Chapter Twenty-Nine - Simple Yet Beautiful
"SIGE NA, STACEY," pangungulit ni Piccollo.
Hindi pa nakakalapit sa gate ang kotse, natanaw na nila ang binata roon. Nakasandal ito sa gilid ng sariling kotse. Matagal na yata itong naghihintay sa tapat ng bungalow kaya naabutan nilang naglalaro sa cellphone nito.
Ngayon, nasa loob silang tatlo ng bahay. Nasa kwarto nito si Renante, nagpapalit ng damit.
Nanatili si Stacey sa suot nitong high waisted pants na puti at ang katerno nitong halter neck crop top na mataas ang neckline. The crop top was able to showcase her sexy abs.
Nilapag niya sa coffee table ang pitsel matapos salinan ng malamig na tubig sa baso si Piccollo.
"I don't know," sandal niya sa sofa habang nakalingon sa kanyang katabi.
Ayaw niyang takutin ang binata, kaya hangga't maaari, hindi na niya sasabihin pa rito na dahil sa stalker niya kaya ayaw niyang dumalo. Sa susunod na linggo na raw ang birthday party ni Piccollo. Gaganapin iyon sa Hawthorne mansion.
Remembering the mansion reminder her of another reason to not go.
Ang pinsan ni Piccollo na si Sondra.
"Come on, is it about Sonny? Nakausap ko na siya, Stace," paglambot ng mukha ng binata na kanina lang ay makulit at ang ingay-ingay. "She's okay with the idea of you coming to the party."
Of course, Sondra would be. Sondra didn't like confrontations, Stacey knows that. Si Maximillian lang naman ang kayang away-awayin ng babae. And yes, also Yrina, her husband's ex-fiance but aside from them, Sondra would not argue with anyone else. Aminado naman siya na si Sondra 'yung klase ng tao na hangga't mapapanatili nitong payapa ang lahat, hindi ito gagawa ng kahit anong makakagulo pa roon.
"You're not really bothered if we have conflict or not, no? It's your way or no way, huh?" taas niya ng isang kilay kay Piccollo.
Mahina itong natawa. Pasimpleng pinatong nito sa ibabaw ng backrest ng sofa ang braso. Umusog ito palapit sa kanya.
"Come on, Renante will be there with this chick, Rory," pangungumbinsi nito.
Awtomatikong napunta ang mga mata niya kay Renante na kakalabas lang ng kwarto nito. He looked comfortable in his white fitting shirt and shorts. Kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Piccollo habang palapit sa kanila.
"Ah, ganoon ba?" balik niya ng tingin kay Piccollo, kunwari wala lang ang mga sinabi nito. "It's not my concern kung naroon sila ni Rory. I have my own reasons."
Nakita niya ang pag-okupa ni Renante sa solohang sofa sa direksyon kung saan siya nakatalikod dahil kinakausap pa niya si Piccollo.
"Then, tell me, bakit ayaw mong pumunta?" buntong-hininga nito. Piccollo was overdoing that frustrated look on his face, but believe it or not, that's how his facial expressions naturally works. Alwayss in some form of exaggeration. Lukot na lukot ang mukha nito at puno ng pagkadismaya ang pagkakanganga ng bibig.
"Kasi," titig niya sa mga mata nito habang nag-iisip ng maidadahilan, "ayoko lang."
Mabilis na nagbago ang hitsura ng lalaki. He began wearing this Are you kidding me? sarcastic look on his face.
Mahina siyang tumawa. Oh, what a bitch she was.
"Renante," lipat ng mata nito sa lalaki, "kumbinsihin mo naman ang housemate-slash-bff mo!"
Aba, hindi niya alam na iyon pala ang label nila para kay Piccollo. Napanganga na lang siya bago tuluyang natawa.
Medyo kinabahan siya ng hindi makapa sa dibdib ang saya sa pagtawa niya.
Behind the laughter was pain and emptiness. She didn't even notice that her big-mouthed laugh grew faint and faded quickly. It was only gone the moment she looked at Renante over her shoulder.
Renante shifted his eyes on Stacey. Makahulugan ang titig nito, nagpapahiwatig habang kinakausap siya.
"Maiiwan kang mag-isa rito sa bahay, Stace. If I were you, sumabay ka na sa akin papunta sa party. Maraming tao rin doon."
Napatitig siya saglit sa lalaki. Unti-unti niyang na-gets na mas ligtas siya kung pupunta sa party dahil maraming tao roon. Matatakot magparamdam ang stalker niya. At mukhang hindi na makakaatras si Renante sa pagdalo roon kaya kung ayaw niyang maiwang mag-isa sa bahay, pumunta na rin siya roon.
At sa tiim ng pagkakatitig nito, alam niyang gusto ring ipabatid ni Renante na hindi ito ang tamang panahon para magtapang-tapangan siya kung malalagay naman sa alanganin ang kaligtasan niya.
Stacey sighed. "Make sure maraming guests sa party mo," taray-tarayan niya kay Piccollo. "Ayoko ng boring na party. I want to meet some new people too. Some hot guys," she nonchalantly waved a hand and sighed, "single, hot guys."
Parehong tumalim ang tingin ng dalawang lalaki sa kanya. Nakatalikod siya ng pagkakaupo kay Renante kaya yung titig lang ni Piccollo ang napansin niya.
"Eh, fine! But don't expect I'll let you talk to them, Stacey," recover ni Piccollo at nilapit ang mukha sa kanya para matamang titigan ang mga mata niya. "Sosolohin kita hangga't maaari sa birthday ko."
She jokingly rolled her eyes on him and made face.
"Nakakainis ka talaga!" Piccollo groaned.
Doon na siya totoong natawa. Ang sarap talaga pagtripan si Piccollo minsan. Noong magkakabarkada pa kasi sila ni Sondra, nagkataon na nag-summer vacation sa mansyon ang pinsan nitong si Piccollo at Patricia. Piccollo had a crush on her since then and was not afraid to be obvious about it. Nilinaw niya rito na hindi niya ito type, pero parang motibasyon iyon para sa lalaki na magpursige at gawin ang lahat, magustuhan lang niya ito. Every interaction between them became some sort of a playful banter without expecting too much from each other. After all, Piccollo was waaay too young back then when he first showed his interest with her.
He was twelve and she was already seventeen that time.
Nakitawa na rin si Piccollo sa kanya.
Renante just remained quiet on his seat, checking his wristwatch.
.
.
.
***
.
.
.
ANOTHER HOODED PERSON. Iyon ang nakikita ni Renante sa CCTV video na nakuhanan sa tapat ng bahay ni Stacey. At pulang van naman ang gamit nitong sasakyan.
Last week pa pinadala ng detective ang kopya ng video sa kanya pero paulit-ulit pa rin ang pag-play niyon sa isip niya.
The stalker knows where Stacey works and lives. This is getting more scary, he thought as he tightened the roll of his shirt's sleeve just exactly on his elbow.
Sumama saglit ang timpla niya. The more that detective should be moving his ass. Pero bakit parang ang tagal niyang mag-update ngayon. Last week pa ang huli niyang tawag sa akin.
Napatingin siya sa ginagawa kaya napuna ang naiwang peklat ng tinamo niyang sugat mula sa sinuntok na maskara ng isa sa mga may balak dumakip noon kay Stacey. Nitong nakaraan lang tinanggal ang benda dahil siguradong hindi na delikadong marumihan o maimpeksyon ang mga sugat sa kamao niya.
After spraying his perfume, he immediately left his office. Binati siya ng sekretarya bago tinungo ang kinauupuan ni Aurora.
Aurora immediately stood up the moment she saw him. Masaya siyang sinalubong ng babae, nakagayak sa suot nitong asul na wrap dress na may pencil skirt. Kulay asul ang bato ng stud earrings nito. Her blue high heels completed the theme of her attire. Naka-side swept ang unat nitong buhok at mababang ponytail. Mabilis na kinawit nito ang braso sa braso niya.
"Oh, boy, you look dashing!" masayang papuri nito sa kanya habang patuloy ang pagpasada ng tingin sa kanya. "Deretso na tayo sa party, right?"
"Yes, Aurora," sagot niya, deretso sa nilalakaran ang tingin.
"Will you introduce me to your friends there, Renante?" mahina nitong tanong. "I don't want to feel so out of place there."
Buti na lang mahaba ang pasensya niya.
"Of course, I'll introduce you."
Dahil magtatanong sila, Aurora, sarkastikong dugtong ng isip niya.
Dahil na kay Stacey ang kotse niya, sasabay ngayon si Renante kay Aurora papunta sa Hawthorne mansion kung saan gaganapin ang 25th birthday party ni Piccollo. They seated on the back seat. Mag-isa lang ang driver nito sa unahan.
Sa kasagsagan ng byahe, walang katapusang pagkukuwento ang ginawa ni Aurora. Mukhang namiss siya nito dahil nitong nakaraan napakiusapan niya ang babae na kung pwede, huwag dalasan ang pagbisita sa opisina niya dahil gusto niya manatiling focused sa trabaho.
Or maybe, he just did that so Stacey would not be hurt.
Dahil iisang kotse ang ginagamit nila at dahil sa nakabendang kamay niya kaya ito ang sumusundo sa kanya sa opisina. Paano siya makakabawi sa mga atraso kung hahayaan niyang magkita ang dalawang babae?
Kahit hindi sabihin ng dalaga, alam niyang apektado ito sa presensya ni Aurora sa buhay niya. Halata naman iyon kahit sa pakikitungo ni Stacey sa kanya kapag nasa bahay na sila. She would cook dinner for them and they will eat. Pag-uusapan nila ang dalawang bagay— ang pinapagawang kotse ni Marty at ang tungkol sa stalker nito.
Stacey already knew about the latest CCTV video and has the latest copy. Akala niya, mas mapapadalas ang pag-uusap nila dahil doon pero hindi. The more Stacey wanted to investigate and assess things on her own. He was starting to think that the reason she was allowing him to be around her was for the sake of her safety and for figuring out who her stalker was.
The feeling was tormenting.
All of a sudden, he was starting to feel like he was losing time.
He needed to hurry.
But...
"Tapos," masayang patuloy ni Aurora, "one of my friends showed me her bag," lumingon ito sa kanya. "And she said, it's Stacey who made that design."
"Stacey?" gulat na lingon niya rito.
"Yes!" natatawang titig sa kanya ng babae bago tuluyang bumigay ang pagpapanggap nito. She was suddenly worried. "Are you even listening to everything I am saying, Renante?"
"I... I am," nalilitong titig niya sa mga mata ng kausap bago umiwas ng tingin. Ano kaya ang sinabi ng dalaga tungkol kay Stacey....
"Come on, be real with me," pagseseryoso nito. "I know, masyado akong madaldal, but I am only being this talkative because you said we have to get to know each other first. So here I am doing my best to let you know who I am, what I do, who my friends are..."
He took in a deep breath. "Yeah, but that's the thing Aurora. We're just in the getting to know each other phase. Hindi mo pwedeng ibigay ang lahat-lahat kung nagsisimula ka pa lang, hindi ba?"
She found understanding. "So, you're meaning to say, na kahit pumayag ka nang maka-date ako, huwag pa rin ako papakasiguro na may pupuntahan ito?"
Isn't that the obvious thing to do when on the dating stage? To take it one step at the time and do not expect too much?
But why was he requiring that to Aurora while Stacey could say fuck it, skip on step one and head on fuck the wits out of his head? No getting-to-know-you's, no dating. Just...
Wala sa loob na nasuklay niya pataas ang buhok.
He felt driven to fuck her again. But if he do the initiation, Stacey would look at it the different way now. Magsisimula nang magtanong ang dalaga tungkol sa tunay niyang intensyon dito.
At mahihirapan siyang sagutin iyon hangga't siya mismo, hindi pa sigurado sa isasagot niya...
"Renante," usig nito nang mapansin ang pag-space out niya.
He remained composed. "We're going to a party and I want you to enjoy it, Aurora," akbay niya rito. He assuringly massaged her shoulder to comfort her. "Kaya ang mga seryosong bagay, pwede bang at saka na lang natin pag-usapan?"
"We're only rescheduling this conversation," paglilinaw ng babae, "not dismissing it or using this tactic on me just to escape this topic, Renante."
"Of course," pagod niyang wika. Hindi ba iyon ang sinabi niya? Inuulit-ulit lang ni Aurora, eh.
.
.
AS EXPECTED, people asked Renante about Aurora when they arrived at the Hawthorne mansion. He nonchalantly introduced her as a friend. Madali namang naka-adapt si Aurora sa paligid at sa mga bisita roon. It was easy for her to strike a conversation by just mentioning that she's the daughter of a businessman, a fashion enthusiast and sharing about the 50 plus countries she had already travelled at.
Habang nakikipagpalitan ito ng papuri sa isa sa mga guest, nalingunan ni Renante ang papalapit sa kanila na si Sondra. Nahagip ito ng paningin ni Aurora.
"Excuse me," masayang layo nito sa kinakausap bago humarap sa direksyon ni Sonny.
"Renante, hi," malumanay na bati ni Sondra sa kanya bago napunta ang tingin kay Aurora.
"Hi!" masayang bati ng babae bago naramdaman ni Renante ang pasimpleng pagsagi ng braso nito sa gilid niya.
That's his cue.
"Ah, Sonny, this is Aurora. A friend of mine."
"Special friend," matamis na ngiti ni Aurora rito.
Sondra smiled at her then returned her eyes on him. "Can we talk? Just the two of us?"
Nagtatakang tingin ang sinagot sa kanya ni Aurora nang lingunin ito ni Renante. Then he distanced from her.
"Sure, where do you want to talk?" sabay niya kay Sondra sa pag-iwan kay Aurora.
Sondra, being the fashionista she is, was looking radiant at her long loose curls and red orange lipstick. She wore a long-sleeved pink top made of lace material and a knee-length skirt with a bow tied in front, close to the left side of her waists.
Hahabol pa sana ito kung hindi tinabihan ng babaeng kausap nito kanina. Muling sumigla si Aurora at nakipagkwentuhan na naman dito.
Sondra led him to a corner of that living room.
"Ano iyon?" pamamarangka na ng babae sa kanya. "Akala ko, nakikipag-ayos ka kay Stacey?"
He sighed. "Don't worry, Stacey knows that there's nothing real between me and Aurora."
"So what? She knows but does she believe that crap?" pabulong nitong sermon sa kanya.
"Sondra," he groaned.
Napasinghap siya nang hawakan nito sa magkabilang braso. Aggressive Sondra mode is activated now.
"Renante," lapit nito ng mukha sa kanya, "inaamag na ako kakahintay kung kailan kayo magkakatuluyan ni Stacey! Gaano katagal pa ang hihintayin ko? Kinasal na ako't nagkaanak at lahat, ang labo niyo pa ring dalawa—" Natigilan ito, napatitig sa kanya. Dahan-dahang bumitaw si Sondra sa mga braso niya.
"Renante... am I being..." hindi nito mahagilap ang sasabihin.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Being what?"
"Alam ko namang may gusto ka noon sa akin."
"That's right," he smiled meaningfully, "noon iyon. So don't think that you wanting me to be with Stace would hurt me, okay?"
Nag-aalangan pa rin ang titig ni Sondra sa kanya.
"You're not convinced? How can I convince you then?" mapagbirong hamon ni Renante.
Sondra patted his cheek. "Once I see you truly in love and happy. Maniniwala na akong naka-move on ka na sa akin."
"But do I have to prove you that kung alam ko naman sa sarili ko na naka-move-on na ako sa iyo?"
"Kung ganoon," pamewang nito, "bakit single ka pa rin?"
"Por que single pa rin ako, hindi na ako naka-move on sa iyo?" panlalaki ng mga mata niya rito. "Aba, you're overconfidence is reeking again, Mrs. Gold!"
At sabay silang natawa. As their laughter died out, Sondra became serious again.
"About Stacey, you're hurting my friend again by hanging around with that woman," duro nito sa dibdib niya.
"I know," tabig niya sa kamay ni Sondra, how dare her point that finger at him, "but I don't want to give her false hopes," titig niya sa mga mata nito.
"False hopes?"
Renante lowered his head. "I still have to confirm my feelings."
"Hindi ka pa rin sigurado kung gusto mo siya?" Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Damn, Renante! Para saan pa iyang bawi-bawi mo na iyan kung walang follow-up?"
"It's your father's fault!" he blurted. "Siya ang sasabi-sabi sa akin na bigyan ko ng chance kung ano ang meron sa amin ni Stacey at may sinabi pa siya tungkol sa kung paano kami magtinginan! Your father really knows how to scare the shit out of me sometimes, Sonny! What he said began to confuse me, and it got worse when Stacey left me!"
"You're not confused," Sondra leaned a little closer to him to give her words impact, "you're in denial, Renante, my old friend."
Pinanlakihan niya ng mga mata ang babae. "How dare you..."
Ngingiti-ngiting umatras si Sondra. "Gotcha, dude."
"Anong gotcha?" pabirong angil niya sa babaeng tumalikod na matapos kumaway para iwanan siya.
Nang mawala si Sondra sa paningin dahil natakpan na ito ng mga tao, napagdesisyunan ni Renante na hanapin si Aurora. Dinukot niya rin ang cellphone sa backpocket ng pantalon para tawagan si Stacey. Bakit hindi pa ito tumatawag sa kanya? Baka kung ano na ang nangyari rito!
Fuck. Hindi sila dapat naging kampante por que isang linggo na ring hindi nagpaparamdam ang stalker ng babae.
Nag-iingat malamang dahil nakahalata siguro na may detective na siyang binayaran para matyagan ito...
Titingin pa lang siya sa cellphone nang mapatingin ulit sa unang pumukaw sa pansin niya.
Among the crowd he saw Stacey wading.
She wore a pair of faded tattered jeans that followed the sexy shape of her hips, thighs and legs. Naka-tuck in ang maluwag na puting blouse nito na bukas ang collar kaya kita ang collar bone at itaas ng dibdib ng dalaga. It was a pretty decent attire with a semi-casual appeal that complimented well with her light brown high heels with criss-crossing straps. White tassel earrings hung on each ear, her hair was tied in a half-ponytail, the full bangs made her look more youthful and lively.
Apparently, she was being led by Piccollo through the crowd of guests. He turned to Stacey and decided to say something funny or weird.
The moment she parted her pinkish lips to laugh was the perfect cherry on top.
Simple yet beautiful.
.
.
.
***
Pahabol AN:
I just want to say na balik na naman din ako sa pagshare ng mga old songs BWAHAHA XD The song in this story is meant for the last part of this chapter. I mean, it suits perfectly on the scene that Renante finally sees Stacey.... OHMYGAAAHHHHD hahaha!
That's all!
I hope you enjoyed reading the latest chapters! I am planning to write more tomorrow. Let's see kung matuloy T^T <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro