Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Four - His Decision

"HELLO?" inaantok na sagot ni Kylie mula sa kabilang-linya.

Hindi namalayan ng dalaga na nakatulog na ito sa desk sa condominium unit ni Piccollo kung saan magkatulong nilang pinupulido ang mga kakailanganin para mai-rehistro ang logistics business nito sa DTI. Namatay na ang screen ng gamit nitong tablet, at nagkalat sa mesa ang mga scratch paper, lapis, ballpen, colored pencils, at tablet pen.

Kinukusot nito ang mga mata habang nakikinig kay Renante.

"Kylie, can you please tell Stacey to come home already? May problema lang dito sa bahay at... hindi ko alam kung paano ito aayusin. Mas alam niya kasi kung paano i-troubleshoot ang mga appliances dito."

"Oh..." She trailed off wondering why Renante was calling her at this hour to talk to Stacey. Hindi ba magkasama ang mga ito? Hindi ba, magka-live in na sila?

Ahh... baka naman hindi pa umuuwi sa kanila si Stacey...

"Hirap ka bang tawagan siya?" She slightly chuckled nervously then continued. "Sure... I'll tell her to come home..."

Hindi pa siya tapos magsalita ay nagtanong na ito. "Nasaan ba kayo ni Stacey ngayon?"

"Kami?" mahina nitong singhap. She sounded calm but she's actually panicking at the back of her mind.

Nasaan si Stacey?

Bakit sa akin siya hinahanap ni Renante?

Did Stacey text me to make an alibi for her?

WHAT THE HELL IS GOING ON!!!???

"Oo. Kayo," kumpirma ni Renante.

"Ahm..." Sa awa ng Diyos ay mabilis siyang nakaisip ng palusot. "N-Nasa resto lang kami! Sa seaside! We'll be there—I mean, makakauwi rin agad diyan si Stacey! Hintayin mo na lang siya, okay? Bye!"

Nang mai-disconnect ang tawag ay humihingal na ibinaba ni Kylie ang cell phone. Problemadong hinilamos nito ang kamay sa mukha bago pumalumbaba.

She groaned. "Ano na ngayon ang gagawin ko?"

Piccollo had been watching her this whole time. From the minute she slept, he kept checking on her up until now that she happened to answer a phone call.

Lumapit ito kay Kylie at itinukod ang gilid ng hita sa tabi ng desk na gamit nito. It was a desk that faced a wall where a colorful abstract paiting hung. Gulat na napaangat ng tingin ang dalaga rito.

"Did something happen to Stacey?" nag-aalala nitong tanong sabay halukipkip habang sinisikap na manatiling kalmado.

Napalunok ang babae.

Kapag sinabi ko sa kanya na hinahanap ni Renante sa akin si Stacey, baka kung ano ang isipin niya...

She sadly lowered her eyes.

"I heard what you said earlier. You're pretending that you and Stacey are in a restaurant at the seaside." Nagsalubong na ang mga kilay nito. "What's going on, Kylie?"

She sighed. "Hindi ko talaga alam. Ni hindi ko nga namalayang nakatulog na pala ako sa ginagawa ko rito. Nagising na lang ako nang tumawag sa akin si Renante. He's looking for Stacey..." Confusion began dancing in her shifty eyes. "Eh, hindi ko na rin malaman kung ano ang sasabihin. Ina-assume din naman ni Renante na magkasama kami ni Stacey kaya sinakyan ko na lang."

Nalipat sa malayo ang tingin ni Piccollo. "Ibig sabihin, Stacey used you as an excuse to leave their house. At idinahilan niyang magkasama kayo dahil ayaw niyang malaman ni Renante kung saan talaga siya pumunta."

Kylie checked her inbox and chat messages. "If that's the case, she should have at least given me a head's up, para mapagtakpan ko siya. Pero wala naman siyang ini-message sa akin, eh."

Lalong nag-alala si Piccollo.

"Baka sosorpresahin ka niya ng bisita sa bahay n'yo." Tumuwid ito ng tayo at tinapik nang isang beses ang balikat ni Kylie. "Iligpit mo na ang mga gamit mo. I'll just get freshened up, then we'll look for Stacey."

She lowered her head and sadly pouted. Sabi na nga ba.

.

.

SA KASALUKUYAN, tatlong kotse na ang nasa kalsada para hanapin si Stacey—ang itim na Aston Martin ni Piccollo, ang pink na Volkswagen Beetle ni Kylie, at ang itim na Ford ni Renante.

Habang nagmamaneho, panay ang check ni Kylie sa cell phone nito na nasa cell phone holder. Hindi kasi sinasagot ni Stacey ang tawag nito. Kung sakaling hindi sagutin ni Stacey ang tawag ay dederetso ito sa bungalow para puntahan doon si Renante at alukin dito ang tulong niya sa paghahanap kay Stacey. She needed to see Renante so she could ask him questions—if they fought or if Stacey told him anything that they could use as a clue to figuring out where she went.

Si Piccollo naman, pinanghahawakan ang theory nito na baka sumadya si Stacey sa bahay ni Kylie dahil ang pagkakainitindi ng lalaki, ang paalam ni Stacey kay Renante ay makikipagkita ito kay Kylie. Para sa binata, wala namang ideya si Stacey na nasa condo nito si Kylie kaya tiyak na dederetso ito sa bahay ng dalaga kung gusto ito nito makita.

Si Renante naman, deretso lang ang tingin sa daan habang mahigpit na hawak ng dalawang kamay ang manibela ng sasakyan. Kulang na lang ay mapisa ang steering wheel dahil namumuti na ang mga kamao ni Renante sa higpit ng kapit sa mga ito. He was so sure that Stacey went to Port Vivienne to meet Pierre, disobeying his instruction not to.

One was heading to Kylie's house. The other, to Stacey's bungalow. And the last, to Port Vivienne.

None of them were aware that Stacey was already tapping her company's shoulders. Kahit medyo mahilo-hilo na sa kalasingan ay nasa wisyo pa siya para gisingin ang mga ito nang paulit-ulit. Dilat si Cherry pero hindi nagre-respond. Nakatulala lang ito habang halos nakahiga na sa pagkakaupo sa puwesto nito sa leather couch. Si Marlene naman ay nakasandal sa balikat nito at tulog na.

Si Pierre naman na nagising na kanina ay bumalik na naman ng tulog kaya tinapik-tapik uli ni Stacey sa kaliwang pisngi para magising.

"Let's go home! Lasing na tayo!" paalala ni Stacey dito.

Pierre grunted in protest and pulled out his cell phone from his pocket. Napapalatak ito ng mahinang mura dahil hindi nito mabasa ang screen. Inabot nito ang cell phone sa kanya.

"I can't read it!" he whined and loudly slurred. "Paki-check kung anong oras na."

Napailing na lang si Stacey at tiningnan ang naka-display na orasan sa screen bago ibinalik ang tingin sa lalaki.

"Eleven p.m.!"

"Eleven?" tila naeeskadalo nitong bulalas sabay tuwid ng upo. "We're here for only about an hour and we're already wasted?"

She shrugged. "What can I say? We're already in our thirties."

"And so? We're only in our thirties! Bata pa tayo!" He waved a hand to dismiss her opinion. "Magpawala muna tayo ng tama. Then, we'll drink again!" Nilingon nito sina Cherry at Marlene. "Cherry, gisingin mo nga iyang si Marlene! Dapat matibay iyang OM natin at wala pa siya sa thirties, 'di ba?"

Nanatiling tulala lang si Cherry.

"Kailan pa may kinalaman ang edad sa alcohol tolerance?" labi ni Stacey bago bumalik sa kanyang puwesto sa leather couch. Nang makatabi uli si Pierre, inabot niya rito ang cell phone nito.

Pagkatapos, lumagpas ang tingin niya sa lalaki nang makitang tumutulo na ang mga luha ng tulalang si Cherry.

"Oh, no," Stacey groaned.

Parang bumabalik na naman sa kanya ang mga dinanas tuwing nag-iinuman sila nina Sondra. Siya ang taga-asikaso sa mga ito kaya hindi talaga siya nagpakalalasing. At dahil nasa wisyo siya, nasasaksihan niya kung ano ang epekto ng alak sa mga kasamahan niya. Katulad na lang ng pagkatulala at biglaang pag-iyak ni Cherry. She had witnessed something worse back then—like someone vomiting everywhere. But that doesn't mean she was hoping for one of them to vomit tonight just for the sake of beating the record of the worst walwal night she ever witnessed!

"Pierre, I think it's better we go home already," tingin ni Stacey sa katabi bago itinuro rito ng kanyang mga mata si Cherry.

Napatingin ito sa assistant bago napa-ungol na para bang nanakit bigla ang ulo.

"Right. Let's go." Umayos ito ng pagkakaupo at tinext ang driver nito. "Ako na ang bahalang maghatid kina Cherry at Marlene." Then, he turned to her. "How about you? Can you still drive? You can stay in my place for the night."

Namilog ang mga mata niya rito. "N-No. I have to go home." Lumakas bigla ang kabog sa kanyang dibdib. Siguradong magwawala si Renante kapag hindi siya nakauwi! "Renante might be waiting for me, Pierre."

"Oh, you're living together? Already?" he smiled amusedly.

"Yes," sagot niya rito bago umiwas agad ng tingin.

"Must be nice," he murmured lowly before speaking in a clearer voice. "I hope you arrive home safely. Wala ka sanang madaanang checkpoint. Because, you know, baka maamoy nila na amoy-alak ka."

Kinabahan siya sa itinuran ng lalaki. She had to drive past a few cities before reaching Manila. Kaya hindi imposible na may madaanan siyang checkpoint lalo na sa ganito kaalanganing oras.

Stacey took in a deep breath. Whatever happens, happens. I will still go home... to Renante.

They ordered some iced water then settled their bill while waiting for Pierre's driver. Kahit papaano, nakatulong ang mga ito para mahimasmasan sila mula sa kalasingan. Si Marlene naman ay nagising nila at nasabihang uuwi na maya-maya lang pero habang naghihintay ay nakatulog uli ito.

Stacey kept on stealing glances at Cherry. Tumigil na ito sa pag-iyak kaya nahiya na siyang tanungin kung ano ang dahilan niyon. Nakalulungkot din na tila walang pakialam si Pierre alamin kung ano ang pinoproblema ng assistant nito. She was expecting him to ask Cherry because as far as she knows, they have been working together for many years...

"He's here," Pierre announced, making her return her eyes on him.

Mabilis na tumayo ang lalaki. Alertong nilingon naman ni Cherry si Marlene at mahinang tinapik sa balikat at pisngi para magising. Inalalayan din nito si Marlene sa kanilang paglakad palabas ng Port Vivienne club.

As they stepped out, that's when Stacey felt the biting chill in the midnight air because she wore a sleeveless dress with a short skirt! And she did not even bother to bring any blazer with her! Napayakap siya sa sarili. She even rubbed her bare arms to keep them warm somehow.

Samantala, tinawagan na ni Pierre ang driver nito at sinabihang daanan na sila sa tapat ng entrance ng Port Vivienne. Kaya ilang minuto lang ay huminto na ang puting kotse sa kanilang tapat. Bumaba mula sa driver's seat ang driver ni Pierre para pagbuksan sila ng pinto sa backseat.

Inilahad ni Pierre ang isang kamay paturo sa bukas na pinto kaya tahimik na tumalima si Cherry at inalalayan sa pagsakay ang inaantok na si Marlene bago ito sumunod dito. Then, Pierre turned to her.

"May pantawag ka ba? Just call me if you change your mind and decide to stay over at my place for tonight."

Why is he so insistent with letting me stay in his house tonight?

She chose to stay civil and just smiled at him. "I'll call."

Hindi nito ginantihan ang kanyang ngiti. What bothered her aside from that was his stare. Ilang segundo na naghihintay ang driver ni Pierre pero hindi pa rin ito sumasakay. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

"Thank you also for this night, Pierre," aniya dahil baka ang pasasalamat niya ang hinihintay ng lalaki.

Umiwas na ito ng tingin at sumakay sa sasakyan. Hinatid niya ang kotse ng tingin nang sumibat na ito hanggang sa tuluyan na itong naglaho. Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Napipikit na siya nang humakbang patawid mula sa tapat ng club papunta sa isang linya ng paradahan ng mga sasakyan para puntahan ang kanyang pulang Corvette.

Pero saktong patawid na siya ay may sumilaw sa kanya na pares ng mga headlight. Mariin siyang napapikit at takot na itinaas ang kanyang mga braso para takpan ang sarili. Nangatog ang kanyang mga tuhod sa takot dahil muntik na siyang mabangga ng sasakyan!

Humina ang liwanag mula sa headlights pero nanatiling bukas ang mga ito. Bumaba ang driver mula sa kotse at dali-dali siya nitong nilapitan.

"Stacey."

She instantly opened her eyes. Nakilala niya agad ang boses at nang ibaba niya ang mga braso para tingnan ito ay nakumpirma niyang tama ang kanyang hinala.

"Piccollo!" singhap niya.

He immediately took her hands and rubbed them. Napansin kasi nito na giniginaw siya. "You're reeking with alcohol." And he looked around her before meeting her eyes again. "Are you alone? Nasaan ang mga kasama mo rito?"

"Ako ba ang ipinunta mo rito? How did you know that I'm here?" naguguluhan niyang tanong.

"I'll explain later. Now, get in the car," lipat ng kamay nito sa kanyang siko para alalayan siya papunta sa kotse nito.

"Sandali lang," bawi niya ng siko mula sa pagkakahawak nito. "I can't come with you, I brought my own car and I can't leave it here!"

Mataman siyang tinitigan ni Piccollo. "Pero nakainom ka. I won't let you drive."

"Let her drive."

She felt chills crept up her whole body when she heard Renante's grave voice. Napalingon siya sa lalaki na nasa kanyang kanan—direksiyon kung saan ay papunta sa parking space na katapat ng club.

"Since she wants to do things on her own, then let her be," mariing patuloy nito habang matalim ang tingin sa kanya.

"Are you serious?" Piccollo seethed at Renante and took her elbow again. "She's not driving, clear?"

"Who are you to decide for her?" Renante glared at him. "Ako nga na boyfriend niya, hindi pwedeng pakialamanan ang mga desisyon niya sa buhay!"

At saka lang niya naulinigan ang busina ng ilang sasakyan na naipon na sa likuran ng nakahintong Aston Martin ni Piccollo. Hindi pa magpapatinag ang binata sa pakikipaglaban ng titigan kay Renante kung hindi niya binawi uli ang siko sa pagkakahawak nito. Takot na napatingin ito sa kanya bago napalitan iyon ng pag-aalala.

"Stacey—"

"Nakaharang ang kotse mo kaya balikan mo na ito. You also better go home, Piccollo. I'm driving myself back home." Iyon lang ang sinabi niya bago nilagpasan si Renante para tunguhin ang pinaparadahan ng kanyang kotse.

Lingid sa kanyang kaalaman na nagpalitan uli ng matalim na tinginan ang dalawang lalaki.

"Huwag mo na kaming sundan. Umuwi ka na," mahigpit na wika ni Renante na halatang nagtitimpi lamang bago ito umalis.

Napapailing na sinundan ni Piccollo ng tingin ang dalawa bago nagmamadaling bumalik sa loob ng sasakyan nito.

.

.

HALOS magkasunuran lang ang kotse nina Stacey at Renante nang marating ang bungalow. Pagkaparada ng sasakyan, dumeretso si Stacey sa kusina para kumuha ng malamig na tubig dahil hilong-hilo na naman siya. She sat by the clean and empty dining table, placed her shoulder bag on her lap, and drank water. Nakakailang baso na siya ng malamig na tubig nang sumunod sa kanya roon si Renante.

Hindi siya nito kinausap. Sa halip, dumeretso ito sa kitchen counter. Nakatalikod siya sa direksiyon nito pero alam niyang binuksan nito ang microwave dahil sa pag-beep ng mga buton nito. Nasundan pa ang mga pag-beep ng mahihinang kalansing ng babasaging lalagyan at pagsara ng maliit na pinto ng microwave. After a few more beeping sounds, Renante started setting the table for her. Inilapag nito ang isang bilog na pinggan sa tapat niya at isang tinidor. Then, he returned to the kitchen counter and waited for the food he warmed. He wore kitchen gloves to be able to serve her a smoking warm Fettuccine Alfredo. Ito na rin mismo ang naglagay ng pasta sa kanyang pinggan.

"Eat up," malamig nitong wika bago ito umalis.

"Where are you going?" tanaw niya rito kaya palapit pa lang sa daan palabas ng dining room si Renante ay napahinto na ito.

He turned to her. "Ipaghahanda kita ng pang-ligo mo. You're drunk, so a hot bath will be good for you."

Hindi ba niya ako pagagalitan? Hindi ba niya ako... aawayin?

Naghintayan lang sila. She waited for him to explode and lash out his anger at her. He waited for her to respond to his answer to her question. Kapwa sila hindi nagsalita kaya tumalikod na ulit si Renante at tuluyan na siyang iniwan sa dining room.

Sa palagay niya, lumamig na ang ulo nito dahil sa haba ng biniyahe nila pabalik ng Manila.

Napatitig si Stacey sa inihain nitong pasta para sa kanya. Tiyak niyang kagabi pa ito niluto ni Renante dahil ininit na lang nito ang pagkain para may makain siya.

Kumain na kaya siya?

Tinitigan lang niya ang pagkain. Gusto niya itong kainin kaya lang nanlalambot pa rin siya. Muli niyang ipinagsalin ang sarili ng malamig na tubig at ininom ito mula sa kanyang baso. Ilang minuto rin ang kanyang pinalipas bago kinain ang Fettucine Alfredo na nasa kanyang pinggan. Inubos niya iyon bago nanghihinayang na ibinalik sa ref ang tinakpan na natirang pasta sa serving plate nito. Sinukbit niya uli ang shoulder bag at umalis sa dining room.

Isinama ni Stacey sa kanya sa kuwarto ang pitsel ng malamig na tubig at isang baso. Inilapag niya ang mga ito sa night table katabi ng kama niya bago tinanaw ang bukas na pinto ng banyo kung saan nakaupo sa gilid ng bathtub si Renante at kinakapa ng kamay ang tubig.

He instantly felt her stare so his steely eyes found hers and locked gazes. Nakakapanibago ang tila kawalan ng pakialam ng lalaki na ipinadama sa kanya ng lamig ng mga titig nito.

"I just waited for you to get here. Baka kasi lumamig ang tubig kapag hindi ko binantayan," malamig nitong paliwanag bago tumayo para lagpasan siya at lisanin ang kanyang kuwarto.

Stacey closed her eyes and sighed wearily. "Renante, are you not mad—"

"We'll talk tomorrow."

Sa sinabi ng lalaki, nawala na ang pagtataka ni Stacey sa mga inaakto nito. He wasn't treating her special like this becauce he wasn't mad at her. He was, in fact, mad at her, and was planning to let it all out tomorrow—kapag nasa wisyo na siya.

Nang marinig ang mahinang pagsara ng pinto, doon lang muling naidilat ni Stacey ang kanyang mga mata. Inalis niya ang pagkakasukbit ng bag mula sa kanyang balikat. Inilabas muna niya mula rito ang kanyang cell phone habang inilalapag ang bag sa kanyang kama. Saktong umilaw ang screen nito kaya napatingin siya.

Her cell phone was in silent mode, so it was the only time she noticed that she had missed calls and unanswered text and chat messages. She read the latest notification on her cell phone—a text message from Piccollo. As soon as she opened it, she saw a series of his earlier texts.

Piccollo:

Text or call me when you're already home.

I'm home already. Let me know if you want me to call you.

Stacey, kahit isang reply lang. You're making me worry.

Napabuntonghininga na lang siya. Inilapag niya muna sa night table ang cell phone para makapaghubad ng damit. Pagkatapos, dinala niya ang cell phone kasama niya sa bathtub. Inilapag niya muna ang cell phone sa gilid ng bath tub bago siya dahan-dahang umupo rito. Nang makalublob siya sa mainit na tubig, napabuga siya ng isang nagiginhawahang buntonghininga. Napapikit pa siya sa sarap na hatid ng tubig sa kanyang katawan, Ninamnam niya ang nanunuot na ginhawa at init ng tubig sa kanyang balat at bawat himaymay ng kanyang muscle bago niya tinawagan si Piccollo.

"Stacey!" singhap nito nang sagutin ang kanyang tawag. "Nakauwi ka na?"

"Yes, Piccollo," nakapikit niyang sandal sa dulo ng bathtub. "I'm already home, safe and sound."

"Mabuti naman."

"Ano ang ginagawa mo sa Port Vivienne kanina?"

"I came there to pick you up."

"Para saan? Hindi naman ako nagpapasundo sa 'yo."

At base sa nangyari kanina, mukhang hindi ka rin naman inutusan ni Renante na sunduin ako at iuwi sa bahay namin...

Napabuntonghininga pa si Piccollo bago nito ipinaliwanag ang lahat-lahat sa kanya. Nang hindi siya nakapag-react agad, may idinagdag pa ito.

"What changed my mind about going to Kylie's house was when I checked your Facebook page. I saw this Cherry tag you in her newly uploaded photos."

Napadilat siya at nanlaki ang mga mata sa narinig.

"Nakalagay ang Port Vivienne sa location kaya pinuntahan kita agad doon. I was so worried, especially when I saw how red your face looked in the picture. You're drunk and I thought, you will have a hard time driving!"

Natulala na lang siya. Kahit pala hindi ko sabihin kay Renante, malalaman pa rin niya na nakipagkita ako kina Pierre dahil sa pictures na in-upload ni Cherry!

Hindi rin naman niya masisisi ang assistant ni Pierre. Wala naman kasi itong kamalay-malay na hindi siya pinayagan ni Renante na makipagkita sa mga ito!

"Ano ang nangyari pagkauwi mo, Stacey? Inaway ka ba ni Renante?"

Hindi niya ito sinagot agad kaya nagtuloy-tuloy ang tila natatarantang pagsasalita ni Piccollo.

"Why did you even go to a club far away from Manila just to get drunk? Hindi ka pa nagpaalam sa kanya. Is it because you two have problems?"

Little did she know that Piccollo was actually sitting inside his car which was parked on the side of the road a few blocks away from Stacey's house. Doon, ay natatanaw ni Piccollo ang kanyang bahay.

Hindi ito mapalagay dahil pakiramdam nito ay may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila ni Renante, kaya nakaabang ito roon kung sakaling may mangyaring emergency.

Stacey replied to him, "Whether we have problems or not, it's none of your business, Piccollo. And please, let's finish this conversation. I only called you, so you'll stop sending me texts and so that you'll stop worrying. This is to let you know that I'm already home. Kaya puwede ka nang matulog."

"But Stacey—"

"Good night," malamig niyang paalam at walang ano-anong ini-off ang kanyang cell phone bago ito ipinatong sa malapad na patungan sa gilid ng bathtub.

Nagi-guilty siya dahil sa inasta niya kay Piccollo. He was just being caring toward her, and yet she was being cold toward him. Pero naibsan din iyon nang maalala niya si Kylie at ang pinag-usapan nila dati...

"Nakukulitan ka kay Piccollo, gano'n?"

"I'm in love with him, Stacey."

"Sorry, if I am making it hard for you to be closer to Piccollo. If I have only known sooner, noon pa lang nag give-way na ako..."

"Don't be sorry. It's not your fault kung ikaw ang gusto ni Piccollo at hindi ako."

Stacey closed her eyes and sighed softly.

.

.

.

***

.

.

.

KINABUKASAN, napabalikwas ng bangon sa kama si Stacey. Takot siyang tumingin-tingin sa paligid bago nasapo ang dibdib para maipantay ang kanyang mabilis na paghinga.

She didn't know if she dreamt in her sleep, that was why she could not explain why her breathing was racing this fast. It was so fast as if she was scared of something...

Nilingon niya ang pitsel ng tubig at baso na nasa night table katabi ng kanyang kama. Ipinagsalin niya ang sarili ng tubig sa baso at ininom agad ito. Nabawasan na ang lamig ng tubig, pero nakatulong pa rin ito para guminhawa kahit papaano ang kanyang pakiramdam.

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Renante sa kanya kagabi...

"We'll talk tomorrow."

Inilapag niya uli sa night table ang ininumang baso.

Now I know why I'm scared.

Stacey got up from her bed wearing an open pinkish white satin robe on top of her fitting white tank top and pink dolphin shorts.

She mindlessly tied her short hair into a low ponytail. Mindlessly, because her brain was occupied with thoughts of Renante.

Ngayong umaga na ba niya ako pagagalitan at sesermunan dahil sa nangyari kagabi?

If that's the case, I have nothing to be afraid of. I will simply explain to him that I met up with Pierre for the sake of VVatch.

Naghilamos siya at nagsepilyo bago lumabas ng kuwarto. Sarado ang pinto ng silid na ginagamit ni Renante at walang tao sa sala kaya dumeretso siya sa dining area. Papasok pa lang siya rito ay amoy na amoy na niya ang bango ng mainit-init na mga pagkain. Nangibabaw sa lahat ang mabangong amoy ng mainit na kape.

Nadatnan niya si Renante na naka-jeans at asul na fitting shirt. Inaayos nito ang pagkakalapag ng mga niluto nitong pagkain sa dining table. Nang makalapit sa mesa, nakita niya na bukod sa karaniwang mainit na mga mug ng kape, mga pritong pagkain at kanin, naghanda rin ito ng isang bowl ng ramen.

His favorite...

She glanced up and watched Renante. Hindi man lang siya nito sinulyapan habang abala sa pag-aayos sa mesa. Napansin niya na hindi magkatabi ang kanilang mga kubyertos. This time, they have to sit across each other... facing each other on the table.

Ipinaghila ni Stacey ng silya ang kanyang sarili at umupo na.

Tinapon niya kaya iyong natira kagabi na pasta?

Napalabi siya sa sarili.

Malamang tinapon na niya iyon. Kagabi pa niya iyon niluto, eh...

Hinintay niyang matapos ang lalaki hanggang sa umupo na ito sa silya katapat ng kanya.

When he shot a look into her eyes, she immediately looked down. There was still an air of defiant confidence coming from her because she sat straight with her head up. Mga mata lang niya ang kanyang iginalaw.

"Let's eat first, before we talk about last night," anito.

Tumango lang siya at walang-imikan na kumain na sila ng almusal.

She was already drinking her coffee and when Renante noticed that she didn't refill her bowl or plate with food, he spoke again.

"Let's talk now."

She looked at him from behind the rim of her coffee mug. Deretso namang nakatitig ang seryosong lalaki sa kanya.

"This is not just about last night. This is about us."

Dahan-dahan niyang ibinaba ang mug at tinitigan uli si Renante sa mga mata. Buong lakas ang kanyang ginamit para lang manatiling matatag habang nakikipagtitigan dito.

"How far do you want to be away from me, Stacey?"

Naningkit ang mga mata niya.

"Gaano kalayo?" usig nito.

"Sa tono ng pananalita mo, parang nagpapahiwatig ka na gusto mo nang umalis," paratang niya sa malamig na tono.

"Sa mga kilos mo, parang ganoon ang ipinapahiwatig mo," diin nito.

"I just want space, Renante," pagtitimpi niya.

"Dahil sa nalaman mo, naiintindihan ko na kailangan mo ng space mula sa akin. And I gave you that space, didn't I?" hilig nito ng ulo.

She kept listening to him even if it was starting to be hard for her to breathe.

"Kaya lang, noong binigyan kita ng space, imbes na lumamig ang ulo mo sa akin ay parang mas lumayo ka pa sa akin."

She lowered her eyes.

"What you did last night is not because you have the best interest of VVatch in mind."

Gulat na napatingin siya uli rito. Paano niya naisip na idadahilan ko ang VVatch sa ginawa ko kagabi?

Napatiim-bagang ang binata bago nagpatuloy. "Gusto mong layuan ako, 'di ba? Kaya nang makahanap ka ng opportunity, sinunggaban mo. It was me who's supposed to meet Pierre that night, pero hindi ako pumayag dahil mas gusto kong makasama ka kagabi kaysa sa kanila. But you..." He sharply inhaled through his teeth, as if he was holding back a strong emotion from pouring out. Renante shakily breathed out. "I'm actually confused. Because last night, that's what I thought—that you went there to meet Pierre. Pero iba ang nadatnan ko kagabi. Si Piccollo ang kasama mo."

"My goodness, Renante!" Frustration and anger mixed in her voice. "Hindi si Piccollo ang ipinunta ko ro'n! Naro'n siya dahil sa 'yo! Magkasama sila ni Kylie noong tinawagan mo siya para hanapin ako sa kanya! Somehow, Piccollo saw my tagged photos last night, kaya napuntahan niya ako roon!"

Nanatiling matigas ang anyo ni Renante. Napalunok lang ito pero hindi nawala ang pagdidilim ng mukha nito.

"I only called Kylie because you said, you are going to be with her last night. Right?"

Wala siyang maikaila roon kaya hindi niya malaman ang sasabihin. For the first time in her life, a good liar like her found it hard to conjure a lie to get herself out of this predicament.

"I have made a decision, Stace," patuloy ni Renante.

She instantly stopped breathing as she waited in suspense for his continuation.

"I think, we should stop being live-in partners. I'll move to an apartment or a condo this coming week."

Gumapang ang panlalamig sa buo niyang katawan na para bang binuhusan siya ng yelo.

"Are you breaking up with me?" mahina niyang tanong. Kailangan niyang hinaan ang boses dahil baka mabasag ito tulad ng maliit na basag na nararamdaman niya sa kanyang puso.

Meanwhile, his eyes softened because of her question. It was as if a film of tears made them misty.

"No," he breathily replied, holding back a shudder. Then, he looked away. "It's just that...I can't keep hurting every time you're being cold to me. Kasi lalo akong humihina... lalong nawawala sa VVatch ang focus ko. May mga tao—mga empleyado—na umaasa sa akin. At nakasalalay sa ikatatagumpay ng VVatch ang... ang magiging future natin. I can't let our problems affect them all."

Napailing siya habang titig na titig dito. Hindi pa rin siya nililingon ni Renante nang magpatuloy ito sa pagpapaliwanag.

"At the same time, I can't force you to forgive me. I can't force you to bear with me and my presence. I don't want you to do something harmful just to get the space you need from me. Something as harmful as what you did last night... driving home while you're drunk."

Naluluhang iniwas niya ang mga mata mula sa pagkakatitig kay Renante. Siyang titig naman ng naluluhang mga mata ni Renante sa kanya.

"I am really sorry for what I did in the past. I am sorry for what I did during the time that I don't love you yet. I was wrong for that and I was so wrong for keeping the truth a secret from you out of my fear of losing you. But even if you hate me now for what I did in the past, I still love you, boo. I'll make it up to you in every way you'll allow me to. And this is the first step—giving you the space you need."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro