Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Seven - I Know Who You Love

AN:

Hi, dears! Kamusta na kayo? Make sure disinfected na ang gadgets ninyo bago ituloy-tuloy ang pagbabasa hahaha! <3 Stay safe and always wash your hands! ;) Enjoy reading the two new chapters today! And see you bukas! <3

With Love,

ANAxoxo

.

.

.

TUMIGIL SI RENANTE SA KAPIPINDOT NG DOORBELL. Wala talagang lumalabas mula sa bungalow. Halos magkanda-haba na ang kanyang leeg kakatanaw, sinisikap na umabot ang tingin hanggang sa loob ng mga bintana pero wala talaga.

He checked on his cellphone.

She's not calling back. Not answering. Not replying.

Kahit na puno ng takot sa dibdib, hindi iyon mababakas sa kanyang mukha. He was in fact, dark and brooding, eyes were piercing, jaws tensed.

Lumayo na siya sa gate ng bahay ni Stacey. Malamang wala na talaga ito sa bungalow. At hindi rin niya ie-expect na nasa mansyon ito ng mga magulang nito. It was pretty obvious that she didn't had any close relationship with her workaholic parents.

Naglalakad na siya pabalik sa kotse. Sinilid ang cellphone sa backpocket ng pantalon. Paano kaya? Paano niya ngayon hahanapin ang dalaga?

Natatakot siya sa isiping matagal-tagal bago ulit sila magkita. Naranasan na niyang mapagtaguan nito. Kapag ayaw nitong matagpuan, talagang hindi niya ito mahahanap. No kind of power or money could make a person like Stacey, who also had money and power, come out or be discovered.

Kuyom niya ang isang kamao, nagtitimpi at sumakay na sa loob ng sasakyan.

Nagtitimpi siya dahil konti na lang at sasabog na siya.

That stalker, was that bastard really serious about that text? Alam ba talaga nito kung saan nagpunta si Stacey?

Kasi kung ganoon, mas lalo siyang dapat matakot. Wala na ang babae sa kanyang paningin. Mas lalong manganganib ang buhay nito. Para hindi maipit, pinatong niya ang cellphone sa dashboard. He started the car. Nasuklay niya pataas ang buhok ng mga daliri nang biglang may tumawag.

The number was unfamiliar, but at least, not that stalker's private number.

"Hello?" anas niya.

H-Hello... bungad ng tila pagod na tinig ng isang ginang, Ito po ba si Renante Villaluz?

His eyes narrowed, one hand on the steering wheel, yet the car was not yet moving.

"Who is this?"

Ako si Ellen... asawa ni Detective Brian Ortiz.

His jaws tensed. "Where is he?"

Isang linggo nang hindi nagpaparamdam ang asawa ko. At may bilin siya sa akin na kung magkataong mangyari ito, tawagan ko raw kayo at papuntahin dito sa bahay.

Medyo nabawasan ang inis na kinikimkim niya nitong nakaraang araw para sa private detective, ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan niya sa pagdiskubre sa kung sino ang kanyang stalker.

"Paki-text sa akin ang address niyo. Pupunta ako diyan ngayon din."

.

.

UMUPO SI RENANTE SA GILID NG PAPAG NG KWARTO NI DETECTIVE BRIAN AT NG ASAWA NITO. Katabi niya ang asawa nitong si Ellen, na hindi nalalayo sa edad ng detective na nasa mga kwarenta na. Naiwang bukas ang pinto ng maliit na silid nito. Mula sa ilalim ng kama, kinuha ng babae ang isang tin box na tinalian pa ng goma.

"Sabi niya sa akin nung nakaraan," anito, "ibigay ko raw sa iyo iyan."

Tinatanggal niya ang mga gomang nakapaikot sa lalagyan.

"Nag-aalala na ako sa kanya. Please, sabihin mo sa akin na alam mo kung nasaan si Brian."

Hindi lingid sa kanya ang labis na pag-aalala sa tinig ng babae. Pero mas pinili niyang ituon ang mga mata sa binubuksang kahon. Nang matanggal ang mga goma, pinihit niya ang takip niyon at inangat.

"Sa totoo lang," wika niya saw akas, "hindi ko rin alam kung nasaan siya. Nitong nakaraan ko pa siya kino-contact, pero hindi niya nasasagot. Kadalasan hindi ma-reach ang number niya."

Nagnakaw siya ng sulyap dito. Lumambot lalo ang mukha ng ginang, mas naging prominente ang bawat guhit doon ngunit hindi kasing tindi ng inaasahan niya ang reaksyon nito. Halatang sanay na ang babae sa panganib na kaakibat ng trabaho ni Brian. Gayunpaman, bilang asawa nito, natural na mag-alala pa rin ito.

He could imagine how Stacey would be just the same. Strong and composed despite everything.

"Pero huwag kayong mag-alala," sipat niya sa mga laman ng kahon, "sigurado akong nagtatago lang si Detective para sa kaligtasan mo."

He didn't know if that would convince Ellen. Sinabi lang naman niya ang mga iyon para kahit papaano mabawasan ang pag-aalala nito.

Dahil dito, kinukutuban ako ng masama. Hindi kaya, napansin siya ng stalker? Hinarang? Pinigilan sa pag-iimbestiga? His piercing gaze steadied on the piece paper he was holding. Now I am feeling bad about reporting him to his agency.

Binasa niya ang nakasulat sa papel. Ito ang natanggap niyang sulat mula sa fish bowl nung nakaraang alumni party.

I know who you love, and I won't let you be together.

Iyon ang unang piraso ng ebidensya na binigay niya kay Detective Brian. Hindi talaga siya nabahala nang matanggal ang sulat na iyon. Ang nagpa-alerto sa kanya ay ang nahulog na sulat para kay Stacey sa kotse, nung hinatid niya ito sa tinitirahan nito.

Naalala tuloy niya ang naging pag-uusap nila noon ng detective sa cellphone.

"Pasensya na, Sir Renante, kung alanganing oras ako napatawag. May naisip kasi ako bigla related sa kaso mo. Itong sulat para sa iyo na, I know who you love, and I won't let you be together..."

"Yes? What about that one?"

"Hindi kaya sa'yo itong stalker, Sir?"

"Paano'ng sa akin?"

"Isipin mo, Sir Renante," maingat nitong wika, sinisikap na hindi mapapalakas ang boses nito, "bakit hindi ka sinasaktan o tinatakot nung stalker tulad ng ginawa niya sa kotse ni Marty? Ni Stacey? At ang sabi rito, kilala niya kung sino ang mahal niyo at hindi siya papayag na magsama kayo... Hindi ba si Stacey iyong tinutukoy niyang mahal niyo, Sir? Kaya si Stacey ang tinatakot niya?"

He managed to take back Stacey's letter from her pouch. That one time after they made love and she was still asleep. Nakadikit iyon ngayon sa likuran ng sulat na natanggap niya. His eyes shifted from one letter to another.

Ngayon lang niya nakita ang mga sulat ng magkatabi. His mind began comparing the two.

His eyes narrowed and gave his letter a closer inspection.

It was smoothly rolled out, compared to Stacey's crumpled letter. Natandaan niyang nagusot iyon ng dalaga nang mabasa. But what made it strange was the paper.

Mas matigas ang papel. Mas matingkad ang kulay. Stacey's paper was crumpled so to further his notes, he crumpled his letter in his palm. Nagtataka man, hindi na siya kinuwestiyon ng nanonood na si Ellen. There was a crunching sound. Inalala niya ang gabing ginusot ni Stacey ang papel. Walang ganitong klaseng ingay.

Or maybe, he was being too OC.

Yet, his suspicion was strong.

Sunod niyang nakita ang tatlong flashdrive sticks. Siya ang nagbigay ng mga iyon kay Detective Brian. Mga kopya iyon ng dalawang CCTV videos na may kinalaman sa pagkasira ng kotse nila Marty at Stacey. May naka-tape na papel sa isa sa mga flashdrive stick. It read:

Progress of the Investigation + Tracking Device App

.

.

NAKANGITING TINANGUAN NI STACEY ang mga kalalakihang palabas na ng bahay.

"Thank you," pahabol niya sa mga kapitbahay na ihahatid ni Mang Lito sa gate.

Tinanaw pa niya ang mga ito bago bumalik sa loob. Dumeretso siya sa isa sa mga silid doon kung saan nakakalat ang tatlong maleta, isang malaking bag at tatlong woven shoulder bags. The glass wall of the room showed a vista of the lake from the mountain where the house is located. She could not help stopping on her tracks to admire it. Gumuhit ang payapang ngiti sa kanyang mga labi.

"Ma'am Stacey," pukaw sa kanya ni Ka Olga, asawa ni Mang Lito, sa matigas nitong punto sa pananalita, "saan sa mga ito ang mga damit mo? Banglalaki naman ng mga bag mo, buti naisasakay mo ang ganito karami sa sasakyan."

It took her a while to look away from the glass wall. Napansin naman agad iyon ng ginang kaya natutuwang lumapit sa kanyang likuran. Sinundan nito saglit ng tanaw ang kanyang tinitingnang tanawin bago mahinang tumawa.

"Aba'y keganda ng tanawin dito, hane?"

Stacey nodded and finally glanced at Ka Olga. "Opo."

Iniwan siya ng babae para tunguhin ang mga gamit. "Sige, magpahinga ka muna. Ako na ang bahala sa pag-aayos ng mga gamit mo."

"Oh, no," pihit niya agad sabay tungo sa tabi nito. Stacey immediately collected her things, pulling one travelling bag close to the other. "Ako na po. Kaya ko na po ito."

Napangiti na lang si Ka Olga. May pagkabilugan ang matandang babae, matikas ang katawan para sa sisenta'y anyos. Mahahalata lang iyon sa sobrang puti na ng kulot nitong buhok na laging nakapusod. "Aba'y bangdami niyan, baka anong oras ka na abutin niyan."

"Okay lang po. Baka may gagawin pa ho kayo."

"Aba'y oo! Mag-uurong nga pala ako. Sige, hija. Ikaw na muna ang bahala diyan."

Kumunot ang noo niya. "Ano po ang iuurong ninyo? Baka kailangan niyo ng tulong."

Natawa ito. "Ay bangdali lang mag-urong, hija. Huwag kang mag-alala."

Nakaalis na ang matanda pero napapaisip pa rin siya kung anong gamit ang kailangan nitong iurong. Dahil doon, napilitan siyang lumabas para hanapin ito. Natagpuan niya sa kusina si Ka Olga, naghuhugas ng mga pinggan.

Tapos na kaya siya i-urong ang mga iuurong na mga gamit?

Apparently, urong meant washing the dishes. Inakala niya na ang urong na tinutukoy ng matanda ay itutulak sa ibang pwesto ang isang bagay. Natutunan na lang niya iyon nang dumating kinagabihan ang mga apo nila Ka Olga. Kilala sila bilang Tres Marias— si Mary Grace, Mary Jane at Mary Ann. Isang taon ang agwat nila Mary Grace at Mary Jane. Ang bunso naman ay tatlong taon ang agwat mula sa pangalawa sa magkakapatid na si Mary Jane.

Pagiging guro ang propesyon nila Mary Grace at Mary Jane. Crew naman sa isang fastfood chain sa bayan si Mary Ann.

Kasalukuyan silang nasa hapag-kainan habang pinag-uusapan iyon.

"Naku, Ma'am Stacey," natatawang iling ni Mary Grace, "huwag kang mag-alala. Ang naiba lang naman dito eh, may punto kami at kakaunti lang ang kakaibang salita, tulad nung urong," nilingon nito ang katabing si Mary Ann, "Hane nga, Ann?"

The younger woman nodded. She sported a bob cut hair and a cute smile. "Aba'y, hu-o. At ang iba naming sinasabi, eh puro Tagalog na."

Stacey nodded. "I see," then she returned her eye on the food. Hindi siya sanay na puro gulay ang kinakain, pero sobrang naa-appreciate niya dahil lutong bahay, malinamnam at karamihan sa sangkap ay galing mismo sa mga pananim nila Mang Lito.

"And by the way," angat niya ng tingin sa mga ito, "Stace na lang ang itawag ninyo sa akin."

"Okay, Staaace," ani Mary Jane at tuwang-tuwang nagbungisngisan ang magkakapatid. "Eh, pagkasosyal-sosyal lang ng pangalan mo. Sorry!" bawi agad ng dalaga para ipaliwanag kung ano ang nakakatawa.

She shrugged and resumed eating.

"Kamusta naman ang ulam? Nagugustuhan mo ba?" Ka Olga softly asked.

"Mmm!" tango niya, may laman ang bibig kaya hindi nakapagsalita agad. "Opo! Masarap!"

Ka Olga didn't smile, but Stacey could note the satisfaction in the older woman's eyes. Tinuloy na nito ang pagkain.

"Oo nga ho pala," wika niya ulit. "Pasensya na kung kailangan niyong umalis muna rito, ha?"

Isa rin kasi sa mga binilin niya sa mga ito bago pumunta rito ay ang kagustuhan niyang masolo ang bahay. Para na rin iyon sa kaligtasan nila Mang Lito at Ka Olga. Hindi niya alam kung ano ang aasahan sa kanyang stalker. Kahit naging maingat siya at sinuguradong hindi masusundan nito, she still needed to expect for the worst. And she would not want other people getting dragged into her own problems.

"Ano ka ba?" natatawang singit ni Mary Grace. "Okay lang no. Malapit lang naman dito ang bahay namin, pwede tumuloy doon sila Lola."

Stacey awkwardly smiled. "Okay. Hindi ba masyadong masikip doon?"

"Adjao," pigil ni Mary Grace ang matawa sa kanya, "hindi naman, hane?"

Kumunot ang noo niya. "Honey?"

"Ha-ne!" natatawang pagwawasto sa kanya ni Mary Grace, nagtawanan na rin tuloy ang iba pa nilang kasama sa mesa.

"Ha-ne?"

"Aba'y huwag mo nang pagpapapansinin 'yung mga terminology namin," Mary Jane waved a hand. "Parang hindi ba lang naman ang ha-ne."

Ohhh...

She did not verbalize that reaction but it was obvious with the way her lips parted and how she straightened in her seat. Dahan-dahang napasandal si Stacey sa backrest ng kinauupuan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro