Chapter Twenty-One - Board Meeting
STACEY STOOD IN FRONT OF THE MIRROR. She was wearing a pair of jeans and a fitting round-neck shirt with a blend of pink and apricot pastel shades. Her hands were restlessly tossing her hair in different styles. Hahayaan ba niyang nakasampay ang mga ito sa balikat niya? O sa kaliwang balikat lang siya magsasampay ng buhok? Ibagsak na lang kaya niya sa likod? Napabuntong-hininga na lang siya at muling binalik ang dulo ng kanyang buhok sa magkabilang balikat. Her fingers gently combed her bangs.
Tinitigan niya ang sariling repleksyon sa salamin.
Bakit ba inaabala ko ang sarili ko na mag-ayos para kay Renante? Dahil ba nakasanayan ko?
Napailing na lang siya. Yumuko si Stacey para damputin ang cheek and lip tint. She carefully applied some on her cheeks then grabbed a burgundy lipstick for her lips. The matte finish satisfied her. Paglabas ng kwarto, nakatayo na malapit sa main door si Renante. He stood there in his jeans and black fitting v-neck shirt. The sleeves hugged his muscled biceps sexily while his good hand was playing with the car keys. He spun the key in his finger and clutched it upon seeing her.
His very stare as he watched her walk toward him almost made her weak in the knees.
Stacey was having a hard time breathing as she closed their distance.
Nagpahabol ng hagod ng tingin ang mga mata ng lalaki mula sa kanyang ulo hanggang paa.
"Let's go," salo nito sa mga mata niya bago siya piangbuksan ng pinto.
Ngayong nakasakay na sila ng kotse, saglit silang natahimik. Hindi rin siya nakatiis.
"Saan tayo magla-lunch?" lingon niya sa binata. "Do you have a place in mind?"
He remained silent. Alam niya kapag nasa malalim itong pag-iisip. Alam din niya ang hitsura ng lalaki kapag may nakatimo na sa isip nito. Naningkit tuloy ang mga mata ni Stacey rito.
"Don't tell me, sa rooftop resto ng Elite building mo na naman ako yayayain," may himig ng pagdududa sa kanyang boses.
"Saan mo ba gusto?" wika nito sa wakas.
Binalik niya sa harap ang tingin. "Saan mo ba madalas yayain si Sondra?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "At bakit naman nadadamay si Sondra dito?"
Wala lang. Gusto lang niya i-test si Renante. Once Renante shows that he was still affected when it comes to Sondra, then it would mean Marty's accusasions were wrong. Ibig sabihin, walang magiging motibo si Renante para maging stalker niya. Kasi nga, hindi pa ito nakaka-move on kay Sondra.
Another reason is to make her stalker lose track of them.
See, it is like hitting two birds with one stone. Hindi makakagawa ng hindi maganda ang stalker niya kung nasa lugar ito na hindi pamilyar para rito. The change of course would surely surprise and bother that bozo.
Pinagmasdan niya ang pagkaaburido sa mukha ng binata.
"So, you're affected," kampanteng wika niya sabay sandal sa backseat.
"Hindi sa gan'un," diin nito.
Denial pa.
"My concern is," patuloy ni Renante, "sinasaktan mo lang ang sarili mo. I don't want that."
"Ako?" tuwid niya ng upo, napaharap na sa lalaki. "Paanong sinasaktan ko ang sarili ko?"
Pineke pa niya ang pagtawa para pagtakpan ang kaunting kirot na naramdaman.
"Sonny has moved on. I moved on. Looks like you didn't," he stole a glance at her.
Umawang ang mga labi niya. May gusto siyang sabihin pero hindi malaman kung anong mga salita ang naangkop para ipahayag iyon.
"Anong masama sa mga sinabi ko?" pagtataray niya rito. "I just want to see kung masarap ang mga pagkain doon. I am sure, bago mo yayain doon si Sonny noon, sinisigurado mong maganda talaga ang ambience sa resto na iyon... masarap ang mga pagkain..."
"And be reminded that I brought Sonny there?" he muttered.
"So? Why should that bother me?" halukipkip niya. "Kung talagang, past is past, wala naman akong dapat ipag-alala, 'di ba, Mr. Villaluz?" She threw a challenging side-glance at him. "Unless..."
His face darkened. "Let's go there then. I'll bring you to those places," biglang pinaliko nito ang sasaktan.
Stacey looked satisfied as she laid her back against the back seat. Nakaayos na siya ng upo pero iba ang pakiramdam niya ngayong tumahimik ang kotse at nakatanaw siya sa bintana.
Naka-move on na ba talaga siya kay Sondra kaya napilit ko siya? O hindi pa kaya parang napipilitan siya?
Ilang minuto pa at nagiging pamilyar kay Stacey ang mga lugar na nadadaanan nila. Unti-unti na niyang naalala na nadadaanan nila ang mga ito kapag papunta sa kung saan sila noon nag-high school.
Kung saan niya unang nakilala sila Sondra at Renante.
The sweep of nostalgia made her nervous, especially when they passed by the school. Nilingon niya si Renante pero deretso lang sa daan ang tingin nito. Tinanaw na lang niya ang paaralan. Sa saglit na iyon, parang nagbalik din lahat ng mga naramdaman niyang emosyon noong high school pa lang sila ni Renante.
The first time Stacey stepped in that building... si Renante ang una niyang nakita.
Nakatingin ang binata sa bulletin board noon, tulad ng iba pang mga estudyante na naghahanap sa listahan doon kung saang section sila napunta. Pinagsiksikan ni Stacey si Renante sa kumpol ng mga tao para lang makalapit sa bulletin board. Wala rin siyang pakialam noong nabunggo na niya si Renante. She gave him a little shove to get in front. Tiningala niya ang unang nakitang listahan at pinasadahan iyon ng tingin.
"Rude," wika nito sa mababang tinig kaya napalingon si Stacey sa lalaki.
Behind those reading glasses were a pair of black piercing eyes glaring at her.
Inirapan niya tuloy ang lalaki. "Sorry, not sorry."
Sabay balik ng mga mata sa bulletin board para hanapin ang pangalan niya. Halos sumubasob na siya roon, inisa-isa ng kanyang daliri ang mga pangalan para mabasa ng mabuti. Napasinghap na lang siya nang may tumukod na mga braso para bakuran siya. Renante's hands pressed against the board at he peered over her shoulder. Nagpatuloy ang paghahanap ng mga mata nito sa sariling pangalan.
"My name is Renante Villaluz," he spoke heavily. "If you find it, tell me."
Tumaas ang isa niyang kilay bago napagtanto na maganda ang diskarte ng lalaki.
"Stacey Jo Vauergard," sagot niya rito habang naghahanap pa rin sa pangalan niya. "Sabihin mo kapag nahanap mo ang pangalan ko."
Hindi ito kumibo pero sigurado siya na hinahanap na nito ang pangalan niya.
Stacey pressed a finger beside a name. Napamulagat siya nang maramdaman ang pagdiin ng katawan nito sa likuran niya. Mabilis na lumayo rin si Renante sa kanya. Dala lang siguro ng pagkakagulo sa harap ng bulletin board kaya bumangga ito sa kanya.
Bumalik ang focus niya sa pangalan. She double checked what section was the list for.
"Section 1," hingal niya.
"Ako?" silip nito sa mukha niya.
"Oo," sagot niya rito sabay turo sa pangalan ni Renante.
"Yes," ngisi nito bago patulak na umatras palayo sa kanya.
Her eyes widened in disbelief. Napaikot siya paharap sa direksyon ng lalaki na hinuhubad na ang suot nitong reading glasses. He stole a glance at her, and in the midst of the crowd, he threw a smirk at her. Stacey could feel her nose flare. That bastard! Naisahan siya nito!
"Hoy! Bumalik ka rito!"
Pero tuluyang nagpatangay si Renante sa alon ng mga tao, palayo sa kanya.
Nang mahanap ni Stacey ang pangalan, inis na tinatali na naman niya ang buhok habang naglalakad sa pasilyo. Medyo iritable siya dahil pinagpawisan sa pakikipagsiksikan sa mga estudyante sa harap ng bulletin board kanina. After tying her hair to a high ponytail, she straightened her black checkered skirt and adjusted the sleeves of her black blazer. Nagmamadali siyang mahanap ang sariling classroom dahil airconditioned doon. This is one of the reasons her parents sent her to private schools— for the comforts of her spoiled ass.
Nilingon niya ang panibagong pinto na nadaanan. Section 4. Masayang tumanaw siya sa susunod na pinto. Kung Section 4 na ito, ibig sabihin, katabi lang nito ang classroom ng Section 3.
Her mouth dropped open upon seeing someone familiar on the door of Section 3.
Bahagyang lumukot ang mukha niya. Naka-side view mula sa pwesto niya ang matangkad na tindi ni Renante Villaluz. His emo bangs was swept to the side, his uniform was black with blazer and a neck tie, neat and fitting.
May kausap itong babae. She was slim and pretty. May suot itong pulang headband at unat na unat ang itim na buhok. She wore cute beaded bracelets on one wrist, heart shaped earrings dangled from her ears.
"Wow, eh, 'di ikaw na," natatawa at pabirong palo ng dalaga sa braso ni Renante.
She saw his ears actually turn red. Renante managed a shy laugh. Sa tingin niya, aware ang lalaki na namumula ang tainga nito kahit hindi nakikita. Patagong inayos ng isa nitong kamay ang mahabang buhok para takpan iyon.
"Sabi ko naman kasi sa iyo, Sonny," anito. "You should allow me to tutor you already. Para hindi ka na napupunta sa mababang section."
Sasagot sana ito nang mahagip siya ng mga mata ng babae. Alanganin ang ngiti nito sa kanya. Napalingon tuloy sa kanya si Renante. Hindi naitago ng lalaki ang gulat sa mga mata nang makilala siya.
Stacey knew it was her cue. Lumapit siya sa dalawa. Her glance was only a few seconds for Sondra, and was more piercing at Renante.
"Hi," pukaw sa kanya ni Sondra. "Dito ka rin ba sa Section 3?"
That distracted Stacey for a bit. "Oo," seryoso niyang sagot.
"Welcome!" masiglang sabit ng braso nito sa braso niya. "I am Sonny nga pala!"
Wow. She's too friendly than she expected. Kahit papaano naman kasi may impresyon na mataray si Sondra dahil sa hitsura nito. Tapos, napaka-sossy pa ng dating dahil sa pagiging fashionista.
"Oh, baka ma-late ka pa. See you na lang sa lunch break, Renante!" paalam ng babae sa lalaki bago siya nito hinatak papasok ng classroom.
Stacey looked at Renante over her shoulder. Nakita lang niya ang tila pagbagsak ng mga balikat nito habang nakatanaw kay Sondra. Alam niyang kay Sondra ito nakatanaw, dahil hindi naman nasalo ng binata ang tingin niya nang lingunin niya ito.
To Stacey's shock, halos lahat pala ng mga napunta sa Section 3, magkakakilala na. Malamang, first year pa lang, magkakaklase na sila. Siya lang ang bago dahil dating taga-Section 7 siya. Hindi rin siya palalabas ng room o nakikihalubilo masyado sa hindi niya kaklase. That's why, for them, she looked like a new transferee.
"Here we are," putol ni Renante sa pagbabalik-tanaw niya.
Noon lang napansin ni Stacey na kanina pa sila nakalagpas sa paaralan. Nakaparada na sila ngayon sa tapat ng isang restaurant. Pinatay nan i Renante ang makina ng sasakyan.
"This used to be a tapsilogan," anito pagkahugot ng susi ng kotse. "Pero napalitan na nitong milk tea café."
"Dinala mo si Sonny sa tapsilogan?" lingon niya rito.
"Yeah. We liked it there back in the days."
Stacey understood why they liked it. Anak-mayaman sila. Bago para sa mga ito ang ganoong klase ng mga putahe. Minsan nang sinubukan ni Stacey kumain sa tapsilogan na binabanggit ni Renante. It was Sondra who invited them there. Tawang-tawa pa nga noon ang may-ari dahil para silang mga walang muwang noon. Nasarapan sila sa iba't ibang klase ng silog doon. Nagsawa rin nung fourth year na sila. Iba na kasi ang labanan kapag fourth year high school na. Mas pasosyalan na ng mga kinakainan o ginigimikan.
"As far as I remember, nakakain na rin kayo rito, 'di ba? Si Sonny yata ang nagyaya. If you're wondering where she got the idea of eating in a cheaper place, well, I'm the first one who brought her here," bukas ni Renante ng pinto sa tabi nito.
"Oh." Bumaba na rin si Stacey ng kotse para sundan ito sa loob ng milk tea café.
Tumunog ang mga chimes pagpasok nila. Nilibot ni Stacey ang mga mata sa paligid. Parang wala nang bakanteng mauupuan dahil sa dami ng mga estudyante room. They were still wearing the uniform that they used to wear before. Mas umikli na nga lang ang palda— hanggang taas na ng tuhod at mas humaba ang itim na mga medyas— abot na hanggang sa ilalim ng mga tuhod. The male students now have crest-looking patches on the chest part of their blazers.
Tumayo siya sa tabi ni Renante. Nakatanaw na ito sa menu header sa harapan nila.
"Wala yata masyadong heavy meal dito," Stacey murmured to him.
"Of course. It's a milk tea café," he replied. "Damihan na lang natin ng order. Some sandwiches and fries. They have burgers too. Make your pick."
"I choose..." she trailed off, still reading the menu.
"Salted Caramel Milk Tea and a clubhouse sandwhich," Renante spoke. "Or some burritos? You like those, right?"
Napatingin siya rito. "You know?"
"I remember," walang lingon nitong tugon bago naabala ng cellphone nitong nagri-ring. "Excuse me," alis agad ng lalaki.
Si Stacey na ang pumila para sakanilang dalawa. Tinanaw niya ang paglabas ni Renante ng café. Pumuwesto ito satabi ng pinaradang kotse. Mukhang seryoso ang topic. Nagsalubong ang mga kilaynito habang gumagala ang tingin sa paligid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro