Chapter Thirty-Nine - Selfish
AN:
Hi, dears! How are you? It's Day 5 of being quarantined here. Sa inyo ba diyan? As your friendly reminder, stay safe, live and eat healthy, and stay at home. Also, disinfect your gadgets, wash your hands, and after that, you're ready to read the latest chapters!
Enjoy!
With Love,
ANAxoxo
.
.
.
NAKAUPO NA ANG LAHAT SA HAPAG, maliban sa mag-asawang Leslie at Theo. Si Theo ang panganay na anak ni Kapitana Anore. Dahil na rin sa edad kaya sinamahan na ng lalaki at sarili nitong pamilya ang matanda sa isang bahay. Masasabing maliksi at matalas pa rin mag-isip si Kapitana Anore na nakakadalawang termino na sa pagiging kapitan ng kanilang barangay. Pero nakaalalay pa rin si Theo at ang pamilya nito kung sakaling may mangyaring emergency. Isa na rin sa dahilan ng pagsama nila sa matanda sa iisang bubong ay ang siguraduhing hindi ito malulungkot.
Pagkatapos magkwento ni Anore ng mga tungkol dito, napunta naman sa kanya ang hot seat.
"Ikaw, Stace?" nakangiting lingon ng matanda sa kanya. "Totoo bang dito ka na titira?"
Her smile was awkward. Sa totoo lang, plano niyang magtagal, pero hindi siya sigurado kung gaano katagal nga ba siya mananatili rito. Sa huli kasi, kakailanganin pa rin niyang bumalik sa Maynila para sa kanyang negosyo. At para na rin maresolba ang problema sa kanyang stalker.
"Opo," sagot na lang niya.
"Hay, mabuti," deretso nito ng upo. "Kasi unang kita ko pa lang sa iyo, alam ko pwede kang ilaban ng barangay namin para maging Reyna Elena sa Flores De Mayo."
Lalong naging paling ang ngiti niya.
Reyna Elena?
.
.
RENANTE SAT STIFF ON HIS SWIVEL CHAIR. Nakatayo sa tapat ng kanyang desk ang sekretarya. Hinahabol ng pagsusulat nito ang bawat binibitawan niyang kataga na may kinalaman sa schedules.
"And when is Holy Week?" hilig niya ng ulo habang nakatingin sa kausap.
"Second week of April, Sir," silip nito sa unahan ng journal na bitbit bago sumulyap sa kanya.
"Okay. Make the whole week vacant for me—" he intentionally cut off his words, paused to think. "No. Better yet. Make it two weeks."
Kumunot ang noo nito. "Two weeks, Sir?"
"Yes. Kung anumang importanteng lakad ang magkakaroon ako sa time frame na iyan, paki-assign kay President Hamilton."
Renante was the CEO of VVatch. In-assign niyang presidente naman ng kumpanya si Hamilton Suarez, isa sa mga taong nakilala niya noong nagta-trabaho pa siya sa metal manufacturing company ng mga Villaluz. Nadaan niya sa pangungumbinsi ang lalaki na gusto na ring umalis sa anino ng mga magulang nito na may hawak ng malaking manufacturer ng mga kasangkapan— kadalasan ay mga pang-kusina. Kaya naman nakuha ni Hamilton ang posisyong ito sa VVatch.
"Ano po ang sasabihin kong dahilan kay Sir Hamilton para mag-take over sa maiiwan ninyong trabaho, Sir?"
"Ah, don't bother. Ako na mismo ang personal na magbi-briefing sa kanya tungkol dito."
The secretary nodded and jotted on her journal. "Yes, Sir."
"Also," tuwid niya ng pagkakaupo, "kailan nga pala ulit ang susunod na board meeting?"
"Annual ang board meetings natin, Sir. This coming May pa po ang board meeting for this year."
"Great," he rubbed his hands and stood up. "I'll be already here by that time. Thank you. You may leave now."
"Thank you, Sir," tango ulit ng babae bago umalis.
Renante checked the time on his wristwatch. Suot niya ang bagong model ng VVatch para personal na maobserbahan ang kalidad ng bagong produkto nila. So far, he was in awe of the light feeling of the watch despite being made of metal. Moreoever, despite being not a digital watch, the face of the clock was still very visible when looked at in dark rooms.
Tanghalian na, kaya tinanggal ni Renante ang ilang butones ng suot niyang patterned polo na may three-fourths sleeves. His pocketed his wallet and cellphone, then walked briskly on the hallway. May usapan sila ni Hamilton na magkikita sa isa sa mga restaurants malapit sa building para pag-usapan ang magiging dagdag trabaho nito.
.
.
"WOW NAMAN!" natutuwang tukso sa kanya nila Mary Grace.
Magkakatabi sila ngayon sa pritil. Nakaupo sa ibabaw ng sementadong bakod habang nakatanaw sa lawa at mangilan-ngilang bangkang napapadaan. Nagkalat din ang ilang mga bakod ng palaisdaan doon. Nangingilid naman ang ilang mga waterlily na nakalutang sa tubig. Sobrang sariwa ng hangin na naglalaro sa mga buhok nila habang papalubog na ang araw.
Stacey faced the left side, where the sunset could be seen sinking behind the buildings of the city on the other side of the lake.
"Kung magre-Reyna Elena ka, adjao, ang swerte mo! Eh, baka i-partner ka pa sa artista, eh!" tuloy ni Mary Grace.
"Oo nga," lingon ni Mary Jane sa kanya. Ito ang katabi ni Stacey. "Alam mo ba, taon-taon may mga artista rin na kasama sa sagala dito tuwing Flores De Mayo."
"Kaya lang, paano ka magiging Reyna Elena, eh, baka artista ang mas piliin nila," singit ni Mary Ann bago sinubo ang piraso ng tsitsiryang kinakain.
"Ayos lang," makahulugang ngiti ni Stacey sa mga ito. "Sanay naman ako na hindi ako pinipili."
"Aba'y may hugot, eh!" tawa ni Mary Jane. Natatawa na rin ang mga kapatid nito.
"Ay, alam ko na 'yan, eh," nanunukso ang tingin ni Mary Grace sa kanya. "Nandito ka siguro dahil heartbroken ka."
Nakaabang ngayon ang tingin ng tatlong Maria sa kanya. Stacey just lifted her eyes to the sky. Despite every chaos in her heart and mind, she admired how the sky could stay this calm over her head. There were wisps of thin white clouds, and a fading dark blue hue with a touch of purple.
"Buti pa kayong mayayaman, eh!" biro sa kanya ni Mary Jane. "Ma-heartbroken lang, eh, kung saan-saan pwede pumunta. Eh, kami rito, kapag na-heartbroken, idaan na lang sa pagkain, hane nga?" lingon nito sa mga kapatid.
Napabungisngis ang mga ito.
"Hoy, hindi ko gawain iyan, baka si Mary Ann ang tumatakaw kapag na-heartbroken!" pagtuturo ni Mary Grace sa bunsong kapatid.
"Ang kapal!" panlalaki nito ng mga mata sabay tago sa lalagyan ng potato chips na hawak nito.
Nananamlay man sa loob-loob, nahuli na sa wakas ng magkakapatid ang funny bone niya. Humalo sa tawanan niya ang magaan niyang pagtawa.
"Ano bang pangalan ng lalaking iyan? Baka mamaya, pagkapapangit naman ng pagmumukha niyan, ha? Lakas maka-choosy tapos pangit!"
Stacey lowered her eyes. Napatingin siya sa tubig sa harapan nila.
"Renante... Renante Villaluz."
"Wow, sosyal din ang pangalan, Ren-nant," tawa ni Mary Grace.
Napalingon sila kay Mary Ann nang mapasinghap ito.
"Adjao, ano na nangyari sa iyo?" puna ni Mary Grace sa katabi,.
"Sus, nag-chat na siguro ang crush ng kerengkeng!" tukso naman ni Mary Jane dito.
Mary Ann showed them the phone. Naharangan siya ni Mary Jane kaya hindi niya masilip kung ano ang tinitingnan ng mga ito.
"Ay, gwapo," Mary Grace murmured.
Gets na niya kung ano ang tinitingnan ng mga ito.
"Hoy! Baka magka-crush na rin kayo diyan, ha?" she warned them. "Hindi pa ako nakaka-move on! Pakiusap!"
"Ay, Stace!" pakita ni Mary Jane sa cellphone ni Mary Ann. Naka-scroll na iyon sa isa sa mga profile pictures ni Renante. "Ang gwapo!"
"Hanggang tingin lang kayo, ha?" paniningkit ng mga mata niya sa tatlo, nagtataray-tarayan lang.
"Bagay naman kayo, ah?" silip sa kanya ni Mary Grace habang binabalik na ni Mary Jane ang cellphone ni Mary Ann. "Tapos Single ang status niya sa Facebook. Bakit hindi ka pinili ng lokong iyon, hane?"
Stacey rolled her eyes. "Ewan ko ba. Ginawa ko na ang lahat. Ako na nga ang gumawa ng lahat para mapansin niya ako. Para magkagusto siya sa akin."
"Ay, walang pakipot?" taas ni Mary Grace ng kilay sa kanya.
"Kahit naman magpakipot ako, hindi ako papansinin n'un. Hindi pa siya nakaka-move on dun sa babaeng minahal niya simula pa yata nung bata pa sila."
"Asus," Mary Jane waved a hand, "ano naman? May mga mag-asawa na nga diyan ng fifteen years, nagkakahiwalay pa. Iyan pa kayang hindi lang maka-move on?"
Napalo tuloy si Mary Jane ni Mary Grace sa braso. "Adjao! Aba't namamalo ka!"
"Ang pangit naman kasi niyang example mo, eh!"
"Realistic lang ako!" panlalaki ni Mary Jane ng mga mata sa kausap.
"At least maganda ang record, hindi basta-basta nakakalimot," pakikisali ni Mary Ann, "ibig sabihin, loyal siya. So, kapag na-in love pala ulit itong si Daks—" pakita nito sa tagged photo ni Renante sa Facebook kung saan naka-swimming trunks ito at humahakab ang— "OH MY GOD!"
Nagtititili na ang magkakapatid na napatingin na rin sa picture.
Pumaling ang ngiti niya, parang gusto niyang magswimming palayo sa mga ito.
.
.
MAXIMILLIAN STOOD AND OFFERED RENANTE A HANDSHAKE. The man wore his coffee-brown pants and fitting button-down cream shirt. Katatapos lang nila mag-usap ni Hamilton kaya ang pakikipagkita sa lalaki naman ang sunod na ginawa ni Renante.
"I already asked Sondra about what happened," patuloy ni Maximillian habang hinihintay nila ang in-order na kape. "She baked the cake herself, but the additional ingredients were bought by one of our maids. It's under inspection now."
"So, you're really bringing this issue to the police," Renante was cool on the exterior, yet cautious and observant deep down. Mukhang relaxed siya sa pagkakaupo.
"Of course," may nilapag si Maximillian sa mesa at inusog malapit kay Renante, "and here's this."
Nang bitawan ni Maximillian ang card, dinampot iyon ni Renante. He read everything, his heart pounding louder as he goes deep within the letter. It ended with Stace's signature.
"Iniwan iyan ni Stacey sa basket ng bulaklak na iniwan niyo para kay Piccollo," patuloy ni Maximillian. "Do you have any idea what she's talking about?"
Nanatili siyang tahimik, binalik ang seryosong tingin sa card.
"She mentioned a stalker."
"Stacey is assuming its her stalker who's doing all of this."
"So you mean to say," Maximillian's eyes narrowed as he spoke in a grave tone, "you know who's behind what happened to Picco?"
Renante sighed. "I don't know who. But it involves me."
"At kailan mo pa balak ipaalam sa amin ito?"
"You want the truth?" his tone was heavy, intimidating. "I am keeping what I know since I discovered it because I don't want Stacey to leave. If she finds out that this is all because of me, lalayuan niya ako."
"That's selfish."
"Call it what you want, but keeping my eyes on her gives me an assurance that she's alright. Because I can see her, I am with her. Nasisigurado akong ligtas siya. And where else would she be safer than with me? If that stalker tries to do something again, at least, I am with her or one call away."
Maximillian displayed a mocking grin. "Kung magsalita ka, parang may gusto ka sa kanya."
Binaba niya ulit sa mesa ang card. "That stalker is trying to scare me off my wits by scaring the people I care for. That stalker can't hurt me, so he or she is hurting Stacey to get my attention."
"But because of you keeping all these, muntik nang matuluyan si Piccollo," Maximillian hissed.
"I swear," he remained dark and cool, "I tried my best to make careful actions without alarming the people around me. I kept my eyes on every person that Stacey gets close with as much as possible. I even warned her about Piccollo."
"Ano ngayon ang plano mong gawin?" Maximillian crossed his arms. "Hindi pwedeng ganito ng ganito. Na patago ang mga solusyon mo. We are planning to get the police involved in this. They said, by tomorrow, makukuha namin ang results kung alin sa mga ingredients ang may component ng rat poison na lumason kay Piccollo. If there is any, we will ask the maids where they bought it or who placed it in their basket. And we will file a case soon for the culprit who is possibly that stalker—"
"Nag-iisip ka ba?" sarkastiko niyang ngiti. "Paano niyo made-detect kung sino ang naglagay ng contaminated ingredient na iyon sa pinagbilihan ng mga katulong ninyo? The market is such a very public place. Kung sino-sino ang dumadaan doon..." Kumunot ang noo niya. "And wait a minute. If the ingredient has contaminated ingredient in it in the first place, hindi ba dapat, naunang nalason si Sonny? Hindi ba niya tinitikman 'yung ginagawa niyang cake batter?"
Napatitig sa kanya si Maximillian. Iyon ay dahil napaisip ito. Bakas sa paggusot ng mukha nito ang pagkalito.
"She does."
"Therefore, hindi ang ingredient ang problema. And most possibly, luto na ang cake bago nalagyan ng lason."
"So, your assumption is, someone managed to sneak in, put poison in the cake... that is already baked..."
"Yes. And yes," walang kabuhay-buhay na tango ni Renante bago dumeretso ng upo.
Nakuha ni Maximillian mula sa paglagpas ng kanyang tingin na parating na ang café staff. Tumahik sila at hinintay ang paglapit nito. Dala ng staff ang in-order nilang mga cup ng kape. Napatitig saglit si Renante sa tasa. His eyes were inspecting. Painom na si Maximillian nang mapansin siya. Napatitig na rin tuloy ito sa sarili nitong cup.
"We'll check the guest list. Do you need the info? That might help you find your stalker."
Renante shrugged and took a sip of his coffee. Gumaya na rin ang kanyang kausap.
"Sure, but don't get your nose too deep in my own business, Maximillian Gold." Binaba ni Renante ang baso. "Lumayo na si Stacey. Nagtago. You can be rest assured that you and your family are already safe. That there's no need for you to be too involved." Nag-angat ulit siya ng tingin sa kausap. "Ang pakiusap ko lang sa iyo, huwag nang mai-involve ang mga pulis dito. Okay?"
"You're risking yours and Stacey's safety for what? For your good image? Is this another playing safe tactic of yours, Renante?" humalili ang pag-aalala sa mga mata ni Maximillian sa kabila ng matigas nitong anyo.
Was he that easy to read? Maximillian knew that's his survival mechanism? To play safe in every game he plays?
"You see... once the stalker becomes aware that the police is on his or her trail... magiging mas maingat siyang kumilos. Mas creative. Mas strategic. My goal here is to bring down that stalker's defenses. 'Yung maging masyado siyang kampante. 'Yung maging reckless siya. 'Yung siya mismo ang magpahamak sa sarili niya dahil wala siyang kinatatakutan. Then, I'll catch that idiot." Dampot niya ulit sa cup ng kape. "Don't worry. I am also working with a private detective on this one."
"I'll let this pass, but this doesn't mean, I agree with the way you think," mariin nitong banta. "This is just because you're the one who has this problem, so it should be you alone who knows what's the best thing to do. But the moment my family gets involved in this again, you won't be able to convince me again to not meddle."
"Kailan ka ba hindi naging pakialamero?" ngisi niya rito.
.
.
"AY! ANO ITO?" lapit kay Stacey ni Mary Ann para ipakita ang nasa cellphone nito.
There was a picture of a wristwatch with a red leather band. Nakalagay iyon sa isang transparent glass box na may stand sa loob para sa relo. Mayroon pa itong kulay pula na ribbon.
"Oh," her eyes mellowed at the very sight. "That is a gift for me. Nung 21st birthday ko."
"Galing sa kanya, hane?" nanunuksong ngiti ni Mary Ann. "Si Renante ang naka-tag dito, eh."
Pinaningkitan na niya ito ng mga mata. "Kailan ka titigil kakaisa-isa sa mga pictures ni Renante. Ako, nakakahalata na ako, ha?"
Bumungisngis lang ito at lumayo na. "Masyado ka naman! Aba'y sige. Hindi na. Promise." Out nito sa Facebook account ng binata na pinakita pa sa kanya. "Iyan. Wala na." Newsfeed na lang ang naka-display sa screen ng cellphone ni Mary Ann.
"Good," she smiled. Then Stacey continued chopping potatoes.
Abala naman si Mary Grace sa pag-tsek ng sinaing. Si Mary Jane naman ang naghahanda sa manok na iluluto kasama ng patatas. They were planning to have Chicken Curry for dinner. Inimbitahan niya ang mga ito na saluhan siya sa hapunan para hindi na maulit ang pagda-drama niya tungkol sa pagiging mag-isa.
"Sila Mang Lito, ha?" lingon niya kay Mary Ann na paalis na.
"Oo, heto na nga, eh, papunta na sa bahay para sunduin sila."
Stacey smiled serenely. It felt likethe very first time that she would be doing this. "Thank you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro