng hagod ang magkabilang mga balikat nito. Pababa hanggang sa humahagod na siya sa bewang ni Renante, pababa sa magkabilang gilid ng mga hita.

Fuck. He's just so good, her heart always yearned to feel him inside her everytime their proximity is this close. Renante up-close is too hot she wanted to tear off her clothes.

"So, what do we do now then?" pailalim niyang titig sa mga mata nito.

He stroked the side of her face with a thumb, while cradling her jaw with the rest of his hand. "Bukas na lang tayo mag-ayos siguro. It's getting late, and I bet, you're tired from this week's workload in your own company." May kalakip na pride sa tono ni Renante. Stacey was well-aware and made aware by how proud he was for her achievements, such as running her own weaved bags business. "Let's just go and get some sleep."

Hindi na tumanggi pa si Stacey nang yayayin ni Renante humiga sa kama na nasa mismong silid na iyon. She scooted closer to Renante, one of her most vulnerable gesture yet, and tucked her head at the crook of his neck. She felt him turn his head, face her direction a bit to plant a soft kiss on the top of her head, close to the forehead.

Napapikit siya sa ginawang iyon ng lalaki. Payapang napangiti habang dinadantay ang braso sa dibdib nito, payakap at nilapat ang palad sa braso nito. She held his upper arm lightly after stroking it a bit against the soft cotton of his shirt.

Then she felt Renante move his head again, faced the ceiling with pensive eyes.

Kumilos ang inuunan niyang braso nito para abutin siya sa balikat. Renante gave her a gently squeeze there before he steadied into a secure hold to keep her in place.

Sunod na pinatong ni Stacey ang binti sa kanyang katabi.

"All these years, it's finally coming true," amin niya sa mahinang boses.

Nanatiling tahimik si Renante, nakikinig. Their closeness brought her ears close to his chest. With his heartbeat so loud, she could hear it at this rate.

"I only dreamed to be beside you this close. Now it's reality," matamis niyang ngiti, pikit-mata.

"And it's forever," Renante confirmed.

Mas siniksik ni Stacey ang sarili kay Renante. Maingat itong tumagilid paharap sa kanya. Ayaw nitong matanggal siya sa pagkakaunan sa braso nito kaya kaunting paga-adjust lang ang ginawa ni Renante para kahti ganoon ang posisyon, maaabot siya ng isa pang braso nito para yakapin din.

Silence blanketed them into a sweet, dreamless sleep.

.

.

.

***

.

.

.

"YOU'RE LIVING TOGETHER. YOU AND RENANTE," ulit ni Kylie sa mga narinig para kumpirmahin mula sa kanya kung tama ba ang narinig.

Kylie's thick, curly blonde-dyed hair was tied up in a voluminous high ponytail. She wore a sky blue button-down blouse with puffed sleeves, partnered with a pair of black jeans and white flat shoes.

"Yes," lingon niya sa kaibigan. "Kaya hindi ka na pwedeng basta-basta na lang nagpupunta d'on."

Stacey tossed aside a stray strand of her side bangs that curtained over her naturally fierce eyes. Her hanging blouse— green and sleeveless— is breathable and comfortable, but her chest still felt tight and heavy. Mas mahigpit pa sa pagkakayakap ng suot niyang puting jeans. She wore a pair of white strap-on heels to go with the whole attire. Her usual pixie cut hair already grown some inches, making their strands reach her collar bones.

Napasimangot ito. "Kailan ba ako pabasta-basta ng punta sa bahay mo? Lagi naman akong nagsasabi. I know you're busy most of the time so, you know." Then, Kylie sighed. "I bet, mas lalo ka nang magiging busy ngayong nasa iisang bahay na lang kayo ni Renante."

"Hindi, no," lingon niya sa kaibigan. "Processing na ang transfer ng ownership ng weaved bags business ko, remember?"

"Oo nga pala," namilog ang mga mata ni Kylie, nagulat dahil nakalimot tungkol sa bagay na iyon. "Is that the reason why Renante moved to your place?" lingon nito sa kanya. "Because you know, that's a good move. Habang wala ka pang pinagkakakitaan, magandang nandiyan siya para tulungan ka sa mga expenses o mag-start ng panibagong—" Nakahalata si Kylie sa pagbagsak ng kanyang anyo kaya naputol ang balak nitong mga sabihin. Napatitig ito sa kanya bago napailing. "Don't tell me..."

Napabuntong-hininga si Stacey. "Wala pa siyang ka-ide-idea na binenta ko na 'yung business ko."

Kylie pursed her lips. Nakatitig lang ito sa kanya, pinag-aralan siya saglit bago binahagi ang reaksyon nito.

"So, bakit naisipan ni Renante na tumira kasama mo sa iisang bahay?"

Napatitig sa kawalan si Stacey. Namamawis na ang kiwi juice na nasa sealed plastic cup na kinalalagyan niyon. Kapwa sila nakaupo sa pangdalawahang table ng isang sweet, dainty aesthetic designed café. Nakapwesto ang table na iyon sa al fresco-designed area ng café na matatagpuan sa rooftop ng isang commercial building. Al fresco ang disenyo kahit nabububungan ang pwestong iyon dahil sa latag ng artificial grass, mga stone arrangements sa sulok-sulok at nagkalat na mga hanging plants at indoor plants. Gawa sa salamin ang bubong ng pwestong iyon na napapailaliman ng siwang-siwang na table ng kahoy, kaya nakakasilip doon ang madilim na pagkakaasul ng langit. Katabi nila ang balkonaheng may white-painted na railing. Hindi sila nabubugbog ng malakas na hangin dahil sa salaming pader niyon. Abot-tanaw sa kanilang pwesto ang nakalatag na imahe ng mga gusali, bahay, establisyemento at umaandar na mga sasakyan sa bawat kalsada. Gatuldok na lamang ang mga tao sa malayo.

As Stacey stared at the view, Kylie's question echoed in every corners of her mind.

"Kung gusto na naman pala niyang tumira kayo sa iisang bahay, why don't he just propose already?"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

Propose?

"Why not, 'di ba?" Kylie blabbered on. "Doon din naman kayo patungo."

Binalik niya ang tingin sa kaibigan. "To be honest, masyado akong na-excite kagabi kaya hindi ko na kinulit pa ng kinulit si Renante kung bakit gusto niyang makitira sa akin."

Siyang iwas ni Stacey ng tingin. Tumanaw siya sa view ng balkonahe at tinuloy ang pagmumuni-muni. Ang sinabi lang niyang dahilan "spur of the moment". What happened to me that night? Why did I buy that kind of reason?

"But relationships are supposed to be open and honest, right?" hilig ni Kylie ng ulo bago sumimsim ng kaunting iced tea.

"I know," harap niya rito. "Ewan ko. Wala yata ako sa sarili kagabi."

Sabay iling niya para ibalik ang tingin sa balkonahe.

I should know why he wanted to live with me all of a sudden.

Magaang tumawa si Kylie. "You know what? Maybe we're just overthinking about it. Renante loves you. It's natural, I think, that his feelings just gets the best of him. Nakakagawa siya ng mga impulsive na bagay sa sobrang pag-admire niya sa'yo."

"Tse!" natatawang saway niya rito bago sumeryoso. "Hindi siya ganoong type ng tao, Kylie. Alam mo naman 'yon."

He doesn't do something that he hasn't weighed on the pros and cons and the consequences of. Renante moves with reason. Hindi pwedeng walang mas mabigat na dahilan kaya nakipag-live in na siya sa akin...

"But what if," nangingiting tukso ni Kylie sa kanya, "falling in love with you changed that for him?"

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin.

I hope... falling in love with me... changes some things for Renante. Changes things into something good...

"Kylie," angat niya ng tingin dito, "salamat pala at sinamahan mo ako rito. Hindi ko talaga alam kung saan magtatago para magkunwaring nasa trabaho ako."

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Renante na binenta mo na 'yong negosyo mo?"

"I'll tell him once I start a new venture," maluwag niyang ngiti sa kaibigan. "In that way, he won't worry too much. Kasi, he'll go like, ah, may bago na naman akong business. So, hindi na magiging problema na nawala 'yung sa weaved bags ko kasi may bago na namang negosyo na pumalit at pinagkakaabalahan ko."

Kylie's eyes softened, making her look more vulnerable, young and sweet. "At gaano katagal naman bago 'yun mangyari? Bago ka magkaroon ng new business?"

"Don't stress yourself about it, Kylie. Ako na ang bahala doon, okay?" at sa wakas, yumuko na si Stacey para sumisipsip sa straw ng kaunting juice.

"Okay," biglang pagbalik sa normal ng hitsura ng kanyang kaibigan. Madali naman itong kausap lagi. Hindi tuloy mapigilan ni Stacey ang mangiti ng kaunti habang palihim na inoobserbahan ang kaibigan.

Kylie lifted her cup and sipped while looking at the view over the balcony.

Kylie was still single but not bothered about that at all. In fact, she seemed more free to do whatever she wants, go wherever she wants. Mukha ring wala itong pinoproblemang kahit ano sa buhay. Walang problema kaya problema na lang ng iba minsan ang pinoproblema nito.

Tulad ng problema niya ngayon.

Stacey felt so sure Renante wouldn't like it once he found out she sold her latest business. He didn't like impracticalities. Gigisahin siya nito sa dami ng itatanong. Tiyak naman niyang hindi katanggap-tanggap sa lalaki kung sasabihin niyang nawalan lang siya ng gana o passion sa paghahabi ng mga bag. Kapag inamin niya iyon, sermon ang aabutin niya. And to be honest, she didn't want to deal with that anymore.

They always argue since the day they first met that she got used to it, but at this point, Stacey wanted to break that pattern. Nakakapagod na 'yong pagiging aso at pusa nila lalo na nung naranasan niya kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag hindi galit sa kanya si Renante. Kapag wala itong ibang ginagawa kundi ang maging sweet sa kanya at alagaan siya... Why would she ever want to be in an argument with her man if his loving felt much better and exciting than that?

Then her mind bounced back to her problem. Gaano katagal siyang magpapanggap sa lalaki? Mas lalong naging mahirap pang gawin iyon ngayong nasa iisang bahay na lang sila nakatira.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro