Chapter Forty - Never The Same
NAKASANDAL si Stacey sa pader na katabi ng bukas na pinto. It was as if she stood side by side with Ronnie who leaned on his side by the right frame of the open door. Halos pigilan niya ang pahinga para lang hindi makagawa ng ingay habang pinapakinggan ang usapan ng magkapatid.
“Nanggaling na rin sa bibig mo na magiging parte na rin siya ng pamilya natin. So, why are you not yet making plans for the wedding?”
Alam niyang hindi tama ang makinig sa usapan ng iba, pero nang mabanggit ni Ronnie ang tungkol sa kasal ay nanigas na siya sa kinatatayuan at hindi makaalis-alis.
Renante sighed. “Get out.”
Stacey flinched. Pakiramdam niya, siya rin ang sinabihan nito na umalis. Bumalik na naman ang kirot sa kanyang puso nang mapagtanto na iniiwasan na naman ni Renante ang usapan kapag tungkol sa pagpapakasal nito sa kanya.
Ronnie resumed. “Come on. Just tell me. I bet, you came here to spill your heart out to mom. Kaya lang tulog pa siya kaya dumeretso ka na lang dito sa kwarto mo.”
Natulala siya saglit. So, he came here to talk to Tita Luz?
Stacey heard her boyfriend’s deep inhale. Para bang nangongolekta pa ito ng lakas ng loob dahil bukod sa pagkalalim-lalim ng paghinga nito ay natagalan din itong sumagot kay Ronnie.
“I wanted to marry her so bad.”
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi niya mawarian kung maiiyak ba siya o mapapangiti. Before she could even choose how to react, Renante continued talking.
“I’ve been thinking about since the day I decided that I want her back in my arms… in my life.”
Dinig ni Stacey sa tono ng pananalita nito ang tila paghihirap ng ddamdamin
“But since we started living together… when I watch her sleep peacefully in the night, everything comes back to me. From our beginning up to that moment when I did the most unforgivable thing I could do to her.”
The suspense was making her stomach flip and flop on the inside. Hindi siya mapakali pero hindi rin naman makakilos mula sa kanyang kinatatayuan.
“Ever since the first night we fucked, I intentionally hurt her feelings. I tortured her. Ginantihan ko siya dahil sa mga idinulot ng nanay niya kay Mom. And everytime I remember that, I am feeling guilty. At ang guilt na iyon ang pumipigil sa akin na pakasalan siya.”
Stacey stopped breathing at that very moment. Gumapang ang panlalamig sa buo niyang katawan hanggang sa namalayan na lang niya na nanginginig na pala ang kanyang mga kamay. Dahil kanina pa niya pigil ang paghinga, parang nahihilo na siya at ilang minuto pa ay hihimatayin na.
Biglang, nakarinig siya ng click ng pinto kaya naalerto siya roon at hindi na naintindihan ang sunod na pinag-usapan ng magkapatid. Their voices became vague backgrounds for the door on her other side that slightly creaked and opened.
Dali-daling tumakbo si Stacey sa pasilyo para tunguhin ang banyo malapit sa dining room. But a voice stopped her on her tracks.
“Stacey?”
Napatigil siya saglit. Nanatili siyang nakatayo at nagdadalawang-isip kung lilingunin ang tumawag sa kanya o hindi. In the end, she took in a deep breath to stay composed. Nakangiting pumihit siya paharap sa pinanggalingan ng boses.
“Tita Luz,” she greeted at the woman who already had her short hair neatly tied in a low bun. Her sleeveless dress was white and designed in a straight cut which hid her curves and shape.
Bukas na ang pinto ng silid nito pero nasa loob pa rin nito ang matandang babae. A few steps away from that door, Stacey saw Ronnie who was already in the hallway in front of the door of Renante’s room. Tiyak niyang sinilip siya nito nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Tita Luz.
“Ronnie,” kaway niya ng isang beses dito. Mas tumamlay nga lang ang ngiti niya para rito.
“What brings you here so early in the morning?” labas ni Tita Luz mula sa kwarto at isinara ang pinto.
“Ah, mag-iikot-ikot lang sana ako habang naghihintay… Kaya narito ako sa… sa second floor,” palipat-lipat ang tingin niya kina Ronnie at Tita Luz habang paling ang kanyang ngiti.
Bakit parang nag-e-explain ako kay Ronnie at hindi sinasagot ang tanong ni Tita Luz?
“I want to spend the day with you too, Tita Luz—”
She was interrupted when she looked at Ronnie again and this time, Renante was already standing beside his brother—looking at her.
Napalunok siya at nginitian nang mas malapad ang ginang. “I hope that’s fine with you. Sana hindi ako kakaistorbo sa plans n’yo for today.”
Magaan na natawa si Tita Luz. “Of course not—” Napalingon ito nang marinig ang paglapit nina Renante mula sa likuran nito. Nanlaki sa gulat ang mga mata nito. “You’re here too!” bulalas nito kay Renante bago sila ginawaran nito ng nanunuksong ngisi. “Oh, I get it. Idea n’yong dalawa ang bumisita rito… Is this about what happened last night?”
Umilaw agad ang bumbilya sa tuktok ng kanyang ulo.
“Yes, Tita!” Mas pinasigla niya ang boses. “I am really, really sorry about what happened last night. Gusto ko—uh, namin ni Renante makabawi. We were supposed to have midnight dinner, right? Okay lang naman siguro if we will have breakfast together instead?”
Luz’ smile was small yet serene. “That’s really very nice of you, and I’m fine with that. Join us for breakfast.” At nilingon nito ang mga anak, particularly Ronnie. “Bihis na bihis ka. Sa’n ang punta mo?”
“I already told you yesterday, Mom, that I have to attend a family get-together with the Uychengco’s. I have to be there by lunch time.”
Napayuko siya. Paige and Ronnie… they seemed to be doing great. Ronnie is meeting her family, kaya hindi nalalayo ang possibility na malapit na siyang mag-propose ng kasal at ikakasal na sila at—
“Stacey?”
Napamulagat siya at inangat agad ang ulo. She met Tita Luz’ worried eyes and faint smile. Sa kaiisip niya yata, hindi na niya naririnig ang mga pinag-uusapan ng kanyang mga kasama.
“I said, let’s go to the dining room?”
Stacey tried her best to smile the widest smile that she could. “Let’s go po.”
Ikinawit ni Tita Luz ang isa nitong braso sa kanyang braso. Sabay silang pumanaog sa grand stairs habang tahimik na nakasunod sa kanila sina Ronnie at Renante.
“Your eyes seemed swollen,” mahinang bulong ni Tita Luz habang masa mga baitang ng hagdan ang tingin. “Pinag-awayan n’yo pa ba ang nangyari kagabi?”
Pinigilan ni Stacey ang maiyak. Mula kagabi, ngayon lang siya nakaramdam ng concern… concern na walang halong panenermon na ginawa kanina ni Sondra, at concern na walang halong pagkukuwestiyon na ginawa sa kanya ni Renante kagabi.
Umiling si Stacey. “Hindi lang po ako nakatulog nang maayos, Tita Luz.”
“I was just shocked with what I saw, but after Ronnie explained what happened, I’m already fine.”
Tumango-tango siya nang hindi ito nililingon. Hindi na siya umimik masyado dahil baka nauuliningan nina Ronnie at Renante ang kanilang usapan.
Pagdating nila sa sala, nagpaalam na si Ronnie sa kanila. He had a cheek-to-cheek with his mother, and to Stacey’s shock, Ronnie pulled her gently by the arm—away from Tita Luz—to kiss her cheek. Then, he smirked knowingly at Renante as he waved his fingers in a playful mocking fashion. Renante just scowled at Ronnie in response to that. Hanggang makalabas ng pinto ay nanatili rito ang matalim na tingin ni Renante.
Tahimik na tumalikod si Tita Luz ang naglakad patungo sa dining room nang hindi nila namamalayan. Kaya nang lumingon si Stacey, saktong napalingon din sa kanya si Renante at nagtama ang kanilang mga mata. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito kaya naningkit ang mga mata nito sa kanya.
Stacey immediately followed Tita Luz in the dining room. Pagdating niya roon, nakatayo ito sa likuran ng isang upuan at nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng arm rest nito habang naghihintay sa pagdating nila. Sumigla ang hitsura ng ginang nang makita siya.
“O, akala ko hindi na kayo susunod dito sa dining room,” masayang wika ng ginang. May mga pagkakataon na lumalagpas ang tingin nito sa kanya, kaya alam ni Stacey na nasa likuran na niya si Renante. Labis-labis ang pagtitiis niya na huwag itong lingunin. “You get seated here and wait for Ronaldo. Tutulong lang ako saglit sa kusina.”
Iyon lang ang sinabi nito bago masayang naglakad patungo sa kusina.
Stacey took in a deep breath and reluctantly pulled a chair for her. Nakita niya sa gilid ng mata ang paghila ni Renante ng silya na katabi ng silya na uupuan niya. Nauna siyang maghila ng silya pero halos sabay silang umupo dahil hinubad pa niya ang kanyang red puffer jacket at isinampay ito sa sandalan ng upuan kaya naka-putting tank top na lang siya.
Nang makaupo sila, nanatili sa harap ang tingin ni Stacey.
There had been a long moment of silence between them. Dama niya ang matiin na pagkakatitig sa kanya ni Renante pero inignora lang niya ito. Pagkatapos ng mga narinig niya kanina at ng mga nangyari kagabi, pakiramdam niya ay sasabog siya sa galit kapag kinausap ito.
“Stacey—”
“Pwede bang sa bahay na tayo mag-usap?” halos mapaos siya sa sobrang pagod.
“Kung ganyan ang gagawin natin, makakahalata sina Mom na hindi tayo okay,” he said in a low voice, while staring at her.
“Do we have to pretend we’re okay, Renante?”
“Did you come here to make my family worry about us?”
“Kung alam ko na narito ka, hindi ako pupunta rito.”
His jaws tensed. Pumihit ito sa kinauupuan para iharap ang buong katawan sa kanyang direksiyon. Ipinatong nito ang isang braso sa parte ng lamesa katapat niya at dumungaw ito sa kanyang mukha.
“Matagal-tagal pa ang hihintayin natin dito. Let’s talk. In my room here—”
“I am not going inside that fucking room,” mariin niyang wika kaya nagsalubong ang mga kilay nito. Nanatili sa harap ang tingin ni Stacey. Kahit nakaharang ang mukha ni Renante, bahagya lang siyang tumingala para matanaw ang bintana ng dining room mula sa itaas ng ulo ni Renante.
Ayaw niya nang pumasok sa kwarto ni Renante-- sa kwarto na iyon kung saan sila unang nagniig. Sa kwarto na iyon kung saan unang nagsimula ang kanyang kalbaryo dahil abot-kamay niya roon ang katawan ng lalaki ngunit hindi ang puso nito.
Sunod na gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Renante. “Then, let’s go to the living room, or the veranda. Hindi pwedeng hindi muna tayo mag-uusap, Stacey.”
“We already talked last night, didn’t we?” she glared at him.
He glowered at her and harshly grabbed her arm. Pagsinghap niya, nakatayo na si Renante at binatak siya paalis sa silya. Halos kaladkarin siya nito para lang madala sa veranda.
As soon as they got in there, she tugged away her arm from his hold.
“What now? Kakausapin mo ako kung paano tayo magpe-pretend sa parents mo na okay pa tayo?” angil niya rito sa mababang tono ng boses.
“We will pretend if we have to,” he gritted.
“You really love pretending—”
“I just don’t want them to have any bad impression about you, which might happen if you start acting up in front of them later!”
Humalukipkip lang siya at iniling ang ulo para iiwas ang mga mata sa mga mata ng lalaki. Renante stepped close and grabbed her upper arms to pull her close to him. Kahit halos magkiskisan na ang mga dibdib nila sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, hindi siya nagpatinag.
“Now tell me,” he spoke breathily as he drew his face closer to her, “how can I help you set aside what happened last night?”
Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa matiim nitong pagtitig sa kanya. Ang init ng mga kamay niyang nakawak sa kanyang mga braso. His body too, especially his hard chest, emitted this kind of warmth that her breasts could feel. Tears began rimming her eyes because it felt so good to be this close to him when it shouldn’t. Bwisit na bwisit tuloy siya.
“I don’t think anything can help me now,” she hissed, still avoiding his eyes.
“Why not?" Lumambot ang mukha nito. "Hindi ka na ba naniniwalang papakasalan pa kita?”
Hindi niya ito sinagot. She had to reserve her words because if she began talking, she might overdo it. Baka tuluyan na siyang sumabog at maging emosyonal. Because she only looked like a hard, cold ice on the outside, but she her strength was already melting away.
Nagpumilit si Renante na matitigan siya sa mga mata pero umiiling lang siya para iwasan ito. He impatiently pulled her closer, finally crushing her breasts against his hard chest. Sa simpleng galaw na iyon ay napa-ungol siya kaya mariin siyang napapikit nang iiling sa kabilang direksiyon ang kanyang mukha.
“I just want you to wait, Stacey. Can’t you wait a little longer?”
She sharply inhaled. Nag-iinit na ang sulok ng kayang mga mata kaya nagbaba na siya ng tingin. Ayaw niyang mapansin ni Renante na nagtutubig na ang kanyang mga mata. And she was thankful because, her short hair slid down in the process, like curtains partially covering her face.
“Stace,” bitaw ni Renante sa isa niyang braso para hablutin siya sa baba at pilit na iangat ang tingin niya rito.
Napaawang ang mga labi ni Renante, gulat na gulat nang magtama ang kanilang mga mata at makitang umaapaw na mula sa mga ito ang mainit niyang luha. Stacey’s lips quivered before she managed to swallow the hard lump that formed in her throat.
“Kaya pala galit na galit ka sa akin noon,” she almost stammered. “Hindi ka nagagalit dahil inaagaw kita kay Sondra. Hindi ka nagagalit dahil nilalayo kita sa kanya. Hindi ka nagagalit dahil pinipilit kita noon na pansinin mo ako, na mahalin mo ako at ipaubaya na lang si Sondra sa ibang lalaki. Galit ka dahil idinamay mo ako sa galit ng nanay mo para sa nanay ko! H-How… H-How could you be that low, Renante?”
From shocked, Renante began looking terrified. Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang baba at braso. His eyes stared deep into hers as he remained stunned and frightened upon finding out that she heard everything he told Ronnie.
“Kaya pala… kaya pala noong… noong nagse-sex—noong mag-FuBu pa lang tayo… Kaya pala ganoon ang galit at pagpapahirap mo sa akin.” Nanghihinang umatras si Stacey palayo mula kay Renante. He did not manage to stop her because he froze where he stood. “Kaya pala ginamit-gamit mo ako kahit wala ka pang feelings noon para sa akin, Renante…” She remained staring at him defiantly while her two hands and arms were alternatingly wiping her tears. “Talagang sinadya mo! Sinadya mong gawin ang lahat para durugin ako! Para saktan ako!”
Her eyes were blurry now with tears, so she couldn’t clearly see the tears that made Renante’s eyes look glassy. He handled his emotions better than her for managing to stop his tears from falling. Pero parang kinakain na nito ang mga salita nang sagutin siya sa nanghihinang boses.
“Ikinakahiya ko ang ginawa ko sa’yo noon, Stacey. I was angry at your mother for a very, very long time, and that blinded me. Because of my hate for her, I forgot my humanity. Nagpatong-patong ang galit na iyon kaya umabot sa gano’n katinding galit na kahit ikaw ay madamay.”
“So, you’re a liar. Because you said… you said, our mothers’ beef never mattered!”
“Now. It doesn’t matter now,” he clarified. “Before, it was a big deal for me. Pero simula nang mahalin kita, napagtanto ko na hindi mahalaga sa akin kung magkaaway ang mga nanay natin.”
Stacey sniffed. Ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam niya. Gusto niyang sagutin agad si Renante pero tila nalulunod siya dahil sa bumabara sa kanyang lalamunan na paulit-ulit niyang nilulunok.
Nagpatuloy si Renante sa pagsasalita, sa pag-aakalang wala na siyang gustong sabihin.
“What I did was very petty,” his voice slightly wavered. “I was too young way back then to understand why my mother is often ignored during PTA meetings. I used to wonder why my aunts and uncles weren’t talking to her during family reunions. A few years passed by, and I am starting to notice how my playmates' parents would always pull them away from me when they play with me in the playground. Until the time came when it’s my mother who voluntarily takes me back home when we see those kids and their parents in our subdivision’s playground.
Hindi ko maintindihan noon kung bakit tuwing may business functions at gatherings, kontento sa pag-iisa si Mom sa table namin buong magdamag. Na habang ipinapakilala kami ni Dad sa bawat tao sa gathering, nasa isang sulok siya at umiinom mag-isa.
It pained me when people come to me, to Ronnie, and to my Dad, to greet us but when it comes to my mother they just look at her from head to toe with discriminating smirks then walk past her.
I don’t understand how could they treat the person—who loves me the most and had been the nicest to me—that way.
Worst of all, the years passed by and those mean people taught my kind mother into someone so mean.
Sa tuwing may pasimpleng humuhusga sa kanya, tinatandaan na niya ang mukha nito. She would do everything in her power to subtly charm my father and convince him to attack their businesses, their careers.
When I confronted my father about it, sinabi niyang kahit unfair at unprofessional, sinusunod niya ang mga request ni Mom dahil nauunawaan niya na ubos na ang pasensya niya sa mga tao na ilang taon na siyang hinuhusgahan dahil sa walang-basehang akusasyon ng nanay mo—si Artemia.
Nang malaman ko iyon, binalikan ko ang mga dinanas ni Mom mula sa mga taong humusga sa kanya. Napaisip ako kung ano pa kaya ang mga dinanas niya na inilihim lang niya mula sa amin, para hindi kami mag-alala o masaktan para sa kanya?
She began dressing up in pearls and sophisticated dresses, tossing away her simplicity. She began acting cold and suspicious toward people. She started becoming this superficial woman who smiles in your face but schemes your ruin when they notice you judging her. Hindi na siya katulad ng dati na mapagmahal sa amin, mapagpatawad sa mga humuhusga sa kanya at mapagpasensya.
My mother is still alive. I was still living with her during those times, pero pakiramdam ko, nawalan na ako ng nanay. Hindi na ang nanay ko ang kasama ko—ibang tao na.
But I can’t blame her for it. She changed because she had to. She had to change to stay strong. Dahil nauunawaan ko na kung hindi niya ginawa ang mga bagay na iyon, kung hindi niya binago ang ugali niya, who knows what she’ll do to herself just to stop her sufferings?
I was left with no one to blame but your mother, Stacey. Napagbalingan lang kita, dahil wala akong access kay Artemia. I can’t fucking talk to her, because she’s always out of town. I can’t just fucking curse her and lash out my anger and tell her that she.ruined.my.mother.
She and her vicious tongue has ruined a good woman—my mother.”
Napayuko si Stacey nang matapos magsalita si Renante at makita ang pagtulo ng mga luha nito.
“I wish I understand how you feel about your mother. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag inaalagaan ka ng nanay mo—kapag sinasamahan ka niya sa playground at mga parties, kapag personal siyang uma-attend sa PTA meetings at school gatherings, kapag araw-araw mo siyang nakikita sa bahay at nasasaksihan mo ang mga nangyayari sa buhay niya at ang mga pagbabago sa kanya. You spent those wonderful moments with her, making you love her so much. No wonder you…” She lifted her teary eyes at him. “You are very mad about what happened.”
Namewang ito, lumingon sa at ibinaling sa malayo ang tingin. “You wouldn’t want to understand how it feels to watch the person you love change into a different person.”
“You wouldn’t want to know too, how it feels to be ruined, like what my mother did to your mother… And what you did to me.” Napatakip siya ng bibig dahil aksidenteng kumawala ang isang hikbi mula sa kanyang mga labi. Muling dumausdos ang mga luha sa kanyang mga pisngi. Stacey sniffed and uncovered her mouth. “You ruined me.”
“Stacey,” he reached for her arm.
At first, Stacey jerked at his touch. Her first instinct was to push him away, to run away from him. Napakasakit talaga ng kanyang nalaman. Ayaw niyang magpahawak kay Renante at baka umiral na naman ang karupukan niya!
“Stacey, I’m sorry at nagpabulag ako sa galit ko. Sorry, Stacey dahil sinaktan kita. Sorry dahil ikaw ang pinagbalingan ko ng galit. I am really sorry for what I did. Kaya nga kita hinanap. Kaya nga kita hinabol. Kaya nga ginawa ko ang lahat para makabawi sa’yo. Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko, Stacey. I kept it a secret from you, dahil ayokong mawala ka sa akin. But I am truly regretting everything that I did to hurt you.”
Halos nagmamakaawa na si Renante sa kanya. He already held her both arms and bent his knees just to see her eyes because she already hung down her head in her foolish failed attempt to hide her sobbing.
Naiinis siya dahil hindi man lang niya magawang magalit dito. Nakakainis. Because despite of everything, she still wanted him. She still loves him. She still wanted to stay!
She clenched her hands tight. Kailangan niyang gawin iyon dahil nauubusan na siya ng lakas para labanan ang sobrang sakit na kanyang nararamdaman. She expected so much from Renante. She placed him on the pedestal! She thought he was the most matured and understanding person to ever exist in her life. She thought he was the most rational man out there, then she'll find out how petty and how dirty he plays his games! Her disappointment in him was beyond what she ever felt for anyone in history!
Pabalik-balik pa rin sa isip niya ang rebelasyon na ang paghihirap niya noon ay sinadya nito. That she never really deserved all those hardships! That she was right for running away from him years ago. She was right!
“Stacey,” lumuluhang makaawa nito. "Please, say you're going to forgive me."
Years ago, she ran away from him because he was hurting her feelings, breaking her heart. But this time, it will never be the same.
She’s going to face the man who ruined her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro