Chapter Twenty - Work From Home
ILANG ORAS BA SIYANG BALAK IBURO NI STACEY SA KWARTO? Bagot na binalik ni Renante ang mga mata sa laptop. Nakapatong iyon sa worktable sa silid na pinagamit ni Stacey sa kanya. He was currently checking his emails. Late na siya kaya hindi na tumuloy ng biyahe sa VVatch.
Actually, he can still go there anytime he wanted. Kaya lang, hindi na raw tutuloy ng pasok sa opisina nito si Stacey. Kung tutuusin, mas secured doon ang dalaga dahil gwardiyado. Kaya kung dito lang ito sa bahay magta-trabaho, hindi na rin siya aalis.
Tapos na siyang i-inform ang sekretarya na hindi siya makakarating sa opisina niya. Gayunpaman, nire-require niyang i-update siya sa bawat nangyayari sa office. Lalo na 'yung may kinalaman sa trabaho niya. Next, he browsed some wristwatches online. Tumitingin-tingin lang siya at baka sakaling may makuha siyang magandang ideya para sa susunod na model ng relo na ipo-produce ng VVatch.
Gusto niyang magkape pero mahigpit ang bilin ni Stacey na sa kwarto lang muna siya dahil may bisita ito.
That guest was one of Stacey's employees. Pinag-communute ito ng dalaga para personal daw na makausap. He thought that was too much. Pero ano ba ang alam niya sa negosyo ni Stacey?
.
.
SAMANTALA, nakaupo sa salas si Stacey kausap ang Production Manager na si Yvonne. Nilabas nito mula sa isang sealed pack ang sample ng mga rattan. Iyon ang sinuhestiyon sa kanya kahapon ni Yvonne na materyal para sab ago niyang disenyo.
"Matibay ang rattan," patuloy ni Yvonne habang iniinspeksyon niya ang hawak na sample ng materyal. "Pwede nating paikutan ng yarn para ma-achieve yung malambot na texture na gusto mo ara sa bag, Ma'am."
"But isn't that going to be more complicated?" sulyap niya rito. "I mean, magiging obvious kasi yung spots na walang yarn. Magmumukhang nabitin siya sa yarn imbes na nakapatong lang yung design sa bag."
"Ang naisip kasi namin ng team ko, Ma'am," pormal na sagot nito, "gawa sa rattan ang buong exterior ng bag. Leathery ang loob. Tapos para sa makulay na design, ipupulupot yung colored textile."
"At magiging iba ang habi ng buong bag sa disenyo. Kung ipupulupot yung soft textile, susundan niya yung disenyo ng pagkakahabi nung rattan, 'di ba? It won't follow the design I made."
"Hmmm," check nito sa cardboard kung nasaan ang ginawa niyang draft ng disenyo.
"So, in any case, ipapatong lang dapat yung disenyo sa harap nung bag," patuloy ni Stacey.
"Sige, Ma'am. Titingnan namin kung ano pang alternatives ang pwede," angat nito ng tingin sa kanya.
"Alternatives? Why can't we just do the simple thing here? Ididikit lang natin yung design. Done."
"That would compromise the quality of the bag, Ma'am. Kilala ang produkto natin na mainly woven. Madaling matanggal 'yung mga de-dikit na designs."
"Unless, maganda ang quality ng glue na gagamitin, 'di ba?"
Kumunot ang noo niya dahil bukod sa hindi nakasagot agad si Yvonne, lumagpas sa kanya ang tingin nito. She looked over her shoulder. Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang nakatayo sa hamba ng pinto ng kwarto nito si Renante.
Itong lalaking ito! Hindi man lang nagbihis! Pasada ng tingin niya sa v-neck at boxer shorts na suot nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata.
"What? I got thirsty," makahulugang titig nito sa kanya.
Her eyes moved, gesturing him to go back to the room.
"Magtitimpla lang ako ng kape," kampanteng alis nito sa pinto. Napunta kay Yvonne ang tingin ng binata. "Coffee?"
Natigagal lang ang babae. Parang makakaltukan niya si Yvone dahil sa pagkakatitig nito kay Renante.
"S-Sige ho... Sir," sabay nakaw nito ng sulyap sa kanya para i-check kung okay lang ba sa kanya ang pagtanggap nito sa alok ni Renante.
Tinanguhan lang niya ito. Nagmamadaling sinalansan ni Stacey ang mga materyales at pinaglalalagay sa packaging nila. Tarantang tinulungan siya ni Yvonne.
"Ipagtimpla ko na lang kayo ng kape, Stace," narinig niyang pahabol ni Renante.
Nagnakaw siya ng tingin sa lalaki. Papunta ito sa kusina.
Alam niyang may gustong ikomento si Yvonne, pero dahil boss siya nito, mas pinili ng babae na manahimik at magkunwaring busy sa pagliligpit ng mga nagkalat na samples ng raw materials sa coffee table at sofa.
Ilang saglit pa at naglapag ng mga mug ng kape si Renante sa coffee table. Yvonne shyly thanked him. Parang gusto niyang dukutin ang mga mata ng babae dahil nakatingin ito sa boxers ni Renante. Umalis saglit ang lalaki. Nung pabalik na ito sa kanila, she decided to check Renante's reaction. Paglapag nito ng mug sa tapat niya, sumimple ito ng sulyap. Nahuli niya ang pagnakaw nito ng tingin kaya napangiti ito. Then he stood straight, took his own mug that he left on the counter. Bumagsak ang panga niya dahil bukod sa kape, pinakialamanan nito ang pinakatatabi-tabi niyang mga bagel. Nakakita siya ng dalawang piraso niyon na nakapatong sa ibabaw ng mug ni Renante.
Pasalamat ang lalaki kailangan niyang magmukhang professional sa harap ni Yvonne. Gigil na nagtimpi na lang siya habang sinusundan ito ng tingin. God, he looked like he needed a bath. Kailangan ba nito ang tulong niya? He needed help in taking off that shirt hugging his hard chest? Pabalik na ang lalaki sa kwarto. Damn, that butt looks good on that boxer shorts. He pushed the door with his foot and knee since his other hand was still bandanged. Meanwhile, his good hand was holding a mug with bagels on top, carefully laid on the rim so they would not touch his coffee.
.
.
PAGBALIK NI RENANTE SA KWARTO. Nagkape siya ng kaunti at kumagat ng bagel. Nang maubusan na ng gagawin at nabagot kakaantay ng email o tawag, naglikot na ang isip niya.
Inalala niya ang nangyari sa kotse ni Marty. Inalala niya ang nakasulat doon na Told U So. Nasa pagawaan na ang kotse. May tinipa siya sa search box ng browser sa laptop niya. Then he made a phone call.
"Hi. Ako 'yung kasama ni Ms. Stacey Vauergard kanina, nung kinuha ninyo 'yung kotseng pinapa-repair niya," paliwanag niya nang magtanong ang customer service kung ano ang kailanga niya. "Pwede bang padalhan niyo rin ako ng notice tungkol sa estimated cost nung car repair?"
Pinakinggan niya ang sagot ng nasa kabilang-linya.
"Yes, I am aware that there are forms needed to fill up. To ensure na pumapayag yung owner ng kotse na kami ang mag-settle ng payment at mag-asikaso sa repairs nung kotse. I believe Stacey already said we'll submit forms if you already informed us about the estimate cost."
Don't worry, Sir. Ina-assess na ho yung kotse. You'll receive a notice shortly kung magkano ang aabutin ang kung anu-ano ang mga kakailanganin ng repair at alin 'yung parts na dapat palitan.
"Good. Thanks," aniya bago natapos ang pag-uusap.
He stared at nowhere again. Inaanalisa na naman niya ang nangyari sa kotse ni Marty. Napunta siya sa latest threat na tinext ng stalker ni Stacey dito. Stacey managed to ask Marty what the text message said. Ayon sa nakita ng dalaga sa cellphone nito, the stalker only texted STAY AWAY. OR ELSE.
And that or else happened— Marty's damaged car.
"Renante!"
Napapiksi siya. Ang ingay talaga ng babaeng ito.
Stacey stormed in, cheeks slightly blushing. Her strides led her to him. Namewang na ito.
"Ang sabi ko, 'di ba—"
"I know!" depensa niya agad. "But I got thirsty! Sinabi ko na naman kanina kung bakit ako lumabas, 'di ba?"
"I am with my employee!" panlalaki ng mga mata nito sa kanya. "I don't want anyone who works for me to have an idea about what goes on with my personal life!"
"Like having a hot bachelor in your house?" ngisi ni Renante dito.
Umamba itong mamamalo kaya pinangsalag niya agad ang mga braso.
Natampal tuloy siya sa braso. "Umayos ka nga!"
Pagbaba niya ng kamay paalis na ang babae. "Saan ka pupunta?"
"Magbibihis!" lingon ng dalagang nakasuot pa rin ng puting dress.
He tugged a smile. "Pagkatapos mo, bumalik ka rito, ha?"
Huminto ito sa pinto. "Bakit?" paglambot bigla ng boses nito.
"We'll talk about your stalker."
Bumalik na naman ang pag-aalala sa mukha nito.
"What? We have to be one step ahead of that bastard," bahagyang pagseseryoso na niya.
Umiwas ito ng tingin, nakatayo pa rin ang babae sa pinto. Naihilig niya ang ulo. Tumayo siya at nilapitan ito. Now that they were face to face, Stacey felt the need for space. She stepped back, but he managed to trap her. Napasandal tuloy ito sa hamba ng pinto. He placed his good arm above her head as he lowered his face, drew it closer to her.
.
.
STACEY COULD NOT HELP FEELING SCARED. Pinipilit niyang alisin sa isip ang mga sinabi ni Marty. Nung iniwan kasi siya ni Renante sa labas, sinunod niya ang suhestiyon nito. Tinanong niya si Marty tungkol sa gusto nitong pag-usapan nila kagabi na hindi natuloy. That's when Marty told her about the latest text message he received from her stalker.
STAY AWAY. OR ELSE.
Nang ipabasa iyon sa kanya ng binata, hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi rin naman nila alam kung anong numero ang ite-trace dahil naka-private yata ang numero. Hindi iyon makita kahit anong hanap ang gawin nila sa text message at sa cellphone ni Marty.
"And Stace," lapit nito sa kanya, tila ayaw nitong may makarinig sa susunod nitong sasabihin, "mag-iingat ka kay Renante."
Kumunot ang noo niya. "Kay Renante?"
"You see... bakit parang hindi siya tinatakot ng stalker mo? Mas madalas mo siyang kasama kaysa sa akin. Siya dapat ang pinagdidiskitahan nung stalker mo."
May posibilidad na totoo ang mga sinabi ni Marty.
But she managed a nervous laugh. "Ano ka ba, imposible iyang sinasabi mo."
"Paanong imposible?" salubong ng mga kilay nito, nagnakaw ito ng sulyap sa paligid para itsek kung may nanainga o palapit sa kanila. Wala naman.
Na kay Marty lang nakatuon naman ang mga mata niya. "Dahil kung sino man itong stalker ko, he's making sure that I'll be his'. He wants to own. He wants to make sure na walang ibang lalaking makakalapit sa akin. He even said in one of his letters to me before that he hates Renante." Naghabol siya ng hininga. "At higit sa lahat. Walang gusto sa akin si Renante."
"Really?" nagdududang halukipkip nito.
"Really."
"Anong akala mo sa akin, walang muwang? Ano 'yung narinig ko kagabi?"
Namilog ang mga mata niya. "Kagabi?"
"Katabi ko lang ang kwarto ni Renante, Stacey," pinanlalakihan siya nito ng mga mata.
Kuha niya na kung ano ang pinapahiwatig nito.
"Stop it," nahihiyang iwas niya ng tingin. Nagkunwari siyang hindi apektado.
"Ingat ka," layo na nito sa kanya. "Ingat ka diyan kay Renante."
Nagnakaw siya ng tingin kay Marty. Abala na ito sa cellphone nito, tina-track ng lalaki kung nasaan na banda ang kotse na maghahatid dito sa Tagaytay.
And now that she was here, cornered by Renante at the door, Stacey was bothered by the things Marty told her.
Mag-iingat daw siya kay Renante.
"It's okay to be scared," he murmured softly. Now her eyes caught her gentle gaze as he soulfully resumed, "I'm here. Take it out on me."
She sucked in a deep breath. Oohh. So hot. Itutulak niya dapat ito palayo pero dumikit na yata sa dibdib nito ang mga palad niya. Renante bravely inched closer. Dama niya ang pagtuon ng noo nito sa gilid ng noo niya. Their noses would touch any sooner at their closeness. His gaze kept shifting slowly between her lips and eyes.
God. Ganito ba talaga manuyo ng kaibigan si Renante kapag nakasamaan ng loob?
"Okay, okay," awat niya rito, dahan-dahang tinulak.
But he did not budge.
Nilingon niya ito at hindi dapat. Hindi dapat dahil lalo lang naglapit ang mga mukha nila.
"I accidentally saw it earlier, how you talk to your employee."
Oh, here we go again. Alam niya ang tonong ito ni Renante. May pag-aawayan na naman sila.
"Bakit wala kang tiwala sa team mo? Didn't you hire them because they know more about the stuff than you?"
"Renante—"
"I think the woman was right. You should not compromise the quality of your products."
"Bakit nakikialam ka?" pagtataray niya rito.
"Kasi akala ko, ako lang ang nabibiktima niyang pagiging kotrabida mo, Stace." Hindi niya maintindihan kung bakit may paglalambing sa boses nito. "Marami pa pala."
Napahawak siya sa braso nito nang dumiin ito sa katawan niya.
"When you always get no for an answer, you learn how to retort, Mr. Villaluz," she defensed in the midst of her breathlessness.
"But if you keep getting a yes, you won't know what you really want... what to fight for and how to fight for what you really want," he replied meaningfully. Then he gazed deeply into her eyes. "Right, Ms. Vauergard?"
Titig lang ang sinagot niya rito.
Dahan-dahang humiwalay ang lalaki sa kanya. "Sige. Magbihis ka na. Hihintayin kita rito."
Tinanaw niya ang paglalakad nito pabalik sa worktable kung nasaan ang laptop, mug ng kape at bagels nito. Nanlaki ang mga mata niya.
"Oo nga pala! How dare you touch my bagels!" she blurted.
"What?" dampot nito sa isa sa mga bagel. "Gutom na rin ako. Tanghali na."
She sighed. Ano ang gagawin niya? Paano kung totoo ang hinuha ni Marty tungkol kay Renante?
But why? Why would Renante do all of this if he really is her stalker?
She has to make sure. She has to investigate.
"Let's go out, Mr. Villaluz," matapang niyang deklara.
Napatigil ang pag nguya ng lalaki. Muntik pa itong mabilaukan. Buti at naabot agad nito ang mug ng kape. He drank and swallowed hard. Then, composed himself as he returned his eyes on her.
"We'll go out?"
"Oo. Lunch tayo sa labas."
"But it's safer here," seryoso nitong saad.
"I think, mas safe tayo kung nasa publiko tayong lugar," she proudly asserted.
Tumaas ang mga kilay nito. "You have a point, Ms. Vauergard."
"Then, magligpit ka na diyan," gilid niya saglit, pinapasadahan ng huling tingin si Renante bago tumalikod para iwanan ito.
Naiwan si Renante na medyo napapailing. Hindi makapaniwala. He didn't know if he would smile or laugh or what. Tumango-tango ito.
"We're going out," he shrugged.
Nasulyapan nito ang mesa. Nagmadalituloy ang lalaki sa pagsasalansan ng mga gamit nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro