Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Three - Elapse

SATURDAY EVENING. Sinilip ni Stacey si Renante na kuwarto nito. Nagtaka siya dahil nadatnan niyang nagsisintas ito ng sapatos at gayak na gayak. Wala naman kasi silang usapan ng lalaki na may lakad ito sa ganitong oras.

Naramdaman naman ni Renante ang kanyang presensiya. Tumigil ito saglit sa ginagawa at lumingon sa kanyang direksiyon.

"I'm going to meet Ronnie. I need his advice regarding our current wristwatch collection."

Stacey lowered her eyes and nodded. Kahit weekends at trabaho ang inaatupag ni Renante ay ayos lang sa kanya. Nauunawaan niya dahil alam niya ang pakiramdam ng isang CEO sa startup stage ng negosyo nito.

"Well then, I guess, I'm allowed to go out tonight and meet Kylie."

"Sure," Renante shrugged. Pagkatapos, ibinalik na nito ang tingin sa sinisintas na puting sneakers.

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki. He donned a casual look by wearing a pair of jeans, white sneakers, a green short-sleeved shirt, and a wristwatch. His hair was combed neatly with a few strands touching his forehead.

"I'll get ready now. Drive safely." Iyon lang ang sinabi niya bago siya bumalik sa sariling kuwarto.

Pagkasara ng pinto, hinarap ni Stacey ang kama kung saan naghihintay na sa kanya ang nakalapag doon na naka-hanger na dress at isang pares ng high heels. The dress has a sequin surface that carried a brilliant sparkly gold color that didn't hurt the eyes. Nang suotin niya ito ay abot sa itaas ng kanyang tuhod ang palda. Deretso ang hulma ng dress, may kaluwagan, at hindi kumo-contour sa hubog ng kanyang katawan. Ang itim niyang high heels naman ay parehong may ankle strap at peep-toe ang istilo.

Pinagmasdan niya ito bago sumimple ng silip sa pinto. Renante might question her outfit when he sees it, so she decided to make sure he already left the house before getting dressed. Nakailang pabalik-balik siya sa pinto para silipin ang lalaki at tingin sa kanyang cell phone para i-check ang oras. She was in the middle of checking her cell phone when she heard a knock on the door. Nataranta siya dahil tiyak na makikita ni Renante ang damit sa kama kapag pinagbuksan niya ito ng pinto. Palinga-linga siya sa paligid bago naisipang kumuha ng extra na kumot sa kanyang cabinet para ipangtakip sa mga nakapatong na damit sa kama. Then, she rushed to the door.

"Renante," humahangos niyang bulalas nang mapagbuksan ito.

Nagsalubong saglit ang mga kilay nito. "Are you alright?"

"Ah, yes. Ano kasi..." Mabilis siyang nag-isip ng idadahilan. "I was having a hard time choosing what to wear, kaya hindi ko narinig agad na kumakatok ka sa pinto."

As expected, Renante's eyes looked past her. Sumimple ito ng silip sa loob ng kanyang kuwarto bago nito ibinalik ang tingin sa kanya.

"I don't think Kylie would mind if you wear your usual outfit—a tank top and a pair of jeans," he suggested.

Tumango-tango siya. "Yes. But I want to wear something na pwede kahit saan kami mapapasyal ni Kylie."

"I see." Tinitigan pa siya saglit ng lalaki. May hinihintay ba ito na gawin o sabihin niya? O may gusto itong gawin o sabihin sa kanya pero nagdadalawang-isip pa kung itutuloy iyon?

Sa huli, nagpapaalam na tumango na lang si Renante. "I'm going."

Stacey smiled faintly at him. "Ingat."

"I will."

She was about to say 'I love you,' but he already turned away. Nakahinga rin siya nang maluwag sa ginawa ng lalaki, dahil muntik na namang umiral ang karupukan niya. Naalala niya ang nadiskubre na sekreto ni Renante at muling nabuhay ang pagkadismaya niya para rito.

Kung pwede nga lang maka-move on agad kapag sinabihan niya ang sarili niya na mag-move on na. Kung posible nga lang, ginawa na niya.

She wanted to make it easy for the both of them. She still loves him. Gusto na niyang maging okay na ulit ang lahat. Kaya lang, hindi maalis-alis ang disappointment niya dahil naging ganoong kababaw na tao pala si Renante. Dinamay siya nito sa galit nila ng nanay nito sa kanyang ina.

Nang masilip niya mula sa bintana ng bahay ang paglayo ng kotse ni Renante mula sa isinara nitong gate ng bahay, at saka mabilis na gumayak. She did not even put that much effort with her makeup. After all, Pierre said they are going to Port Vivienne club.

It is a club which means the blinking, playful, and colorful lights make it hard for anyone to notice someone's makeup…

Stacey sighed at the poor reasoning she came up with as an excuse to not putting enough makeup on her face. Nagmamadali na talaga siya dahil malayo-layo sa Manila ang Port Vivienne, kaya pagkabihis at lagay ng kaunting makeup ay ni-lock niya ang bungalow at gate bago pinasibad ang kanyang kotse.

Port Vivienne was located alongside a main road in Parañaque—the closest meet-up for a North babe like Stacey and VVatch’s Southern business partner like Pierre and his employees. Maraming  ang club na iba pang mga establisiyemento mula sa mga restaurants at convenience stores hanggang sa mga opisina. Tuwing gabi operational ang club na kulay puti lang ang pintura ng sementadong exterior at walang kabinta-bintana. The club's name glowed in white light and was written in a cursive format. The words 'nightclub' were written in a bold letters of smaller size below 'Port Vivienne.'

Nadatnan ni Stacey na naghihintay malapit sa entrance ng Port Vivienne sina Pierre, ang assistant nitong si Cherry, at ang operations manager na naka-assign sa wristbands ng VVatch na si Marleen. Stacey pulled her white shoulder bag close to her waist as she approached them.

"Sorry, I'm late," composed niyang saad sa mga ito.

"We still appreciate na pumayag kang mag-meet tayo rito sa Port Vivienne kahit taga-North ka," ngiti ni Cherry sa kanya na nakasuot ng jeans at pink na scrunched top na may puffed sleeves. Ang maikli nitong buhok ay naka-half ponytail. Then, Cherry turned to Pierre. "Right, sir?"

Napatingin tuloy sila kay Pierre na naka-navy blue na suit na may puting belt na may malaking pabilog na silver buckle. The tips of his ankle boots peeked beneath his slacks—shiny and white. Bukas na bukas ang blazer nito kaya kitang-kita ang white and yellow striped scoop shirt sa loob nito. The scoop neck line was low enough to expose his collar bones and silver chain necklace. His black hair with platinum blond-dyed tips were brushed into a slickedback hairstyle.

Pierre stared at her with a crooked grin on his lips. "Yes. We're glad you made it. Although, it would be really nice if you managed to bring Mr. Renante along."

Nahihiyang ngumiti siya rito bago nagbaba ng tingin. "He really wants to. Pero ako na lang daw ang maging representative ng VVatch. Talagang kahit weekends, nagtatrabaho siya, eh."

"Startups really eat a lot of time, eh? Mabuti at understanding ang girlfriend niya," Pierre remarked cocking his head to the side and sliding his hands beneath the ends of his blazer to stuff them in his pants' pockets.

Alanganin siyang tumawa. "I already experienced handling a business from startup up to its peak. Kaya nauunawaan ko talaga."

I’m doing this for VVatch. I’m doing this for VVatch. I’m doing this for VVatch, she reminded herself again. Nabanggit kasi ang pangalan ni Renante at hindi niya mapigilang ma-guilty dahil sinuway niya ang instruksiyon ng lalaki na huwag ituloy itong pagkikita-kita nila ni Pierre.

Oh, who was she kidding? She was obviously putting up a distance from him. Masosolo nila ni Renante ang isa’t isa ngayong Sabado kaya gustong-gusto niya makipagkita kina Pierre. Bukod sa nakikita niyang ikabubuti ito ng collaborative partnership ng VVatch at Gallardo’s, pabor sa kanya ang pumunta rito. If Renante finds out about this, he would soon realize that this will be good for VVatch. And if not, at least Pierre will have a good impression of her and her boyfriend’s wristwatch company.

"Sir, we're here to have a good time, hindi para pag-usapan ang work," natatawang paalala ni Cherry sa kanila. Nangingiting napailing na lang tuloy si Pierre.

Napangiti na lang din si Stacey bago napansin na kanina pa nananahimik si Marlene.

"How are you, Marlene?"

Magsasalita na sana ito nang yakapin sa braso ni Cherry. "Sa loob na tayo magkumustahan! Mas masarap magkuwentuhan nang may iniinom para hindi matuyuan ng laway!"

Pagkatapos ay nagpatiuna ang dalawang babae sa pagpasok sa club kaya naman si Pierre ang nakasabayan ni Stacey sa pagpasok. As soon as the bouncers were done with their safety check, the blinking lights of the club started welcoming their group.

The whole place was filled with people. Medyo mahirap tuloy makita ang hitsura ng interior para kay Stacey. Nangibabaw ang DJ table na nasa entablado katapat ng malaking dance floor na marami na ang nagsasayawang mga tao.

Ang sabi ni Cherry, hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang trabaho, pero sa ikinikilos ng babae ay parang nagtatrabaho pa rin ito para kay Pierre. Paano kasi, ito ang naghanap sa mesa na ipina-reserve ni Pierre para sa kanilang grupo. Si Cherry din ang nagtawag sa waiter at nag-isa-isa sa kanila para ito na lang ang magsabi sa waiter ng kanilang mga order. Pakurba ang itim na leather seat sa kanilang black-tinted glass table na hugis bilog kaya paikot dito ang kanilang seating arrangement. Nasa dulo si Stacey, katabi si Pierre na katabi si Cherry habang nasa kabilang dulo si Marlene.

Nagkahiyaan pa silang apat noong una. First time kasi nila magkikita-kita nang hindi tungkol sa trabaho ang agenda. Habang naghihintay sa kanilang order, si Cherry ang nagbigay ng ice breaker para sa kanilang lahat. They took turns in sharing how their lives are going. Para kay Cherry, ayos lang naman. Gayundin si Marlene. Pierre simply answered he was doing well but he wanted more out of life—he did not specify what it is that he  though. At nang dumating na ang turn ni Stacey sa pagsagot, simple lang ang kanyang isinagot.

She said that she's okay.

The night rolled on. They had drinks until they got tipsy.

Nang mapakiramdaman ni Stacey ang sarili na medyo nagkakatama na, tumigil na siya sa pag-shot. Pinapak niya ang nachos na nakahain sa kanilang mesa. But she made sure that she would eat it plain, not dipped in any cheese sauce or salsa.

Pierre suddenly scooted close to her to asked, "So...how are you, Stacey? Kumusta kayo ni Renante?"

"Next question please!" Stacey chuckled. Then, her eyes widened. Teka, wala namang nakakatawa sa tanong ni Pierre! Why am I laughing? Mali yata ang akala ko na mahina pa ang tama ko!

Lumagpas saglit ang tingin niya rito at tinanaw sina Cherry at Marlene. Nagtatawanan ang dalawa habang nagbubulungan para magkarinigan sila sa kabila ng malakas na tugtugin sa club.

Gaano karami na ba ang naiinom namin?

"Come on!" pangungulit ni Pierre. Sa pagkakataong ito, inilapit na ng lalaki ang mga labi sa kanyang tainga. "We're tipsy now," he grinned at the exact moment that she turned to look and their eyes met. "Bukas baka limot na natin ang mga ikukwento mo, so tell me, how's having a relationship with him? How is it like to be a future...Villaluz?"

Stacey shook her head. "It's infuriating."

He exaggeratedly gasped. "Why? Pangarap ko nga na maging—" he choked a bit, suppressing a hiccup from drunkenness. "—maging Villaluz, 'tapos ikaw...”

Napailing na lang siya at nanghihinang sumandal sa back rest ng kanilang leather seat. Ipinatong naman ni Pierre ang siko sa ibabaw ng sandalan kaya nakapagitan sa kanila ang nakalaylay nitong braso. Tumitig sa kanya ang nag-aabang nitong mga mata kaya naunawaan niyang pinagpapaliwanag siya nito. Dala na rin ng kalasingan kaya nawala na sa isip ni Stacey ang maging maingat sa mga ikinukwento niya. She sighed wistfully and stared at nowhere.

"Do you believe that the person you love the most is the one you can also resent the most? Kasi malalaman at malalaman mo na hindi pala siya 'yong tao na inakala mong siya. Na hindi pala siya kung sino ang pagkakapakilala niya sa'yo." She turned her head to face Pierre and meet his eyes. "When you find out that someone so close to your heart is not who you think he is, you feel... cheated, you know? 'Yong tipong, kung alam ko lang na ganyan ang tunay niyang ugali, hindi ako mapo-fall sa kanya."

Naghintay siya ng komento mula kay Pierre, pero nanatili lang itong nakatulala sa kanya.

Malakas na rin ba ang tama niya? May nauunawaan pa kaya siya sa mga pinagsasasabi ko? Stacey wondered before returning her eyes to the front. Medyo nakatingala siya dahil sa pagkakasandal sa upuan kaya ang malikot na ilaw ng club ang nakikita ng nanlalabo niyang mga mata.

The two of them fell silent for a few minutes before she released a bitter chuckle. Pinagtatawanan niya ang kanyang sarili. Pakiramdam niya ay kaawa-awa siyang nilalang. Walang kalaban-laban. Mahina. Tanga.

"Pero wala," nanghihinang patuloy ni Stacey sa pagkausap kay Pierre, "ngayon ko lang nalaman ang tunay niyang kulay kung kailan mahal na mahal ko na siya kaya hirap na hirap na akong iwanan siya." Her jaws tensed. "Nakakagalit. Nakakainis. Nadaya niya ako. Naisahan niya ako." After that, her face softened again. Her eyes rimmed with tears as she laughed at herself again.

Pierre broke his silence. He sat so close to her that's why she clearly heard what he murmured meaningfully. "Now I know how it feels…"

Ilang minuto pa sila nanatili sa kanilang posisyon at walang-imik. Naulinigan ni Stacey ang pagyaya ni Marlene sa kanila na mag-shot pa habang sinasalinan nito ang sariling baso ng alak mula sa isa sa mga bote na nakakalat sa pabilog na lamesa.

Late na nagloading sa isip ni Stacey ang mga sinabi ni Pierre. Nananahimik ito kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na mag-isip-isip hanggang sa naalala niya ang sinabi nito kanina.

"Oo nga pala, ano itong sinasabi mo na pangarap mong maging Villaluz?" Nilingon niya si Pierre na mabilis na nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang mapangisi. "What do you mean, Pierre? You want to be like Renante? Gusto mo rin ng watch company? O gusto mo ng metalworks company tulad ng mina-manage ni Eonnie?"

Tumuwid ng upo si Pierre. Pagak itong natawa habang sinasalinan ng alak ang sarili nitong baso bago ito ini-straight ng inom. Pagbaba nito ng baso, tila maluha-luha ang mga mata nito habang pagak na namang tumatawa.

"Oh," she groaned, feeling pity for him. "I get it. Dahil ikaw ang tagapagmana ng Gallardo's hindi mo ma-pursue ang negosyo na talagang gusto mo. Hindi mo magawa ang passion mo dahil mas pinili mo kung ano ang gusto ng pamilya mo para sa 'yo."

Naiiling na napangiti na lang ito. He slightly bent over the table. Kahit naibaba na kasi nito ang basong ininuman ay hindi naman nito iyon mabitiwan.

"Ganyan din si Renante noon. Nagkukumiptensiya pa nga sila ng kuya niya kung sino sa kanila ang magmamana sa iiwanang posisyon ni Tito Ronaldo sa kompanya nila. But look at him now, he left their family's business and he is running his own company now. Kaya kung talagang hindi ka na mapipigilan, sundin mo ang tinitibok ng puso mo."

Napailing lang ito. Stacey could understand his second-thoughts. Madali kasing sabihin sa isang tao na sundin nito kung ano ang naiibigang gawin sa buhay kahit napakahirap gawin.

"If you’re afraid, that’s normal. You can ask for help too. Kf napilitan ka lang i-handle ang Gallardo's dahil pinamana ito sa 'yo ng pamilya mo at ang puso mo talaga ay nasa pagproduce ng mga bakal o paggawa ng wristwatch... maybe Ronnie can help you make your own company!" Sinilip niya ang mukha nito. She gave him an encouraging smile. "Si Renante nga, kahit nagsariling negosyo na, humihingi pa rin iyon ng advice sa kuya niya. You and Ronnie used to be best friends in college, right? Sa tingin ko, hindi magdadalawang-isip si Ronnie na tulungan ka."

Napapikit lang si Pierre at sumandal sa kanyang balikat. Nagulat siya sa ikinilos ng lalaki kaya bahagya siyang napakislot. Mabuti at hindi ito nahulog mula sa pagkakasandal sa kanya dahil sa kanyang ginawa. Tinitigan niya ito saglit bago ibinalik sa harap ang tingin.

Stacey released a tired sigh and closed her eyes. Baka hindi na kinaya ni Pierre ang kalasingan

.

.

RENANTE ONLY USED RONNIE AS AN EXCUSE. He drove his car and parked it close to an intersection. Natatakpan ng anino ng isang puno ang liwanag mula sa lightpost doon kaya roon pumarada si Renante at inabangan ang pagdaam ng kotse ni Stacey. Nang makita ang paglagpas ng pulang Corvette, bumalik din siya sa bahay at inayusan ito.

Kadalasan, magka-clock in lang si Stacey sa opisina bago dumeretso sa Gallardo’s, kaya naman tuwing lunch break niya, nag-iikot si Renante sa kalapit na mall para mamili ng mga pandekorasyon. Itinatabi niya ang mga ito sa kanyang sasakyan dahil hindi niya mailabas ang mga ito mula sa trunk lalo na at sabay na silang umuuwi ni Stacey galing sa trabaho. Kaya pagbalik ni Renante sa bungalow, inilabas niya mula sa trunk ng kanyang kotse ang ilang mga shopping bags.

He draped a red mantle on the center of the dining table. Pagkatapos, pinagtabi-tabi niya sa gitna nito ang mga naglalakihang scented candles na iba’t iba ang size pero pare-parehong rose scent. Hindi muna niya sinindihan ang mga ito. Sa halip, inabala na niya ang sarili sa kusina para magluto. He prepared a Fettuccine Alfredo and fried some ham and burger patties for a heavy clubhouse burger sandwich for Stacey. He carefully set a the pasta in a small, oval-shaped white serving platter made of porcelain with its own lid. Hindi muna niya ito tinakpan para hindi magpawis dahil mainit at bagong luto pa ang pasta. And on a separate bigger plate, he arranged the burger bread slices, burger patties, ham, and other sliced garnishes for Stacey to be able to customize her own clubhouse burger sandwich. Sinilip niya ang bote ng wine na matagal na nilang stock ni Stacey sa ref. He figured that a red wine would be perfect so, he mentally took note of taking it out later. Then, he set the plates, glasses, and utensils on the table.

Once he was done, Renante freshened up quickly. Naisip niya na kaswal ang kasuotan ni Stacey pagkauwi nito ng bahay kaya naman pagkaligo, nagsuot siya ng jeans, white sneakers, at collared shirt na kulay teal.

Sinindihan niya ang mga kandila para pagdating ni Stacey ay kumalat na sa buong dining room ang bango nito. Pagkatapos, tinawagan niya si Kylie.

Medyo natagalan siya sa sagot nito kaya nakabalik pa siya sa dining room para i-check ang mga pagkain bago takpan ang mga ito gamit ang isang kamay.

“Hello?” inaantok na sagot ni Kylie mula sa kabilang-linya.

“Kylie,” he calmly replied. Ilang araw na niyang ni-rehearse ito. Ang plano kasi, magpapanggap siyang aalis ng bahay kaya mapipilitan si Stacey na umalis din. Pagkatapos, babalik siya sa bahay para i-ready ang surprise dinner para sa kanyang nobya. Then, he would make Stacey come home

Si Kylie ang direkta niyang tinawagan dahil base sa sitwasyon nila ni Stacey, baka hindi nito sundin ang request niya na umuwi agad.

“Can you please tell Stacey to come home already? May problema lang dito sa bahay at… hindi ko alam kung paano ito aayusin. Mas alam niya kasi kung paano i-troubleshoot ang mga appliances dito.”

“Oh…” Tila napaisip si Kylie bago sumagot. “Hirap ka bang tawagan siya? Sure… I’ll tell her to come home…”

Kailangan niyang ma-estimate kung gaano katagal makauuwi si Stacey. So he asked, “Nasaan ba kayo ni Stacey ngayon?”

“Kami?”

Kumunot ang noo niya. “Oo. Kayo.”

Ahm… N-Nasa resto lang kami! Sa seaside! We’ll be there—I mean, makakauwi rin agad diyan si Stacey! Hintayin mo na lang siya, okay? Bye!”

Hindi nakaligtas sa kanya na noong una, parang clueless si Kylie. Pagkatapos biglang sumigla ang boses nito na medyo nanginig pa sa kaba. He was wondering if that was because she was lying or Stacey was silently signaling Kylie to not answer his questions because she was still mad at him.

He was not able to say goodbye because Kylie already disconnected their call. Umupo si Renante sa kanyang upuan na katapat ng upuan na itinalaga niya para kay Stacey.

He put on a nervous smile and imagined that she was sitting there. He spent the first minutes of his solitude in mentally rehearsing all the things he wanted to tell her. Nang matapos sa pagre-rehearse, sinilip niya ang oras sa kanyang cell phone. He realized that he had been waiting for thirty minutes already. Pinalagay na lang niya na na-traffic si Stacey. He thought that maybe, lot of people in Manila enjoy the nightlife at Saturdays, which explained the heavy flow in traffic.

As more minutes rolled by, he started to restlessly check his cell phone. Nagtatalo ang puso at isip niya kung kukulitin si Kylie o deretsahan nang tatawagan si Stacey. He could not help coming up with more possible reasons why his wait was taking this long.

Nang mapansing magdadalawang-oras na siyang naghihintay, tinawagan na niya ang cell phone ni Stacey. Then, Kylie. Then, Stacey again. Hindi sila sumagot kaya isa lang ang naglaro sa isipan ni Renante na nagsimula nang magdilim ang anyo at mapakuyom ang isang palad.

Kylie is covering up for her. She went to Port Vivienne with that goddamn Pierre!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro