Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen - Kylie's Visitor

TUMANGGI SI STACEY, kaya pinanood na lang siya ni Renante habang naghahanda ng almusal para sa kanila. Nadala niya ang binata sa dahilan na siya ang may-ari ng bahay at bisita ito.

"Tara, kumain na tayo," lapag niya sa pinggan ng scrambled eggs sa mesa.

Bukod sa scrambled egg, nakahain ang isang pinggan ng toasts, nakalahati nang butter at mga mug ng kape. She prepared a simple breakfast to make it quick. They were already hungry.

Nakasuot na siya ngayon ng roba. Iyon lang at hubad na siya sa ilalim niyon.

Napansin niyang may toast na sa pinggan niya. Nilagyan iyon ng butter ni Renante. Dadampot sana siya ng sariling tinapay pero inunahan siya nito.

"Ubusin mo muna iyan," malumanay nitong saad, tinutok saglit ang mga mata sa pinggan niya para ituro ang tinapay doon.

"Eh gusto ko ng itlog," dahilan niya.

Renante's lips stretched a playful smirk. "You should have told me," makahulugan nitong saad.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Magaan itong natawa.

It felt strange. Hindi pa niya nararanasan na mapatawa si Renante. Sure, he laughed one time a few days ago. When he was trying to make a joke. Pero hindi pa rin siya sanay na tumatawa si Renante nang dahil sa kanya.

Correction, dahil sa sinabi niya.

She blinked. Gaano katagal na siyang natulala sa panonood sa pagtawa nito?

Hay. She should change the topic.

"So," pagseseryoso niya habang tinitiklop ang tinapay na may butter, "how's your car? Walang damage?"

"Wa.La," sagot nito bago sumisim ng kape.

She bit the bread and chewed a bit. Malamig-lamig pa ang butter kaya may kiliti iyon sa kanyang bibig habang nahahaluan ng init ng tinapay.

"A miracle, isn't it?" sulyap nito sa kanya habang binaba ang tasa nito.

"It's not a miracle. Mas lalong nakakatakot iyon," aniya. "Mas nakakapagduda kung bakit walang ginawa yung stalker ko."

"Anong oras na n'un, Stace," tuwid nito ng upo. Mukhang hindi ito komportableng isandal ang likod sa upuan. "Malamang, umuwi na ang stalker mo pagkatapos niya lasunin yung aso ni Marty."

Napaisip siya. Kunsabagay. Posible iyon.

"Pero, hindi ba niya ako susundan hanggang sa makauwi ako rito?" balik niya ng mga mata kay Renante.

Medyo nagdilim ang anyo nito. He gave her a look that made her heart flip in tension.

Kinakabahan siya sa kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata para maging ganoon kabigat ang klase ng tingin sa kanya.

"What if it's Marty?"

Napaawang ang mga labi niya. "And why Marty?"

"Hindi ba, sinundan ka niya rito?" He paused to sip a little coffee. "Paano kung gawa-gawa lang niya yung nilason ang aso niya? Para may dahilan siya para sundan ka rito? Nakapasok pa siya rito. Ibig sabihin, may ideya na siya sa pasikot-sikot dito sa bahay mo."

Napasandal siya sa kinauupuan.

"Kaya hindi ako umalis kagabi," titig pa rin ni Renante sa kanya. "Inaabangan ko kung ano ang balak niyang gawin kaya inaalam ang hitsura dito sa loob ng bahay mo."

"Teka," baba niya sa pinggan ng tinapay, "parang pinapalabas mo nang siya talaga ang stalker ko, eh. You know, it's possible na sinundan ako sa bahay ng stalker ko. Hindi lang siya nagtagal nang makita niyang may dalawang lalaking pumasok dito. Malamang, napaisip iyon dahil dalawa ang nakabantay sa akin. Maybe he thinks, binabantayan niyo ako ni Marty."

"Okay," he shrugged, less interested in her theory. "If it's not Marty, then who is it?"

Napatingin siya sa kawalan. Nag-isip.

"I... I don't know. Pero sigurado ako, nasa alumni party din siya. Nagpaparamdam siya ngayon dahil um-attend siya sa alumni party, kaya nagkaroon na siya ng ideya kung saan na ako nakatira ngayon." She crossed her legs. Damn, she was still sore from last night. "At huwag natin ibunton lahat ng focus kay Marty. That would only distract us from the clues around us. Dapat open tayo sa lahat ng possibilities.

He nodded, considering everything she said. "Well, nasa alumni party si Marty... But I like that idea. Huwag natin ituon ang buong focus natin sa kanya."

"Kailangan ko nga rin pala i-meet mamaya si Kylie," dampot niya ulit ng tinapay. "I need to confront her about posting Marty's number on Facebook."

"Huwag na," gusot ng mukha nito. "Pabayaan mo na sila sa isyu nila ng Marty na iyon. Magfocus ka sa iyo. Sa'yo at sa safety mo," tila sermon pa nito habang nagpapalaman ng scrambled egg sa tinapay.

Humalili ang katahimikan sa pagitan nila. Pinanood ni Stacey ang bawat swabeng pagkilos ng binata. Hindi na bago sa kanya ito, ang pagmamasid sa binata. Ang panakaw na pagsulyap para lang i-check kung ano na ang ginagawa nito. Ang pag-isa-isa sa pagkilala sa binata mula sa pagtingin-tingin lang dito. Through all the years of secretly admiring him, she got to know that he was a very proper man. Pino ang kilos. Ugaling maginoo. Kaya malaki ang shock niya nang malamang nangbabalibag pala ito sa kama.

Nananabunot.

Marahas.

Maliksi.

Mainit.

Nag-angat ng tingin si Renante at nahuli nito ang pagkakatitig niya rito.

He managed a smile. Tapos kinagatan na nito ang pinalamanang tinapay.

Mataray na iniwas niya ang tingin dito.

"How could you have sex with me when you already love someone else? And you loved her for a long, long time, Renante?" wala sa loob niyang tanong dito.

Hinintay niyang matapos ang binata sa pag nguya ng kinakain. Nasa kanya ang mga mata nito kaya akala niya, sasagot ito.

Pero nang makalunok na si Renante, uminom ito ng kape. Nakatitig pa rin sa kanya.

Naibaba na nito ang tasa, pero nakatitig pa rin sa kanya.

Just like the old times, Renante made her wait for nothing.

"About your stalker," he breathed, "I figured that I can help you catch him because he obviously knows that you have— or had— feelings for me." Pailalim na ang sulyap nito sa kanya. "Mas magiging affected siya kapag ako ang nakikita niyang lagi mong kasama. So, if you think my presence is bothering you, bear it a little longer. Hanggang sa ma-solve natin itong problema mo."

He dodged her question. And based on what he said, he was implying that he will leave soon.

There was an internal sigh. Hindi na bago si Stacey sa pagiging playing safe ni Renante.

Gayundin sa pagiging pa-deep nito. He wanted her to read between the lines.

She could read that he was not planning to stay long in her life.

So, asking him how could he have sex with her... it doesn't make sense. She should not bring that up again. Nakakailang nga naman kung deretsahang sasabihin ng binata na ginagawa lang nito ang lahat ng ito para makabawi sa ginawa nitong pananakit sa damdamin niya noon. He let something sexual happen between then, he used her as a sexual outlet for all his frustrations for Sondra, and he broke her heart.

Even if Renante could be that kind of jerk, Stacey understands that Renante was not that kind of person. May mga tao na nakakagawa ng masamang bagay o mga pagkakamali, pero minsan, hindi ang mga ginawang iyon ang siyang tunay na pagkatao nito.

Like Renante. She saw how he protected the people that matters for him. Everytime Sondra gets into trouble, he would make it a point to be always there to lend a helping hand. Noong nagpupunta sila ni Sondra sa mga wild parties, kung hindi si Maximillian, si Renante ang sumusundo sa kanila. Pagsasabihan nito si Sondra at aawayin naman siya ng lalaki dahil siya ang promotor ng mga kalokohang kinapapasukan nila noon ng babae. Tanda niya noong debut party ni Sondra at pinagtanggol ng binata si Kylie nung pinipilit itong maglasing ng mga kaibigan nila. Naalala niya ang pagsalo nito sa kanya nung natulak siya noon sa party ni Maximillian at muntikan na siyang bumagsak sa sahig.

. He could have been a jerk to her and inconsiderate. But she knew deep in her heart that he was a kind person.

.

.

.

***

.

.

.

GUMUSOT ANG MUKHA NI KYLIE NANG MAGISING. Nahilamos nito ng mga kamay ang mukha bago nagmulat. Namimintig ang ulo nito dala ng puyat matapos lang ang digital art commissions.

Tapos heto, naiistorbo ang tulog dahil sa pang gigising ng katulong.

Naiinis ang dalaga dahil nakalimutan nitong i-lock ang pinto kagabi. Nawala iyon sa isip nito nung makausap sa telepono si Stacey. Her friend sounded mad. She felt so guilty for acting so immature and posting Marty's number online.

That creepy dude.

Napapatid na talaga ang pasensya ni Kylie sa lalaking iyon.

"What?" bangon nito at sinalubong ang katulong ng pagkainis.

Dala lang ito ng kakulangan sa tulog. She was not naturally like this. Kylie was always in a cutesy and pleasant mood. Even when moody, she looked like an impudent child. Dahil na rin siguro sa pagiging baby face nito.

"Sorry, Ma'am. Alam kong puyat kayo, pero may naghahanap ho kasi sa inyo sa salas."

She began to worry. Binaba niya agad sa sahig ang mga paa. "Si Stace?"

"Ah, hindi, Ma'am," the maid replied, inching back to give way to her. "Marty daw ho ang pangalan niya."

Talagang inalam niya kung saan ako nakatira, simangot ni Kylie na nakatayo na.

"Sige ho. Pakisabi, hintayin na lang ako. Mag-aayos lang ako. Kagigising ko lang, eh."

Tumango ito. "Sige, Ma'am."

As the door closed, Kylie pursed her lips. Hindi ba siya maka-gets ng salitang ayaw?

Nang matapos mag-ayos, pumunta agad sa salas si Kylie. She wore a light yellow dress with string straps. Wala namang lakad ngayon ang dalaga kaya simpleng damit ngunit presentable ang sinuot. Nakaladlad ang blonde-dyed nitong buhok. Hindi ito nag-abalang kulutin iyon kaya maalon lang iyon na nakalapat sa likuran nito.

Tumayo si Marty mula sa kinauupuan nito. Bahagyang in-adjust ng binata ang suot na eyeglasses at pinunas ang mga kamay sa gilid ng suot na pantalon. He wore a red polo shirt that looked a little too loose for his thin frame.

"Hi, Kylie," medyo alanganin ang ngiti nito sa dalaga. "Good morning."

Inekis ng dalaga ang mga braso. "Puyat ako," pilit nito na maging respectful sa kaharap. "I hope saglit lang ito para makabalik na ako ng tulog."

"I'm sorry," paglambot ng mukha nito.

She gestured a hand to his seat. "Upo ka."

Sumunod ito. Inokupa ni Kylie ang isa pang sofa na nasa salas na iyon. Never itong tatabi kay Marty. Sinigurado ng dalaga na magiging pino ang kilos, para hindi mag-assume ng kung anu-ano ang lalaki.Tulad nung last time silang nag-chat. Hiningi ni Kylie ang cellphone number nito para kay Stacey, nag-assume na agad ang binata na siya ang may gusto na makakuha niyon.

"Naparito ka? Pwede mo naman yatang i-chat sa akin ang mga sasabihin mo?" pangunguna ni Kylie.

"Iyon nga eh," nahihiyang sagot nito. "Hindi mo naman sinasagot mga chat ko. Hindi mo naman ako ini-block so... I don't know how you're not receiving my messages..." he trailed off, waiting for her to chime in and explain.

Kylie muted him on Messenger. She's not telling Marty, of course.

"Oh, I'm sorry," she replied softly. "I am not checking my messages a lot kasi marami akong inaasikasong art commissions."

"Yeah," he clasped his hands, obviously tensed. "I know. Nakita ko ang mga gawa mo sa Instagram. You're... You're really good with digital art."

"Is that all that you're here for?" Kasi walang oras si Kylie para i-entertain ito. Hindi ito interesado sa kung anuman ang balak ni Marty na kahinatnan ng pagpapapansin nito.

"Personal na kitang pinuntahan dahil nalaman ko na... na may problema pala si Stacey."

Lumambot ang mukha ng dalaga. "What problem?"

"About her stalker," medyo nabawasan na ang kaba ng binata. Dahil siguro nakahanap na ito ng maayos-ayos na topic para mapatagal ang pag-uusap nila. "I'm very bothered about it."

"May nabanggit nga siya kagabi na... na may nagte-threat sa iyo?" gusot ng naguguluhang mukha ni Kylie, medyo nahihirapang maalala ang pinag-usapan nila ni Stacey sa telepono. "I don't know how to connect the dots. Medyo nalilito ako kung bakit sobrang affected si Stacey. At bakit mo siya pinuntahan dahil doon?"

"Kasi ang sabi sa tinext sa akin, layuan daw kita. At si Stacey," patong ni Marty ng mga braso sa tuhod nito. He slightly bent in the way he seated. "Or else, isusunod nila 'yung bulldog ko. After that, tumawag ang kapatid ko. Bumubula raw ang bibig ni Petchie. May nagpuslit yata ng pagkain sa gate at nakain ni Petchie. Nalason."

Takot na napasandal sa backrest ng sofa si Kylie. "God..."

"Medyo magulo rin kausap kagabi si Stacey," patuloy ni Marty. "Pero nung nakauwi na ako, napag-isip-isip ko na, siguro nagselos yung stalker niya nung nakita kami ni Stacey. Nung... nung sinuotan ko siya ng jacket."

At natahimik ang binata, hinihintay nito kung ano ang sasabihin ni Kylie. Kylie was left speechless, fear was written in her eyes as her lips remained parted— a remain of the shock she had.

"Naisip ko," basag ni Marty sa katahimikan at medyo bumalik ang kaba sa boses nito, "bakit hindi natin tulungan si Stacey?"

Binalik ni Kylie ang mga mata sa lalaki.

"She's your friend, right? So, I'm sure, you want to help."

"Syempre, gusto ko," nag-aalangang iwas-balik ng tingin ni Kylie sa kausap, "pero natatakot ako, eh. Paano kung mapagbalingan ako nung stalker niya?"

Marty's shoulders dropped. He was not disappointed. The man just softened at the very sight of Kylie's innocent vulnerability before his eyes. It awakend his manly protective instinct. How he wanted to scoop her petite frame into his arms to make her feel safe.

Tama nga ang pasya ng binata na gawin ito. Helping Stacey was an opportunity for him to show Kylie that he was worth a try when it comes to relationships. When he solves Stacey's dilemma, for sure, Kylie would be impressed.

He gave Kylie a light smile. "Bakit ka matatakot? Nandito naman ako. I'll protect you from him."

Nawiwirduhang tingin ang ginawad ng babae sa binata. Nililihim nito ang pagtindi ng pagkaasiwa. Buti sana kung type nito si Marty, kikiligin pa ito. Pero hindi, kaya parang gustong tumakbo ni Kylie.

"Why don't we just call a police?" anito. "Iyon din ang isa-suggest ko na gawin ni Stacey."

"Sino naman ang ipapakulong niya?" lahad ni Marty ng mga braso. "Mukhang wala siyang idea kung sino ang stalker niya. Kaya nga aalamin muna natin."

"Or maybe, she should get a bodyguard," tayo ni Kylie mula sa kinauupuan.

Natakot si Marty na iiwanan ito ng dalaga kaya sumunod dito.

"Kylie—"

Huminto sila sa tapat ng pinto ng mansyon. Kylie faced Marty.

"Thank you so much for visiting me here," her fake smile was sweet. "Bye!" tulak nito sa lalaki palabas bago nagmamadaling iniwan ito.

Tinanaw na lang ni Marty ang babae.Napabuntong-hininga kalakip ang panghihinayang sa effort na tila napunta sawala.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro