Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Two - A Better Player

"HELLO," bungad ni Renante sa kapatid nang tawagan nito.

So it's true, mabigat na wika ni Ronnie sa kabilang linya. Umalis ka na nga ng bahay.

"Yes," he replied coolly. "It took you this long to find out?"

Ngayon lang nabanggit ni Mama sa akin, anito habang nakaupo at ginagalaw-galaw ang swivel chair sa loob ng pribado nitong opisina. Ronnie loosened his neck tie before taking in a breath. Saan ka ngayon nakatira? I don't think you planned this. Binigla mo raw si Mama sa desisyon mong bumukod.

"Why are you concerned? Kinausap ka siguro ni Mama para kumbinsihin akong bumalik."

Well, he groaned, you know why our parents are worried, Renante. How are you supposed to live? Kumpleto ka pa bang nakakakain sa isang araw? We all know that VVatch is not yet that stable.

Great. Here his family goes again.

"You'll know once I started posting photos of the food I eat. I will, para hindi na kayo nag-aalala," sarkastiko niyang saad. "Pwede bang tapusin na natin ito? I'm busy."

How come? Your secretary just said you did not clock in today.

His eyes narrowed.

Mukhang may nagpapabaya na naman. Don't disappoint our family, Renante.

These bastards.

"I built VVatch with my own money," he hissed. "Wala na kayong pakialam kung paano ko patatakbuhin ang negosyo ko."

As far as I know, you used your lifetime of savings. How are you keeping up with so little left in your bank account?

"More fulfilled than people who has a lot in their bank account," he snapped. "Bye, Ronnie."

Pinatayan na niya ito ng phone. Pag-angat ni Renante ng tingin, napadpad iyon sa papalapit na si Kylie. She smiled at him, hurrying in her puffed-sleeved periwinkle dress.

"Renante!" she sweetly greeted. Pinasadahan siya nito saglit ng tingin. "You're here?"

Binulsa niya ang cellphone. "Yes. In fact, I'm with Stacey."

Biglang nagbago ang anyo nito. "Oh."

Hindi iyon nakaligtas sa kanya. "Is this about what happened the last time? Nung tumawag siya sa iyo tungkol sa pagpost mo ng number ni Marty sa Facebook?"

She sadly sighed. "Can we just not talk about it? Napag-usapan na rin naman namin ng personal iyan ni Stacey."

He nodded. We'll see... "So, dito ka rin kakain?"

"Ah, sasaglit lang ako," ngiti ni Kylie. "Take out ng milktea, tapos uuwi rin ako."

Oo nga pala, malapit lang dito ang bahay ni Kylie. So, she still lives with her parents, hm?

"Kayo? Sa dami-dami ng kakainan ninyo bakit dito pa?" Nagdududa na ang tingin nito sa kanya. "Are you guys dating?"

"D-Dating?" paling ang ngiti niya. "What... No. Don't get any ideas there."

"Asus, sa akin ka pa magde-deny," nanunukso nitong ngisi sa kanya.

"Really," he chuckled a little. "We're not dating. I'm just trying to make it up to Stace."

"For what?" labi nito. "Kasalanan mo ba kung hindi mo nareciprocate ang feelings niya dati para sa iyo?"

Hindi niya alam ang sasabihin. Ayaw naman niyang i-specify kay Kylie na ang pinaka-isyu nila ni Stacey ay ginawa niyang parausan noon ang dalaga. At pinaramdam ni Renante na iyon lang ang silbi ni Stacey sa kanya.

Parausan.

Damn, he was really a jerk.

He used to think that being a jerk to other girls showed how loyal a man is to the girl he really likes.

Now, he was here, providing everything that Stacey needed. The harsh irony of it all is, handa rin siyang maging parausan ng babae kung makakatulong iyon sa mga pinagdadaanan nito.

Was it even irony or a perfect revenge?

"Lahat naman tayo, may freedom para magsabi ng no, kung ayaw natin sa isang tao, 'di ba?" patuloy ni Kylie.

He just smiled. "It's a long story."

"I know what really happened," ngisi nito at tumanaw sa salaming pader ng café. "Baka hinahanap ka na ni Stace. Let's go."

Kylie hooked her arm on Renante. Napadaing siya nang bumangga ang nakabendang kamay sa tagiliran nito. Nag-aalalang napunta tuloy doon ang mga mata ni Kylie.

"Shucks!" singhap nito. "What happened to your hand?"

Kylie cradled his bandaged hand and lifted it close to her eyes to inspect it.

Binawi niya agad ang kamay mula rito. "Mas mabuti pang si Stacey na lang ang magkwento. Let's go?" alok niya sa isa pang braso para rito.

Kinawit ni Kylie ang braso sa braso niya at sabay silang pumasok sa café.

.

.

SI KYLIE BA ANG KAUSAP NI RENANTE SA PHONE?

Katatapos lang kasi um-order ni Stacey nang matanaw na inokupa ni Kylie ang isa sa mga upuan.. Kakaalis lang ng mga estudyanteng gumamit iyon. Siyang lapit agad ng isang staff para samsamin ang mga tray, cup at pinggan na naiwan doon. She saw Renante give Kylie a gentle tap on the shoulder before leaving. Napahinto si Renante sa balak na balikan siya nang makitang papunta na siya sa mga ito.

Actually, both of them stopped walking upon catching each other's gazes.

Stacey broke away from their eyelock. Sinadya niyang lagpasan si Renante para mabati si Kylie. Saktong alis naman ng staff na naglinis sa mesang gagamitin nila.

"Hi."

"Hi, Stace," bati ni Kylie sa kanya.

Nilapag ni Kylie ang resibo sa mesa at inipit iyon ng pouch niya. She sat across Kylie.

"What a small world, right?" matamis nitong ngiti. "I just want to take-out some milktea. Tapos nandito rin pala kayo ni Renante.

Dahil isa na lang ang bakanteng upuan at nasa tabi iyon ni Kylie, napilitan ang binata na umupo roon. Stacey followed his movements with her eyes before returning to Kylie.

"Then, you should grab your milk tea and go home," seryoso niyang saad dito.

"That's rude," sabat ni Renante kaya inirapan niya ito.

"Kylie," titig ni Stacey sa kaibigan, "sinabihan na kita, nasa panganib ang mga taong dumidikit sa akin."

"I know," now Kylie looked so sorry. "Hindi ko naman inaasahang nandito kayo. I just went here for some milk tea. And then, I saw Renante. Hindi na ba ako pwedeng makipagkamustahan dahil lang sa stalker mo na iyan?"

Stacey sat straight. Nagnakaw siya ng tingin sa paligid bago binalik ang tingin sa dalaga.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Ang sa kanya lang naman, sobra-sobrang ikahihiya niya sa oras na madamay si Kylie dito. She would be very affected once her stalker tries to lay his hands on her only friend.

"Matatapos din ang lahat ng ito, Kylie," paliwanag niya. "As a friend, all I ask of you is to understand why I am doing this. Hindi naman por que hindi muna tayo magkikita, hindi na tayo magkaibigan, 'di ba?"

"Paano ako? Concerned din naman ako sa iyo, Stace," tila pamimintana ng luha sa mga mata nito. "You know that it's me who cared for you all this time.""

"We cared for her too, Kylie," tila pagwawasto ni Renante kaya napatingin sila rito.

Renante's eyes heavily stared at her. The moment their eyes met, he never let go of her gaze.

"All of us care for Stacey," patuloy nito sa mababang tinig. "We just have different ways of expressing it. And this stalker, he's doing the wrong way." Nilingon na nito si Kylie. "And Stacey cares for you too. Para sa safety mo ito."

"Zero-One-One-Five!" tawag mula sa counter kaya sinilip agad ni Stacey ang resibo.

"Excuse me," tayo niya bitbit ang resibo para kunin ang mga in-order nila.

Nakatanaw lang si Renante kay Stacey. Nakaabang ito dahil baka kailanganin niya ng tulong sa pagbibitbit ng mga pagkain.

"I'm scared for Stace, Renante," mahinang wika ni Kylie kaya napalingon ang binata rito.

"Me too," he admitted. "Pero mas paiiralin ko ba ang takot kaysa sa protektahan siya?"

She turned to him. "Natatakot din ako para sa iyo."

Kumunot ang noo nito.

"Pinapalayo ako ni Stacey dahil siguro akala niya threat ako sa mga plano niya."

"What do you mean?" his face darkened.

"Don't be mad," takot nitong titig sa mga mata ni Renante. "Pero... Pero totoo ba talaga itong stalker na ito?"

"You don't believe your friend?

"Just like what you said, Stacey is my friend, Renante," patuloy ni Kylie. "I know her more than you do. What if she's only doing this to bring you close to her?"

"What?" disbelief was on Renante's face, his thick brows furrowed.

"That's what I am trying to figure out these days, Renante." Sinigurado ni Kylie na nasa counter pa si Stacey bago binalik ang tingin kay Renante. "Hindi ba nakakapagtaka na... na ilang taon nang hindi nagpaparamdam ang stalker ni Stacey tapos ngayon, nagparamdam na naman? Masyadong malayo ang gap ng taon. What happened during the years her stalker was inactive? Tinigil ba nung stalker ang pagsunod-sunod kay Stacey? Ano ang motibo para mag-stalk na naman siya kung nakapag-quit siya ng mahabang panahon?"

For Renante, that question made sense. Bakit nabuhay na naman ang isyu ni Stacey sa stalker nito kung sobrang tagal na nitong tinigil ang paggambala sa dalaga?

Kylie took in a deep breath. "Truth is, kaya ako sumama sa iyo, ay para makausap ka ng sarilinan. Hindi ko masabi ito kanina sa parking kasi... kasi hindi ko alam kung nasaan si Stacey. I am just afraid I won't notice she's already behind me and listening."

Renante remained silent, listening. His eyes kept shifting between Kylie and Stacey.

"I'm just thinking, what if, Stacey is making this all up?"

Kita sa mga mata ni Renante na ayaw nitong maniwala sa mga naririnig.

"I want this to be over already, Renante," sumamo ni Kylie. "It took me so long just to get Stacey to talk to me again, just to be my friend again. I can't take this anymore. Na pinalalayo na naman niya ako dahil lang sa stalker niyang iyan. Dahil ayaw niya akong mapahamak. I don't think that's the real reason why she's pushing me away, because we all know Stacey. Kapag gusto niyang protektahan ang isang tao, hindi niya tinataboy yung gusto niyang protektahan. I want my friend back, Renante. I feel safe with Stacey, lalo na ngayong napapadalas ang pagpapansin ng Marty na iyon sa akin."

Naningkit ang mga mata ni Renante. "Do you really feel that way or you just want Stacey to be around you for protection?"

Natigilan ito. "P-Protection?"

Renante remained dark, yet cooled down from his initial shocks. "Yes. Marty is creeping you out, and Stacey is the only person you know who is very capable of standing up for herself and anyone else. That's why you need her. That's why you're upset, na pinalalayo ka niya kahit para sa kaligtasan mo iyon."

"I don't understand what you mean."

"What I mean is," he hissed, "Ginagamit mo lang si Stacey. Kung wala si Stacey sa tabi mo, walang magtatanggol sa iyo, walang magtataboy kay Marty."

Napatitig ito, tila hindi malaman ang sasabihin.

"How dare try to turn it around and make Stacey the person to blame. You may say you're not specifying, but that's what you're implying. Gusto mong pagdudahan ko si Stacey. Para ano? Para iwanan ko siya? Para itigil ko ang pagtulong sa paghahanap sa stalker niya? Para sa iyo siya lumapit? Para kapalit ng tulong mo, tutulungan ka rin niyang i-solve ang mga isyu mo sa buhay?"

Kumuyom ang mga palad ni Kylie na nakapatong sa tuhod nito. Sa kabila ng tila pagluluha ng mga mata ay ang panginginig nito sa sobrang pagtitimpi.

"Matuto kang ipagtanggol ang sarili mo," anas ng binata. "Ikaw ang humarap kay Marty. Ikaw ang mag-solve ng problema mo sa kanya, Kylie. O baka naman kaya gusto mong si Stacey ang gumawa niyan para sa iyo ay para hindi ikaw ang lumabas na masama?"

Her eyes turned teary and defiant. How Renante appreciated her reaction. It made him wickedly smirk as he pushed his chair back.

"Can't be rude but honest now just because it will ruin your pretty, cute image, Kylie?" he scoffed mockingly. "I know your tricks because I always play safe. Just like you," tumayo na ito. "But I'm a better player, Kylie."

Mabilis na tumayo ang dalaga. Hinarang nito si Renante.

"Isipin mo ang mga sinabi ko sa iyo, Renante. What if gawa-gawa lang ni Stacey ang lahat ng ito para hindi ka umalis sa tabi niya? I'm just saying this because I don't want her to get into trouble for all these dangerous things she's doing. Stacey really likes putting herself in danger, and that's the only think I don't like about her. She always makes me worry with that attitude."

At iniwanan na ni Kylie si Renante para pumila at bumili ng take-out nito.

Stacey remained unaware, still busywith checking the food they ordered. Pinasya ni Renante na manatiling nakatayoroon, nakabantay para walang makaagaw sa mesa nila habang pinapanood angpaglapit ni Stacey. May kasama itong isang staff na tumulong sa dalaga sa mgabitbitin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro