Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Eight - Aurora

NANATILING NAKATAYO SI RENANTE SA GITNA NG SILID. Bahagyang nakapihit siya ng pagkakaharap sa dalagang nakaupo sa isa sa mga visitor's chair ng kanyang opisina. She placed a leg atop the other before placing her shoulder bag on her lap. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Isn't your office too dark?" ngiti nito. "So much black and greys all over."

Pinamulsa niya ang mga kamay. "What brings you here? We don't even have an appointment."

"Well, why let me in then?" nanghuhuli nitong ngisi sa kanya.

"Because I have an assumption that you're Aurelio Ejercito's daughter," he replied, dead-set eyes on the woman.

She grinned wider. "Oh, boy, you're good. Or maybe, your dad has already told you about me?"

"Yes. He told me about you," tuwid niya ng pagkakatayo. "But didn't he tell you I am not interested?"

"Yes, he did," she confidently replied. "So, I'm here to change your mind."

"Well," pasada niya ng tingin sa dalaga, "I'm not that kind of person who easily changes his mind."

"I never said you're easy," mahina nitong tawa. "Kaya nga ako na mismo ang gumawa ng paraan para mag-meet tayo." Tumayo na ito mula sa kinauupuan.

His eyes narrowed at her as she walked toward him. "And where do you want this to lead?"

"I don't want to ruin the surprise," she teasingly stroked the side of his arm, then gave him an underlook. "Come. Let's have lunch? Oh, boy, I'm famished."

Bago pa siya nakasagot, nilagpasan na siya ng babae.

Nilingon niya ito, pinanood ang pagtungo sa pinto palabas ng opisina. This Aurora sure seemed nice. Pagbibigyan na lang niya siguro ito ngayon.

.

.

HE'S NOT REPLYING, baba ni Stacey ng cellphone sa dashboard. Sumilip ulit siya sa unahan. Hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan.

Tapos na sila magkita ni Marty bago niya naalalang i-text si Renante kung saan sila nag-lunch. Nadaanan na rin niya 'yung sa car repair para ibigay ang forms, tutal madadaanan naman niya iyon bago ang kompanya niya.

Nagtampo kaya iyon? hawak niya sa manibela habang nag-aalala pa rin sa hindi pagsagot ni Renante sa text niya.

Nahihiya naman siyang tawagan ito. Baka kasi busy ang lalaki. Nagtext muna siya para ma-check iyon. Kung magrereply ito, tatawag dapat siya.

"Well..." she sighed and watched the cars move. Pinausad na rin niya ang sasakyan.

.

.

"WALA KA BANG PUPUNTAHAN?" lingon ni Renante kay Aurora. Nakasunod ito sa kanya papasok ng VVatch.

Sa main entrance siya pumasok para madaanan ang display ng mga relo sa built-in store nila. Gusto lang niyang i-check ang mga iyon bago bumalik sa sarili niyang opisina.

"Look, I'll leave when I got to, okay?" nakangiti nitong sagot sa kanya

Binalik niya sa harap ang tingin. May sasabihin pa sana siya pero umurong ang dila nang makita ang paglabas ni Piccollo mula sa store ng VVatch. Malaki ang pagkakabukan ng mga bibig nito sa saya nang makita siya. Sanay na si Renante sa pagiging extroverted nito.

"Renante!" masiglang bati nito sa kanya. Inignora ni Piccollo ang pananatiling seryoso ng kanyang mukha.

He noticed a big VVatch paper bag on his other hand. They exchanged low fives.

"Wow, you're here—" namilog ang mga mata nito nang makita ang babae sa tabi niya. "Whoa. Hi! Piccollo!" alok nito ng pakikikamay.

Aurora graciously accepted the handshake. "Aurora. But if you're Renante's friend, you can call me, Rory."

"Ho-ho-ho," nanunuksong ngiti nito bago bumitaw sa pakikipagkamay at bumalik ang tingin nito sa kanya. "Yes, you can say that I'm Renante's friend."

Hindi niya gusto ang malisyang naglalaro sa mga mata ni Piccollo.

"I see, you're here to buy some watches," distract niya dito at baka simulant na nito ang pagbanggit kay Stacey.

"Ah, yes," he chuckled. "A birthday present for me... from me!"

Nilihim na lang niya ang sarcastic remarks na naiisip sabihin dito. He remained calm.

"My birthday party will be next week! Sa Hawthorne mansion," patuloy nito. "Is it okay to invite you? Okay pa rin naman kayo ni Ate Sonny, right?"

He internally sighed.

"Don't worry, you can bring a date!" sulyap nito kay Aurora. "What's your full name? Para mailagay ko sa invitation."

Sisingit sana siya pero mabilis na sumagot ang dalaga.

"Aurora Ejercito."

"Aurora Ejercito," echo nito bago tumango, "Know-ted!"

Matamis na ngumiti ang babae rito, halatang na-excite bago siya sinulyapan. Dinedma na lang ito ni Renante. Nagtitimping inihilig niya ang ulo at pinukulan ng matiim na tingin si Piccollo.

Mukhang na-gets naman ni Piccollo na wala siyang oras para makipagtsismisan ngayon. The guy nervously chuckled.

"It's nice meeting you, Rory!" balik ng tingin nito sa dalaga bago sa kanya ulit. "Nice seeing you here, Renante! I'm going!"

Hindi pa siya pinagsalita ng loko. Sumibat na agad ito. Aurora's eyes followed him, finding Piccollo funny. Paglingon nito sa kanya naglalakad pa siya papasok ng store, nagmamadaling humabol tuloy ito sa kanya.

The interior of the store was dim. Iyon ay para bigyang emphasis ang mga nasa glass case display na mga relo. Ang bawat modelo ng relo ay may maliit na LED light na nakatutok sa mga iyon para bigyang spotlight ang magandang pagkakadisensyo at ang kintab ng mga bato at materyal.

Their shoes tapped on the beige-tiled floor as they walked.

"He's such a supportive friend," mahinang wika ni Aurora para ibagay iyon sa katahimikan sa store na pinasok nila. "Imagine? He's buying your watches."

"I'm sure he doesn't know I'm involved with VVatch,."

"Oh," medyo nadismaya ito pero bumawi agad, "anyways, I'm going to the party he told me if you're going."

Huminto siya sa tapat ng isang glass display. Tinitigan ang pambabaeng relo na naroon.

"You don't have to. After all, we're not meeting again after this."

Natakot ito. "What do you mean hindi na?"

"I don't think I used metaphors for you to not get what I mean, Aurora," layo niya sa display para ituloy ang paglalakad, ni hindi man lang sumasayad ang tingin sa babae.

"Why? At least, tell me why you don't want to see me anymore."

"Ayoko sa lahat 'yung pinapangunahan ako," mabigat niyang wika. "Basta-basta ka nagpa-invite sa party na iyon na para bang sinasabi mo na rin kay Piccollo na pupunta rin ako roon."

Lalo itong nanlambot. "I am sorry about that. Hindi naman sa ako ang nagdesisyon para sa iyo that time, I just got excited."

Hindi na niya kinausap pa ang babae.

.

.

HINDI MAGANDANG IDEYA ITO. Mag-isa lang si Stacey sa sasakyan, nasa tahimik at walang katao-tao na basement parking para hintayin si Renante. Kung aalalahanin ang mga nangyari nitong nakaraan, sa basement parking din nangyari ang paninira sa sasakyan niya. Paano kung mangyari na naman iyon at matiyempuhang nasa loob siya ng kotseng ito?

Acting bravely in the midst of her well-contained fear, Stacey took her important stuff with her. Bumaba siya ng kotse at tinungo ang elevator. Nanatili siyang alerto hanggang sa nakasakay doon. She walked with the same confidence upon reaching the building's ground floor. Hindi nakaligtas sa naglilibot niyang paningin ang store ng VVatch. Sumaglit siya roon para isa-isahin ang mga relo. Lahat, mukhang mamahalin at gawa sa magandang materyal. And Renante said he was just getting started with this company? Kung ganoon napakalaki ng kapital nito! Mabawi kaya iyon agad ng lalaki?

Hindi naman siguro aabot ang kumpanya ng tatlong taon kung hindi nakakabawi, 'di ba? Yet, most companies take five years before having a complete assessment if they really made a profit or needed more improvement.

She stopped in front of a watch designed for women. Yumuko si Stacey para matamang masiyasat ang detalye ng disenyo nito.

Come to think of it, halos pareho lang kami na three years na ang mga negosyo namin...

Tumuwid siya ng pagkakatayo at tinapos ang pag-iikot sa store. Paglabas, sinilip niya ang cellphone na nasa pouch. Kanina pa niya naitext kay Renante na susunduin ito. Naipaalam na rin niya sa lalaki na nandito na siya sa gusali ng VVatch.

Hindi pa rin siya nito nire-reply-an.

Natambakan yata siya ng trabaho dahil wala siya kahapon, balik niya ng cellphone sa pouch.

Nagtanong-tanong siya hanggang sa marating ang palapag kung nasaan ang opisina ni Renante. Tumayo agad ang sekretarya sa tapat ng counter nito para batiin siya.

"Good afternoon, Ma'am," propesyonal nitong ngiti at bati sa kanya. "Do you have any appointment with our boss?"

"Ah, maghihintay lang ako rito," mwestra niya ng isang kamay sa waiting lounge sa kabilang sulok ng kinatatayuan nila ngayon.

Kumunot ang noo ng babae. "Maghihintay kanino?"

"Kay Renante," diretso niyang sagot, hindi intimidated sa pang-uusisa nito na parte lang naman din ng trabaho nito.

"Okay lang po bang makuha ang pangalan nila?"

"Ah, sure, Stacey Vauergard."

"Va-uer-gard?" paniniguro nito.

"Yes," she smiled formally before heading to the white couch.

Sumandal siya sa backrest niyon at in-ekis ang mga binti. Wala siyang pakialam kung parang kinuha lang ng babae ang pangalan niya para itawag kay Renante at ikumpirma kung magkakilala talaga sila. I bet, it was confirmed because after holding the phone, the secretary was back in front of her computer. Nagpalipas siya ng oras hawak ang cellphone para tumingin-tingin sa internet.

Naalis sa cellphone ang atensyon niya nang may maramdamang parating. Stacey lifted her eyes and saw her smile at Renante's secretary before sitting on the other side of the couch. She sexily crossed her legs. Stacey admired her sense of fashion, the red dress is a beautiful classic. Kapansin-pansin ang hawak nitong paperbag ng isang sikat na patisserie.

"Hi," bati ni Stacey dito.

Umawang ang pulang mga labi ng dalaga nang malingunan siya. "Oh, hello," naguguluhang bati nito bago iniwas ang tingin sa kanya.

Binalik na ni Stacey ang tingin sa cellphone nang mapalingon ulit ang babae sa kanya. Nangingilala ang mga mata nito. Nagpalipat-lipat sa kanya at sa pinto ng opisina ni Renante bago siya tinawag.

Stacey immediately turned her head to face the woman.

"Excuse me," kunot ng noo nito. "Are you also waiting for Renante?"

Napatuwid siya ng pagkakaupo. "Why, yes," pagseseryoso niya. Don't tell me...

"Oh, really?" ngiti nito sa kanya. There was something devious with the way her eyes gazed at her. "Well, same here."

"Ah," paling ang ngiti niya. "I hope you didn't bought him something with cinnamons. He doesn't like it," tukoy niya sa posibleng laman ng paper bag na dala nito.

The woman tried her best, but her eyes showed a hint of disturbance. Gumugulo na sa isip nito ang katanungan na sino siya at bakit alam niya ang bagay na iyon tungkol kay Renante.

"I was once like you," matabang niyang saad, nasa pader na ang tingin, medyo nagbabalik-tanaw. "Doing everything to please, Renante. But for him, it doesn't matter if you can give him the things he likes," aniya. "What matters is if he likes the person who's giving it."

Nang lingunin niya ulit ang babae, naniningkit na ang mga mata nito sa kanya.

"I'm Stace," matamlay niyang ngiti rito. "Renante's friend."

"Oh," hindi pa rin kampante ang babae, pero naalis na ang nanghuhusgang tingin sa kanya. "May lakad ba kayong magkakaibigan after work? Is that why you're here?"

"Well..." Stacey shrugged as the woman sat closer to her. "Wala naman."

"You said you tried pleasing Renante before," balik ng pagdududa nito. "So it means..."

"Noon iyon," pagsisinungaling niya habang diretso ang tingin sa mga mata ng babae.

"How could you stay friends with someone you used to love then?" panghuhuli nito sa kanya, may kung anong mataray sa pagkakatitig sa kanya.

"Because we're matured adults," matapang niyang saad, "we chose to be friends and understand what it means."

"Hah," there was something mocking with her chuckle, "I don't believe you."

Lumagpas ang tingin ng dalaga sa kanya. Renante's form reflected in the woman's eyes. Dinampot agad nito ang paper bag at inunahan siya sa paglapit kay Renante.

"Renante," salubong nito agad sa binatang bitbit na ang attaché case, "here," abot nito ng paperbag dito. "I'm sorry for what happened kanina nung nag-lunch tayo."

Walang emosyon na napatitig si Renante sa paperbag bago inabot iyon gamit ang kamay na may hawak sa attaché case nito. The woman beamed, she clasped her hands that lifted at the level of her chest.

"So does this mean, we're okay now?" masayang tingala nito kay Renante.

"Yeah," malamig nitong tugon bago napunta ang mga mata sa kanya. "As you can see, someone's waiting for me. I'll have to go, Aurora."

Tinapunan siya ng tingin ni Aurora, lukot ang mukha bago nilingon si Renante.

"Okay then, sabay-sabay na tayong umalis," Aurora composed herself and placed a hand on the strap of her shoulder bag before striding past her.

Nakalagpas na ito nang kaunti nang silipin siya mula sa balikat nito.

"Let's go, Stace," nakangiting anyaya nito sa kanya bago tumuloy sa paglalakad.

Pagbalik ng tingin sa harap, nakatayo na roon si Renante. Inangat nito ang kamay na may hawak sa paper bag at attaché case. Naunawaan niyang nahihirapan ito sa mga bitbit. Kinuha niya ang attaché case bago walang salitang tinalikuran ito para sundan si Aurora.

Renante returned to his secretary. Nagbilin lang bago sila nahabol at nasamahan sa elevator.

The enclosed space and the awkwardness made the tension between the three of them thicker. Walang nakapagsalita sa kanila. Hindi man halata sa matapang na mukha ni Stacey, naninimbang siya kung ano ang iaakto sa presensya ng dalawa.

Bumukas sa ground floor ang elevator. Aurora turned to them.

"Ciao," nakangiting paalam nito. She left a lingering look at Renante as she got out of the elevator. Nakalayo na ito nang sumara ang mga pinto.

And still, Stacey was holding her breath.

"She's Aurora Ejercito," seryosong paliwanag ni Renante, nakatitig ito sa repleksyon nila sa bakal na dingding ng elevator. "Anak ng isa sa mga kaibigan ni Dad."

Hindi siya umimik.

"You know my case with Sonny? Iyon din ang kaso namin ni Aurora."

Wala pa rin siyang sinasabi rito.

Siguro nga, nasasaktan siya. Kaya heto, ni hindi man lang niya mabuka ang bibig.

"I'm just entertaining her or else, Dad will keep beating my ass until I go along with what he wants to happen."

"Hindi naman kita hinihingian ng paliwanag, Mr. Villaluz," titig niya sa repleksyon ng lalaki. Damn, he looked perfect there too.

"But it doesn't mean you don't deserve it, Stace."

"Mabilis ako maka-pick up. At alam ko ang lugar ko. Marunong na ako. Huwag kang mag-alala."

She heard a breath slip from between his lips. It was as if, Renante was about to say something, but he stopped himself from almost spilling it.

"Isa pa, malinaw naman ang usapan natin. Lahat ng ginagawa mo, pagbawi lang sa mga atraso mo sa akin noon," dugtong pa niya.

Nilingon na siya ng binata. Napunta sa paperbag ang tingin nito.

"Hati tayo diyan mamaya."

Napunta tuloy doon ang tingin niya. Sinilip ni Stacey ang laman ng paper bag. Sabi na nga ba, may cinnamon bread doon. Binigay pa rin ni Aurora kay Renante. Akala siguro nito niloloko niya ito kaya hindi naniwala.

Her heart sank a little. Hindi niya alam kung wala na bang natitirang pride sa sistema niya kaya heto at makikikain pa siya ng pagkaing bigay ng babaeng posibleng makatuluyan ni Renante. O dala ba ng nag-uumapaw na pride kaya umaakto siya na okay lang ang mga nangyayaring ito.

"Aurora will be none of our business soon," patuloy nito bago bumukas ang pinto ng elevator. This time, Renante's dark eyes were staring to hers. "Having her around is the only way for Dad to stop meddling with me."

Lumabas na sila. "So, dinidiktahan ka pa rin pala ng Dad mo kung ano ang mga dapat gawin."

"Yeah," Renante sighed. "Iniisip pa rin niyang hindi ko kaya ang sarili ko at mas maalam siya."

Naghiwalay sila para lapitan ang pinto ng kotse na papasukan nila. Pagbukas ni Renante ng pinto, sumulyap muna ito sa kanya. Sinalo niya ang tingin ng lalaki.

"Is that why you built VVatch? To step out of your father's shadow?"

"Not really," he shrugged. "I just want to show him that I can stand on my own."

Tipid ang naging pag ngiti niya. "I believe you can do it, Renante."

He was slightly taken aback. Makahulugan ang pagkakatulala nito sa kanya bago kumawala ang ngiti sa mga labi.

"Of course, because you have already done it yourself, Stace. And I admire you for being able to stand on your own."

She managed to contain this feelingthat fluttered all over her system. Ayaw niyang isiping nag-iinit ang mga pisngi niya sa mga sinabi ni Renante. Sumakay na sila sa kotse nito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro