Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Six - Relation of Worth to Forgiveness

STACEY GOT STUCK in a traffic. Dala ng pagkabagot kaya naman sinilip niya ang cell phone na nasa holder nito katapat ng digital car stereo. She has unanswered messeges so she checked them out. Bumungad sa kanya ang text message ng kanyang ina na nagsasabing next week na ang flight nito papuntang Budapest. She did not reply to it. Instead, she checked out Kylie's text message.

Kylie:

Stacey, what time can I call you?

Napatitig siya sa text message nito. Bakit kaya gusto siya nitong tawagan? May emergency ba? Kailangan ba nito ng tulong niya? Hindi lang inaasahan ni Stacey na kakausapin siya sa pagkakataong ito ni Kylie dahil may kasunduan sila na medyo iiwasan siya nito...

Napaawang ang mga labi niya nang maalala ang sinabi sa kanya ni Renante nitong Linggo lang.

"I only called Kylie because you said, you are going to be with her last night. Right?"

Nanlaki ang mga mata niya lalo na nang sunod niyang maalala ang pagsundo sa kanya ni Piccollo sa Port Vivienne!

Nasira ko ba ang diskarte ni Kylie para sa gabing iyon? kinakabahang alis niya ng mga mata sa cell phone screen para tumitig sa kawalan.

She replied to Kylie. Sinabi niya na pwede siya nitong tawagan mamayang gabi. Hindi siya nagdalawang-isip dahil mag-isa na lang naman siyang nakatira sa bungalow. Kahit abutin pa sila ng magdamag sa kakausap, pwedeng-pwede.

When the traffic eased up, Stacey drove her car. It was already eleven in the morning when she arrived at Gallardo's. Sanay na sina Marleen na ganitong oras na siya nakararating tuwing Monday dahil sa bagong in-implement ni Renante na morning meeting sa araw na ito. Hindi muna siya nag-ikot-ikot sa factory para mag-ocular inspection. Sa halip, nanatili sila ni Marlene sa opisina nito. Doon siya in-update nito tungkol sa progress ng mga wristwatch bands, lalo na iyong para sa Rosa Cobra na kailangan na nilang mapilian ng prototype na ipaa-approve kay Renante bago tuluyang i-mass produce.

Then, Marlene invited her to join her for lunch. Hindi pa sila nakalalabas ng opisina nito ay tumawag na sa office telephone nito si Cherry. Hinanap siya ng assistant ni Pierre at tinanong kung pwedeng sabayan niya ito sa pagla-lunch. She agreed under one condition—to let Marlene join them as well. Walang pagdadalawang-isip naman na pumayag ito ayon sa nagsasalita para rito sa telepono na si Cherry.

All of them headed to the nearby shopping centre. Restaurants lined up and they chose one that served Mexican food. They occupied bar couches that faced one another. Magkatabi sa isa sa mga ito sina Pierre at Cherry. At ang katabi naman ni Stacey sa upuan ay si Marlene. Magkaharap sina Marlene at Cherry. Ang katapat naman niya ay si Pierre.

As usual, Pierre donned a standout look—laid down black hair with blond-dyed tips styled into a mid-part, a collared white button-down shirt with colorful birds printed on it tucked in his bell-bottom white pants, and a pair of shiny brown leather shoes.

Habang nagtatanghalian, trabaho pa rin ang pinag-usapan nila. At nang matapos sila, naunang lumabas mula sa restaurant sina Cherry at Marlene. Sa tingin niya, bago pa sila lumabas para kumain ay napagplanuhan na nina Pierre at Cherry ang gagawin. Paano kasi, niyaya ni Cherry si Marlene na samahan ito sa convenience store para mamili raw ng babaunin nito sa office na drinks. Tahimik na pumayag naman si Marlene kaya silang dalawa na lang ni Pierre ang magkasama na tinungo ang mga sasakyan nila na magkatabi sa paradahan.

Alerto namang lumabas mula sa loob ng kotse ang bodyguard-slash-driver ni Pierre para pagbuksan ito ng pinto sa back seat. Pierre just raised a hand to signal for him to keep distance and wait. Nanatiling nakapako ang lalaki sa tabi ng kotse ni Pierre pagkasara uli nito sa pinto nito.

Pierre turned to her. "Kumusta? Did get in any trouble last Saturday?"

Umiling siya. "Not at all. Wala namang checkpoint ang nagpatigil sa kotse ko o sumita sa akin. They didn't seem to have any idea that I was drunk because I drove carefully. I got home safe and sound."

If he wanted to make sure, he should have called me noong Sunday. But of course, I understand why he didn't. Seems like, he's afraid I might think he is going beyond our professional boundaries if I did that.

Mahina itong tumawa. "Not that. I mean, with your boyfriend."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "What do you mean?"

"I still remember what you said that night about Renante."

"Akala ko ba, lasing tayo kaya makakalimutan natin iyong mga pinagsasasabi ko?"

Nangingisi na itinuon nito sa harap ang tingin. "Unfortunately, hindi ko nakalimutan."

Bakit ba interesadong-interesado siya sa relasyon namin ni Renante?

Does he want to spy on the Villaluz family by using me?

Para saan naman ang pag-i-spy?

Napailing si Stacey.

Bakit nga ba nag-a-assume ako ng ganoon? Saan naman nanggaling ang assumption ko na iyon?

Siguro, titigilan na niya ako kapag sinabi ko kung ano na ang lagay namin ngayon!

Taas-noo na itinuon din ni Stacey sa harap ang tingin.

"Well, guess what? Hindi na kami magka-live in ni Renante."

"What?" singhap nito. His shocked expression looked exaggerated in a comical way, but Stacey was sure it was a genuine reaction coming from him.

"Yes," aniya. "Hindi ba, nabanggit ko na sa iyo ang pinoproblema ko kay Renante? Napagkasunduan namin na maghiwalay muna ng tirahan, para mabigyan niya raw ako ng space na kailangan ko."

"I still don't know why you need space... why you feel cheated by him by pretending to be something he was not..." Hindi ito nakatiis at nilingon na siya nito. Magkasalubong ang mga kilay na tinitigan siya ni Pierre sa mukha. "Ano ba ang ginawa niya na nagpa-realize sa 'yo na may nililihim siya? Na hindi siya nagpakatotoo sa iyo? Na kung alam mo lang na ganoon siyang klase ng tao, hindi mo ilalapit ang sarili mo sa kanya?"

Stacey waved a hand. "Nasabi ko na ang kailangan kong sabihin." Nilingon niya ito at pinanliitan ng mga mata. "Bakit ba interesadong-interesado ka?"

"Well," napaatras ito at napaiwas ng tingin. Para bang hinahanap ni Pierre ang sagot sa malayong lugar na tinatanaw ng mga mata nito. "Ano kasi... Kahit papaano, naging malapit sa akin si Renante, lalo na noong mag-best friend pa kami ni Ronnie kaya, siyempre, nagwa-wonder ako."

Sinilip niya ang mukha nito. "Mag-best friend pa?"

Pinamulahan ito ng mukha. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa harapan nito. Tila natuyuan ito ng laway dahil napalunok pa at hindi malaman ang sasabihin.

"Ahh..." Paniningkit lalo ng mga mata niya rito. "Kaya pala, siguro, nagsisisi ka na sa pagtakwil sa best friend mo kaya ngayon, naghahanap ka ng way para makipag-reconnect."

"Ako? Makikipag-reconnect?" masungit na iwas nito ng tingin sa kanya. "Ako itong ininsulto ni Ronnie, 'tapos ako ang unang magpapakumbaba sa amin? Ano siya, sinusuwerte?"

Pigil niya ang matawa kaya napangisi siya.

"Eh kung ayaw mo naman pala magpakumbaba, bakit nakikipagtrabaho ngayon ang Gallardo's sa kompanya ni Renante?"

"Dahil si Renante ang nakiusap sa akin. Siyempre, kahit papaano, may pinagsamahan kami," mayabang nitong taas-noo. "Kaya, kahit kapatid pa siya ng Ronnie na 'yon, pinagbigyan ko na sa request niya na ipag-produce ng Gallardo's ng wristwatch bands niya."

She gave him an unconvinced look. Halatang-halata iyon kaya pinandilatan siya ng lalaki na nag-uumapaw ang pagkadefensive sa katawan.

"Ano? Kung makatingin ka, parang feeling mo, nakikipaglokohan ako!"

"Well," taas-noo niyang balik ng tingin sa harap. Tumuwid din siya ng pagkakatayo. "Mukhang may gusto na kasing makipagbati sa best friend niya pero pinipigilan siya ng pride niya."

Gumusot lang ang mukha nito at lumunok bago ibinaling sa harap ang tingin.

"Siguro, akala niya, kapag tinulungan niya si Little Brother, tatanawin iyon na malaking utang na loob ni Big Brother at pasasalamatan siya ni Big Brother sabay sorry sa kung anuman ang pinag-awayan nila," mapagbiro na mataray ang kanyang tono ng pananalita.

Inirapan siya ni Pierre. Then he lunged his face close to her to hiss in a whisper. "Huwag mong babanggitin iyang mga pinagsasasabi mo kahit kanino!"

She smirked. "You know what? I am in your position too."

Inilayo ni Pierre ang mukha at mataman siyang tinitigan. Naglaho ang pagiging defensive at pagkataranta nito. Sa pagkakataong ito, tila nagulat ito sa nalaman tungkol sa kanya.

Stacey continued. "I have this friend too. Gusto ko na maging okay kami pero, hindi ko maibaba ang pride ko para aminin iyon sa kanya." All of a sudden, her surroundings temporarily ceased to exist. Stacey was back in Sondra's cafe, sitting there with Sonny who was gently smiling at her. "Up until now, I treat her like I don't want her to be my friend. Hindi lang niya alam na deep inside, kaya ganoon ako umakto ay dahil pakiramdam ko, napaka-awkward na maging friends kami pagkatapos ng pinagdaanan naming dalawa. Pero, umaaligid pa rin ako sa kanya dahil siguro umaasa ako na siya ang mauunang magpakumbaba at sabihin sa akin na gusto niyang maging close uli kami."

"And what happened?" Pierre asked softly. "Naging friends ba kayo ulit?"

"What happened? Nagpakumbaba siya. Ako itong may nagawang hindi maganda sa kanya, pero siya pa itong naunang magpahiwatig sa akin na gusto niya uli kami maging friends."

"At tinanggap mo naman?"

"No. Denial pa rin kasi ako," mahina niyang tawa habang nakayuko na. "I'm in denial of the possibility that we can be truly friends again after what I did to her..."

Pierre pulled a sorry smile for her. "So, are you trying to say that it doesn't matter who reconciles first? Because no matter what happens, we will still be too prideful to make peace with them or to accept their sorry?"

Nilingon niya ito at tinitigan sa mga mata.

"What I am trying to say is, kahit maunang mag-sorry sa iyo ang isang tao, hindi mo maibabalik sa normal ang relationship ninyo kung hindi ka rin handang patawarin ang sarili mo."

Natulala sa kanya si Pierre na para bang napaisip sa kanyang mga sinabi.

"Hindi mo ma-approach nang personal si Ronnie kasi hindi mo pa napatatawad ang sarili mo sa nagawa mo sa kanya. And since you haven't forgiven yourself, you feel unworthy of having a second chance. You want him to apologize first, because that's the only way for you to feel worthy of being his friend again—when he asks for it." She looked away from him. "In my case, even if Sonny asked me to be her friend again, I still feel unworthy of it, that's why I can't just say 'Yes, we can be friends again.' And when it comes to Renante, I haven't forgiven myself for seeing only the best version of him instead of the real version of him. I haven't forgiven myself for being at fault as to why we got to the point that we need to live separately. I still think that I was so stupid for letting myself be fooled by him. Kaya kahit nag-sorry na siya sa akin at kahit totoo na ginawa naman niya ang lahat para makabawi sa akin, hirap akong maka-move on. I still needed space. I am still defensive when we talk. And I treat him the way I treat my friend—I am pushing them away while hoping that they'll keep chasing me and begging me to remain a part of their lives anyway. Because, you see, when you forgive someone, it is like you're admitting to them that you are part of the blame that's why you are forgiving them. That's why forgiving others is hard... that's why it feels heavy. That's why, even if we know that forgiving others is the right thing to do, sometimes it feels... wrong."

"Life is not as simple as it seems, right?"

Umiling siya. "Akala ko, magiging simple na ang lahat kapag matanda ka na. Kasi, matured ka na mag-isip at marami ka nang alam. Pero hindi kaya ng utak ang bigat ng feelings mo."

"But if we want to keep that person in our life, we must forgive them. Right?"

Her heart thumped at what he said. Bakit ngayon lang niya na-realize iyon? Na kung gusto ng isang tao na manatili ang isang tao sa buhay nito, dapat niya itong patawarin nang paulit-ulit sa nagagawa nitong kasalanan.

"You're aware that we are human, right? That we are always prone to making mistakes."

Dama niya na nakatitig sa kanya si Pierre na naghihintay ng sagot mula sa kanya.

"If it's hard to forgive, maybe it's just like an exercise move. Keep working it out until... it becomes easy to do. Right?"

Lumagpas ang tingin nito nang mapansin na palapit na sa kanila sina Cherry at Marlene. Kapwa may dalang paper bag na may logo ng convenience store ang dalawang babae.

Pierre flawlessly managed to look composed and slightly smiled at them.

"Boss," ani Cherry nang makalapit sa kanila, "ibinili na rin kita ng pandagdag stock ng energy drinks mo."

"Thank you, Cherry," malumanay nitong ngiti sa assistant bago naunang maglakad patungo sa kotse nito. Binuksan agad ng bodyguard ni Pierre ang pinto sa back seat para rito.

Tinanaw muna niya ito.

What is he trying to say? Na makipagbati na ako kay Renante?

.

.

PAGBALIK SA VVATCH, nag-report agad si Stacey kay Renante. She updated him about the production and the ongoing quality checking for the Rosa Cobra design's wristband. Siyempre, una niyang naibalita ito kay Paige dahil inuna niyang tunguhin ang Design Department at nagkataon na wala sa opisina nito si Renante nang dumating siya.

Pagkatapos niyang i-update ang lalaki, nanahimik siya at inabangan ang feedback nito. Malayo ang tingin nito sa kanya, tila ba hinihimay sa isip nito lahat ng mga narinig mula sa kanya. Sumandal pa ito sa swivel chair na kinauupuan at ipinatong sa kamao ang gilid ng pangahan nito habang nag-iisip.

"Why are you thinking that hard?" basag niya sa katahimikan. "Gagawing limited edition ang Rosa Cobra, 'di ba? So, there's no need to worry if the mass production will be done later than planned."

"I know," he groaned then stared into her eyes. "I am thinking of something else."

Tila nalaglag ang panga niya sa narinig. Napailing pa siya bago naka-recover sa gulat.

"Eh, para saan pa ang pagre-report ko sa 'yo kung malayo roon ang iniisip mo?" bahagyang nabahiran ng pagkairita ang kanyang mahinang boses.

He stared at her intently before speaking. "I am just thinking how to say I'm sorry for what happened this morning."

Her guard suddenly went down. She did not expect this from Renante.

"I just wanted to you think that I am still worthy of you. So, I can't help mentioning all the good things about me just for you to think that... I'm still deserving of your—" He paused, struggling to say the word. "—love."

He lowered his eyes and looked away from her direction. Mataman niyang tinitigan si Renante at pinag-aralan ang hitsura nito. He seemed both regretful and ashamed.

Hindi niya tuloy mapigilang maalala ang mga sinabi kay Pierre kanina tungkol sa pangangailangan na makaramdam ng 'worth' ang isang tao para magkaroon ng lakas ng loob na makipagkasundo ulit sa nakaalitan nito...

The person must feel worthy of forgiveness...

The other person must feel that it is worth forgiving the other...

Dahil sa mga sinabi ni Renante, napapaisip tuloy si Stacey kung ano ang biglang nagpabago sa isip nito. Paano nito napagpasyahang humingi ng tawad sa inasal nito kaninang umaga?

Stacey just looked away and remained as composed as she could.

"Don't apologize for what happened earlier. Tama naman kasi ang mga sinabi mo." She became contemplative. As she spoke, images of their togetherness flashed at the back of her mind. "Sa loob ng three years na magkarelasyon tayo, walang araw na hindi mo ipinaramdam sa akin na mahal mo ako. Inalagaan mo ako at ibang-iba na ang trato mo sa akin kung ikukumpara noong mga panahon na... na may galit ka pa sa akin." Then she turned to face him. "That's why I understand your frustration."

Renante took in a deep breath to have the courage to look back into her eyes.

"I scheduled a moving service. I will expect their truck to deliver my stuff on Saturday morning, at the condo unit where I'll be staying," anito. "If you want, you can drop by at two or five in the afternoon. Siguro, sa mga oras na iyon, tapos na akong mag-ayos ng mga gamit ko roon."

Narinig ni Stacey sa kanyang isip ang boses ni Pierre. "But if we want to keep that person in our life, we must forgive them. Right?"

"How about I help you?" she asked Renante.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "You don't have to do that, Boo."

"You're aware that we are human, right? That we are always prone to making mistakes." Pierre's voice echoed in her head once more. "If it's hard to forgive, maybe it's just like an exercise move. Keep working it out until... it becomes easy to do. Right?"

"Girlfriend duties," maliit niyang ngiti sa binata.

He lowered his eyes and pulled out an uncertain smile. "

Hindi naman siguro mali kung tutulungan ko ang sarili ko para maging madali para sa akin ang magpatawad, 'di ba?

"Mahirap na. Baka hikain ka pa," dagdag ni Stacey bago sumunod ang mahina niyang tawa.

"Well, you don't have to do the heavy tasks, Stace. Pumayag naman kasi si Kuya na tumulong sa paglilipat ko."

She cocked her head to the side and smiled in her pleasant surprise. "Wow. Nakumbinsi mo si Ronnie na i-set aside ang trabaho at maglaan ng oras para sa paglipat mo?"

Nginitian at tinanguan siya nito. "Condo niya kasi iyon. Siyempre, sisiguraduhin niya na approved sa kanya ang mga babaguhin ko roon."

She pouted and nodded. "I see."

I want to be alone with Renante on that day. Pero okay na rin siguro na naroon si Ronnie. His presence would put me and Renante in our best behavior, kaya maiiwasan ang mag-away na naman kami.

Magsasalita sana siya nang may maalala. Nagdalawang-isip pa siya sa ideyang pumasok sa kanyang isip pero sa huli ay nagpipigil na siyang mapangiti.

"We might need an extra hand. Puwede ba ako magsama ng kaibigan? Promise, makatutulong siya sa pag-aayos ng lilipatan mo."

Renante narrowed his eyes at her. "At sinong kaibigan iyan?"

Sa himig ng pananalita nito, halatang ang iniisip nitong isasama niya ay si Piccollo.

"Don't worry, it's not Piccollo," tuwid niya ng pagkakaupo sa visitor's chair.

At hindi ko sasabihin kung sino dahil baka hindi pumunta si Ronnie kapag nalaman niya...

"I'm going back to my department now, Sir Villaluz," tindig ni Stacey. "Thank you for listening to my update."

"Wait," nagmamadaling tayo ni Renante.

Tila may pagkataranta sa mga mata nito kaya hindi siya kumilos sa kinatatayuan. Bagkus, nagtatakang sinundan niya ito ng tingin. Umikot ito sa desk nito para makalapit sa kanya. And before she knew it, he already cupped one side of her face to tilt her face in an angle accessible to him. She could imagine two hands cupping her fragile heart as well, the reason for the warmth that suddenly enveloped the heart within her chest. Maingat kasi nitong inilapat ang mga labi sa kanyang pisngi at mabilis din na inilayo ang mukha nito mula sa kanya.

Renante seemed to stop breathing as he watched out for her reaction. His eyes searched fearfully but all she could manage to do was drop her lips slightly open in shock.

Tila nabasa ni Renante ang katanungan sa kanyang mga mata—bakit siya nito hinalikan sa pisngi?

So, he answered that question. "Boyfriend duties."

Their gazes locked for a minute or two before she was the first to look away. Unti-unting lumayo na sa kanya si Renante at nakaabang ang mga mata sa susunod niyang gagawin o sasabihin.

Stacey just nodded her head and shut her lips into a thin, tight line then turned to leave his office. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro