Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Four - What I've Always Wanted

HININTO NI RENANTE ANG KOTSE SA TAPAT NG NIGHT CLUB.

Here we go again... reklamo niya sa loob-loob.

Pero bigla niya ring binawi iyon nang malingunan si Stacey.

The lighting from the neon sign of the club reflected on her eyes like glitters. She smiled that made him stop from thinking anything else.

Natauhan lang siya nang lingunin nito. "We're here!" hubad nito sa seatbelt tanggal nito sa pagkakalock ng pinto.

"You know that I don't like this kind of place, right?" hugot niya sa susi ng sasakyan bago naging abala sa pagbukas ng pinto sa tabi niya. "So many hazards in this place. First, the endless supply of liquor. Then, what people can do when they're drunk. 'Yung dilim ng lugar at siksikan pa ng mga tao. 'Yung mga mapagsamantalang tao."

Nang sulyapan ang dalaga, nasalubong niya ang nanunukso nitong tingin.

"Well, ganoon din naman sa labas ng club. You can buy liquor anywhere you want. People can get drunk outside the club. There are dark, crowded places out here and bad people. So what is the difference, Mr. Villaluz?" tila hamon ng dalaga.

"You," baba niya.

Halos sabay nilang sinara ang mga pinto ng sasakyan.

"And just to remind you," tanaw sa kanya ng dalaga, "kaya nga ako humingi ng pabor. Nakikiusap. Hm?"

"Yeah, right," dere-deretsong lakad niya papunta sa club.

Mabilis siyang naabutan ng babae. "Suplado."

He just gave her a glance and immediately looked away when she turned to him.

The club was loud, crowded and hot. Kahit sabihin pang air-conditioned ang bawat sulok niyon, natatalo iyon ng kapal nga mga tao roon na nagsasayawan at nag-iinuman. The only downed two bottles of beer before Stacey pulled him off the seat. Dinala siya nito sa dance floor. Binangga-bangga si Renante ng mga kasiksikan doon habang kumukuha ng tiyempo kung paano sasabayan ang pagsayaw ni Stacey.

He could see that she was also trying to adjust. Maingat pa ang mga kilos nito at masyadong mabagal para sa tugtugin. Maybe, she was feeling conscious. Nagulat ito nang matulak ng isang lalaking napaatras pagawi sa direksyon nila. Naagap na umalalay ang braso niya, siyang lapat ng kamay ni Stacey sa kanyang dibdib at sabit ng isa sa balikat niya. Kasabay ng paghawak niya sa braso ng dalaga ang pagtulak sa likod ng lalaki.

Gusot ang mukha na napalingon ito. Sinalubong ang lalaki ng angil ni Renante.

"Scram!" taboy niya. Buti at iritadong umalis ito imbes na maghamon ng away.

As he returned his eyes on Stacey, that's when he noticed their closeness. Nakatingala ang dalaga sa kanya, nakatitig ang mga mata, at tila nakaabang ang kaunting pag-awang ng mga labi nito.

He gently placed a hand on the back of her waist.

"You can dance, but not outside of my arms," he spoke louder for her to hear. "Baka mabangga ka na naman—" Naputol ang pagsasalita niya ng pagdaing dahil may nakabangga sa likuran niya.

He looked over his shoulder but never caught who's responsible for that.

At nang ibalik ang tingin kay Stacey, doon niya naramdamang magkalapat ang mga katawan nila. Stacey steadied herself and tried to make a distance but his arms formed a ring around her.

"This is ridiculous!" natatawang balik nito ng tingin sa kanya sabay taas ng mga kamay para ibaba ang mga braso niya.

Hindi niya napaghandaan ang paghawak nito sa mga pulsuhan niya at pagposisyon ng dalaga sa mga kamay niya palapat sa bewang nito. She seemed a little hesitant before she placed her hands on his shoulders.

"Why so cautious, Mr. Villaluz? No wonder you're not having too much fun?" lapit nito ng mukha sa kanya at sinamantala niya ang pagkakataon para sunggaban ito ng halik sa mga labi.

Ewan kung ano ang nagtulak sa kanya para magkaroon ng lakas ng loob gawin iyon. And as Stacey responded to his kiss, he clutched her waists tighter and they began to slowly sway along with the upbeat song. Nauna ang babae sa paghiwalay sa halikan. Disbelief shone in her eyes that wandered from his lips to his eyes. Gumuhit ang hindi makapaniwalang ngiti sa mga labi nito.

"Damn, what is that for?!"

He didn't know what to answer. "For fun?"

Magaan itong tumawa. "Great!"

Fuck. Renante found it too late to realize that he must have broken her heart again. He allowed Stacey to dance more, shake her hips and grind a little on him. Hindi niya hinayaang mapalayo ito sa kanya o mapabitaw siya sa pagkakahawan sa bewang nito. Even if she turned her back on him to crush her ass against his crotch, dear Lord, he never dared to take his hands off of her waists. He even dropped them in a swift stroke on her hips, feeling how their movement were starting to get to his system. Stacey reached for the side of his face, her fingers carefully stroked down to his jaw, increasing his thrill.

He stopped breathing the moment she looked at him over her shoulder. Nakatingala ito at nakasandal sa kanyang katawan. As soon as she smiled at him, he grew harder and hot. Immobile. Breathless. Speechless.

Nanghinayang siya sa paglayo ng katawan nito. Pumihit ang dalaga para humarap ulit sa kanya. She placed her hands on his shoulders again and heard the soft pant on her breath as she whispered.

"I've always wanted to do this with you," wika nito. "To dance with you. Pero noon, puro sermon ang napapala ko sa iyo kapag nadadatnan mo rito sa club."

Nang ilayo ng dalaga ang mga labi sa kanyang tainga, nagtagpo ulit ang mga mata nila.

"Gusto mo palang sumayaw bakit hindi mo sa bahay gawin?" ismarteng ngisi niya.

"Why? Will you dance with me there?" she challenged.

"Might be more than a dance," his gaze dropped on her lips.

"Siraulo. Alam ko namang imposible dahil kay Sondra."

"Still affected?"

She smiled and shook her head. "No."

"Really?"

"Yeah."

"Why?"

"Because she's already in the past. If you really loved her that much, she won't be just a part of your past, right? You won't let that happen."

"But we still talk."

Her eyes stared back to his. "Well, you used to love her in the past. Hindi na ngayon."

At sino naman sa tingin ng dalaga ang mahal niya ngayon?

Damn. Nakalimutan niyang banggitin kay Stacey ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Aurora kagabi sa party...

"That's what I mean," tuloy-tuloy ng dalaga. "So anong nakakatakot kung siya ang una mong minahal? The present is scarier than the past."

"Is it?" And something made him tensed. The tension distracted him from the plan to tell Stacey about what he wanted to share. Hindi mapunto ni Renante kung ano itong nagpapakaba sa kanya. "Because for me, mas nakakatakot ang future."

"Bakit ka matatakot sa future? Kaya mo namang paghandaan iyon. Pagplanuhan. Gawan ng Plan B kung hindi tatalab ang Plan A. Eh ang kasalukuyan? Makakaya mo bang ibalik? Mapaghahandaan mo ba? Mapagpaplanuhan mo ba?" She smiled painfully. "And worse, the present can be the past and the future. Isn't she more scary, Renante?"

.

.

AT TWO IN THE MORNING, THEY WERE ALREADY HOME. Home after a long joyride. Halos mamatay siya sa atake sa puso nang pumalit kanina sa manibela si Stacey at pinaharurot sa highway ang sasakyan. How could she even laugh while driving in that hellish speed! Halos sumuksok na siya sa upuan kanina habang panay ang sigaw dito na bagalan ang takbo.

Pagod na pagod siya. Physically. Medyo nahihilo sa pinaghalong hilo at puyat. Yet his heart was pounding with all the excitement he felt that filled him to the brim. Pasalampak na umupo sa sofa si Renante. Siyang iwan ni Stacey sa kanya para kunin ang laptop nito at ilapag iyon sa coffee table.

"Gusto mo ng kape?" tanong nito habang abala sa pag-on ng laptop.

Mula sa kisame, binaba niya ang paningin. He saw Stacey squatted on the floor as her fingers clicked and tapped on the laptop. Oh, how could this woman have all the energy?

"Huwag na. Hindi ako makakatulog kapag uminom ako ng ganitong oras."

"Eh, baka naman tulugan mo itong panonoorin nating movie."

He smiled, admired her every effort to help herself de-stress. Hindi niya maiwasang humanga sa kung gaano ka-self reliant ang dalaga. Some men might want to change that, because they thought they were useful when a woman depends on them, or when it's always them who does things for a woman. But for him, he didn't want that to change. He was happy to see her doing what she wanted and being able to do it without having other people do it for her.

That kind of power was so breathtaking.

Nilingon siya ni Stacey. "Hoy. Sabi ko, alin sa mga ito ang gusto mong panoorin?"

He blinked and leaned forward, peering over her shoulder to see the monitor.

"Ikaw? Ano ang gusto mong panoorin?"

"Ako na nga nag-isip ng mga pupuntahan natin at kakainan. Tapos ako pa rin ang mamimili ng panonoorin?"

Magaan siyang tumawa. Ewan kung dahil nakainom siya. Hindi naman siya palatawa.

"Eh, siyempre, kung ano ang mae-enjoy mo, mae-enjoy ko rin," balik niya ng pagkakasandal sa sofa.

She played a movie on the laptop and threw a pillow at his face. Napaubo siya saglit nang bumagsak ang unan sa kandungan niya. Stacey sat beside him. Hinila nito ang nakalagay sa sulok ng sofa na kumot at isa pang unan. Naghati sila sa kumot habang panay ang inom nito ng tubig. Renante took his eyes off the screen for a moment to gaze at her. Patay ang ilaw sa salas kaya ang liwanag galing sa monitor ang tumutulong para mapagmasdan niya ang mukha nito.

Stacey looked so absorbed with the movie that they're watching online. Matagal-tagal na yata siyang nakatitig pero hindi inaalis ng dalaga ang mga mata sa pinapanood.

"This... This movie watching. Is this one of the things you've always wanted to do with me?"

"Yup," walang lingon nitong sagot.

"I'm sorry... If we never had the chance."

Nanatiling nakatulala ang dalaga, pero lagpas na sa monitor ang tingin nito.

"Sana pala, noon pa, pinansin na kita. My feelings for Sondra back then could have changed."

"How come?" lingon nito sa kanya. Tumingin lang si Stacey para mapag-aralan mula sa hitsura niya kung totoo ba ang mga pinagsasasabi niya.

"Because you're a very caring person, Stace. You always make it a point na okay ang ibang tao, minsan nga, mas inuuna mo pa sila kaysa sa sarili. And you're the only person who knows how to combat the way I think. That's..." nahihiyang umiwas siya ng tingin, "that's why we always argue."

"Or maybe I was stupid that time. Boyish pride. Ayaw ko noon sa isiping may babaeng kayang kontrahin halos lahat ng mga sinasabi ko. I don't remember now why I never liked you like the way you used to like me before."

"Before..." she echoed unwillingly.

Napatitig siya sa mga mata nito, pilit na hinuhuli dahil sa pag-iwas ng tingin sa kanya.

"Why? Was I wrong?"

Stacey shrugged. "Yes, I've always wanted to do all of these with you before. Yung kumain sa labas, magjoyride, sumayaw. Tapos ito, manood ng movie." Nasa monitor na ulit ang mga mata ng dalaga.

"And did it help to relieve you? From everything that is happening up to last night?" concerned niyang tanong. Halos pigil ni Renante ang hininga habang hinihintay ang sagot nito.

Gumuhit ang malambot na ngiti mula sa mga labi ng dalaga. He didn't know if his feelings were right, but he could see how sentimental her eyes became.

"Of course. In fact, I am happy," at nagkaroon ito ng lakas ng loob para lingunin siya at saluhin ang kanyang mga mata.

Sana, pati second-hand niyang puso, buong puso pa rin nitong saluhin sa nalalapit na hinaharap.

"Bakit parang nagpapaalam ka na?" mahina niyang tawa, nagbibiro para lang gumaan na ulit ang pakiramdam nila.

O marahil para pigilan ang irasyonal na pag-aamba ng mga luha niya sa pamimintana sa kanyang mga mata. Irasyonal dahil wala siyang makapang dahilan para makaramdam ng ganito.

"Doing all these things, saying all these things," he continued, placing an arm over her shoulder. "There's always this intense tension when we're together, Stace. Bawas-bawasan na natin, okay?"

Napapangiting yumuko ito. She carefully snuggled closer to him, placed her head on his chest and continued watching the movie. Nanood na rin si Renante.

Pero hindi niya namalayang nakatulugan ang pelikula.

.

.

.

***

.

.

.

RENANTE ROLLED ON HIS SIDE. Bumagsak sa gilid ng kama ang kanyang braso. Sinadya niyang humagod sa bakanteng espasyo ng kanyang kinahihigaan bago dahan-dahang minulat ang mga mata.

Today was supposed to be Sunday. A good time to continue a better relationship with Stace. Kagabi, nagrereklamo ang dalaga na lagi na lang daw ito ang pumipili ng mga pupuntahan at kakainan nila. Pigil niya ang mapangisi. Nakuha pang magreklamo eh ito ang nagyaya kaya malamang ito dapat ang magplano.

Whatever. Today, he's taking initiative then.

Kinapa niya ang sariling damdamin, inalala sa abot ng makakaya ang mga napag-usapan nila ng dalaga kagabi. They kissed at the club one time, but she never made a big deal out of it. He panicked for a minute about that by running his hands on his face then calmed down.

Just go with it, he thought.

Sabay bangon.

Maganda-ganda pa ang mood niya, pero bumusangot ang mukha nang mapansing nawawala ang mga canvas ng painting. Gayundin ang ilang mga gamit pang-pintor. He was supposed to be in Uncle Manuel's bedroom, right? Ang layo rin naman ng hitsura ng silid sa tinutulugan ni Stacey.

His eyes found his bags on the floor, right beside the bedroom door. Nang pasadahan ng tingin ang silid, bumalik ang pamilyaridad.

This is my own bedroom!

His jaws tensed, his eyes glared as he left the bed, still wearing the same black v-neck shirt and jeans. Malakas ang amoy ng alak na dumikit sa kanyang katawan, gulo ang buhok. Mabibigat ang mga hakbang niya habang palabas ng kwarto, nasaktuhan pa niya ang katulong na may dalang tray. Muntikan na silang magkabanggaan. Takot na napaatras ito.

"S-Sir Renante."

Confirmed. He was back to his parent's house.

"Where's Dad?"

"Sir—"

Mabilis na umiwas ito nang makitang babanggain niya ito kapag hindi umalis sa pagkakaharang sa pinto. He stormed down the curved stairs until he reached the veranda. Naroon ang ama, tulad ng routine nito tuwing Linggo, nakaupo roon para magpahangin habang nagbabasa ng business book.

Fuck. He woke up pretty late. His father only hangs out at the veranda during afternoons. Right after lunch time. Tuwing umaga kasi, nasa simbahan ito kasama ang kanyang ina, tapos mamimili. They either have lunch outside or in the house. Then this. Weren't they predictable?

Hindi pa siya nakakalapit nang mag-angat ito ng tingin at lingunin siya. Prenteng sumandal lang ito sa kinauupang Egg chair at tinuloy ang pagbabasa.

Lalong nag-init ang ulo niya. "What am I doing here?" he hissed.

Binaba ulit nito ang hawak na libro. Walang emosyon ang mga matang nag-angat ng tingin sa kanya. "Take a seat, hijo."

"No," he stepped back. "I'm going."

"Where? To your friend?" pasada ng tingin nito sa binabasang libro.

Kinuyom niya ang kamao.

"You're too old to rebel against your parents, Renante. What immaturity is this?"

Nagtimpi lang siya.

"Makitira ka rito hangga't hindi mo pa kayang magpundar ng bagong matitirahan. Hindi iyong nakakaabala ka ng ibang tao."

Wala man siyang tiwala sa ama, gusto niyang alamin kung ano ang bersyon nito ng kwento. So he asked.

"What happened? Where's Stacey?"

"She's probably back home," sara nito ng libro at nilapag sa kandungan nito. "But the thing is, she brought you back here. You, your car and all your stuff."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro