Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Three - Favor

AN:

STOP! This is a friendly reminder to disinfect your phone (wipe with alcohol) before or after reading this chapter! Wash your hands! Eat healthy! Stay at home and keep safe! :* <3

With Love,

ANAxoxo

.

.

.

"WE'LL FIND OUT ONCE WE SEE PROGRESS IN THIS ISSUE."

Na mas dapat akong makialam, dugtong niya sa sariling isip.

Nakalabas na siya ng mansyon. Sumalubong ang malamlam na liwanag ng araw. Tila nakikisabay ang panahon sa mood nila dahil sa kabila ng liwanag, namumuti naman ang kalangitan. Nagbabadya ng pag-ulan o 'di kaya'y paglamig ng panahon.

Nakakailang tawag na siya sa detective pero hindi pa rin ito sumasagot.

His eyes narrowed. Inis na binulsa na lang niya ulit ang cellphone.

That's it. I'm going to report him to his agency.

Siyang sulpot ni Stacey sa kanyang likuran. Sinigurado ni Renante na hindi nito mahahalatang namomoroblema siya. He spared a minute or two to watch her descend the stairs at the front of the mansion. To admire the way she walked, and the slow motion effect of how she lifted her eyes to meet his gaze.

The fitting crop trop made her shape more deadly. The exposed skin of her waists was a tasteful temptation.

Sinalo ng mga mata niya ang titig nito. "Gusto mo bang bumisita sa ospital?"

"Please," sagot nito.

He gave her a nod and offered an arm. "Let's go."

Napatitig doon ang dalaga bago siya nilagpasan. Renante watched her walk away from him. Naihilig na lang niya ang ulo bago nilakad ang mga paa.

.

.

NANG MARATING ANG OSPITAL, hindi na umalis sa tabi ni Piccollo si Stacey. Nakaupo lang siya sa upuan malapit sa kama ng natutulog na lalaking naka-hospital gown. Natural na mahaba ang tulog nito dahil sa sobrang pagod at dehydration. Kita rin niya niya ang mabilis na pagbabago ng masigla nitong mukha kagabi hanggang sa maputla nitong hitsura at tuyong mga labi ngayon. A dextrose remained attached on him to keep his fluids in balance.

Sa labas ng suite nag-uusap si Maximillian at Renante. Nung dumating kasi sila, pinauwi nito si Sondra para i-check ang anak nila. At gusto rin ng mga ito na sa labas mag-usap para makasiguradong walang maririnig si Piccollo na pwedeng ikabahala nito.

She was wondering what they could be talking about now.

Her eyes was still filled with worry. Pinapatatag na lang niya ang sarili dahil wala sa paniniwala niya na may nareresolba ang pag-iyak.

Piccollo, I am sorry. I should have told you earlier. I should have pushed you away already. Kung ginawa ko lang kaagad iyon, wala ka sana ngayon dito.

Stacey sighed.

This won't happen again. Not to you or to anyone. Determinado na ang mga matang nakatitig ngayon kay Piccollo.

.

.

"ANG SABI NG DOKTOR," seryosong wika ni Maximillian, "may nakita silang component ng lason sa blood stream ni Piccollo na matatagpuan din sa rat poison."

Lumukot ang mukha niya sa narinig. "Rat poison?"

"Yes," malamig nitong saad. "Kaya hindi namin pwedeng palampasin ito. Paano namin ipapaliwanag kay Piccollo na may halong lason sa mga nakain niya? Sinabi na rin ng doktor na nagma-match sa oras ng pagkalat at pagtalab ng lason mula sa oras na kinain niya 'yung cake. Piccollo also said this morning to his doctor that he did not eat that much from the buffet because he didn't want to be too full and unable to eat the cake."

"So, you mean to say, sa cake talaga galing 'yung lason?" ekis niya ng mga braso, patagilid na sumandal sa pader malapit sa pinid na pinto ng silid ni Piccollo.

Nakatayo sa ganoong posisyon din si Maximillian sa kabilang-tabi ng pinto.

"That's what the doctor is implying," he gritted. "And I hate it because it's like he wants to make it appear that my wife is responsible for this. I can't let that happen, Renante. Mananagot ang may kagagawan nito. Mark my words."

Tumango-tango siya. Napaisip.

Naihilig ni Maximillian ang ulo. "What are you thinking?"

"Wala bang kaaway si Piccollo? O bagong mga kakilala na posibleng gawin ito sa kanya?"

If Stacey's stalker is not involved with this, then she will have nothing to worry about.

"Last month lang bumalik dito si Piccollo. He won't be able to meet that much people if he's busy reconnecting with his relatives here."

"I thought the Hawthorne family isn't that big?"

"Yeah, except on Piccollo's mother's side. Kita mo naman ang dami ng bisita sa party niya kagabi, 'di ba?" Maximillian's voice strained, an evidence of lack of sleep and tiredness which was also apparent with his droopy eyes and weak posture.

"I see," iwas niya ng tingin dito. "So, marami ang guests. Ibig sabihin, lahat ng imbitado naka-attend."

"Hindi."

His eyes shone with knowing. Matiim na titig ang binigay niya kay Maximillian. "Sino-sino ang mga hindi naka-attend?"

He shrugged. "Not sure who. Pero nasa guest list naman iyon."

Hay. Akala niya may mapapala siya.

.

.

.

***

.

.

.

TAHIMIK PA RIN SILA PAGDATING NG BAHAY. Stacey sat on the sofa and watched Renante as he walked back and forth from the kitchen to the living room and so on. Sa huli, umupo ito sa tabi niya.

"Have some milk," paalala nito sa tall glass na may lamang fresh milk sa coffee table. "That will help you have a good sleep, Stace."

Napatitig siya roon. Kagabi pa siya hindi mapakali dahil sa nangyari kay Piccollo.

Ito siguro ang naramdaman ni Marty nung nalason ang aso nito. Pero dahil buhay na ng tao ang apektado, mas dumoble ang pangamba sa kanyang dibdib. On the outside, she looked tough. People may assume she was only spacing out to think, or wearing a resting bitch face.

"Piccollo has already recovered—"

"Paano kung balikan siya sa ospital?" mahina niyang wika. "He's in a more vulnerable position now."

"If your stalker kills him, mas lalaki ang problema niya," anas ni Renante. "At palaging may nakabantay sa kanya kaya kung pwede, mas tatagan mo pa ang sarili mo, Stace."

Napasandal na lang siya sa upuan. "Renante, I want to ask you a favor."

Naguguluhang kumunot ang noo nito, pero pinangibabawan ng pag-aalala. "What is it?"

"Mamayang gabi, pwede bang mag joyride tayo? Then, let's have some snacks in the car. Let's not stay in one place. Let's keep moving."

"You know... that running away won't solve this, right?"

"Gusto ko lang alisin itong... itong nararamdaman ko."

Itong takot. Itong pag-aalala. Itong guilt na ngumangatngat sa kanya sa bawat minutong naaalala niya ang mga taong napahamak na dahil sa kanya.

"That is..." she clarified, "...if it won't be a bother. Baka may... baka may pupuntahan kayo ni Aurora."

Inabot nito ang baso ng gatas sa kanya. "If you want to joyride, then drink this and get some sleep. Kagabi ka pa walang tulog."

"Does that make you worry?" mapait niyang ngiti ngayong hawak na ang baso.

And Renante did not even answer her question. Uminom na lang siya.

As she headed to the bedroom, Renante followed. She's too tired to ask questions again, especially if Renante was only choosing which one to answer. Humiga na siya at hinayaan ang lalaki na kumutan siya bago nito sinampa ang mga paa, sinandal ang likod sa headrest para makaupo sa kanyang tabi.

She get it, Renante would make her believe that he would stay by her side and watch her sleep. He would make her believe that he really cared. He would make her believe that she has nothing to be afraid of as long as he's here.

Pinasya niyang tumalikod ng pagkakahiga mula rito. Then she closed her eyes.

.

.

RENANTE WAS ALREADY DRIVING HIS CAR. Alas-otso na ng gabi. Mahina ang tugtog sa loob ng kotse. On shuffle ang playlist mula sa music app ni Stacey. He took a glance at her, vibrant in dark burgundy lipstick, stunning in her fitting black shirt that only reached the top of her waist, exposing a bit of her skin. The low-waist jeans tightly hugged her legs. Her feet were covered by a pair of black slip-on shoes. Nakataas ang mga braso ng babae, abala sa pagha-high ponytail sa buhok nito. A few of her hairstrands slipped, dropped gorgeously at the sides of her face, when she was done.

Nasa kalsada na ulit ang mga mata ni Renante.

"Dumaan muna tayo sa flower shop at sa mall," wika ng dalaga. "Bilhan natin ng flowers si Piccollo at saka fruits."

"Yes, Ma'am," saglit niyang pag ngiti bago mas binilisan ang patakbo sa sasakyan.

They went to a supermarket. He followed Stacey as she picked up a fruit after another. Siya naman ang may hawak sa basket push cart. Nilingon siya ng babae at pinakitaan ng hawak na saging.

"Should I get just one or..."

"Of course, you're only allowed to eat one banana," malisyosong ngisi niya rito.

Pinaningkitan siya ng mga mata ng dalaga.

What? Stacey's goal for this night out was to de-stress herself, and he wanted that as well. So he's just cooperating!

Inambahan siya nitong babatuhin pero hindi naman tinuloy.

"I mean, para kay Piccollo!"

"So, kumakain na ng saging si Piccollo?" biro pa niya.

"Heh," balik niya sa saging kaya mahina siyang tumawa at dinampot iyon.

"Magaling ka naman pumili eh, tinatanong mo pa ako," lagay nito ng saging sa basket. "Okay na ang isa nito. Let's give him something more hydrating. 'Yung makatas."

"Ang ayos mo kausap," talikod nito kaya natatawang sinundan niya ito.

Hanggang sa mapadaan sila sa flower shop section ng supermarket na iyon. Bitbit niya ang mga canvas bag na nilagyan ng mga pinamili nila, pinapanood ang pag-isa-isa ng babae sa mga bulaklak. She took a bouquet, cradled it carefully in her arms and faced him.

"This one?" anito.

Pinasadahan niya ang magandang floral arrangement kung saan nangingibabaw ang tingkad ng dilaw na mga sunflower.

"Why a bouquet? What about that one?" turo ng mata niya sa nakadisplay na mga bulaklak sa isang maliit na basket.

"Oh!" palipat-lipat ang tingin ni Stacey sa binabalik na bouquet at mga bulaklak na nakabasket. "Isn't that too much?"

"Nah," he shrugged. "He'll appreciate that."

"Oookay," dampot nito sa basket. Naghalo ang pula, dilaw at puting mga bulaklak doon. Nangibabaw ang mga pulang rosas.

"Pay that up and let's go," nakangiting saad niya rito.

Hanggang sa nakabalik na sila sa kotse. Inaayos ni Stacey ang pagkakapatong ng isang basket ng bulaklak sa dashboard.

"You know that Piccollo has a crush on you, right?" aniya habang ini-start ang sasakyan.

"Of course. He's a very honest person, Renante. Kapag may naiisip siya o nararamdaman, sinasabi niya." Dumeretso na ito ng upo. "Something that I wish I had the courage to do..."

"Me too," ayos apak niya sa gas para mapaatras ang sasakyan mula sa pinaparadahan nito. "And so," patuloy niya habang panay ang lingon sa likod, para siguraduhing walang mababangga, "isn't treating him this way putting his hopes up?"

"What do you mean?" tanong ni Stacey sa kanya.

"Alam mo na. Kung hindi ka pa sigurado na masusuklian mo 'yung feelings niya para sa iyo, why make him feel that you care? Why not make a little distance or clarify that you don't feel the same?"

Makahulugan ang titig sa kanya ni Stacey. Lingid iyon kay Renante dahil nasa likuran ng sasakyan ang tingin niya at nakatalikod siya sa kanyang katabi.

"Alam naman ni Picco iyon," sagot nito. "At ano naman ang masama kung maging concerned ako kay Picco, as a person? As a friend?"

He considered her words.

"Look, hindi por que hindi ko type 'yung tao, tatratuhin ko na ng hindi maganda. Let them have a crush on me, I'll clarify I don't feel the same and yet, will still treat him as a person. Hindi tulad ng iba na parang may nakakahawang-sakit na lalayuan ang admirer nila."

"Maybe it's because they are forcing them to love them back."

"Well... may point ka rin naman diyan."

Minaneho na niya ang sasakyan palabas ng parking lot na iyon.

"Deretso na ba tayo sa ospital? Wala ka na bang iba pang dadaanan?" At natigilan siya. He glanced at Stacey. "Gutom ka na ba? Tara, magdinner muna tayo?"

Sinisipat ng dalaga ang laman ng canvas bag na kandong nito. "Mamaya na. Marami tayong oras para diyan, unahin muna natin si Piccollo."

Such a very caring woman. This scenario reminded him of Sondra at Stacey's friendship. Ang mga pagkakataon na ganito rin ang sinasabi ng dalaga kapag nalalagay sila ng mga kaibigan sa gulo o napapasobra ng walwal. Na unahin muna ang iba. Ang pag-asikaso sa iba.

He found himself unwillingly smiling.

"Okay, unahin natin si Piccollo," balik ng mga mata niya sa harap.

Unfortunately, Piccollo was already asleep when they arrived at the hospital.

Maingat na inayos ni Stacey ang basket ng bulaklak sa katabing mesa ng higaan. Kasunod niyon ang pagpatong ng canvas bag na puno ng pagkain. Nilabas nito ang isang bote ng coconut juice para ipatong mismo sa mesa. Panay ang lingon nito kay Piccollo, mukhang umaasa na magkakaroon ng himala at magigising ito para makausap.

"Hey," magaang tawag niya sa dalaga kaya pumihit ito paharap sa kanyang direksyon.

He was simply standing beside a mini dining set. Nakaupo doon ang pinsan ni Piccollo na si Hannah, kumakain ng isa sa mga pinamili niyang orange.

"Pwede mo pa siyang bisitahin bukas. At sa susunod na mga araw," patuloy niya. "Kaya hayaan mo munang hindi muna kayo makapag-usap, hm?"

Stacey managed a smile. He knew that it was only her way of giving an assurance that she was okay. Only an assurance, not a confirmation that it was really how she felt.

May dinukot ang babae mula sa bulsa nito at nilagay sa basket ng mga bulaklak, malapit sa nakasuksok doon na maliit na envelope. Nakita niyang lumaylay mula sa pagkakasabit ang dulo ng keychain na iyon.

Stacey did not tell him about that keychain, but he was assuming that it must be a gift. Her birthday gift for Piccollo perhaps?

"Well, let's go?" lapit ni Stacey sa kanya.

Nilingon ni Renante si Hannah na kumakain pa rin. "Hannah, we're going. Thank you for letting us in."

Nag-angat ito ng tingin, nagmamadaling lunukin ang orange na nginunguya nito.

"Okay," sagot nito sa wakas. "Pero next time ha, huwag niyo kakalimutang magdala ng food para rin sa nagbabantay, ha?"

Hindi niya pinansin iyon. Dumeretso na lang si Renante sa pinto.

Pumaling ang ngiti ni Stacey. "Ah... eh... sorry. It slipped out of my mind."

At pagbalik ng tingin nito, nagulat na wala na si Renante sa kinatatayuan kanina. Natanaw na lang nito na nagbukas na siya ng pinto.

"God. Sige, aalis na kami," paalam nito kay Hannah. "Ang suplado talaga ng lalaking iyon," she murmured as she headed to the door that Renante held open while waiting for her.

They returned to the car, headed to a Korean barbecue restaurant to eat.

"Akin ito! Akin ito!" agawan nila sa mga karneng nakasalang sa grill.

He chuckled and stole one from Stacey's own chopsticks.

"Hey!" dismayadong panlalaki ng mga mata nito sa kanya.

Nang-aasar ang pagtawa niya rito habang dinadala sa sariling pinggan ang inagaw na karne. Mabilis na ninakaw ni Stacey ang buong pinggan niya.

"You!" he scolded. "Bakit ang lakas mong kumain?!"

"Ha! Ha!" tingala nito habang tinatawanan siya at tutok ang mga mata sa kanya.

"There," lagay niya ng inagaw na karne sa pinggan nito. "Binalik ko na! Give me that!"

Nakangising inabot na ulit nito ang pinggan sa kanya. Naniningkit ang mga mata na nakipaglaban ng titigan siya sa babae.

"Aw!" bitaw agad ni Renante, nagulat sa init ng pinggan.

"Sa gilid ka lang kasi hahawak!" tila nanenermon ang tinig ng babae, binaba na nito sa tapat niya ang pinggan sabay hablot sa kamay niya.

She inspected his fingers. Isusubo sana nang bawiin niya agad.

"Anong gagawin mo?"

"Namumula! May paso! Sisipsipin ko lang!"

"Nakakita ka lang ng pamumula, sisipsipin mo agad," pabirong singhal niya rito. "It's fine, okay?"

"Eh, 'di okay," mataray na balik nito ng atensyon sa pagkain.

And Renante watched her pick up a meat with her chopstick, dip it in a combination of sauces before eating. Tumatango-tangong ngumuya ang babae at ginalaw-galaw ang mga karneng nakasalang pa sa ihawan. The smokiness of the room seemed to be the reason for her sweat to bead on her forehead. Mabilis siyang dumampot ng tissue para punasan iyon.

Gulat tuloy itong napalingon sa kanya.

"Mukhang hirap na hirap si Chef," tudyo niya rito para hindi maalarma at hayaan siya sa ginagawa.

Stacey remained still, allowing him to wipe off the sweat from her forehead. A hint of smile was there, but did not made her lips stretch.

Magsasara na dapat ang firing range na iyon, pero napakiusapan nila na magbukas. Pumayag sa kondisyong isang oras lang sila pwedeng magtagal doon.

Nagmamadaling pumuwesto si Stacey sa isa sa mga booth.

"I've always wanted to try this!" masayang wika ng dalaga habang ina-assist ng isa sa mga staff sa pagsuot ng ilang protective gear. Nang matapos, nilingon siya nito. "Ikaw? Are you sure you're not going to try?"

He gently smiled and shook his head. "Just let me watch you."

Stacey shrugged. Umalis na ang staff para gawin ang iba pa nitong trabaho. Renante stood firm and crossed his arms. Nagsimula nang bumaril si Stacey. Napapikit nung una. Pero hindi ito ang klase ng babae na madaling masindak. She just paused after the first shot. Pagkatapos niyon, sunod-sunod na ang pagbaril ng dalaga.

Ah, as expected, she could be a little impulsive. Mabilis na pumuwesto siya sa likuran nito at hinawakan ang dalaga sa balakang. He gave the back of her foot a gentle push to put her in a proper posture. Napalingon tuloy ito sa kanya bago sinundan ng tingin ang ginagawa nito sa paa ng dalaga.

"Kaya pala ayaw mo, maalam ka," mahina nitong wika.

"Not really. I just read a lot of stuff."

"I see," angat nito ng mga mata sa kanya ngayong inaayos niya ang level ng pagkakataas ng mga braso nito.

Umatras na siya. "Oh, iyan. Shoot."

Tinuloy na ni Stacey ang pagbaril. Ni isang bull's eye hindi man lang nito nagawa.

Pinagtatawanan tuloy niya ito nang bumalik sila ng sasakyan.

"Baka nga mas malala ka pa sa akin!" ganti ng dalaga habang sinasara ang pinto sa tabi nito. "Kaya siguro ayaw mong ma-try kanina!"

"You know what? You gave me a good idea, Stace," buhay niya sa makina ng sasakyan.

"What idea?"

"You need to learn some self-defense. Alam mo na, para handa ka kung sakaling magparamdam na naman iyang stalker mo."

"Pwede ba, Mr. Villaluz? Let's not talk about him tonight?"

"Okay," he softlysmiled and began driving. "So, all of a sudden, you are in the mood to visitPiccollo, eat a lot and go to a firing range. At this hour, wala na tayo masyadongmapupuntahan, nagsasarahan na ang mga malls. What's your plan?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro