Chapter Three - He's Back
NANG MATAPOS SA PAGRE-RETOUCH, nakailang hugot ng malalalalim na hininga si Stacey. She fanned her face with her hands before confidently striding out of the ladies' room. Tiyak ang mga hakbang niya habang binabagtas ang pasilyo patungo sa event hall.
Smart casual ang required na attire, kaya makikita siyang nakasuot ng high heels na pula. She was wearing a boho-designed pencil skirt. Matingkad ngunit umaangkop sa itim niyong tela ang tila nakatahi sa palda na mga pattern. She was wearing a white bondage top. Long-sleeved iyon at may kababaan ang V-cut na neckline kaya bahagyang sumilip ang kanyang klibahe. Some of her hair strands tossed over her shoulder, others at her back as she walked. May isa sa mga kabatchmate nila na nakapansin sa kanya.
"Siya si Stace, 'di ba?" anito na nagbigay interupsyon kay President Marty na nagbubuklat pa lang ng letter na babasahin nito.
Nagtinginan tuloy ang lahat sa kanya at pinaulanan siya ng mga ito ng kantyawan.
Stacey pulled a wide, open-mouthed smile. Naglahad pa siya ng mga braso bago nagkibit-balikat. Kunwari wala siyang kaide-ideya kung ano ang nangyayari.
"Mag-announce na kayo habang busy pa sa pagtatanggal ng scotch tape si President!" kantyaw ng isa sa mga naroroon na sinang-ayunan ng iba pa. Lalo tuloy nagkatawanan.
"Huh?" she mouthed, lifting an eyebrow. Hindi iyon dinig ng iba dahil sa nangibabaw na pangangantyaw ng mga ito.
She was starting to get in the midst of confusion. Bakit parang ang big deal para sa mga ito ang sulat niya kay Renante?
"That's enough," wika ng boses kaya napalingon si Stacey sa bandang likuran niya.
Renante stepped on her side as he lifted a hand to gesture everyone to keep quiet.
Narinig niya. Imposibleng hindi niya narinig 'yung mga binasa ni Marty sa letter ko kanina, was her horrified thought as she froze there, staring at Renante.
Renante in his glorious splendor— jet black hair in a neat swept-up James Dean style. His jeans hugged the sexy legs and hung on his narrow hips. A silver wristwatch shone around the wrist of the hand he was using to gesture to everyone to shush down.
Renante picked himself a black button-down polo shirt that fitted his firm figure. He wasn't that big muscular type, but his muscles were hard and pressed sexily against his shirt. The shirt had red dragon stitched design on it.
Oh, no. Never trust a man who wears any kind of dragon— whether it is in a shirt or a tattoo.
And that scent.
Sometimes, men don't understand how women like her hate their strong perfume. Hindi yata nakukuntento ang mga ito sa ilang wisik, halos maligo sa pabango.
But damn, whatever Renante is using was so intoxicating. Isusubsob niya ang mukha niya sa dibdib nito kung pwede lang.
Habang na kay Renante pa ang atensyon ng iba, sinamantala iyon ni Stacey para bumalik sa tabi ni Kylie.
"I thought he's not coming here," she hissed through her teeth at Kylie, while pretending that she was not tensed.
Paling ang ngiti ni Kylie. "Eh, iyon ang sabi niya sa akin, eh. Hindi siya darating," sagot nito habang na kay Renante ang mga mata.
Her mind began working. I don't want to assume, pero sinadya ba niyang i-mislead ako para magkita kami rito? Naisip ba niya na kapag alam kong pupunta siya, hindi ako tutuloy sa party na ito. Kaya nagsinungaling siya kay Kylie—
"Sinabi mo ba sa kanyang pupunta ako?" follow up ni Stacey sa katabi.
"Hindi," defensive nitong iling. "Eh 'di baka hindi pumunta si Renante kung sinabi ko iyon, 'di ba?"
May punto si Kylie pero... napunta na ulit kay Renante ang mga mata niya. Umupo ito sa mesa na puro mga lalaki ang naroroon. The exchanged low fives and back slaps.
Oh, great, Stacey internally groaned.
And upon realizing na wala silang ia-announce ni Renante tulad ng sinabi ni Stacey sa sulat niya para sa lalaki noong college pa sila, may ilang mga natahimik na. Dala iyon ng nararamdamang awkwardness para sa kanya.
The program went on. May natanggap pa si Stacey na isa pang sulat bago natapos ang palabunutang iyon. Stacey kept the letters in her pouch. Sa bahay na niya babasahin ang mga iyon. Baka kung anu-ano kasi ang sinulat para sa kanya at magkaroon pa siya ng pagkailang sa mga kaklase o kabatchmates na makakadaupang palad ngayong gabi. As much as possible, she wanted to make the evening fun for her and everyone.
May mga mini parlor games na kina-enjoy ng lahat, raffle prizes at maikling video presentation na ang lakas maka-throwback. Napag-usapan din kung ano ang magandang i-donate o contribute ng batch nila sa kanilang alma mater. Siyempre, may buffet din kung saan kumuha sila ng mga makakain. Walang katapusan ang tsismisan. Hindi nawala sa mga tinanong sa kanya kung gusto pa rin daw ba niya si Renante. Siyempre, ikinaila niya.
There was never a chance that she and Renante had a talk.
"Ooookay!" wika sa mikropono ng isa sa mga host ng party. "This is the final game of the night, so wala munang uuwi!"
Everyone was half attentive. May ilan kasing excited nang makauwi lalo na at may mga napalanunan nang premyo. Ang iba ay nag-aalala lang para sa mga anak nila na pinabantayan o 'di kaya'y iniwan muna sa bahay.
"This game is called Suck and Blow!" patuloy ng host.
"Oh, my God," naulinigan ni Stacey na bulalas ng isa sa mga taong naroon.
"You see these cards?" hawak ng host sa nakapamaypay na mga baraha na hawak ng kasama nito. "Kailangan niyong maipasa ang mga ito sa pinakadulo within 30 minutes. Kung sino ang may pinakamaraming cards na maaabot sa finish line, sila ang panalong team."
At nagsimula na ang hilaan at tulakan at pilian kung sinu-sino ang mga magiging kalahok sa palaro. Everything happened too fast that Stacey took time to realize she was already in front of everybody.
Pinapila na sila ng isang linya ng maayos. They were placed in a boy-girl-boy-girl arrangement. Nalingunan ni Stacey sa tabi niya si Renante. Umiwas agad siya ng tingin sa lalaki, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Nang muli niyang lingunin si Renante, kausap na ng binata ang isa pang babaeng katabi nito.
Nananadya talaga itong mga ito, patungkol niya sa mga host ng party.
Nang maayos na ang lahat, muling nagsalita sa mikropono ang host.
"Ready, Set..." at sinadya nitong bitinin ang sasabihin para pasadahan silang lahat ng tingin. Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Go!"
Nakakabingi ang naging hiyawan at pagchi-cheer ng lahat. Nasa bandang kalagitnaan si Stacey kaya nagkaroon siya ng pagkakataong panoorin ang unang pares ng kanyang mga ka-team. Medyo nakatingala ang babae habang pinapasa sa lalaki nilang schoolmate ang baraha na nakadikit sa labi nito. He held her arms and tiptoed a bit to lean over the woman. Tinatantya nito bago ilapit ang mukha para idiin ang baraha sa pagitan ng mga labi nila.
God, napapailing na iwas niya ng tingin sa mga ito kaya nahagip ng paningin si Renante na nasa likuran niya.
Lagpas sa kanya ang tingin nito. Tulad niya, pinapanood din nito ang mga ka-team.
"Galingan mo," malamig niyang saad kaya bumaba ang tingin nito sa kanya.
"Paano'ng galingan?" his dark eyes sparked dangerously.
"Siguraduhin mong hindi mahuhulog 'yung card!" singhal niya rito bago tarantang napalingon dahil katabi na niya ang sasalo ng card.
"Hanggang dito ba naman mag-aaway pa rin tayo?" wika ni Renante na tinalikuran niya.
Naghahanda na kasi si Stacey na pasahan ng card.
"We will! Kapat natalo tayo!" sagot niya rito. She slightly bent her knees to lower herself for ease in receiving the card.
"You want to win the freaking oatmeal soaps?"
Iyon ba ang premyo nila sa larong ito?
Hindi na siya nakapag-isip-isip pa nang humarap ang lalaking magpapasa sa kanya ng baraha. Their movement was slow. Her heart stopped a beat as the card touched her lips. Bahagyang diniin iyon ng labi ng lalaki para siguraduhing hindi mahuhulog kapag humiwalay ang labi nito.
Stacey internally sighed in relief when they finally parted. Successful ang paglipat ng baraha sa kanya! Nakakabingi ang pagchi-cheer ng mga tao at nahaluan iyon nang pang-aasar nang dahan-dahan siyang pumihit paharap kay Renante. She felt his hands touch her arms, helping her spin around.
Hinagilap ng mga mata niya si Renante habang nakatingala para hindi mahulog ang barahang nasa labi niya. Their eyes seemed to speak to each other.
He gave her a stare that seemed to ask, Are you ready?
Pinalipat-lipat ni Stacey ang mga mata sa card at sa lalaki. Oo. Dalian mo. Kunin mo na ito.
Renante shifted his eyes from her to their feet. Ang layo mo masyado.
Humakbang si Stacey palapit dito habang nakaalalay sa mga braso niya ang kamay ni Renante.
The man's eyes watched her feet before gazing into her eyes. Tama na. Masyado ka nang malapit.
Stacey automatically stopped and bent her knees again. Ito na 'yung pagkakataon para tumigkayad si Renante o yukuin siya para kunin sa kanya ang baraha.
Pigil niya ang hininga nang bumangga ang dibdib niya sa lalaki. He lowered his head and she felt his lips pressing against the card. Bawal mahawakan ng kamay ang card o ang mukha ng papasahan, kaya naman nanatili sila sa ganoong posisyon habang inuunat ni Stacey ang mga binti. Malapit na siyang makatayo ng deretso nang dumaplis ang baraha.
"Renante!" she groaned softly against the card.
"You did not give me the signal," he groaned back and the card slipped a centimeter more to the left side. Dala ng panic kaya kapwa nila diniin ang mga labi sa isa't isa, habang nakapagitan pa rin ang baraha.
Renante moved a bit. He seemed to suck the card with his lips before pulling back. Plano yata nitong ayusin ang baraha pero nahulog iyon.
"From the start!" wika sa kanila ng host.
Yumuko lang si Renante para pulutin ang baraha. Nasuklay lang pataas ni Stacey ang bangs bago iyon inayos ulit ng mga daliri.
For the second time, they managed to pass the card smoothly. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya naman hindi na masyado napagtuunan ng pansin ni Stacey. She looked over Renante's shoulder to watch the card reach the end of the line.
They did not win the oatmeal soaps.
Hindi pa sapat na naligo sa pangangantyaw si Stacey. Nagtatalo na sila ngayon ni Kylie habang nilalagpas-lagpasan ng mga pauwi na nilang batchmates.
"Sige na," pangungulit ni Kylie.
"Paano kung hindi ako pasabayin n'un?" kunot-noo niya rito. "Ano ako, magco-commute ng uwi dala ang mga ito?" taas niya sa dalawang paperbags na nakasabit sa braso at sa yakap na groceries na napanalunan niya sa pa-raffle.
Kylie just sweetly smiled at her. "Ako ang bahala."
"Did you and Renante plan this?"
"Hindi ah!" iling nito. "Why would we do that to you?"
"That's also my question," paniningkit niya ng mga mata rito.
"May usapan tayo nung nasa café tayo, 'di ba? Na mag-uusap kayo at ita-try mo na magkaayos kayo ni Renante kapag um-attend siya rito."
Yeah, right.
"Hanapin ko lang siya. Huwag mo akong tatakasan!" panlalaki ni Kylie ng mga mata sa kanya bago siya nginitian. Nilapag nito saglit sa paanan niya ang ilang paperbags at umalis na.
Stacey sighed. She would wait a few minutes more. Kapag natagalan pa si Kylie, ibababa na niya rin muna ang mga dala. Halos magkandahaba ang leeg niya sa pag-isa-isa sa mga taong natatanaw na palabas ng event hall. May ilan pang napadaan at tinukso siya kay Renante bago tuluyang umalis.
Hindi naman siya nagpaka-KJ sa panunudyo ng mga ito. Tinawanan na lang niya bago naghanap-hanap ulit ang mga mata niya. But before she could do that, Renante already appeared. He stepped aside to let a person pass by before he managed to walk up to her.
Stacey found it hard to contain herself. How she wish it was as easy as how she used to pretend to be a true friend to Sondra, to Kylie, to Vernon and Cynthia and Fritzie...
"Need a lift?" seryosong tanong nito sa kanya.
Her eyes narrowed, observing him. Hindi na niya dapat ininspeksyon pa ang lalaki. God, he was created to be gorgeous no matter how much he age. Three years. What's the difference? Ang lakas pa rin ng dating nito sa kanya. He was a dark magnet that never failed to pull her close. Napasinghap siya nang matabig ng paa ang paperbags ni Kylie. Napatingin sila saglit sa mga bag bago muling nagtama ang mga mata nila.
"You won a lot," may pagkamangha sa boses ng lalaki. "Hindi na talaga nagbago iyang pagiging competitive mo." Yuyuko sana ito para damputin ang mga paperbag.
"No. Huwag. Kay Kylie iyan. Pinabantayan niya lang," pigil ni Stacey rito.
Renante gave her a look. "So, sa kanya ka sasabay ng uwi?"
"How did you assume that? Nagkausap na siguro kayo ni Kylie."
"No. But I didn't see your car in the parking."
"Maybe I changed my car," taas niya ng isang kilay dito.
"Maybe we'll just talk here then," panlalaking pamewang nito.
"Ano ang kailangan nating pag-usapan?"
"About you ghosting me three years ago."
His words bit her at the realization of what is the term of what she has done to him.
She ghosted him.
"You have the freedom," tuloy nito bago pa siya nakapagsalita, "to leave whenever you want. What you have no right is to be disrespectful. You should have told me that you're leaving—" natigilan ito dahil sa gulat na rumehistro sa mukha ni Stacey.
Nalingunan nito kung ano ang gumulat sa kanya— si Kylie.
Kylie shyly looked down. Halatang nailang dahil mali ang timing ng paglapit nito sa kanila.
"Sorry. Na-excite lang ako nang makita kayong magkausap kaya lumapit ako agad. I—"
"Pwede ko bang ihatid si Stacey?" paalam ni Renante kay Kylie habang nasa kanya ang mga mata nito.
"Well..." nahihiyang lipat ng tingin ni Kylie mula sa lalaki bago napunta sa kanya. "Okay lang ba kay Stacey?"
Hindi ba kanina lang pinagtutulakan siya ni Kylie na sumabay ng uwi kay Renante?
Naawa si Stacey sa panlalambot na nasa mukha ngayon ng dalaga. Siguro nagbago ang isip nito dahil may narinig ito sa mga sinabi ng lalaki. Maybe, that gave Kylie an idea that they had more problems than the one that involved Sondra.
"Oo. Sasabay ako kay Renante," buntong-hininga ni Stacey.
Renante gave her a nod before giving Kylie a soft pat on the shoulder. Dumeretso na ito ng labas para siguro ihanda ang sasakyan nito. Tumanaw siya sa lalaki kaya hindi napansin ang pagkolekta ni Kylie sa mga paperbags nito.
"Stace..." tawag nito.
She turned to Kylie and smiled. "It's okay. We'll just talk like matured adults."
"Ano 'yung ghosting na sinasabi ni Renante?" nahihiyang tanong nito sa kanya.
"Sorry. Mahabang kwento kasi at pauwi na tayo. At saka na natin pag-usapan."
Tumango lang ito. "I understand."
She made an effort to smile, but like the first one, it was too small and did not reflect her cold eyes.
"Thank you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro