Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Seven - Third Wheel

KINABUKASAN, gayak na gayak si Stacey habang nasa loob ng sasakyan ni Renante. Siya ngayon ang nagmamaneho ng sasakyan dahil hirap ang lalaki magmaneho ng isang kamay ang gamit. Nakaupo ito sa tabi niya, suot ang itim nitong long-sleeved button-down polo. He looked so sexy in tuck-in's, brown leather belt and fitting pants. Makintab ang brown leather shoes nito. She glanced at his wrist wrapped by a silver luxury watch, then his bandaged hand... Nag-alala na naman siya.

Ah, she shouldn't. Hindi naman ito nabalian ng buto. He just had some cuts, especially on his knuckles. Mabilis itong gagaling.

Umiwas siya agad ng tingin nang lingunin ng lalaki.

"Eyes on the road," he spoke lowly, so sexily she could see a tug of playful smile at the corner of his lips.

"I am going to meet Marty on my lunch break," seryosong wika na lang niya sa binata habang deretso sa kalsada ang tingin. "Pwede bang hiramin ko itong kotse mo?"

"So, ako ang una mong ihahatid?" kunot ng noo nito.

"Yes."

"Are you not planning to bring me with you?"

"Para i-meet si Marty? Bakit?"

"Alam mo kung bakit. He's our suspect."

She lifted her chin to get a better view of the road ahead. "Tatawagan kita kung kailangan ko ang tulong mo, okay?"

"What if I came too late?"

Binagalan niya ang andar ng sasakyan dahil sa kotseng nakahinto sa unahan nila.

"You won't be," lingon niya kaya nagtama ang mga mata nila.

He remained tightlipped, disapproval shone in his dark eyes. It was too heavy to bear, she chose to break away from their locked gazes.

"Renante..." nakikiusap niyang sulyap dito ngayong nakatigil na ang kotse.

"I won't be able to forgive myself if something happened to you," he darkly stated, eyes on the front.

Stacey rolled her eyes. "Ang O.A. mo."

Humigpit ang mga kamay niya sa manibela at binalik sa harap ang tingin. She felt a tingle of fear slithering all over her skin. Intentions were beginning to get blurry for her. Hinayaan lang niyang pumasok muli sa kanyang buhay si Renante para makatulong sa pagtunton sa stalker niya. Pero nag-aalala rin siya para sa kaligtasan nito. Hanggang sa gusto na niya ang nangyayari ngayon dahil sa ganitong paraan, parang kanya si Renante— ang katawan at atensyon nito, kung hindi man kasama roon ang puso nito. Yet, she had to project this behavior that she wasn't affected like this. She's back to being a pretend. She's back to hiding her true feelings again.

She's back to keeping her love for Renante a secret.

Alam naman niyang sa oras na makabawi si Renante sa kanya sa mga nagawa nito noon sa kanya, magpapaalam na rin ito. Nakakailang ulit na siya nito sa isip niya.

Pero ewan. Heto siya at... mas iniintindi ang kasalukuyan.

Fuck the future. Hindi siya takot dahil handa na siya. Handa na siya sa katotohanang hindi sila ni Renante ang magkakatuluyan sa huli. But as much as she was very careful, she knew her heart is still at risk. At may kaunting takot dahil tinaraydor na siya ng sarili niyang puso noon. It made her a scheming girl, a bad friend, a woman who took advantage of drunken Renante years ago. Siguro nga, tama lang ang ginawa noon ni Renante sa kanya. Parusa niya iyon sa pagiging mapusok niya.

And yet... if only Renante just gave her a chance to make it up to him instead of punishing her with heartless sex...

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng gusali ng VVatch. Buhay pa ang makina ng kotse, tumigil lang siya roon para icheck ang lugar. Sumilip siya sa bintana para silipin ang gusali na nakikipagpataasan sa mga katabi nito. May mga tao na panay ang lakad paroon at parito, karamiha'y naka-office attire. The building was a silver outlined strutcture with white body and bluish-black tinted windows. Kumikislap ang silver outlines nito sa sikat ng papataas na araw.

"Doon ang daan papuntang basement parking," pukaw sa kanya ni Renante.

Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ng mga mata nito. Pinausad na niya ang kotse at sinadyang iparada iyon malapit sa isang elevator. Hindi na niya pinatay ang makina dahil aalis din naman siya agad. She watched Renante gather his attaché case. Binuksan nito ang pinto. Bago tuluyang bumaba ng kotse, nilingon siya ng lalaki. Dama niya ang bigat sa pagkakatitig ng mga mata nito sa kanya.

"Call me on your lunch break, Stace. Let me know kung saan mo imi-meet si Marty at anong oras. Clear?"

Napalunok siya. Ano ito, boss na niya ngayon? Stacey composed herself. Tumuwid lang siya ng pagkakaupo at hinawakan na ang manibela ng kotse.

"I will tell you, pero," harap niya rito, "huwag kang susunod doon, okay?"

"I won't," his expression was blank as he replied that.

Hindi tuloy malaman ni Stacey kung maniniwala sa sinasabi nito o magdududa.

"Thanks."

Bumaba na ito ng kotse. She almost held her breath as she watched Renante enter the elevator. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin mula nung bumaba ito ng sasakyan. Medyo nalungkot tuloy siya.

Ilang minuto pa at nasa kalsada na ulit si Stacey.

Today's agenda would be, going back to work. Meet Marty at lunch time for the car repair forms and documents. Then... Sumilip ang mga mata niya sa salamin sa bandang uluhan ng sasakyan. Mukhang wala namang nakasunod sa kanya.

.

.

NAGING ABALA NA SA OPISINA NIYA SI RENANTE. Buong umaga niya kausap ang sekretarya para maging updated sa mga na-miss niya kahapon, nung hindi siya nag-opisina. After doing some rescheduling on the appointments he missed and discussing some transactions, muli siyang naiwan doon.

Mabagal ang kilos ng kamay niya dahil napuruhan siya sa kamay kung saan siya sanay magsulat at mag-operate. So, he settled himself with reading some important files left for him on the table. Pagkatapos, nag-practice siya ng pagpirma. Medyo hirap pa rin igalaw ang kamay niya dahil sa benda.

Then, he stopped and began to dig deep in his thoughts. Tinulak ng paa niya palayo ang swivel chair sa mesa. Nagpanlalaking de-cuatro. He slouched a bit. Pumalumbaba. He rubbed his chin, stared off at nowhere.

Inalala niya ang phone conversation nitong nakaraan sa taong binayaran niya para i-retrieve ang video ng CCTV camera sa tapat ng bahay ni Stacey.

I hope the bribing worked. Sigurado akong maaalarma ang stalker ni Stacey, gagawa iyon ng paraan para mahingi ang kopya ng CCTV video, o para walang ibang maka-access niyon. Too bad, I am two steps ahead of that idiot.

His eyes found the phone at the corner of his desk.

I wonder what is taking that detective too long to access the video. Kahapon pa ako naghihintay ng update kung ano ang nasa video.

Inalis niya ang tingin doon. I am also worrying about Stacey. It's not her to not think of checking out that CCTV video. I'm sure, naglalaro iyon sa utak niya. Ayaw lang niyang sabihin sa akin.

May kung anong panlalambot ang humalili sa madilim nitong anyo.

Of course, she won't. She cares about you, idiot. Ayaw ka niyang mapahamak, kaya sigurado na kung pakiramdam niya kaya naman niyang gawin nang siya lang, sasarilinin na lang niya.

Renante released a groan as he sat up straight.

What else is new? That's her. That's Stace. Lagi na lang niya sinasarili ang mga bagay-bagay.

Nakatayo na siya mula sa swivel chair. Malapit nang mag-lunch break. Aagahan na lang niya ang pagkain tutal na-distract na naman siya sa trabaho niya ng mga isipin na may kinalaman kay Stacey.

Paglabas ng opisina, nagulat siya. Tatawagan pa lang siya ng sekretaryang si Edith nang mapukaw ng presensya niya ang paningin nito. Gulat na binaba agad nito ang telepono. Siyang punta ng atensyon niya sa babaeng nakatayo sa tapat ng counter ng sekretarya niya.

The woman wore a sexy red dress, properly v-necked. What made it sexy was the way the string straps exposed her smooth shoulders, how the skirt tightly hugged her hips, and the cloth contoured a flattering shape of her body. Nakasabit sa balikat nito ang dulo ng naka-low ponytail at alon-along light brown na buhok.

She gave him a close-lipped smile. It made her eyes shaped like a setting sun, her thick lashes are the sun rays.

"Sir, tatawagan ko ho sana kayo. May bisita ho kasi kayo, si—" tumigil ito saglit para sulyapan ang babaeng palapit na sa kanya, "—Miss Aurora Ejercito."

Ejercito. His eyes slightly narrowed. Sigurado siya na ito 'yung babaeng nabanggit sa kanya ng ama nitong nakaraan.

He just gave his secretary a nod. Paglipat ng tingin, nakatayo na si Aurora sa harapan niya.

"Hi, Renante Villaluz," nakangiting lahad nito ng kamay. He noticed how finely polished her red nails are.

Renante forgot about the handshake and turned away. Pinagbukas niya ito ng pinto at gumilid para patuluyin ang dalaga.

"Come in," seryosong lingon niya rito.

Aurora managed a little laugh. Para siguro pagtakpan ang pagka-ilang nang hindi niya tanggapin ang handshake nito. She gracefully walked past him, gave him a little teasing look over her shoulders, prodding him to follow her. Pagkatapos, tinuloy na nito ang paglalakad sa loob kaya sumunod na siya.

.

.

LUMABAS ANG KOTSE NI RENANTE MULA SA GATE ng kompanya ni Stacey. It was Stacey who was driving it, faster than usual. Paano kasi, nadala siya ng pagiging engrossed sa trabaho. Iyan tuloy, mukhang male-late pa siya sa usapan nila ni Marty. Malayo pa naman ang pinanggalingan nito.

Naiwang bukas ang glove compartment, nakasilip kasi mula roon ang hindi nagkasyang brown envelope kung nasaan ang mga forms. She was also mentally preparing herself for a long conversation with Marty. Dapat may mapulot siyang clue mula sa magiging pag-uusap nila kung kaduda-duda ba talaga si Marty.

Ayon kay Renante, pareho raw sila ni Kylie ng iniisip. Na si Marty ang stalker niya.

A part of her was almost convinced, because she was left with no other options on who to suspect as her stalker. Another part was telling her that the two were only suspecting Marty because they had a bad history with him. Kinukulit ni Marty si Kylie na umaabot sa puntong natatakot at naiirita na ang dalaga. Si Renante naman, kakumpitensya noon ni Marty sa klase, kaya may masamang tinapay na ang dalawa sa isa't isa at baka nabubulag niyon ang sense of judgment ni Renante.

Nagmamadaling bumaba siya ng kotse nang maiparada iyon sa tapat ng restaurant. Tumama sa chimes ang pinto pagpasok niya. Mabilis ang mga hakbang ni Stacey habang hinahanap ng paningin si Marty. Nang matanaw itong nagbabasa ng menu, nakahinga siya ng maluwag. She approached the table.

"Stace," tindig agad ng lalaki nang makita siya.

"Hi," nagmamadaling bati niya rito. Sabay silang umupo, nakapagitan sa kanila ang pabilog na mesa.

"How are you, Marty?" concerned niyang tanong dito. "I hope, there's no poisoned dogs or... kung anumang panggagambala sa iyo ng stalker ko," hininaan niya ang boses nang banggitin ang huling mga kataga.

Bumaba ang mga mata niya para buklatin ang brown envelope at ilabas ang mga forms.

"Don't worry, Stace, I'm alright," titig lang nito sa kanya, nakababa na pero hawak pa rin ang menu book. "Ikaw dapat ang kinakamusta ko."

Nilapag niya ang mga forms sa mesa bago sinalubong ang tingin nito. "I'm good, Marty."

Medyo naningkit ang mga mata nito, hindi kumbinsido bago hinila palapit dito ang mga forms.

"I'll fill these up after we eat. Kumain muna tayo at gutom na talaga ako."

Stacey sighed. "Oh, I'm really sorry. Wala kasi ako sa work kahapon kaya medyo natambakan ako ngayon at na-late."

Malumanay ang ngiti ng binata. "It's okay, Stace. No need to apologize about it."

Doon na tumaas ang isa niyang kilay. Binaba niya iyon agad bago pa mapansin ni Marty. Stacey leaned on the table, watching him put the forms on the side of the table. Pinatungan iyon ng tissue holder ng binata para hindi liparin.

"So, Marty," aniya, "hindi ba hassle ang biyahe papunta rito? Baka ma-late ka niyan mamaya kapag pabalik ka na sa work mo."

"Don't worry," ngiti nito. "Effective na naman ang resignation ko. So..." he shrugged and smiled.

"Resignation?" kunot ng noo niya.

"Yes, Stacey," hawak na nito ulit ang menu book, nasa kanya pa rin ang mga mata. "Last month pa ako nag-resign, at kahapon ang huling araw ko sa trabaho."

Oh really?

"Well," sandal niya sa kinauupuan, "paano ngayon iyan? May bagong work ka na ba? Around Tagaytay pa rin ba?" ngiti niya rito.

Nasa menu book na ang mga mata ni Marty. "Actually, wala pa. Nagresign lang naman ako roon dahil hindi ko na makaya ang mga katrabaho ko roon."

Ah, siguro hindi na niya kailangang makialam sa parteng iyon.

Stacey simply shrugged. "At least, you're free from a toxic environment now. Saan mo plano maghanap ngayon ng trabaho?"

"May ipon naman ako, magpapahinga muna siguro ako."

She intently stared at Marty and nodded. Baka sobrang stress ang dinanas nito kaya gusto muna ng mahaba-habang bakasyon. "Okay." Medyo kinabahan siya sa susunod na itatanong pero hindi pa siya nakakapagsalita, nag-angat na ito ng tingin sa kanya.

"Nakapili na ako," abot nito ng menu book sa kanya. "Your turn, Stacey."

"Thank you," abot niya sa menu card at pinasadahan iyon ng tingin. Ngayong hindi sila magka-eye contact ni Marty, medyo lumakas ang loob niya. "Kamusta nga pala kayo ni Kylie?"

Hindi ito sumagot agad. Napanakaw tuloy siya ng tingin dito. Pumitik ang kaba sa dibdib niya nang masalubong ang matiim nitong titig sa kanya. Binalik niya sa menu ang tingin, kunwari hindi siya kinabahan sa pagtatama ng mga mata nila kanina.

"Naiilang pa rin siya sa iyo?" usig niya dahil hindi ito umimik.

Medyo nainip siya sa pananahimik ng lalaki kaya binaba niya ang menu book. Stacey gave him one of her signature, intimidating interrogative stares.

"Stacey," hilig nito ng ulo.

"Why? She's my friend. Kung may problema man kayo, baka makatulong ako. After all, tutulungan mo pa rin naman ako mahanap ang stalker ko, 'di ba?"

Alam niyang may sagot si Marty sa mga tanong niya, nagpipigil lang ito masabi ang mga iyon.

Bakit?

"I won't tell her you told me," paninigurado niya.

Marty sighed. "Malabo na kami ni Kylie, Stace."

"Bakit naman?" She leaned a little closer to the table, trying her best to catch Marty's straying gaze.

Napatitig na lang ito sa katabing glass wall. "May gusto na siyang iba."

Hindi maintindihan ni Stacey kung bakit mas kinabahan siya. Her hands felt cold all of a sudden, her heart panicky.

"Sino naman?" mahina niyang tanong.

Marty gave her a stare. Pinag-aralan ng lalaki at pinaghandaan ang magiging reaksyon niya.

"You're avoiding this conversation," panghuhuli niya rito, "because you know I won't like it."

"Mukhang may idea ka naman kung sino ang gusto niya," tuwid nito ng upo.

Tama ba ang iniisip niya? Tama ba ang hinala niya? Tama ba ang mga suspetsa niya tungkol kay Kylie at kung sino ang gusto nito.

"Iniisip ko," yuko ni Marty, nag-iisip-isip, "paano nagwo-work out ang pagkakaibigan ninyo kung nag-aagawan naman pala kayo sa iisang lalaki? O siguro, iyon ang risk ng pagkakaroon ng kaibigan? Yung pareho kayo ng taste sa lahat ng bagay, kasama na roon sa tipo ng lalaki," angat nito ng mga mata sa kanya.

"Diretsahin mo nga ako," titig niya sa mga mata nito. "Si Renante?"

Marty remained serious. "Yeah."

"Sinabi niya iyon sa iyo?"

"Kaya nga nalaman kong basted ako, 'di ba?" at mukhang nagtitimpi ang lalaki. Para manatiling kontrolado nito ang emosyon, umiwas na ito ng tingin sa kanya.

"I'm sorry," basag niya sa katahimikan.

Pipili na sana siya ng oorderin nang magsalita ito.

"Don't be sorry. I'm not that serious about her anyway."

Naguguluhang napa-angat siya ng tingin dito. Matamlay ang ngiti ng lalaki sa kanya.

Ah, he's obviously lying. Trying tosave face, to have a little pride to hold on to. Sigurado siyang seryoso itokay Kylie.

.

.

.

***
AN

Hi, dears! Welcome to today's updates! Enjoy reading! ;) <3

With Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro