Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-One - Karma Is Real

DAHIL SA PAKIUSAP NI RENANTE, hinayaan ni Piccollo na magkausap sila nito ng sarilinan. Stacey walked side by side with Renante until they found an empty corner of the living room. Sumandal sila sa pader, kapwa may hawak na wine glass

"What is it?" diretsahan niyang tanong sa binata, nananantya ang tingin dito habang sumisimsim ng alak.

"I just want to bring it to your attention that we rarely talk lately," malumanay ngunit may bigat nitong sagot sa kanya. His eyes pierced her. "If it's about Aurora, I think I've already made it clear to you what she is to me."

"Yes. May nabago ba kaya pag-uusapan na naman natin ito?" panghuhuli niya.

Aaminin ba sa kanya ni Renante ang paghahalikan nila ni Aurora? Babalitaan ba siya nito na iba na mga sinabi niya noon ang status nila ngayon ng babae?

"Anong nabago?" kunot-noo nito.

Stacey sighed. For sure, Renante would not tell her. Ayaw nitong masaktan ang damdamin niya, 'di ba? Kung hindi, may panibagong atraso na naman itong pagbabayaran para makabawi na naman sa kanya. This is getting too tiring. Tama na itong isang atraso na lang ang pagbayaran ni Renante, para kapag tapos na, tapos na.

She kept a straight face. "Ano, sa tingin mo ba, nabago na ang pakikitungo ko sa iyo dahil hindi na kita masyadong kinakausap kahit sa bahay?" ismarteng palusot niya at nilingon ito.

"Yes."

Kasama rin kaya roon ang sex? Sa mga bagay na nabago na bumabagabag dito?

Of course not. Sheesh. What was she thinking?

Stacey blinked and her eyes was suddenly on Renante's chest, following the descending trail of the buttons of his shirt to make her thirst for his sexy form. The way his arms were sculpted, how his hips slightly thrusted forward because he was leaning his back against the wall.

How tight his pants looked...

And those eyes. Those dark, brooding eyes that stared at her intensely all the time. Or maybe he wasn't intensely looking at her, but it was her heart panicking, feeling intense just because he looked at her. So intense she becomes serious, and cautious. She had to or her feelings might be obvious. Baka matunaw siya kaagad sa harap nito. Sa labas, mukha siyang matatag at hindi apektado, pero walang kahit sino ang nakakahalata sa pagwawala sa loob ng kanyang dibdib.

Shit. Nakakailang baso na ba siya ng alak? Kasabay ng pagtatanong sa sarili ang pag-inom ng marami-rami.

"You know that we have to talk, right?" patuloy ni Renante. "Nagtutulungan tayo para matunton ang stalker mo."

"Yes, I know, Mr. Villaluz," she gritted.

"Then what could be the reason of you being distant? I gave you a week to notice your behavior, but I don't think you're willing to address it," he firmly said, his handsome face growing dark with intent.

Stacey sighed.

"Look," paliwanag niya, "nandiyan na si Aurora—"

"Sinabi ko sa iyo—"

"Let me finish!" she snapped.

"Fine," salubong ng mga kilay nito.

"Nandiyan si Aurora. I think it will be good if my stalker assumes that you're going with her now than me."

"Paano niya ia-assume iyon? Eh magkasama tayo sa iisang bahay?"

"Like Piccollo, my stalker can assume that we're just friends. Just housemates."

His jaws tensed. "And why would he think that? Hindi ba tayo mukhang—" napailing ito, napainom.

"At maganda na iyon dahil kung makikita niyang wala kang interes sa akin, hindi ka niya gagalawin."

"Why does my safety have to be always your priority?" nagtitimpi nitong balik sa kanya.

"Paano mo ako matutulungan kung patay ka na?"

Napatitig ito sa kanya.

"You see. One week na siyang hindi nagpaparamdam. It's scary because I feel like he's preparing for a bigger comeback. He's done with Marty. Inuna niya yung madaling paalisin sa buhay ko. Ikaw na ang isusunod niya."

Stacey drank some wine again.

"And you think he'll kill me?" higpit ng kamay ni Renante sa baso nito. Hindi na nakainom ang lalaki magmula sa puntong ito.

"Why not?" harap niya rito. "Alam niyang may gusto ako noon sa iyo. Hindi na mawawala ang malisya sa isip niya kapag nakikitang magkasama tayo!"

"Kakasabi mo lang kanina na ia-assume niyang housemates lang tayo, Stacey."

Oh, great. They're arguing again.

"Oo, iyon ang iisipin niya kapag dumistansya ako sa iyo at tinuloy-tuloy mo itong ginagawa mo na lumalabas ka, lalo na in public, kasama si Aurora. So, ituloy-tuloy natin ito," iinom pa sana siya pero wala na palang laman ang baso niya.

"Renante, wait, I—" naputol ang sasabihin niya nang hilain nito sa pulsuhan.

She slightly lost her balance and landed with her back on his chest. Dahil sa bilis ng pangyayari, tumilamsik ang kaunting alak mula sa baso ng binata sa kanyang damit. Siyang higpit ng isa nitong kamay sa isa niyang braso para ipirmi siya.

"Ohh..." she groaned as she tried to steady herself.

"You're drunk. Tama na iyan," mahigpit nitong wika.

She looked at him over her shoulder. Mataray na tinaasan niya ito ng kilay.

"You've seen me drink for years. So, dapat alam mong hindi pa ako lasing. Malakas ang tolerance ko."

He narrowed his eyes on her. "You're right. I've seen you for years. So believe when I say that you're already drunk. And you have the tendency when you're drunk to overestimate your so-called tolerance."

"Hindi pa ako pwedeng malasing! Hindi pa nga nakaka-blow ng candles si Piccollo..."

"Piccollo," tanaw ni Renante sa malayo para hanapin ng paningin ang binata.

Nagtaka tuloy siya. Nakihanap kahit hindi alam kung bakit.

Hindi rin siya nakatiis. "What about Piccollo?"

"May gusto siya sa iyo," balik ng mga mata nito sa kanya. "At hindi ba, nagsimula lang naman ang pangi-stalk ulit sa iyo nito lang? Coincidentally, nasa Pilipinas na rin si Piccollo."

Galit na hinarang niya ang binata. "Hindi magagawa ni Piccollo lahat ng iyon."

"Paanong hindi?" he remained unfazed in their staring match.

"Because he's... he's not that! He's a kid!"

"A kid. God, he's already 25, Stace," he groaned.

"I know it, deep inside," sapo niya sa dibdib, "na hindi masamang tao si Piccollo."

"Dahil Hawthorne siya?" panghuhuli nito.

At nadulas naman siya. "Oo! Dahil Hawthorne siya. Siya, parang si Sonny lang siya, nakakainis ang sobrang kabaitan," napasandal na naman siya sa pader. "Sobrang nakakainis, nagi-guilty tuloy ako," pamamasa ng mga mata niya.

Renante's eyes softened with concern. "At bakit nagi-guilty ka?"

Kasi kanina, siya ang kausap ko pero ikaw ang iniisip ko... I feel so terrible with how I am treating Piccollo... And him being younger than me, made me feel more afraid to hurt his feelings...

"Stace," masuyong haplos ni Renante sa isa niyang braso bago napunta ang tingin sa kanyang damit. "Damn, it's starting to stain."

"Shit!" panlalaki ng mga mata niya nang mapansin ang natilamsikan na parte ng damit niya. Tumuwid si Stacey ng tayo. "I'll need to get changed."

Aalis sana siya pero hinila siya pabalik ni Renante. Napasandal tuloy ulit siya sa pader.

"What?" she defiantly met his eyes.

"Bakit galit ka?"

"Hindi ako galit! Aalis na ako, don't stop me—"

"Oh, what's going on here?" putol ng tinig na nagpalingon sa kanila.

Bumungad sa kanila ni Renante ang nag-aalalang mga mata ni Sondra.

Renante sighed in relief. "Oh, thank God, Sonny," anito kaya lumapit ang babae sa kanila. "Nabasa ko ang damit niya," tukoy nito sa mantsa na nagpasinghap ngayon kay Sondra nang makita. "Mapapahiram mo ba siya ng damit?"

"Of course!" lipat ng tingin ni Sondra mula kay Renante papunta sa kanya. "That is if... it's okay with you."

Hindi niya alam ang sasabihin. It had been three years since the last time she talked to Sonny. At ang huli pa niyang mga sinabi sa babae ay puro mga panenermon tungkol sa pagiging masyadong mabait nito at pa-damsel in distress. Things that she said out of her bitterness but with partial honesty.

Nakakahiya na matapos iyon, heto at pahihiramin siya ng babae ng pamalit na damit.

Masyadong mabait, naaabuso tuloy si Sondra ng mga nagiging kaibigan nito.

"Let's go," anyaya ni Sondra. "Hindi mo dapat patagalin iyang mantsa dapat nang ibabad agad iyan para mawala agad."

At pakiramdam niya, wala na siyang kawala nang abutin ng babae ang kanyang kamay. Sondra gently held her hand and pulled her off the wall, making Renante step aside. Stacey massaged the side of her forehead, still unable to glance at Sondra as they walked past the guests.

Paakyat na sila ng hagdan nang lingunin ni Sondra si Renante.

"Hoy, ano? Hanggang sa kwarto ko, susunod ka?"

"W-What?" bahagyang nagulat ito pero mabilis naka-recover. "No!" His eyes searched and eureka. "Iyong wine glass."

Inabot ni Stacey ang wine glass niya sa lalaki.

"Doon," taboy ni Sondra rito bago siya nilingon at nginitian. "Tara."

Nang marating ang kwarto ng babae, pinaupo siya nito sa gilid ng kama.Kapansin-pansin na hindi na pink ang theme color ng kwarto. Napalitan na iyon ng puti at light blue.

"This is my sister's room," ngiti ni Sondra. "Pero naiwan dito ang iba kong mga damit, so—" bukas nito sa malaking wardrobe, "—there will still be clothes here that you can borrow. Na magkakasya sa iyo."

Nanatili siyang tahimik. Mukhang na-gets ni Sondra na hindi siya komportable makipag-usap dito kaya hindi na nagsalita pa. Sa halip, nag-focus na ito sa paghahanap ng damit na ipapahiram sa kanya. She had a critical eye for fashion, so she carefully pulled out some hangered blouses and compared which would look better with her jeans and high heels.

Hindi niya mapigilan ang mapatitig sa babae habang abala ito. Sondra looked happier now, wearing a pretty dress like the princess she had always been. At the same time, Stacey felt strange with her old friend's presence now.

Na parang iba na itong tao.

A different person but in a good way...

"Sonny."

Natigilan ito. Medyo kinabahan bago nakangiting lumingon sa kanya. "Yes, Stace?"

"Tanda mo pa ba ang mga sinabi ko sa iyo noon?"

Humarap ito sa direksyon niya, hawak ang dalawang naka-hanger na damit. "Yung mga sinabi mo nung huli tayong nag-usap?"

"Yeah," nanghihina niyang wika.

"Which one?" mapang-unawa ang mga mata nito, may naglalarong kung anong magaan na damdamin. "Iyon bang lagi ka na lang taga-alalay ko? Taga-advice. Taga-tulong? O 'yung mahina ako? O 'yung kapag nalalagay ako sa gulo, lagi na lang may ibang taong nadadamay?"

Stacey felt her heart crack. "Yes. That. You remembered."

"Of course," lapit na nito para tabihan siya sa pagkakaupo sa gilid ng kama. "You know why?"

Umiwas siya ng tingin ngayong magkalapit na sila.

"Because," Sondra continued, "it's the truth. And if it's the truth, it should matter."

Nakatingin lang siya sa kawalan. "Tungkol sa sinabi ko," matamlay niyang wika, ngunit may pagkamaangas talaga minsan ang timbre ng kanyang boses, "'yung, when you get into trouble, everyone gets to pay for it. May mga nadadamay...."

Sondra was intently staring at her, listening.

"Parang, bumabalik sa akin ang mga sinabi ko," pigil niya ang paghinga. "Kinakarma na yata ako dahil sa mga pinagsasasabi ko noon sa iyo."

Sondra's face was touched with worry. "Why? What trouble are you into now? At sino ang mga nadadamay?"

Napayuko na lang siya. Ayaw niyang sabihin. Baka makialam pa ito. Ibang tao na si Sondra. Hindi siya pwedeng magpakasiguro sa kung ano ang pagkakakilala niya rito.

"There's nothing to worry about. Kaya ko ito. Ako mismo ang lulutas sa sarili kong problema." She sighed heavily when she paused. Then continued, "Ang inaalala ko lang, paano 'yung mga taong gustong lumapit sa akin? Gustong tumulong? Paano ko sila itataboy?"

"Bakit mo itataboy 'yung mga taong tutulong sa iyo?"

"Dahil madadamay sila. Mapapahamak sila."

Sondra considered. "What if not? What if they outsmarted the danger?"

Stacey turned to her. "Oh, right. You won't understand, because in your own belief, other people are always capable of doing things for you."

"Much better than your belief that only you can always do better than anyone else."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Did Sondra just roasted her?

Mahina itong tumawa at sinipat ang hawak na mga blouse. Nilagay nito ang isa sa kama at tinanggal naman ang isa sa pagkakahanger.

"This one's perfect. A nice ringer shirt."

"That's too short for me," aniya.

"It's stretchable okay? And about the length, it will look like a crop top on you. It'll be sexy," nakangiting-abot nito ng damit sa kanya.

"Sonny—"

"Come on, I know your tastes in clothes," she encouranged. "And I can see from what you're wearing now that it didn't change. You like Lindsay Lohan 2005 laid-back sexy fashion ."

Sumuko na lang siya at napipilitang tinanggap ang damit. Siyang tayo ni Sondra mula sa kinauupuan. Mabilis nitong binalik ang isang damit sa wardrobe at sinara iyon. Sinipat din nito ang suot na relo.

"Get dressed already, at sumunod ka agad sa labas, okay?" angat nito ng tingin sa kanya. "I am sure hahanapin ka ni Piccollo. Hindi na kita mahihintay kasi oras na para ihanda 'yung birthday cake. Just use the bathroom here to rinse your shirt," nagmamadali nitong wika. "Tapos iwanan mo na lang muna diyan. Balikan mo na lang pagkatapos ng party."

Tinanaw niya si Sondra. A littletinge of guilt knocked in her chest. Balak niyang magpasalamat dito kapag nasapinto na, pero naunahan siya ng pagmamadali sa kilos ng babae. Sumara tuloy angpinto nang hindi nasasabi ang gusto niyang sabihin dito

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro