Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Two - Chocolate Cake

"HAPPY BIRTHDAY... HAPPY BIRTHDAY...." everyone sang as Sondra hold the cake in front of Piccollo. Nakatayo sa likuran ng babae ang asawang si Maximillian, buhat ang anak nilang si Sandra. The man was dashing in his pale pink button down shirt and jeans. Their daughter wore a pastel pink dress with a frilly chiffon skirt.

Piccollo beamed, eyeing on the lighted candle on top of the two tier chocolate cake.

"Happy birthday to you!" they finished followed by joyous cheering.

"Wish!" demand agad ng ilan sa mga guest sa party.

Nag-angat ng tingin ang binata. May hinanap saglit bago binalik ang mga mata sa cake.

"Sana magka-girlfriend na ako," maluwag nitong ngiti.

Umani ang birthday wish nito ng tawanan at kantyawan. Siyang ihip naman nito ng kandila.

Everyone almost stopped their breaths to witness it. But when they thought the flame has died, it budded back to life. Tawanan. Natatawang napakibit na lang ng balikat si Piccollo bago nilakasan ang pag-ihip. A wisp of smoke escaped from the burnt tip of the candle.

Siyang hiyawan at palakpakan na ng lahat.

Masayang nilingon ni Sondra ang asawa't anak habang inaako na ni Piccollo ang pagbitbit sa birthday cake.

"Dahil ikaw ang birthday celebrant, ikaw ang unang titikim ng cake!" paalala ni Sondra sa pinsan.

"Yeah, right! And since my cousin made this, this is all mine!" masaya nitong halakhak sabay subasob ng mukha sa cake para kagatin iyon.

Lalong lumakas ang tawanan sa silid. Nakapamaloko at walang kaarte-arte talaga sa katawan si Piccollo. Ngumunguya na ito nang mag-angat ng ulo. Kumalat ang chocolate icing sa gilid ng bibig nito at mga pisngi dahil sa ginawang pagsubasob. Gayundin sa ilong. Natawa sila lalo nang malapad itong ngumiti, lumantad ang ngipin na puro chocolate. His sparkling eyes searched and widened upon locating Stacey. Nasalo niya ang nag-iimbitang tingin ng lalaki kaya nakapamulsa ang kamay na lumapit siya rito.

Tinaas ni Piccollo ang hawak na cake. "Tuloy ang party!"

Siyang balik ng masiglang tugtugin. People began to diffuse to get their own food and drinks or dance. Medyo natagalan si Stacey makalapit sa lalaki dahil may mga bumati pa rito bago nakihalubilo sa iba. Then it was Piccollo who excused himself from them to approach her.

Siyang labas niya ng panyo mula sa bulsa.

"Why did you do that?" aniya habang pinupunasan ang chocolate icing sa gilid ng pisngi nito.

Magaan itong tumawa. "You're such a caring person, Stace."

"Of course, she is," singit ni Sondra. "Why do you think I'm still alive after my years of making ruckus back then?" Sinundan iyon ng magaan nitong pagtawa.

Mahinang natawa na rin sila Stacey at Piccollo.

"How's the cake?" tanong ni Sondra.

"Tinatanong mo pa iyan?" harap kaunti ng binata sa pinsan nito. "Of course, it's delicious!"

Masayang napangiti ito. "Oh, thank you, Piccollo."

"Now, can you leave us alone?" pahiwatig nito para masolo siya ng binata.

Pumaling ang ngiti ni Sondra. "Well, sure." At binigyan nito ng nagpapaalam na sulyap si Stacey bago umalis.

Humarap ulit sa kanya ang binata. "Oh, ituloy mo na." He drew his face close to her so she can wipe it clean.

"Ibaba mo nga muna iyang cake mo," taas niya ng kilay rito.

"Tara sa pool side," anyaya ng lalaki na kumuha muna ng kutsara sa kusina.

They walked and reached the pool side. May table set doon kung saan sila umupo. Nasa salaming mesa na may bakal na frame nakapatong ang chocolate cake.

"You want some?" tukoy nito sa cake. Ito na mismo ang nagpupunas sa sariling mukha gamit ang panyo ni Stacey.

She shook her head. "No. Birthday cake mo iyan, eh. That's for you."

He tugged a smile and pocketed her handkerchief. "I'll return your panyo after I get it washed."

"It's okay."

At gumawi sa pool ang kanyang mga mata. Hindi niya maiwasang maalala kung ano ang nasaksihan sa mismong pwestong iyon kanina lang.

Ang paghahalikan nila Aurora at Renante.

Napalingon tuloy si Piccollo sa pool. Napaisip bago binalik ang nagtatanong na tingin sa kanya.

Everything felt so peaceful here, contrasting the festive mood inside the Hawthorne mansion. The music and noises in there was somehow muffled. All Stacey could hear clearly was the rustle of the leaves from the plants and trees. All she could feel was the chill of the evening breeze.

"Now that we're alone, I hope you don't mind if I ask some questions."

Napalingon si Stacey sa binata. "What is it?"

Tatanungin na ba siya nito kung pwedeng maging girlfriend? Hindi ba iyon ang birthday wish ng binata? And so far, he seemed to show interest with no other woman but her.

Hinanda niya ang sarili.

"Hindi ko kasi matanong ito kapag magkasama kayo ni Renante," tuwid nito ng upo at tinutok ng mabuti ang mga mata sa kanya. "Why are you guys living under one roof?"

Paano ba niya ipapaliwanag nang hindi inaamin ang tungkol sa stalker niya?

"I mean," umiwas ito saglit ng tingin, "hindi naman ako malisyosong tao, Stace. As far as I know, you two are friends too... Like, you, him and Sonny are all under one circle of friends. So, I am not surprised to see you in one house and yet..." he shrugged. "You know, I just realized, the culture here in Philippines is different. Like, a man and a woman, who are completely unrelated and in one house..."

She sighed and placed her hand on top of Piccollo's.

Natatakot siyang sabihin dito ang totoo. Baka imbes na mapalayo ito, kabaligtaran ang manyari. Tulad na lang sa sitwasyon niya kay Renante. Upon finding out that she has a stalker, Renante was more determined to stay by her side instead of running away for his safety.

But this is not the right time. It's his birthday.

He should be enjoying it. He should be happy.

"We're just friends, okay?" ngiti niya rito. "He's there to make sure I am safe."

"Who is he, your bodyguard? Isn't that too much for a friend to do for you? Parang hindi kaibigan ang tingin ng lalaking ganyan kahigpit magbantay sa iyo," patong ng isa nitong kamay sa kamay niyang nakapatong sa kamay nito.

Napatitig si Stacey sa mga kamay nila. Napangiti.

"Maybe, friendships are different for every person," titig niya sa mga mata nito.

Piccollo's face slightly wrinkled. She was instantly worried.

"Piccollo..." suyo niya rito.

"Ugh," yuko nito.

Dama niya ang paninigas ng kamay ng lalaki bago iyon nanginig. "P-Piccollo!"

Mabilis na hinila nito ang kamay at dumukwang sa gilid ng kinauupuan. As he leaned against the metal armrest, Piccollo began gawking and roughly scratched his throat as he vomited.

"Piccollo!" tarantang tayo niya mula sa kinauupuan.

Pumuwesto siya agad sa likuran ng lalaki, hinagod at tinapik-tapik ang likod nito.

"P-Piccollo," sinikap niyang manatiling kalmado, "t-that's it. Isuka mo lahat iyan."

Habang hinanagod ang likod nito, mabilis na tumatakbo ang kanyang isip. Wala namang sakit ang binata. Napakasigla nga nito kanina at masayang-masaya. Mukhang hindi rin naman ito lasing o nakainom.

Everything he ate scattered and splattered on the thin cut of Bermuda grass. Panay ang ubo ng binata na mula sa paninigas ng katawan dala ng tensyon, dahan-dahan nang bumabagsak at nanlalambot.

Panay ang hingal nito. "Tara, Piccollo, pumunta tayo sa— Oh, God!"

Hindi na natuloy ang tangka niyang alalayan ito sa pagtayo dahil nagsuka na naman ang lalaki.

.

.

.

***

.

.

.

WALANG KAALAM-ALAM ANG MGA BISITA SA TOTOONG NANGYARI. Basta na lang pinauwi ng mga Hawthorne ang mga ito habang nasa guest room na si Piccollo at inaasikaso ng doktor na pinapunta nila roon.

After two hours of continuous vomiting and his dropping hydration, he was finally rushed to the hospital.

Naiwan na lang sa mansyon si Stacey, nakaupo sa gilid ng kama kung saan natutulog ang anak nila Maximillian at Sondra. Siya na ang nagpumilit na magbantay sa bata dahil pakiramdam niya kasalanan niya.

Kasalanan niya kung bakit nagkakagulon ngayon ang mga ito.

The door gently opened. Alertong napatayo siya, handang manakit kung masamang loob itong basta-basta na lang papasok sa silid. But the soft stream of light from the lamp shade showed her Renante's dark, brooding figure. Nanumbalik ang panlalambot niya.

"Kakatawag lang ni Sonny kanina," mahina nitong wika pagkasara ng pinto. Then, Renante sat on the side of the bed with her. "Nalason daw si Piccollo."

Nakuyom niya ang kamao, nagtitimpi. Hindi siya sisigaw ngayon sa sobrang galit.

"What's more terrible is that, Sondra baked that cake," patuloy ng binata, nakatingin ngayon sa kawalan. "At umiiyak siya dahil sinisisi niya ang sarili niya. Baka may hindi siya napansin na naihalo sa cake. Baka may mali sa pagkakaluto niya."

"Anong klase ng lason ang nahalo sa cake?" matatag niyang tanong dito.

Renante just gave her a look.

"Ano?" pigil niya ang paggaralgal ng boses. "Kasi pakiramdam ko, dahil na naman sa akin ito."

"Stace..."

Hindi siya nagpapigil dito. "Lahat ng mga lalaking lumalapit sa akin... napapahamak sila. Si Marty. Si Piccollo. Huwag ka nang maghintay na sumunod sa kanila, Renante."

"Halika nga rito," hablot ng kamay nito sa balikat niya.

"Renante—"

"Baka magising si Sandy," pabulong nitong anas dahil sa pagpiglas niya.

Hinayaan na lang niyang mahila siya ng binata. Napasandal siya sa balikat at tagiliran nito dahil sa payakap na pagkakaakbay nito sa kanya. She sucked in a deep breath, controlled how much she would be breathing out. He soothingly rubbed her arm.

"If you think I need sex to calm me down or make me feel better—"

"I know you don't need that now," he softly murmured, pressing his jaw against the side of her head. Dahan-dahang tumaas ang isa nitong kamay para tuluyan siyang ikulong sa mga bisig nito.

And Stacey didn't know if she felt alive or died right at this very moment.

Alive to be hugged like this, yet die because she thought this would only happen when her end is near— to feel that Renante truly cared for her. A care not out of responsibility or for the sake of being called a friend but...

This. Just this.

Pero mababanaag pa rin ang katatagan sa kanyang mukha, ang paglaban sa anumang emosyon na magpaparupok sa kanya ngayon.

Bumasag sa katahimikan sa paligid ang ringtone ni Renante. Napipilitang pinakawalan siya nito para sagutin agad ang tawag.

"Hello?"

Then there was silence.

Nakaabang ang mga mata niya sa binata.

"Thank God," he sighed followed by repeated nodding. "Got it. Got it."

Nang ibaba ang cellphone, hinarap siya nito. "Stable na si Piccollo."

"R-Really," pamamasa ng mga mata niya.

Matamlay ang naging pag ngiti nito. "Yes. Huwag ka nang mag-alala, okay?" abot nito sa kanyang pisngi para punasan ang bumubutil na mga luha sa sulok ng kanyang mga mata.

Stacey could feel her lips shudder. She withdrew and stood up. Tsinek niya ang natutulog na si Sandy bago inayos ang kumot nito. Siyang tayo na rin ni Renante. Dumeretso siya ng labas kaya nagmamadaling sinundan siya nito.

"Where are you going?" pagsasalubong ng mga kilay nito, nilalakihan ang mga hakbang para masabayan siya.

"I'll check the guest list," Stacey hissed. "That animal is in this party, just as I thought."

"Paano kung hindi?"

Huminto siya kung kailan malapit na sa hagdan. Stacey furiously faced him.

"Paanong hindi? Nakita mo naman kung ano ang nangyari kay Piccollo! He almost died because of me! Alam kong dahil sa akin iyon! Wala namang ibang tao na gugustuhing saktan siya! Napakabuti niyang tao!"

"What I am just saying is, think sharp, Stace. Hindi iyon pupunta sa party para hindi pagsuspetsahang lumason kay Piccollo!"

Her jaws tensed.

Bumaba na ang tinig ni Renante. "Dalawa lang naman kasi iyan, Stace. It's either hinalo yung lason habang bine-bake ang cake, o hinalo iyon nung nakatabi iyon sa ref at abala tayong lahat dito sa party."

"The second idea proves na posibleng nandito nga 'yung stalker ko, nilagyan ng lason 'yung cake—"

"But the question is, why would your stalker attend the party? Kung may posibilidad na imbestigahan ang nangyari at isa-isahin ang mga tao sa guest list?"

He has a point.

"Naalala mo 'yung nangyari sa kotse ninyo ni Marty? 'Yung muntik ka nang makidnap?" lapit ng binata sa kanya para siguraduhing silang dalawa lang ang makakarinig sa pag-uusapan nila ngayon.

Stacey nodded.

"May mga nakamaskarang gumagawa niyon. Do you think, those two are your stalkers?"

She considered. "No."

"Exactly. They're obviously not. Halatang napag-utusan lang sila. At kung nautusan sila at um-attend dito sa party, sa tingin mo, gagamitin nila ang tunay nilang pangalan?"

"Pero, paano sila makakapasok dito sa party kung wala ang pangalan nila sa mga imbitado?"

Kalmado na nilang binaba ang hagdan.

"That's the thing, Stace," nasa harap na ang tingin ni Renante. "They could pretend that they are the person who's absent during the party. At iyon ang clue natin, ang alamin kung sino ang mga hindi talaga nakapunta sa party. At hindi natin sa guest list malalaman iyon. Posibleng may pirma 'yung mga pangalan na ginamit nila kahit hindi naman talaga sila naka-aattend."

"Then how are we going to find out who didn't really attend?"

"Interview. Pero hindi tayo ang gagawa n'un," dukot nito sa cellphone mula sa backpocket.

"Sino?"

"Someone I hired to find out who your stalker is."

Nanlaki ang mga mata niya. Hinarang niya ang lalaki dahil nakababa na naman sila ng hagdan.

"You hired someone to find my stalker? At hindi mo pinapaalam sa akin?"

"Oo," mariin nitong wika. "Dahil hindi ka naman papayag, 'di ba?"

"Oo. At hindi ka dapat nakikialam."

"We'll find out once we see progress in this issue."

"What do you mean?"

Hindi pa siya tapos magtanong nang lagpasan ni Renante. May tinatawagan na ito kaya nakadikit na ang cellphone sa tainga.

Tinanaw niya ang lalaki na palabas na ng mansyon.

What happens if you find out that you shouldn't be involved, Renante? Iiwanan mo ba akong mag-isa sa labang ito?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro