Chapter Forty-Eight - Two Old Friends
PAGKAPASOK na pagkapasok ni Luz sa bahay ay in-interrogate na ito ni Renante. She found it strange because he used to act like he doesn't care ever since he had feelings for Artemia's daughter
Alibi lang ni Luz na nag-grocery ito, kaya hindi rin nito masisisi ang pagtataka ni Renante nang makitang gayak na gayak ito at kauuwi lang ng bahay. Malas ng ginang kasi at naunahan ito ng sariling anak makauwi.
Pagdating sa kuwarto nila ng asawang si Ronaldo, naghubad ng mga alahas si Luz at inihanda ang susuoting pantulog. Tahimik na nagbabasa ng fiction novel ng ginoo na nakaupo sa kama at nakasandal sa headrest ang likuran. His eyes stole a glance at her, then he resumed his reading. Walang pagtataka sa mukha ni Ronaldo dahil nagpaalam naman si Luz dito na aalis.
Akala ni Luz ay ligtas na ito kay SPO2 Renante Villaluz, pero dadaan pa pala ang babae sa interogasyon ni General Ronaldo Villaluz.
"Kumusta ang meet-up?" sara nito ng libro bago ito ikinandong sabay lingon kay Luz.
Napahinto si Luz sa tangkang magtungo sa banyo bitbit ang bathrobe at pinkish-white na night gown. She turned to face him.
"It's a hassle. I shouldn't have gone."
"Why is that?" Concern was in his eyes.
Luz sighed helplessly. She was really good at keeping Ronaldo at his toes, wrapped perfectly around by her delicate fingers.
"Ang layo ng expectation ko sa luxury bag na ipinakita sa akin. Upon close inspection, napansin ko na nagbabakbak ang leather sa ilalim! Natagalan pa ako roon dahil nakipagtalo pa ang seller na iyon sa akin. She kept on insisting na dahil sa pagkaka-store sa stock room. Na hindi nababakbak na leather iyon kundi nagpa-powder lang which is actually the same thing! Right?"
Ronaldo nodded once.
"Kapag nagpa-powder, 'di ba, ibig sabihin, nagbabakbak? Iyong nakita ko nga lang, hindi siya powdery pero grabe, nagbabakbak talaga. Kaya siguro gabi nakipag-meet up, at sa isang low-light ambianced restaurant pa! Akala niya siguro, matandang gurang na ako na hindi mapapansing defective ang bag niya! Oh, I was almost tempted to peel it off with my nails to prove my point, kaya lang baka idahilan pa ng seller na sinira ko ang bag para mapilit akong bilhin!" Her face softly frowned. "Oh, Ronaldo, if you only knew!"
As usual, her husband chose to remain composed. Ayaw nitong sinasabayan ang pagiging emosyonal ni Luz, dahil ang mindset nito ay sa ganitong mga panahon, dapat ito maging mas matatag para masandalan ng asawa.
"Should I brew you some chamomile tea? Or red ginger tea?" Ronaldo gently offered.
"I don't want to disturb you from reading that book, dear," she smiled sweetly at him. "Itawag mo na lang sa phone sa maid's quarters para katulong na ang mag-akyat ng chamomile tea ko rito."
"Okay. I'll tell them to make you a teapot full of chamomile tea," he smiled gently. "Go and get your night bath, para mabawasan na ang stress mo."
Nagningning ang appreciation sa mga mata ng ginang. "Thank you."
Pagpasok ng banyo, isinara ni Luz ang pinto. Inilapag niya sa gilid ng bathtub ang bathrobe, at ang bihisan naman ay sa dulo ng counter kung nasaan ang lavatory at salamin.
Her night bath takes more effort compared to other people's. Pupunuin muna ng mainit na tubig ang bathtub. Habang bukas pa ang gripo, inihahanda na ni Luz ang skincare set na gilid ng lavatory. Then, she would start using wipes to clean her face from any make-up. Pagkatapos, babalik ito sa tapat ng bathtub. Kapag puno na ito ng tubig ay papatakan na ng essential oils. Para sa gabing ito pinaghalo ni Luz ang lavender at bergamot para maging mahimbing ang tulog mamaya.
Once she was already inside the bathtub, Luz relazed leaned her back against its other end. Nakatali ang maikling buhok ng babae para hindi sumayad sa tubig. Ipinikit nito ang mga mata. Huminga nang malalim at nilanghap ang bango ng tubig dahil sa essential oils na nagkalat sa buong kuwarto.
Siyempre, alam ni Luz na hindi ito dapat nagsinungaling kay Ronaldo. He didn't deserve to be lied at, especially at their old age. But she could not feel any guilt, because she was doing this for their son.
Kasi, ang totoo, nakipagkita kanina si Luz sa nanay ni Stacey—si Artemia. They went to this low-lit fancy restaurant to discuss their plan for Stacey and Renante.
She could not believe that tonight, two old friends managed to meet each other and treat each other amicably for the sake of their own children.
Napangiti siya sa isiping iyon.
.
.
ILANG ORAS ang nakalipas ay sumakay uli si Piccollo sa Aston Martin nito na nakaparada pa rin sa tapat ng café kung saan sila nagkita ni Renante.
"Stace?" tapat uli nito ng smart phone sa tainga nang maokupa ang driver's seat at maisarado ang pinto nito.
His hand moved— turning on the car engine and the air conditioning to cool the interiors.
"Piccollo."
He internally groaned. Stace, why do you sound so stiff? Kailan mo ako kakausapin nang may lambing sa boses?
He took in a deep breath and tried his best to play cool.
"Why did you call? Missed me?" Binuntutan iyon ng binata ng mahinang tawa.
"Piccollo, I called, kasi seryosong bagay ang gusto kong pag-usapan natin."
Nakangiti pa rin si Piccollo pero unti-unting napawi iyon habang tumatagal at hindi pa rin binabawi ni Stacey ang mga sinabi nito.
"If that's a serious matter—" pagseseryoso ng lalaki habang nag-aalangan na ang ngiti na nasa mga labi, "—then, why do we have to talk about this over the phone? Why can't we just meet up like what good friends do?"
"Old friends."
Natigagal ang lalaki sa narinig. Tuluyang nawala ang ngiti nito at nalaglag ang panga.
"From now on, we're just old friends."
Nagsalubong ang mga kilay ni Piccollo. Dahil ba ito sa Villaluz na iyon? He threatened to confront me, so you called me to cut me off from your life for his convenience, Stace?
"You've got to be kidding. Si Renante lang ang may gusto na gawin itong ginagawa mo sa akin ngayon, Stace. I don't believe you'll take orders from a man. You are your own woman and you make your own decisions."
"You are right. And this is my decision, Piccollo. We should stop being friends."
"Pagkakaibigan na nga lang ang kaya mong ibigay sa akin, babawiin mo pa?" hindi makapaniwalang bulalas ni Piccollo.
Hindi... Hindi. Imposible itong mga pinagsasabi ni Stacey. Oo, lagi ko siyang kinukulit noon. But I always respect her decisions! Hindi ako iyong tipo ng tao na namimilit ng babae, kaya wala siyang dahilan para itaboy ako! I don't believe it! This is not true!
Hindi agad nakasagot si Stacey, kaya lalong nangati ang lalaki na magsalita. Aba, hindi pwedeng manahimik na lang ito! Kailangan nitong ipaglaban ang natitirang chance na makita o makausap ang babaeng mahal nito!
Even if he was only a friend to her, he would rather be that person for her instead of being complete out of her life!
Dahil pag-asa ang hatid niyon sa kanya. Pag-asa na lang ang natitira sa kanya para magpatuloy sa buhay kahit hindi nayayakap o nahahalikan ang babaeng minamahal.
"Okay naman sa akin na hindi mo ako mahal! But, Stacey, please treat me like a human too! Don't hurt me like this!"
"Are you not hurt, seeing me and talking to me but knowing that I already belonged to someone else?"
"I am not."
"Then, I don't matter that much to you. And since that's the case, it won't be bad to completely burn bridges with me."
"I am not hurt because if you are goddamn happy to be belonging to someone else, then I'm happy too!" Unti-unting humalili ang galit sa kanyang mukha. "Dahil ba ito sa pagpunta ko sa Port Vivienne? Tinakot ka ba ng gagong Villaluz na iyon? Na iiwanan ka niya kung hindi mo ako aalisin sa buhay mo dahil seloso ang hayop na iyon?"
He heard her sigh.
"Stace, I can talk to him if you want. Kung hindi lang siguro ako nakialam sa problema ninyo, hindi ako pag-iisipan ng Renante na iyon na may balak na agawin ka sa kanya. I've been a good friend to you, Stacey. Just let me get this sorted out—"
"Please, Piccollo. Don't make this hard for the two of us." She drew in another sharp, weary inhale. Tila pinunit niyon ang puso ng binata. Tulad nito yata na nahihirapan din ang kalooban ng babae, dahil kahit hindi nito masuklian ang pagmamahal nito, alam ni Piccollo na napakamabait na tao ni Stacey.
She could just break his heart years ago by pushing him away, calling him names, and lashing her irritation at him. But she did not do those things to him. Ni hindi ito nainis sa kanya. Inunawa nito na ang mga pangungulit ni Piccollo ay dahil sa pagkauhaw sa pansin ng taong gustong-gusto mo. Stacey knew how to reject a suitor while still treating him like a human who has feelings that get hurt.
Kaya napakahirap paniwalaan para kay Piccollo na dahil lang sa selosong Renante na iyon, tuluyan nang mawawalan ito ng koneksiyon sa dalaga!
Tears began streaming down his eyes. Hindi na nakapagsalita si Piccollo dahil alam nitong gagaralgal ang boses kapag ginawa iyon. At ayaw nitong masaktan, mailang, o makaramdam ng guilt si Stacey para panindigan ang desisyon nito nang dahil lang sa iniyakan ito ng binata.
Lumuluhang napailing si Piccollo.
"Sige. I respect your decision, Stace."
Her voice slightly wavered. "T-Thanks."
It was a rollercoaster of emotion even if Stacey already disconnected the call. He was even unaware that he displayed the five stages of grief in one phone call—denial, anger, bargaining, depression, and acceptance. Although, in reality, he was only about to go through all those stages.
Piccollo released a staggering breath while his tears kept sliding down his cheeks. He tossed his smart phone on the passenger seat. Pinalo nito ng kamao ang bintana bago idiniin doon sabay tuon ng noo sa parehong kamao. Mariing pumikit ang lalaki na tuluyan nang namatayan ng pag-asa.
.
.
.
***
.
.
.
SATURDAY
PUNO NG PAGKAMANGHA ang mukha ni Pierre Gallardo pagkababa nito ng sasakyan. Isinara agad ng macho nitong bodyguard ang pinto ng back seat na pinagmulan ng binata. Tinitingala nito ang pagkataas-taas na gusali ng isang condominium building nang lapitan ni Stacey.
"Hi, Pierre!" nakangiting bati ni Stacey rito noong una. Unti-unting bumaligtad ang kurba ng mga labi niya at napanganga nang bumaba ang kanyang paningin sa kabuoan nito.
Pierre had his hair gelled up into a puffy brushed-up hairstyle. There was a hint of powder and concealer on his clean, natural-looking face. Pero ang nagpanganga talaga sa kanya dahil sa pagkadismaya ay ang kasuotan nito. He wore a pair of white ankle boots studded with clear blue rhinestones, a pair of skinny jeans, a black belt with a big silver buckle, a button-down green shirt with white playful prints of jungle animals on it with its top three buttons open, two layers of silver necklaces where one of them had a rhinestone-studded dollar sign bling, and a cocktail ring with an enormously sized faux yellow diamond in the center.
"B-Bakit ganyan ang suot mo?" naguguluhang tanong niya rito. Siya kasi nakasimpleng ripped jeans at puting tank top dahil mag-aayos sila ng lilipatan ni Renante.
"What?" kunot-noo nito sa kanya. Nakatingin pa rin si Pierre sa kanya nang kunin ang inaabot ng bodyguard na puting briefcase nito. "I always make it a point to show the client how fashionable I am when I represent Gallardo's."
Napangiwi tuloy siya. Oo, hindi niya sinabi ang totoo kay Pierre dahil kapag nalaman nito na tutulong sila sa pag-aayos ng mga gamit ni Renante at makakasama nila sa condo nito si Ronnie, tiyak na hindi niya mapapapayag itong pumunta rito! Kaya lang, dahil ang pagkakaalam nito ay may ipakikila siya rito na kaibigan niya na gustong makipag-collaborate sa Gallardo's, naging overdressed tuloy si Pierre!
Siguradong lagot ako mamaya nito, kapag na-discover na niya ang tunay na ipinunta niya rito.
Pierre gave her a questioning look, so Stacey nervously chuckled.
"Buti hindi mo sinama si Cherry," halos bulong niya.
Nagtaas-noo lang ito. "It's Saturday. It's distasteful for me to call an employee to work when it is supposed to be their day-off."
Napatango siya. "Pero buti at pumayag kang makita ang friend ko."
Naningkit ang mga mata nito. Tila gusto siyang sagutin ni Pierre pero pinigilan lang nito ang sarili. Inilipat nito ang tingin sa condominium building. "Pumunta na tayo sa friend mo."
Stacey nodded and walked ahead to lead the way for him. Naiwan naman ang bodyguard ni Pierre para iparada saglit ang kotse nito, pero alam niyang susunod din ito sa kanila dahil sinabi ni Pierre dito kung saang floor at unit sila matatagpuan at ibinilin na sumunod ito roon.
Habang naglalakad patungo sa malapit na elevator, kuntodo dasal na siya na sana ay may magandang ibunga ang pagpapapunta niya kay Pierre rito. Alam niyang hindi magandang nagsinungaling siya rito, kaya lang, base sa naging pag-uusap nila nitong Lunes, tila palihim na nagmamakaawa itong tulungan niya na maging kaibigan uli ni Ronnie. Siguro, dahil gusto nito pasukin ang negosyo na may kinalaman sa mga bakal at si Ronnie lang ang makatutulong dito. At para kay Stacey naman, kung magkakasama ang dalawang mag-best friend noon, mas makahahanap siya ng chance na masolo si Renante. It would also be less awkward too, because Ronnie's attention would be more diverted on someone else. Alam naman kasi niya na mainit ang mga mata ng lalaking iyon sa kanya dahil protective ito kay Renante. Nakaka-intimidate tuloy at nahihirapan siyang umakto nang natural sa ugali niya.
Nang marating ang tapat ng pinto ng condo, nilingon niya muna si Pierre. His eyes stared back into hers, as if saying that he was 'ready' to face what's waiting for them inside the room. Stacey took in a deep breath and pressed the door bell twice. Habang hinihintay nila na pagbuksan sila, mabilis niyang hinarap si Pierre.
Nagmamadali siyang magsalita na halos hindi na tumitigil para huminga. "Sorry I lied to you, Pierre. Ang totoo, narito tayo para tulungan si Renante sa pag-aayos ng mga gamit niya dito sa condo na titirahan niya."
Pierre's mouth fell open into an O shape. Pagkatapos, napailing ito habang naghalo ang takot at pagkalito sa nanlalaki nitong mga mata.
"What?"
"I should have, at least, told you to dress into something very, very casual," nahihiyang pasada niya kasuotan nito. "I know you made so much effort to look impressive to the client, pero hindi client ang mami-meet mo rito kundi si Renante at si Ronnie."
"You bitch!" gigil nitong angil sa kanya sabay sugod sa kanya.
"Please, understand! Ikaw ang nag-suggest na i-exercise ko nang i-exercise na parang muscle ang magpatawad para maging madali sa akin ang mapatawad si Renante. So, I offered to help him here para kapag naging maganda ang resulta, mas gumaan ang loob ko sa kanya, mas maka-move on ako agad sa inis ko sa kanya at mapatawad ko siya agad."
"I don't care about that! What's boggling my grey matter is why do I have to be involved here?" he hissed at her face.
Saktong bumukas ang pinto kaya napabalik agad si Pierre sa kinatatayuan nito. He cocked his head to the side and quickly stretched his lips into a smile.
His smile seemed so happy it made his eyes look like arches where his irises and pupils could not be seen, but Stacey knew that his smile was fake.
Nagulat naman sa bumungad na hitsura ni Pierre ang nagbukas ng pinto—si Ronnie.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro