Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Two - The Letter

PINANOOD NILA ANG PAG-ALOG sa fishbowl. Kasalukuyang nagaganap ang alumni party para sa batch nila Stacey nung college. Every section of their batch had their own representatives holding a fish bowl filled with rolled papers. The papers were five years old. Mabuti at maingat na naitabi iyon sa faculty room ng kanilang naging mga adviser noong nag-aaral pa sila. Bago ang graduation nila, nagkaroon ng eleksyon para sa alumni officers. Ang mga ito ang aasahang mangunguna pagdating sa pag-oorganisa ng kanilang mga alumni parties. At ang mga officers na ito rin ang nakaisip ng gimik na ito.

Nung huling practice ng lahat para sa kanilang graduation ceremony, nag-anunsyo ang bawat class president na kumuha sila ng isang piraso ng papel na ipaaabot nito.

Kung may gusto kayong sabihin sa kaklase natin na hindi niyo masabi ng harap-harapan, isulat niyo diyan sa papel. Then, i-rolyo ninyo, i-tape at ilalagay natin sa glass jar na ito, pakita noon ng lalaking class president nila Stacey sa garapon.

Weh! Baka naman etchos niyo lang iyan, ipagkalat niyo pa mga isusulat namin! Kontra ng isa sa mga kaklase nila.

Lalong umugong tuloy noon ang bulung-bulungan.

Sira! Kaya nga ite-tape ninyo, para secured. At ilalagay natin sa garapon at ipapakita ko sa iyo na iaabot ko ito mamaya kay Ma'am Jess! Si Ma'am Jess ang magtatabi ng garapon.

Bakit naman? singit ng isa pang nagtataka nilang kaklase. Para saan iyan?

Para daw pag nag-alumni party na tayo, bubuksan daw natin 'yung mga letters!

Hindi ba matagal iyon?

Hindi no, kasi kung para kanino iyon, siya lang ang pwedeng magbasa. At kung wala siya sa party, lagot siya at 'yung sender! Dahil babasahin daw sa harap ng buong batchmates natin 'yung letter!

Nagsimula na ang kantyawan.

Natatawa ang class president nila habang panay ang kaway ng kamay at saway sa mga maiingay.

Kaya! nagtaas ito ng boses para makinig na sila. Kaya lahat a-attend ng alumni party! Kung hindi— nanunuksong kinaway-kaway nito sa kanila ang hawak na garapon.

Pwede bang hindi na lang magsulat? Sure naman ako, walang susulat ng para sa akin, reklamo ng isa.

Hindi! mariing wika ng class president. Lahat magsusulat! Ilalagay dito sa garapon! Ga-graduate na tayo, oh, huwag nang KJ at isip-bata. Kooperasyon naman!

Naghalo ang tawanan at ungol ng pagrereklamo bago humupa ang ingay nila nang may kanya-kanya nang mga papel. Halos nakayuko lahat sa kanilang mga desk. Kulang na lang, sumubasob para matakpan ang papel nila at walang makabasa ng isusulat nila.

At nagbalik sa kasalukuyan ang atensyon ni Stacey.

She displayed an awkward smile as their sections representative stepped forward. Ang bunutang ito sa fish bowl kasi ang magsisilbing attendance check nila. Kaya naman kung time-consuming, ayos lang dahil parte ng programa.

"Section C!" maingat na along ni Martin sa hawak na fish bowl.

Si Martin ang kanilang class president noon. Mukhang maloko ang lalaki. He had the smile of a Cheshire cat and a tall, lanky frame. Hanggang ngayon ganoon pa rin ang binata, may suot na nga lang ito palagi na reading glasses. Kahit sabihin pang mukhang pilyo ito, ang binata naman ang pinakamatino sa kanilang klase noon. Walang bisyo sa katawan. Lumaking patpatin dahil nagmula sa payak na pamumuhay. Hindi na sila dapat pang magtaka sa pag-asenso nito ngayon, pero mapipigilan ba nila ang mapahanga rito?

"Start na, President Marty!" masiglang usig ng emcee sa party na isa sa mga ka-batchmates nila noon.

Pinatong nito ang fishbowl sa mataas at pabilog na bar table. Pinasok nito ang kamay sa loob ng fishbowl at inalis ang napasamang mga papel bago maingat na tinuklap ang tape niyon. He unrolled the paper, squint his eyes and drew it close to read.

Halos manikip ang dibdib ni Stacey dahil ayaw niyang maging bwena-mano sa katyawan ng mga kaklase at ka-batchmates. She was not worried about the letters for her. Nandito siya, kaya ang ibig sabihin, mababasa niya ang mga iyon ng siya lang.

Pero 'yung ginawa niyang sulat noon...

"Dear Jennifer," nakangising angat nito ng tingin.

Pumalatak na ang mga kaklase niya ng tawanan. Nakisakay ang mga taga ibang section na kilala si Jennifer. Nahihiya na natatawang tumayo ang babae. Napalo pa nito sa braso ang katabing kaibigan bago nagmamadaling lumapit sa harap ng entablado.

Nahuli nitong binabasa ng mga mata ni Martin ang sulat kaya napalo rin ito sa braso. Kapwa nagtawanan ang dalawa. Nang makuha ni Jennifer ang sulat, nagmamadaling bumalik ito sa mesa at kinulit ng mga kasama roon tungkol sa sulat. Panay lang ang tanggi nito habang natatawa sa mga ito.

Stacey looked away from them. She could not help to voyage the room with her eyes.

Hindi ba nakumbinsi siyang pumunta sa party na ito dahil wala si Renante? Bakit hinahanap niya ngayon ito?

Dahil sa sulat?

Stacey internally groaned, sporting her best composed look as she could.

Ilang oras pa at malalantad na sa lahat ng nandito na nagkagusto siya kay Renante.

Bakit ba kasi ang lakas ng loob niyang isulat ang feelings niya sa papel na iyon?

Akala niya yata paglipas ng mga taon, hindi na siya magiging affected.

O akala niya siguro, magiging okay kung mabasa iyon ni Renante sa alumni party dahil umasa siya na nagkatuluyan na sila sa mga oras na ito.

Bagay na hindi nangyari.

"Stace, are you alright?" Kylie chirped beside her.

Nilingon niya ito at ginawaran ng blangkong ngiti. "Oo. I'm fine," alibi niya.

Hay, hindi bale na. At least, ang mga ito lang ang makakaalam ng tungkol sa sulat. At least, Renante was not at the party. Everyone here would take her letter as a joke. At tatawanan lang din ni Stacey ang magiging kantyaw ng mga ito sa kanya. Saglit lang naman iyon siguro. Huhupa rin ang biruan at makaka-move on na ang lahat. Tapos, bukas, parang walang nangyari. Limot na ang tungkol sa sulat niya para kay Renante.

Ang mahalaga, wala rito si Renante.

Despite the panic deep within, Stacey managed to look calm and hard on the outside.

Tuloy-tuloy ang naging pagtawag sa mga kaklase ni Stacey. She stood up twice and received the letters that she did not read yet. Bumulat ng isa pang papel si Martin. Nagkalat na noon ang ingay dahil nagkakakantyawan at tawanan na ang ibang nagbabasa ng mga sulat para sa kanila.

"For Renante," angat ng mga mata nito para hanapin sa kanila ang pangalang tinawag.

Stacey swallowed. This is my cue.

She gracefully pushed back her seat. Napalingon tuloy si Kylie sa kanya.

"Uy, saan ka pupunta?"

"Ladies' room," ngiti niya rito.

Nagtaka ang babae. Wala naman sa isip ni Kylie na iniiwasan niya lang si Renante dahil alam nilang hindi ito pupunta sa party.

"Samahan kita?"

"No," nag-alala siya dahil tinawag ulit ni Martin si Renante.

"Wala!" pangangantyaw na ng iba. "Basahin na iyan!"

She could feel her cheeks tingle with embarrassment. Stacey carefully left her seat. Hindi niya minadali ang paglalakad para walang makahalata na siya ang gumawa ng sulat para sa binata.

Pero paano kung hindi lang pala siya ang gumawa ng sulat para kay Renante?

Binagalan niya ang lakad papunta sa banyo.

"Okaaaay," balik ng mga mata ni Martin sa hawak nitong papel. "Mukhang wala si Renante Villaluz," at sinundan iyon ng mababa at nang-aalaskang tawa. "Lagot siya sa akin ngayon. Remember when he tried to steal the top 1 spot from me in the Dean's list?"

Tawanan.

Tumikhim ang lalaki bago binalik ang bibig sa tapat ng mikroponong nasa mic stand.

"For Renante," basa ulit nito, maluwag ang ngisi at sinadyang basahin ang dulo ng sulat. Nanlaki ang mga mata nito nang malaman kung kanino iyon galing. Then he looked at the tables to search for Stacey. Nagpipigil ito ng tawa nang mapagtantong umalis siya. "Five years from now, while you're reading this, we're probably together."

Kantyawan.

Doon na binilisan ni Stacey ang lakad.

That's definitely her letter for Renante!

Nang marating ang ladies' room, nilagpasan niya ang mga kabatchmates na nadatnang nagpapaganda sa harap ng salamin. Pinasok niya agad ang bakanteng cubicle at sinara ang pinto. Tinakpan niya ang toilet bowl bago iyon upuan. Masaya ang tawanan ng mga ito na hindi pa rin tapos sa pagkakamustahan habang palayo na ang mga boses. Lumabas ang mga ito pero hindi nag-abalang isara ang main door ng ladies' room ng events place na iyon. Rinig na rinig niya tuloy ang ingay sa labas.

Stacey sank, left with no choice but to listen to Martin reading her letter for Renante.

"We might be sitting side by side in our alumni party," masayang basa ni Martin sa sulat niya. "We might be planning to announce that we are getting married soon. Or that we are having a baby soon."

Hindi nakaligtas sa kanya ang paglakas ng kantyawan sa labas.

"I know it sounds so stupid. Hindi halata na ganito ang mga tumatakbo sa isip ko lalo na kapag kasama kita," pigil ni Martin ang matawa.

Stacey facepalmed. She was already cringing at her college self.

"Pero ano ang magagawa ko. In love ako sa iyo," sinundan iyon ng nang-aalaskang tawa ni Martin.

She released a groan. Nasapo niya ang noo at napailing.

"Hindi ko masabi sa iyo kasi alam ko namang iba ang gusto mo," patuloy ni Martin nang maka-recover sa hindi malaman kung natatawa lang o kinikilig nitong estado. "Pero nandito lang ako palagi. Kung hindi ka niya gusto, sa iyo ay may sasalo. Ako."

Naghalo ang tawa at pagkaasiwa ni Stacey. God. She wanted to laugh at how gullible she used to be! At the same time, cringe at how hopeless romantic her letter sounded.

"Nagmamahal," tawa ni Martin. "Hindi, joke lang," bawi agad ng natatawa nitong boses. "Walang nakalagay na nagmamahal. Ang nakalagay lang, Stace."

Stacey rolled her eyes as everyone's bickering and teasing roared in the place. Thank God, naunahan na niya ang mga ito nataguan. Maya-maya rin lalabas siya. Siguro naman, konti na lang ang mangungulit sa kanya mamaya dahil madidistract na ang mga ito sa susunod na mga letter.

"Ang corny talaga," natatawang iling ni Stacey nang makalabas ng cubicle. She checked herself in the mirror and retouched.

Napagawi sa bukas na pinto ang paningin niya at nahuli ang pagpasok ng lalaki sa katapat niyong banyo. Stacey blinked and calmed her heart that just skipped. Nasapo niya ang dibdib at tinanaw ang pinto pero nakapinid na iyon.

Iyan,nagha-hallucinate ka na dahil naalala mo na naman si Renante, balik niya saginagawa sa harap ng salamin. Wala siyarito, okay? Hindi si Renante 'yung nakita mo. Taas niya sa hawak naapplicator para mag-apply ng liquid lipstick sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro