Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten - Waiting

NIYAYA NI STACEY NG INUMAN SI KYLIE. Kaya lang tumanggi ang kaibigan. Kailangan daw nito ng energy mamayang gabi para tapusin ang mga commissions nitong digital art.

So, here they are at the same spot— the coffee shop.

"Ang dali lang pala sabihin noon na hindi ako lalayo kay Renante. Na kahit ikasal pa sila ni Sondra at friends lang kami, okay lang," patuloy niya sa paglalabas ng sama ng loob sa katabi. "Ang dali siguro kasi wala pang nangyayari noon sa amin."

Medyo nahahalata na niyang naiilang si Kylie. NBSB ba ito? Virgin? Kailangan bang makiuso ito sa stereotype na kapag ganoon ang isang tao, walang ideya tungkol sa sex o nahihiya sa mga usaping ganoon? Ah, never mind. Siya ang nangulit dito na lumabas, eh. Siya ang nanghingi ng tulong nito. Nandito na si Kylie kaya itutuloy-tuloy na lang ni Stacey ito.

"Alam mo 'yung... mas madali palang maging friends lang kapag... kapag alam mong wala ka nang pag-asa," panghihina niya habang nakatanaw sa labas ng katapat nilang salaming pader. "Na kapag pala nakakita ng kahit katiting lang na pag-asa o possibility na, uy... may nangyari sa amin. It means na kahit papaano... kahit papaano gusto niya rin ako. Na konting effort pa siguro..."

Stacey let out a heavy sigh.

"Then here he is again. Alam kong mali, pero bakit parang umaasa pa rin ako? Why us girls always fall a victim when a guy says he's changed? Or he'll change? Or he's sorry? Or he won't hurt you again?"

Sinilip niya ang kaibigan. Naluluha na ang mga mata nito.

She can't do this.

She can't do this to Kylie.

"Sorry," yuko niya. "You shouldn't be this uncomfortable. Pero sino pa ba ang mapagsasabihan ko nitong kinikimkim ko? Mababaliw na yata ako kung hindi ko mailalabas lahat ng ito."

"Ikaw kasi eh," mahinhing sagot ng dalaga, "masyado kang nagba-bottle up ng feelings mo. Iyan tuloy..."

Naramdaman niya ang supportive nitong paghagod sa kanyang likod. Stacey lifted her head and turned to give Kylie a small smile.

"Thank you, ha?"

Napipilitang ngumiti ito. Kita niya ang pamamasa ng mga mata.

Hay, oo nga pala... Ito ang iyakin sa grupo nila.

Mabilis na dumeretso ng upo si Stacey. "Oh, my God! Matutunaw na itong frappe ko!" she faked a laugh before sipping on the straw. Nagnakaw siya ng sulyap kay Kylie na napatitig pa sa kanya bago nangingiting uminom na rin mula sa cup nito. Her friend's fingers gently wiped the tears at the corners of her eyes.

"Na-chat mo na ba si Marty?" pag-iiba niya ng topic.

"Yup!" pagsigla nito. "Nakuha ko na rin ang cellphone number niya!"

"Tinanong mo na ba 'yung tungkol sa attendance? Kung pwede nating makita?"

"Hindi eh," nahihiyang ngiti nito. "Nahihiya kasi ako."

Hay, naku...

She just gave Kylie an encouraging smile. "Sige, ako na mismo ang magtatanong."

Dumikit ito sa kanya pagkalabas ng cellphone mula sa kandong-kandong nitong pouch. Stacey copied Marty's cellphone number from Kylie's contacts list.

"Ang sinabi ko lang sa kanya, hinihingi mo ang number niya kasi mas importante kang itatanong," paliwanag ni Kylie habang pinapanood ang pagta-tap niya sa cellphone. "Nahiya talaga akong tanungin siya, eh. And I think, it's better that you come up with your own reason. Ayaw mo naman sigurong i-specify sa kanya na may kinalaman ito sa stalker mo."

Napatango siya. She stared into Kylie's eyes.

"Very good. Tama ka diyan. Marty should not know why we need the attendance list."

Stacey stared at Marty's cellphone number in her own contacts list.

Who knows? Baka siya mismo ang stalker ko.

.

.

.

***

.

.

.

STACEY WAS ALREADY INSIDE THE TAXI SHE BOOKED. Sinagot niya ang tawag ni Renante.

Hi. Nasaan ka? mabilis nitong tanong bago pa siya nakabati rito.

"I'm going to a meeting, Mr. Villaluz."

On a weekend, Ms. Vauergard?

So, last name basis na sila ngayon?

"Bakit ka napatawag?"

You're not answering my question.

"Nakaisang tanong ka na, bago ka dumalawa, sagutin mo muna ang tanong ko."

She heard him sigh. I just want to meet you tonight.

Naningkit ang mga mata niya. "At bakit? Hindi ba pwedeng sabihin mo na lang sa phone?"

Answer my second question first. Then I'll answer that.

God! This man is soooo...

Pinigilan niya ang maglabas ng anumang reaksyon. Nanatili siyang kalmado. Inalala niya kung ano 'yung pangalawang tinanong sa kanya ni Renante.

"I am going to meet Marty."

Marty who? The zebra?

Ano'ng zebra ang pinagsasasabi nito? Lumukot ang mukha niya.

"It's Martin Torrenueva," pagka-klaro niya. "Yung class president natin noon, Mr. Villaluz."

Oh. Was that disappointment in his voice. And why are you going to meet him?

"Umaabuso ka na sa tanong. Tatlo na ang nasasagot ko, ikaw isa pa lang."

I want to meet you tonight to clarify some things.

"Sabihin mo na lang ngayon," patay-malisya niya sa panunuyo sa boses ng binata.

It's better to say personally.

"To see my facial reaction? One of your safety precautions, eh, Mr. Villaluz?" tanaw niya sa bintana, pigil ang puso na magtatatalon sa hindi malamang dahilan.

Hindi ito nakasagot.

"Well..." oras na siguro para magpaalamanan na sila.

Where are you meeting Marty, the four-eyed monster?

Naningkit ang mga mata niya. "So mature," sarkasmo niya rito.

Why? He wears eyeglasses!

"So?" matapang na ganti niya rito.

Nah, Renante seemed to shrug off his earlier comments. You just don't get my sense of humor. Just trying to make you laugh there, Ms. Vauergard.

Bwisit, nagpipigil tuloy siya ng ngiti ngayon.

"It's none of your business where, Mr. Villaluz," pagtataray niya rito. "By—"

I want to know. You might need protection. Who knows if Marty the four-eyed monster is your stalker?

Pigil niya ang paghinga. How could they have the same suspicions?

Interesting...

You might want to have help, just in case he acts funny.

Why would she entrust her safety to Renante? Ito ang pinakadelikadong nangyari sa buhay niya. Ito lang naman ang lalaking nagpaiyak sa kanya ng palihim sa kwarto ng ilang taon dahil iba ang gusto nitong babae. Ito lang naman ang dumurog sa puso niya at sa balakang niya at... Stacey shook her head.

"No. I'm fine. Thank you," she sighed and disconnected the call. Huli na nang mapagtanto niya na tila naging bastos siya nang walang paalam na binabaan ito ng tawag.

Hay, hindi bale na. Hindi na naman tumawag pa ulit si Renante, eh.

Nang marating ang café na overviewing ang Taal Lake, hinanap ng mga mata niya si Marty. Nakailang ikot pa siya bago natagpuan ang lalaki sa labas ng mismong café. He sat on a two-seater table beside the balcony. Stacey began rubbing her arms. Hindi siya nakapag-ready sa lamig ng pupwestuhan nila para mag-usap. Buti pa si Marty, nakasuot na ng sweater.

"Hi!" kunwari, excited niyang bati sa lalaki.

Nilapag nito ang umuusok sa init na kape at tumayo para batiin siya. "Hi, Stace," malumanay nitong bati kasama ang pakikipagkamay.

As they got seated, Marty pulled off his eyeglasses to clean the fog that blurred each glass.

Pinag-aralan ni Stacey ang hitsura ng lalaki. Mukhang doble ang suot nito. Nasa pinakaibabaw ang kulay itim nitong sweater na may nakaburdang makulay na pattern. He wore jeans and she could glimpse from the clear glass table that he was also wearing a pair combat boots.

"I'm glad you made it here," ngiti sa kanya ni Marty. "Um-order ka muna. You'll need a warm drink lalo na at iyan ang suot mo."

Bigla tuloy siyang na-conscious sa suot na tank top. "Pasensya na. Nawala na sa isip ko kasi ang dumaan sa bahay para kumuha ng jacket."

I've been rehearsing in the car kung ano ang mga itatanong ko sa iyo, kaya nawala na sa isip ko na ang lamig nga pala rito.

"I can grab mine in the car," presenta ng lalaki.

"Please," payag na lang niya kaysa manigas sa lamig.

Nang umalis si Marty, pinag-aralan ni Stacey ang paligid.

Madalas kaya si Marty dito? Hindi ko man lang natanong sa kanya kung saan na siya nakatira ngayon.

Mabilis na bumalik si Marty. Aabutin sana ni Stacey ang jacket pero pumuwesto na agad ang lalaki sa likuran niya. He carefully draped the jacket over her shoulders. She nervously laughed.

"God, Marty," ngiti niya, manginig-nginig ang mga labi habang hinihila ang jacket payakap sa kanya. Then she lifted her eyes on him. "Thank you so much."

Umupo na ito, ginawaran siya ng maluwag na ngiti. "Maliit na bagay."

"Okay. It's getting quite late, so I won't take so much of your time," she initiated. "Gusto ko lang sana i-check kung sinu-sino ang mga um-attend sa alumni party. May copy ka kaya ng listahan, Marty?"

"Bakit naman gusto mong tingnan?" nanunukso nitong tingin. "Kaninong number ang hahanapin mo doon, ha?"

"Wala. Hindi naman tayo nagsulat ng mga number natin doon, 'di ba? Name lists lang ang nandoon," ngiti niya rito.

"May natipuhan ka sa party, no?" panghuhuli nito.

She showed him an open-mouthed smile. Umiwas siya saglit ng tingin sa lalaki. Kunwari kinikilig siya.

"Ikaw ha?" pakikipagbiruan niya rito. If she made it being a fake friend to Sondra, then she could play fake with someone she wasn't close with. Like Marty. Mahina siyang tumawa. "You got me!"

"Sabi na eh," tuwid nito ng upo. His lips stretched out a mischievous Cheshire cat grin as he reached for his stainless tumbler. Umuusok ang kapeng laman niyon nang sumimsim saglit ang lalaki. A fog touched his eyeglasses again. "So, who's that guy? I'm pretty sure, hindi na si Renante 'yun."

"Kaya nga hinihingi ko 'yung list 'di ba? I need to know his name!"

"Ang hina mo naman. May nakaharutan ka sa party, hindi mo man lang natanong ang pangalan?" natatawa nitong titig sa kanya bago hinubad ang salamin para punasan saglit.

Tumawa siya. "I know, right? I'm just so stunned, Marty. Pagbigyan mo na ako."

"Send ko na lang sa iyo sa Messenger," ngiti nito.

"Ano ba iyan! Dapat pala nagchat-chat na lang tayo kung mase-send mo naman sa Messenger," labi niya.

Natawa ito. "No way. I want to see you personally. Ayoko ng ebidensya ng pinag-usapan natin, eh," paniningkit nito ng mga mata sa kanya.

"Ebidensya?"

"Yeah," sandal nito sa kinauupuan. "Kung sa chat lang tayo mag-uusap baka i-screenshot mo itong hihingiin kong pabor sa iyo."

Oooh. So, both of them needed favors from each other, eh?

Is this a coincidence? O baka naman...

"And what is it?" nagdududa kunwari na tingin niya sa lalaki.

Nahihiyang napayuko ito, alanganing natawa. "Wala kang pagsasabihan, ha?" tila banta pa nito, natatawa pa rin. Kinikilig yata ang loko.

"Wala," mariin niyang wika. She leaned a bit forward to hear him well. "Come on, tell."

"Well, mukhang nailang yata sa akin si Kylie nung kinausap ko siya sa party," panimula nito. "She doesn't reply to my chats. Only once, para lang matanong ang number ko dahil kailangan mo raw."

Tinapunan niya ito ng nanunuksong tingin. "Oh, so you need my help..." pahiwatig niya.

"I'm helping you find your guy if you help me with Kylie," ismarteng kondisyon nito.

Napapangiting napailing na lang siya.

"What do you want? I-set up ko kayo ng date?"

"Hmmm," tumitig ito sa kanya habang nag-iisip-isip. "Baka mailang na naman iyon sa akin kung date kaagad. Maybe, just include me in your circle of friends. Para may reason kami magkita ni Kylie. What about that?"

Lumuwag ang ngiti niya. So, kaibiganin ang kaibigan ng taong gusto mo. Seems like, this tactic never grows old.

"Do you have any other suggestions? Baka kasi hindi magwork iyon."

"No, that's alright," ani Stacey. "Kunwari friends tayo."

Napahalakhak ito. "God, hindi ba kaibigan ang tingin mo sa akin, Stacey na mahirap bigkasin ang surname?"

Ano ang mahirap sa pag-pronounce ng Vauergard?

Napapailing na nginitian na lang niya ito. She carefully took her cup of coffee to have a little drink.

"So, deal na iyan, ha?" ani Marty sa kanya.

Binaba na niya ang tasa. "Siguraduhin mo lang na maganda ang resolution ng ise-send mong picture, Marty."

"Ano ka ba? Oo naman," he assured her. "Picture lang ang mase-send ko kasi nasa school admin na natin 'yung mismong papel ng attendance natin, no. Parte raw kasi ng events ng school natin iyon kahit sa ibang lugar ang venue, kaya nasa kanila lahat ng original records."

"I see," she nodded before stealing a glance at Marty.

Kung si Kylie ang type niya, imposibleng stalker ko siya.

Uminom na ang lalaki ng kape.

O baka naman kunwari lang iyon... Kunwari si Kylie ang pinopormahan niya para makadikit siya sa akin.

Kailangan ko pa rin maging maingat.

Naunang umalis si Stacey at nagpaalam. Binalik niya ang jacket ni Marty at pumuwesto sa labas sa tapat ng café na nilisan. Kailangan na niyang umalis, baka kasi wala na siyang ma-book na sasakyan pauwi kung magpapa-late pa siya. It took her longer than usual to find in her app an available ride nearby that would take her back to Manila. Sanay siya sa malamig pero parang mas matindi ang lamig ngayon. Hindi matigil ang paghagod niya sa nakalantad na mga braso para lang makaramdam ng kaunting init.

Nang makasakay sa kotseng sumundo sa kanya, medyo giniginaw pa rin siya. Parang sisipunin yata siya nito.

Paputol-putol ang idlip niya. Magtse-tsek lang siya kung malapit na siya sa bahay bago magnakaw ulit ng tulog. Mababaw lang ang tulog niya dahil nag-iingat pa rin siya. Mukhang mabait naman ang driver niya pero kahit na. Her hand was still alertly touching the top of her pocket. Naroon ang maliit na pepper spray na binili niya bilang parte ng pag-iingat mula sa stalker niya.

Isn't she going overboard with this?

Isn't she acting like Renante for being too much of a playing safe?

Isn't that a different thing with her current situation?

Bakit si Renante na naman ang iniisip niya? Bakit hindi niya i-evaluate ang usapan nila ni Marty kanina? May kinilos ba ang lalaki na kaduda-duda kanina? May malisya ba ang pagbalot nito ng jacket sa kanya?

Huminto na ang kotse sa tapat ng gate ng bungalow na inuuwian ni Stacey.

Bago pa siya nakababa ng sasakyan, natanaw na niya ang itim na kotse malapit sa hinintuan nila. Binayaran niya ang driver at pinasalamatan bago nagmamadaling bumaba.

Ano'ng oras na ba? Ang lamig. Napayakap siya sa sarili.

Hindi pa nakakalayo ang umalis na kotse nang may lumabas sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng tinitirahan niya. She stood there and watched Renante slam the car door shut before turning to face her. He walked toward her— gallant and seemingly in slow motion. She didn't know why she felt like getting teary eyed again. It was as if she was inside an unbelievable dream.

Bakit nandito si Renante? Bakit siya nilalapitan nito?

It was so unusual for this man to ever go all the way here just to see her.

He never made that kind of effort through all those years that she secretly admired him.

Nakatayo na ito sa harapan niya, pinasadahan siya ng tingin bago bumalik ang mga mata nito sa kanyang mga mata.

"Bakit ngayon ka lang nakauwi?" he asked lowly, voice strained with worry. "A few hours more and I'll call the police."

"Ano ka ba, ang OA mo." Hay, naunahan siya ng pagiging defensive. "Hindi ba ang sabi ko, makikipagkita ako ngayon kay Marty?"

He gave her a dangerous underlook. "Looks like someone enjoyed way too much."

Tinalikuran na lang niya ito. Uuwi na lang siya.

"I'm glad you're home safe," wika nito.

Nang lingunin ni Stacey ang binata pabalik na ito sa sasakyan.

Gaano katagal kaya naghintay dito si Renante para siguraduhing makakauwi siya?

Nagulat siya nang lumingon ang lalaki at hulihin ang mga mata niya.

Hinigpitan ni Stacey ang pagkakayakap sa sarili. Binubundol ang dibdib niya ng kaba.

Renante opened the car door to get in. But before he does, he gave her a lingering look.

Ano pa ba ang hinihintay ng lalaking ito?

He lost the patience. Pumasok na ito sa kotse.

Nagbaba na lang siya ng tingin.Napahugot ng malalim na paghinga. Then, she turned around and searched for thekeys in her bag. Narinig niya ang pag-andar ng kotse paalis, pero hindi na itonilingon pa ni Stacey.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro