Chapter Forty-Seven - Square
NAKAHIGA SI STACEY sa sofa nang tawagan si Kylie. Ipinaalam niya sa kaibigan kaninang umaga na alas-otso ay nakapag-clock out na siya sa trabaho niya sa VVatch at nasa loob na ng bahay, pero lumipas na ang isang oras ay hindi pa rin siya nito tinatawagan.
She sighed in relief when her call was immediately answered.
"Hello, Kylie," bungad niya agad dito.
"Hi... Stace," tila nahihiyang tugon naman ng babae sa natural na maliit nitong boses.
Kung siya ay nakahiga sa sofa sa tahimik na sala, si Kylie naman ay nakaupo sa harap ng desk nito. Nakalagay sa stand nito ang isang IPad na nasa screen ang isang art canvas na puno ng pencil sketches. Napapalumbaba ang babae nang tumigil sa pagdi-digital drawing para sagutin ang kanyang tawag.
"I hope I did not disturb you? Nagtanong ka kasi kanina kung anong oras ako pwedeng tawagan, so I was expecting you'd call at eight. Eh, baka nakalimutan mo kaya ako na ang tumawag.
Matamlay ang boses ng kanyang kaibigan. "I just want to talk about what happened last Saturday."
Sabi na nga ba, mapupunta kay Piccollo ang usapan nila.
"I'm as confused as you, Kylie. Hindi ko alam na pupuntahan ako ni Piccollo noong gabing iyon sa Port Vivienne."
"I already know what really happened. I just want to talk about it... about what I feel—what I think about it."
Napahinga siya nang malalim. "I'm here to listen."
"Noong gabing iyon, kitang-kita ko ang sobrang concern para sa iyo ni Piccollo. On the surface, I was showing him that I am very grateful, kasi gusto niyang tumulong sa paghahanap sa 'yo. But deep inside, I feel helpless. Tila sinampal ako ng katotohanan na never siya magiging concerned sa akin 'tulad ng ipinakita niya noong gabing iyon para sa 'yo."
Stacey started having so many questions in her mind. Pero mas pinili niyang manahimik muna. Hahayaan niya munang magkuwento si Kylie at magsasalita na lamang siya kapag tapos na ito. Kaya lang, tumagal ang pananahimik nito sa kabilang-linya kaya nagsalita na siya.
"Kylie?"
She suddenly heard her friend sniffling. Nag-alala tuloy siya.
"Kylie?"
"I'm sorry..." garalgal ng boses nito. "I... I just don't know what to do or say..." Hirap na hirap ito sa pagsasalita, na para bang may nakabara sa lalamunan kaya nalulunok imbes na nailalabas ang maliit nitong boses. "Should I ask what he loves about you and be like that? Or should I beg you to give him to me when I know that's not possible because you are already with Renante?"
Napapikit siya. "I'll talk to him, Kylie. I'll talk to Piccollo, don't worry."
"Please, don't. He doesn't even know about my feelings yet."
"I'll tell him one last time to stay away from me, just promise that you'll tell him what you really feel for him."
"But Stacey—"
Iminulat niya ang mga mata na puno ng determinasyon.
"You have to say it, Kylie! You have to show him what you feel if you want him to see you not just a friend but as a potential lover! Naiintindihan mo ba? Hindi ka pa ba natuto sa akin? Sa mga pinagdaanan ko?"
Doon na kumawala ang mahina nitong mga hikbi.
"Listen to me," mariin niyang wika. "Kakausapin ko siya at sisiguraduhing hindi niya maikokonekta sa iyo at sa pagkakaroon mo ng feelings para sa kanya ang mga pag-uusapan namin. Maliwanag? So, do your best. Make him fall for you really hard!"
.
.
"WE MIGHT NEED AN EXTRA HAND. Puwede ba ako magsama ng kaibigan? Promise, makatutulong siya sa pag-aayos ng lilipatan mo."
"At sinong kaibigan iyan?"
"Don't worry, it's not Piccollo."
Knowing Stacey, she could state one sentence and make it mean two things. Dahil doon, pabalik-balik maglakad si Renante sa lanai ng bahay ng kanyang mga magulang. Sa bahay, nakasuot siya ng kulay orange na board shorts at gray na T-shirt. Alas-diyes na siya nakauwi rito dahil may mga tinapos pa siyang trabaho sa opisina niya sa VVatch. He didn't mind if Stacey left work on time, lalo na at alam niyang kailangan nito ng kumpletong tulog dahil maaga itong bumibiyahe papunta sa Gallardo's. Hindi man niya kasabay umuwi si Stacey, tinawagan naman niya ito nang makauwi na ito sa bungalow para masiguradong ligtas ito. They had a short talk over the phone because she said Kylie would be calling her at eight. Hindi naman nito nabanggit kung bakit at hindi rin naman siya nagtanong.
At kung kailan pauwi na siya kanina, at saka busy ang phone ni Stacey. He figured that her conversation with Kylie was still going on, so he just left a text message for her to let him know when he can call her.
That was why at this late hour, he could not do anything but wait for Stacey's reply to his message and think of her instead of talking to her.
Oh, I miss her. Renante groaned at the very thought of her. He frustratedly brushed his hair upward with his fingers, then paced back to the glass table where he left his laptop open. Kahit wala na kasi siya sa opisina ay nag-uuwi pa siya ng trabaho.
He stopped beside the chair and went back to his original concern—Stacey's statement earlier.
"Don't worry, it's not Piccollo."
What she said could mean two things—
Una, ay iimbitahan talaga nito si Piccollo na tumulong sa paglilipat niya ng matitirahan. Siyempre, hindi aaminin iyon ni Stacey para hindi siya makapagprotesta. Posibleng gawin iyon ng dalaga para patunayan sa kanya na hindi niya dapat ipag-alala ang biglang pagsulpot ni Piccollo noong Sabado ng gabi na iyon sa Port Vivienne para sunduin ang girlfriend niya.
Ikalawa ay ang posibilidad na totoong hindi si Piccollo ang kaibigan na isasama ni Stacey para tumulong sa paglilipat niya ng matitirahan. Pero kung hindi ito si Piccollo, bakit kailangan pa ilihim ni Stacey kung sino ito?
He sighed again.
I should also talk to that Piccollo. I usually ignore him when he's trying hard to make Stacey notice him. After all, he's not that threatening. May tiwala ako kay Stacey na hindi niya ako ipagpapalit sa walanghiya na iyon.
Pero hindi ko mapalalagpas ang ginawa niya noong Sabado!
Napailing siya. Nag-iinit na naman ang ulo niya sa asungot na iyon. He needed to head to the kitchen to get a glass of cold water.
Kapapasok pa lang ni Renante ng bahay mula sa lanai ay nadatnan niyang naglalakad sa sala ang nanay niyang si Luz. Ayos na ayos ang ginang—naka-make up ang mukha at maayos ang pagkaka-low bun ng buhok nito. Idagdag pa ang pearl earrings na suot nito. She also wore a white shirt dress and a pair of shiny black open-toe high heels. Tila nagmamadali itong puntahan ang grand stairs nang bumagal ang mga hakbang dahil nakita siya.
"Where have you been?" he asked her. Wala kasi siyang kamalay-malay na wala ito sa bahay! He assumed she was already asleep at this hour, because that's his mother's usual routine!
Saglit na napaawang ang mga labi nito sa pagkabigla bago nanumbalik ang composure.
"Late night grocery shopping," mabilis nitong dahilan.
He lowered his eyes. Ang tanging hawak lang ng ginang ay ang puti nitong faux leather handbag.
Pagkatapos, mabilis niyang tinitigan sa mga mata ang kanyang ina. "Then, where are the groceries?"
"Siyempre, nauna nang ipinasok dito sa bahay at dinala ng katulong natin sa kusina." Nagsalubong ang mga kilay nito. "What's with this kind of interrogation, Renante?"
Tila napahiya siya. Bakit nga ba kung makapagtanong siya sa nanay ay nabaligtad ang mga role nila? Nagmistulang siya ang magulang na kinukuwestiyon ang anak nito kung bakit ginabi ng uwi.
Napaiwas siya ng tingin mula rito. "I'm just wondering because you're not usually like this."
Luz scoffed and remained where she stood. Pero sa pagkakataong ito, pumihit ito para humarap sa kanyang direksiyon. "What about you? Kailan ka makikipagbati kay Stacey para magkasama na uli kayo sa iisang bahay?"
Tila nasamid siya sa deretsahang request nito.
"Mom!" he scolded.
"What?" kibit-balikat nito. "Kaysa naman nandito ka at parang pulis kung makapagtanong sa nanay mo!"
Bakit ba napaka-defensive niya? Halatang may ginawa o pinuntahan siya na ayaw niyang malaman namin kung para saan!
Tumaas lang ang isa niyang kilay at naglakad na patungong kusina.
"Aren't you glad that I am showing concern for you now? Nitong nakaraan lang, ikaw itong kulit nang kulit sa akin na makipagkuwentuhan o makipag-bonding sa 'yo."
Bago pa ito nakapagsalita ay natalikuran na niya ito at tuluyan na siyang nakarating sa kusina. After having a glass of icy cold water, an idea struck him.
He fished out his cell phone from his shorts' pocket at searched for Piccollo's cell phone number. Tinawagan niya ito.
"Hello?" matigas ang boses na sagot ni Piccollo sa kanya. The cold welcome made it obvious that Piccollo had his number saved and was aware that it was him who called. Tiyak niya rin na ang malamig na pakikitungo nito ay may kinalaman sa nangyari noong Sabado.
Malamang, may suspetsa na ang binatang iyon na may problema sila ni Stacey. At dahil may problema sila ng babaeng gusto nito, awtomatiko na kaaway na ang turing nito sa kanya.
Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa.
"Piccollo, listen. Let's meet-up tomorrow at twelve noon."
"For what? To lecture me? Para sabihan ako na huwag makialam sa relasyon ng may relasyon?"
"Something more than that," nagtitimpi niyang wika dahil, shit, nahulaan ng epal ang isa sa mga dahilan kaya gusto niya itong makausap nang personal!
"What about we meet now? So that we can get this settled for once and for all? Man to man?" tila hamon nito sa kanya.
"Then, so be it," sagpang naman niya.
Pagkatapos nila mapagkasunduan kung saan magkikita, mabilis na iniligpit ni Renante ang mga gamit na naiwan sa lanai. Ibinulsa niya ang cell phone, wallet, at mga susi bago lumabas ng bahay. Walang problema kung gusto ni Piccollo makipagkita agad-agad dahil malapit lang sa tinitirahan niya ang cafe na iyon.
Nang marating ang cafe, pumuwesto siya sa pang-dalawahang tao na table na katabi ng glass wall. Iyon ay para makita siya agad ni Piccollo. He ordered a mug of warm ginger tea and sipped it little by little every now and then. He needed something as relaxing as this tea. Nakasalalay kasi rito ang ikahahaba ng pasensiya niya kapag nakaharap na ang nakaha-highblood na Piccollo na iyon. Sa pagkakaalam niya kasi, nakakababa ng blood pressure ang ginger tea.
Renante would occassionally check the glass wall while checking his cell phone for Stacey's text or call. Parang pinipiga ang puso niya sa kahihintay pero dapat siyang magtiyaga. After all, he respects her need for space.
Dahil hati ang kanyang atensiyon, namalayan na lang niya na nakarating na si Piccollo nang bigla nitong hilain ang silya na katapat ng kanyang kinauupuan. Tulad niya, hindi rin nag-effort masyado si Piccollo. Medyo magulo ang kulot nitong buhok. Basketball shorts na green, asul na pares ng Nike, at itim na band T-shirt lang ang suot nito. Bitbit lang ng kamay nito ang wallet at cell phone na inilapag nito sa gilid ng mesa.
Ang maliit na bilog na mesa lang ang nakapagitan sa kanila, pero damang-dama niya ang distansiya ng loob nila sa isa't isa. Piccollo eyed him icily, while he was burning with irritation for him. And because Renante was a playing-safe type of man, he chose to bottle his feelings and act nonchalant at the presence of this other man.
"What do you want to discuss?" may pagkahambog sa tono nito habang tsine-tsek ang suot nitong Apple watch na parang pinararating na aksaya sa oras kung magtatagal ito sa pagkausap sa kanya.
"Alam mo kung tungkol saan," deretso ang tingin niya rito. "Tungkol ito sa nangyari noong Sabado."
"Ahuh?" sandal nito sabay ekis ng mga braso.
Nagdilim ang anyo niya dahil sa ipinapakita nitong kayabangan. "You see, you stalked my girlfriend. Bago mo pa maging habit, sasabihan na kita na huwag na huwag mo na ulit 'yon gagawin."
"On what part did I stalk her?"
"You checked her social media account to know where she is. Then, you went there without her permission."
Piccollo scoffed.
"Well, you also went there unannounced, didn't you? And I bet, you checked her social media account to have an idea where to stalk—" he choked a sarcastic chuckle, "—woops. I mean, where to find her. Am I correct?"
He narrowed his eyes at him. "I don't even need to check her socials. I only guessed she's at Port Vivienne, because I am her boyfriend and we talk about almost everything."
"Kung gano'n, bakit hindi niya nabanggit sa'yo na pumunta siya sa Port Vivienne? Bakit kay Kylie mo siya hinahanap? Ibig sabihin, wala ring permiso niya ang pagpunta mo roon para sa kanya. So, I guess, I'm not the only stalker here," he grinned. So annoying!
But Renante had to remain composed. He was trained to be always diplomatic, calculated, and calm ever since his father aimed to turn him into a businessman. Kaya hindi siya magpapaapekto sa Piccollo na ito! Hindi!
"I have to go there, because she went to Port Vivienne as representative of my company, VVatch, and what she did is not what we agreed upon. Sa madaling salita, gumagawa siya ng isang desisyon o hakbang para sa negosyo ko nang walang approval ko."
Hindi ito natinag. Sa halip, tila mas lumakas ang loob nito na sagupain siya.
"Oh, so it means, you did not go there as her boyfriend, but as her—" Piccollo mockingly cocked his head on one side, "—boss?"
His jaws tensed. Of course, he went there because he was worried sick of her! And mad for lying at him. It was a mix of emotions that only Stacey could do to him!
"Grabe. Hindi ka pala pumunta roon dahil nag-aalala ka sa kanya—kung nasaan na ba siya at kung safe ba siya sa pinuntahan niya—tulad ng pag-aalala ko. No wonder namomoroblema si Stacey sa iyo. You're a very, very terrible boyfriend."
He scoffed. "Whether I am a terrible boyfriend or not is not for you to decide. Si Stacey lang ang may karapatang gumawa niyon. And I am only here, wasting my time with an idiot like you, to emphasize that you should not stalk my girlfriend ever again."
Dahil ayokong bumalik na naman ang trauma niya dahil sa tanginang stalker niya noon!
"Or maybe, you're discouraging me because now that your relationship with Stacey is going 50-50, I am starting to become a threat to you."
"Excuse me?" Pagak siyang natawa pagkatapos. "Walang-wala ka pa sa kalingkingan ko, Piccollo Hawthorne!"
"Really?" he smirked then glanced at his cell phone. Paano kasi, umilaw iyon at nag-vibrate.
Napunta sa cell phone ang mga mata nila. Piccollo picked it up and when he read what's on the screen, a wide smirk spread across his face. Pagkatapos, binigyan siya nito ng nang-iinis na tingin bago ipinakita sa kanya ang nabasa nito.
Stacey Calling...
Lalong nagdilim ang kanyang mukha. Nagsala-salabit ang kanyang mga kilay. Kumuyom ang mga kamao niya at nagtangis ang mga bagang.
"Let's call it a night, Mr. Villaluz. I have a very important call to answer, and it might take all night long," nakangising paalam ni Piccollo kasabay ng pagtayo nito mula sa silya.
Pagtalikod nito, sinagot nito ang tawag. He heard him say 'Hello' to Stacey before he was already too far for Renante to hear.
Galit na tumayo siya at dinukot ang kanyang cell phone. Naka-silent mode ito kaya umaasa siya na hindi lang niya namalayan pero may natanggap siyang text galing kay Stacey.
Para siyang nabasag nang makitang wala siyang natanggap na chat, tawag, o missed call man lang mula rito!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro