Chapter Fifty - Artemia's Request
STACEY AND RENANTE already got freshened up when they appeared in the dining room. Maayos na nakalapag sa itim na glass dining table ang mga pagkain na dala ni Paige para sa kanila. Different varieties of food were inside separate big white food containers with semi-transparent covers. Tinanggal na nina Pierre at Paige ang takip ng mga ito kaya kitang-kita ang mga pagkaing nakahain at nagkalat sa buong silid ang nakatatakam na amoy ng mga ito. Nasa sentro rin ng mesa ang magkakatabing bote ng iba't ibang malalamig na drinks—mga sports drink, mineral water, at fruit juice.
Stacey saw Ronnie was sitting on the left side of the table, beside Paige who appeared in her coffee-colored trousers and white, crop, round-neck T-shirt. Ipinaghahain na ng babae si Ronnie na abala sa pag-inom ng Pocari Sweat mula sa bote nito. Si Pierre naman ay nakaupo sa kabilang side ng mesa, katapat ng kinauupuan ni Ronnie. Pierre looked away from Ronnie and focused his eyes on their direction when he saw the two of them arrive.
Inunahan niya si Renante na pumuwesto sa upuan katabi ni Pierre, kaya ang lalaki, wala nang choice kundi hilain ang upuan sa isang dulo ng mesa at ipuwesto iyon sa tabi niya bago ito upuan.
Sinilip uli ni Stacey ang mga nakahain na pagkain. Nauna naman si Renante sa pagkuha ng isa sa mga pinggan.
"Ano ang gusto mo?" tanong agad ng lalaki sa kanya.
Stacey turned to Pierre and noticed that his plate was still empty. "Bakit hindi ka pa kumukuha ng pagkain?"
Nabigla naman ito. "Oh, I was waiting for you and Renante..."
She nodded at him. Tama lang na asikasuhin niya si Pierre, kasi siya ang nagyaya rito na pumunta para tumulong sa pag-aayos sa titirahang unit ni Renante. Nang harapin niya si Renante, sumalubong sa kanya ang nakasimangot nitong mukha.
Kinuha niya ang hawak nitong pinggan. "Ako na ang kukuha—"
Hindi nito binitawan ang pinggan. Kung makatitig sa kanya ay matiim na parang nagsasabing hindi ito magpapatalo sa kanya. "Ako na. Just tell me what you want to eat."
Baka kung ano pa ang isipin nina Ronnie kaya ibinalik ni Stacey ang tingin sa hapag. "I want some lasagna."
"Is that all?"
"That's all," aniya at umangat ng kaunti mula sa kinauupuan para abutin ang isang bote ng orange juice. She untwisted its cap and started drinking. Lagpas-kalahati ang nainom niya dala ng sobrang uhaw, lalo na at katatapos lang nila mag-sex ni Renante.
Dahan-dahang inilapag ni Renante ang pinggan na may dalawang square-slice ng lasagna sa kanyang tapat. Nilingon niya si Pierre na nilalagyan na ng Baked Sushi ang pinggan nito.
"That's Ronnie's favorite," wika ni Paige nang mapansin si Pierre. For some reason, she was wearing a nervous expectant smile. It was as if, she was hoping to please Pierre.
"Of course," walang-emosyong sagot ng lalaki habang nasa ginagawa pa rin nito ang tingin.
Tipid na ngumiti si Paige at mapagkumbabang napayuko. Sa tingin ni Stacey, hindi nito inasahan ang sagot o reaksiyon na iyon ni Pierre. It made her wonder if Ronnie's girlfriend was trying to be friendly with Pierre. Even if Ronnie clarified that he was Paige's inspiration behind the Rosa Cobra design, her assumptions that there was something between the woman and Pierre was resurrected. Iyon ay dahil sa inaakto ng babae na para bang natatakot ito sa lalaki.
She glanced at Ronnie and studied him. Mukhang walang napapansin ang lalaki sa pagitan nina Paige at Pierre.
Dapat ba akong makialam na naman? The last time I did, it did not end well...
Ronnie put down his bottle and looked at the plate in front of him. It has slices of Baked Sushi in it. Sinimulan na nitong gamitin ang tinidor para kumain.
He's unusually quiet, Stacey noticed. Maybe, he noticed what I noticed too. Mabuti pang huwag na lang talaga ako makialam sa relationship ng iba. I have my own relationship to mind!
Tumuwid si Stacey ng pagkakaupo at nilingon si Renante. Saglit na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso at ang kanyang paghinga dahil titig na titig ito sa kanya.
"Yes?"
"Eatwell," he smiled softly, yet it did not reach his serious eyes.
Stacey nodded. "Thank you."
Pagkatapos kumain, naiwan sa dining area sina Paige at Ronnie. Magkatulong na nilinis ng dalawa ang mga pinagkainan nila. Bumalik sina Stacey at Renante sa bedroom para ituloy ang pag-aayos dito.
Si Pierre naman ay ipinagpatuloy ang pagpupunas sa mga muwebles sa sala. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ito ni Stacey para kumustahin at tulungan na rin. Dumalas ang pag-assist niya rito kasi nakahahalata siya na parang nananamlay at masyadong tahimik ang lalaki.
Inaway ba siya ni Ronnie?
Pinapanood niya ang pagpupunas ni Pierre sa malaking shelf na patungan din ng flatscreen TV nang hindi siya nakatiis. Lumapit siya rito.
"Are you alright?"
Hindi ito tumigil sa pagpupunas sa shelf na ka-eye level nito.
"I'm alright."
"I'm sorry."
"For what?"
"Kasi pinapunta pa kita rito. You must be tired."
"No. It's alright. Puro pagpupunas lang naman ang ginagawa ko rito."
"Puwede ko bang malaman kung nagkausap kayo ni Ronnie?"
Natigilan ito pero hindi siya nilingon. Lalo tuloy siyang kinabahan.
"Inaway ka ba niya? Pinaaalis ka ba niya rito nang hindi namin alam ni Renante?"
Ibinaba ni Pierre ang kamay. Kita niyang nag-isip muna ito bago siya nilingon.
"Hindi kami nag-away. But that doesn't mean we've rekindled our friendship too—"
Humahangos na lumitaw sa doorway si Paige at tinanaw sila.
"Pierre!" nag-aalala nitong tawag kaya napatingin sila sa dalaga. "Please, help Ronnie!"
Nagtaka sila dahil tila natilamsikan ng tubig ang babae. Halos sabay nila itong nilapitan.
Stacey stopped in front of Paige. "Bakit? Ano'ng nangyari?"
Samantala, nilagpasan naman sila ni Pierre. Dumere-deretso ito ng pasok at unang hinanap si Ronnie. Nang habulin ito, nadatnan nilang napaatras ito mula sa kinatatayuan sa kusina dahil sa lakas ng tilamsik ng tubig mula sa pihitan ng gripo. Ronnie was already squatting in front of an open cabinet-door below the sink. Masisilip na may kinakalikot ito sa loob ng madilim na cabinet na iyon.
"We're just washing the dishes," Paige explained to them, "nang biglang masira ang pihitan ng gripo. Ronnie is trying to find that valve to turn off the water supply only in this kitchen for a while para ma-fix niya raw 'yong gripo."
Lakas-loob na sumugod na si Pierre sa lababo sabay hubad sa damit nito. Namilog lang ang mga mata nila habang hindi malaman kung ano ang ie-expect sa gagawin nito. Pierre simply wrapped his shirt around the mouth and the loose faucet knob of the leaking faucet. Dahil sa ginawa ng lalaki, hindi na paitaas na tumatalsik ang tubig mula sa hindi maisara na gripo. Sa halip, tumutulo na ito pababa sa lababo.
Samantala, hindi pa rin makapa ni Ronnie kung nasaan ang valve para sa water supply sa kusina.
"I-on mo ang flashlight ng cell phone mo," nagmamadaling pakiusap niya kay Paige na sinunod agad nito. Pagkatapos, lumapit si Stacey at itinapat sa ilalim ng lababo ang ilaw para mahanap ni Ronnie ang hinahanap nitong pihitan.
They all sighed in relief once the leaking stopped. Napatingin sila sa kusina kung saan nabasa ang ilang gamit at may manipis na latag na ng tubig sa tiled na sahig. Ronnie stood straight, alarming Pierre. Nagmamadaling lumayo tuloy ang lalaki rito. It was his carelessness and rush that made him slip on the floor.
Bago pa ito tuluyang bumagsak, kumapit ang isang kamay ni Ronnie sa dulo ng lababo at ang isa naman ay hinaklit ang braso ni Pierre para maiangat ito. Pierre immediately steadied his feet on the wet floor and put himself up again. Ito pa ang marahas na nagbaklas sa braso nito mula sa pagkakasabit sa kamay ni Ronnie.
Paano kayo magkakabati, eh ikaw pa itong parang galit sa kanya, Pierre? naiiling na ekis ni Stacey sa mga braso habang papalapit ang aburidong lalaki sa kanya.
"I need new clothes," anito dahil maging ang nalalabing kasuotan nito na shorts ay basang-basa na. Then, Pierre walked past them.
Ibinalik ni Stacey ang cell phone ni Paige bago sinabayan sa pag-alis sa kusina si Pierre.
"Manghiram ka na lang uli kay Renante," aniya rito bago lumingon sa kanilang likuran. Sa tingin niya ay hindi na sila maririnig nina Ronnie at Paige kaya nagsalita siya uli. "Ano ang ginawa mo kanina?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ginawa? I helped Ronnie. Is that wrong?"
"I know you helped him," aniya rito. "Pero bakit no'ng tinulungan ka niyang tumayo kanina, hindi ka man lang nag-thank you? Parang nainis ka pa sa kanya?"
Ibinalik nito sa harap ang tingin. Kita niya ang pangangalit ng panga nito bago nakaapuhap ng isasagot.
"He shouldn't have helped me."
"Oh, I get it. Pataasan ba ng pride ito? Imbes na siya ang may utang-na-loob sa 'yo kaya mapipilitang makipagkaibigan sa 'yo, sa huli, ikaw itong nagkaroon ng utang-na-loob sa kanya dahil tinulungan ka niya?"
"That's not the case, Stacey," mariin nitong wika bago sila huminto sa tapat ng pinid na pinto ng kuwarto ni Renante. Pierre faced her. "Puwede ba, huwag na huwag ka nang makikialam sa amin ni Ronnie? Ang intindihin mo, ang relationship n'yo ni Renante."
He was right. Napahiyang itinutok ni Stacey ang tingin sa pinto.
"Then do me a favor today."
"I already did you tons of favors today. Kung alam mo lang."
Akmang bubuksan na ni Pierre ang pinto nang magsalita siya.
"Please, distract Ronnie for me. Make sure that he cannot disturb me and Renante."
Binitawan nito ang seradura ng pinto.
"That's why I brought you here. So, you'll keep Ronnie away from Renante and I," amin niya rito. "Hindi kasi puwedeng hindi tumulong sa pag-aayos dito si Ronnie dahil kanya itong unit na ito. Pero kung puwede lang, mas gusto ko na kaming dalawa lang ni Renante ang narito at nag-aayos. I just wanted to see if it will be still worth it to marry him."
"How could arranging this unit help you realize if a man is worth marrying?" harap ni Pierre sa kanya.
"Kasi gawain ito ng mag-asawa, 'di ba? Ang magkatulong na ayusin ang bahay?"
Naguguluhang napanganga ito saglit. "Iyon lang? Iyon lang ang basehan mo kung itutuloy mo pa rin ang pakikipagrelasyon sa kanya?"
"Puwede bang babaan mo iyang boses mo?" she hissed at him. "And of course, hindi lang iyon ang basehan ko!"
All she wanted is to forgive Renante already. Maybe, if she sees how they are compatible in so many ways that would help her forgive him easily. And if she sees that they were not compatible on some things, that would help her understand why Renante thinks they were not yet ready to get married... that would help her know what they needed to work out on in their relationship...
Pierre just scoffed. "I'm freezing."
She sighed and opened the door for him. Gulat na napalingon sa kanila si Renante na ina-arrange na sa wall shelf ang ilan sa mga libro nito.
Lumukot ang mukha nito nang makitang topless ang katabi niyang lalaki. Nagdilim agad ang anyo nang harapin sila nito at tanungin.
"What happened to your clothes, Pierre?"
Stacey spoke for Pierre. "He needs new clothes. Nabasa siya kanina."
"Nabasa dahil?" matalim ang tingin nito kay Pierre.
"Dahil nasira for some reason, iyong pihitan ng gripo sa kusina. Tumulong siya kay Ronnie sa pag-manage ng tumatagas na tubig."
"Ayos na ba iyong gripo?" ani Renante, nakatingin pa rin sa kanila habang patungo sa bag ng mga damit nito.
"Hindi pa. But I think, si Ronnie na ang bahala roon ngayong nai-off na nila ang water supply sa kitchen area."
Lumuhod ang napabuntonghininga na lang na si Renante para buksan ang zipper ng isa sa mga bag nito at ipaghanap ng bagong bihisan si Pierre.
.
.
NANG MAKAPAGBIHIS SI PIERRE, pinagbigyan nito ang pakiusap ni Stacey rito. He kept himself busy in the living room while she stayed in the bedroom and helped Renante arrange his stuff in there.
He arranged the books while she busied herself with organizing his clothes in the closet. Panay ang tanong niya sa lalaki kung tama lang ba ang pagkakaayos niya sa mga damit nito at kahit paulit-ulit iyon dahil hindi siya kumbinsido sa lagi nitong sinasagot, hindi nagbabago ang sinasabi ng lalaki na okay lang sa kanya ang kanyang ginawa sa mga damit nito.
Naunang matapos ang binata sa ginagawang paglalapag ng mga gamit sa mga night table, desk at shelf, kaya tinulungan siya nito sa pagtitiklop at pagha-hanger sa mga damit nito. Pagkatapos niyon, magkatulong nilang inayos ang kama—inilatag nila ang bedsheet at pinundahan ang mga unan na kapwa dark olive green ang mga kulay, maliban sa bedsheet na may puting guhit sa gitna. Pagkatapos, kapwa sila humiga sa kama at tinitigan ang kisame. Magkatabi ang kanilang mga ulo, pero nakahiga sa kaliwa ng kama si Stacey at nasa kanan naman nito si Renante.
"Feeling ko, first time lang natin ginawa ang isang bagay nang hindi nag-aaway," halos pabulong na wika ni Stacey.
"Is that how you want our relationship to be? One that has no fights?" Renante asked in between his deep breaths.
"Not really. Minsan kasi... may mabuti namang naidudulot ang mga pag-aaway natin."
"Ano naman iyon?" lingon nito sa kanya habang nasa kisame pa rin ang tingin niya.
"Mas nakikilala natin ang isa't isa."
Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. May kung anong tumatakbo sa isip nito na hindi masabi-sabi.
"Aren't we more honest when we're angry? When we're arguing with somebody? We always say we didn't mean what we say when we're mad... But the truth is, we know to ourselves, that it was the realest thing."
"Do you think so? Because when we argue with someone our aim is to win the argument."
That made her turn her face to him, gaze deeply into his eyes. "And what does that have to do with being honest when angry?"
"Sometimes, we want to win the argument so bad we resort to lying. We can't even admit it when we realized that we're wrong, because we're angry at this person and we don't want this person to win."
She lowered her eyes. He was right. That's a possibility too.
"I hope you don't see me that way... when we're fighting. I hope you don't think that, my true colors is that that appears when I'm only angry. I hope you think that when I kiss you and when I say I love you, it is coming from the real me... that it is true when I say and do it."
Ibinalik niya ang mga mata sa mga mata ni Renante. Habang nakikipagtitigan siya rito, dama niya ang maingat na paghawak nito sa gilid ng kanyang mukha. His fingers carefully slid down to the side of her jaw to slightly tilt her chin up as he drew in closer and make their lips meet.
Stacey slowly closed her eyes and felt his lips softly pressing against hers. They stayed that way for minutes before Renante moved his lips, gently parting hers open. That was when she felt his warmth. Napataligid siya nang pagkakahiga para tuluyang humarap dito, at kinopya ng lalaki ang kanyang ikinilos. He reached for her and they moved close to each other, until her arm draped over his waist and he tightly clutched on her hips while their hands that blocked their chests from each other held one another.
She could not help thinking that despite being hurt about the secret that Renante had been keeping from her for years, she would still be able to stay by his side. Despite feeling fooled and cheated, here she was, ready to learn how to completely forgive him and move on from what happened.
Their kiss was interrupted when they heard a muffled ringtone. Agad na napaupo si Stacey sa kama nang ma-realize na galing iyon sa kanyang cell phone. Walang-imik na tinungo niya ang bag na naiwang nakapatong sa desk ni Renante, katabi ng puting briefcase na dala kanina ni Pierre. Inilabas niya ang cell phone. She could not help a protesting groan upon seeing who was calling.
Nakaupo na si Renante sa kama at nakatanaw sa kanya. Kumunot ang noo nito nang makita ang kanyang reaksiyon at pag-aalinlangang sagutin ang tawag.
"Sino 'yan?" pag-aalala nito.
Tinanaw niya ang binata. "My mom."
"I'll go outside then. Mabuti pang i-check ko kung ano na ang ginagawa roon nina kuya," usog nito sa dulo ng kama para malisan ito.
Stacey took in a deep breath. "Thanks."
Pagkalabas na pagkalabas ni Renante, sinagot niya agad ang tawag sa cell phone. Sa totoo lang, umaasa siya na bago pa makalabas ang binata sa kuwarto ay matatapos na ang pagriring nito. Mukhang determinado talaga ang nanay niya na makausap siya kaya hindi pa rin nito tinatapos ang tawag hangga't hindi niya nasasagot.
"Yes, mom?" bungad niya rito.
"My flight will be on Wednesday next week."
She internally groaned then sat at the side of the bed. "I know. Nitong nakaraan mo pa iyan sinabi."
"Yes. And because of that, I was thinking... what if we have a little get-together before I leave?"
Kumunot ang noo niya. Kahit kailan kasi hindi nakaugalian ng nanay niya na makipag-bonding sa kanya lalo na kung malapit na ang alis nito sa Pilipinas. Kadalasan kasi ay abala na ito sa paggawa ng mga arrangements at pag-aayos ng mga gamit nito ilang araw bago ang flight nito.
"Bakit? Wala ka na bang kailangang gawin bago ka umalis? It might be inconvenient for you."
"Everything's already set. I just want this get-together to happen, maybe tomorrow? Sunday night? People are mostly free and off-work on a Sunday night, right?"
"Ang bilis naman. Let me tell you, some people might have already made some commitments on a Sunday night, given that it was only one of their free time."
Unless, ako lang ang gusto niyang makasama bago umalis ng Pilipinas... which is, weird. Kahit kailan, hindi pa naiisip ng nanay ko na gawin ito.
"I know, that's why I want to ask you a favor. Na kung puwede, magawan mo ng paraan na makasalo ko man lang kayo. Breakfast, lunch, dinner... ikaw na ang bahala sa arrangements."
Lalo tuloy siyang nagtaka. "What do you mean 'kayo?' Sino-sino ba ang gusto mong makasama?"
"I actually prefer to have dinner with you and Renante. Make sure, he'll bring his family too."
Kinabahan siya. Gusto ng nanay niya na makasama siya, si Renante at ang pamilya nito? Natatandaan pa naman siguro nito na nanay ng lalaki ang pinakakinaiinisan nitong si Luz, 'di ba? Should she remind that to her mother?
"Bakit?" Iyon lang ang naapuhap niyang itanong dito.
"It's important to meet them already. Because who knows? Baka sa susunod kong balik dito sa Pilipinas, kasal na kayo ng lalaking iyan. Kaya ngayon pa lang, kailangan ko nang makaharap ang mga iyan."
Lalo siyang lumubog sa kinauupuan sa mga narinig.
"Ma—"
"Please. Make it happen. I swear, I won't get into some fight with his mother. I'll be on my best behavior. Please."
Her mother never begged her for anything, just now. It was as if a warm hand just touched her heart. It was as if, her mother really cared for her after all...
Stacey only realized it just now, that it mattered...
That to feel a mother's love still matters for her after all...
It had been so long, she thought she didn't need it anymore. She thought it didn't matter to her anymore. But to feel even the slightest hint of that kind of love suddenly awakened that hopefulness within her...
Hindi niya maipaliwanag nang maayos sa sarili itong nararamdaman niya.
"I'll try," sagot niya sa ina. "Sige na. May gagawin pa ako. 'Bye."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro