Chapter Sixty-Two - The Dead End
TSINETSEK NI STACEY ang laman ng mga paper bag sa counter nang balikan ni Renante. Mabilis niya itong nilingon.
"Nandito ba siya?" nag-aalala niyang tanong sa binata.
He nodded. "Yes. I think. Ang stalker mismo o ang tauhan niya."
"Paano'ng..."
"Dito na tayo kumain para mapag-usapan natin," anito habang inaako ang pagbitbit sa iba nilang in-order.
"Baka marinig niya ang pag-uusapan natin."
"Siyemrpe, doon tayo sa hindi matao."
"Bakit mo naman inikot pa itong café?" lakad ni Stacey kasama ang binata. Palapit sila sa nakitang bakanteng mesa malapit sa estante ng mga souvenirs. "May idea ka na ba sa hitsura nung stalker? O nung mga inuutusan niya?"
"Wala," he answered, putting down the paper bags on the round table. "Pero ginagamit nila ang cellphone ni Aurora para kuhanan tayo ng mga litrato habang minamatyagan nila. At alam ko kung ano ang hitsura ng cellphone niya. I thought I'll catch a person using that in here."
"Ibig sabihin? Nandito sila?"
"Oo," at binanggit ni Renante kung ano ang nangyari sa pagbisita nito kay Aurora.
"Why would they do that? Hindi nila naiisip na pwede silang mahuli?"
"I think it's a smart move," he murmured. "Si Aurora pa rin kasi ang may-ari pa rin nung cellphone. Pangalan niya ang naka-save sa contacts ng mga taong may kopya ng number o email na gamit niya roon. Mahanap man 'yung cellphone ng kung sino sa isang crime scene, si Aurora ang una nilang pagsususpetsahan."
"Fuck," she muttered.
Nilabas ni Renante ang isa sa mga inumin. He poked a straw on it and handed the drink to her.
"Thank you," nag-iinit ang pisngi na tanggap niya. Her heart melted at the thought that Renante gave her this salted caramel chocolate drink. Pero tinago pa rin niya iyon. She decided to confidently tilt up her head as she accept the drink and smile politely. Hindi naman naghintay ang binata na magpasalamat siya o purihin ito. Mabilis na nagkalkal ulit si Renante sa isang paper bag.
Yumuko siya para sumimsim ng kaunti. Kahit umiinom, nasa binata pa rin nakatutok ang mga mata niya.
"Kumain ng marami," bukas nito ng kaunti sa wrap ng isang sandwich bago iyon nilapag sa ibabaw ng paper bag na kaharap niya. "You have to be in condition all the time."
Napatitig na lang siya sa binata. Abala na ito sa paghahanda ng sariling iinumin at kakainin.
Stacey didn't know how lost she was that moment. Natagpuan na lang niya ang sariling kamay na nakalapat sa pisngi ng binata. He paused from what he was doing to gaze at her softly. Hindi niya napigilan ang pamumutawi ng ngiti mula sa kanyang mga labi.
"Thank you. Kahit... kahit delikado... nandito ka pa rin..."
"Hahayaan ko bang manalo ang kalaban? Iyon ang gusto niya, 'di ba? Ang ilayo ka sa akin? Ang ilayo ako sa iyo?" mayabang nitong ngisi. Her heart stood still the moment his hand felt her hand on his cheek. He closed his eyes before angling his face to kiss her palm. Pagkatapos, binalik nito ang palad niya sa pagkakalapat sa pisngi nito.
He opened his eyes and met hers.
She was almost breathless... and scared. This tension was still as alive and as fiery as it had always been. Now, he heart was pounding, livelier than ever.
Mahina itong natawa. Napailing. "Kumain na nga tayo. Baka iba pa ang makain ko, eh."
Pinalo niya agad ito sa braso. "Mahiya ka, Mr. Villaluz! You can't eat me in a café!" panlalaki ng mga mata niya rito.
Humalakhak ito.
"It's not funny! I'm adventurous, but not to the point of—"
"Ikaw ang hindi nakakatawa," natatauhang titig nito sa kanya. "What makes you think I want the people here to see you naked, hmm? Ako lang ang pwedeng makakita niyan," saglit ng mata nito sa katawan niya bago siya pilyong nginisihan.
Pigil man ni Stacey ang sarili, sumuko rin siya at nakitawa sa kapilyuhan nito.
Kung anong panghihina ng loo bang iniwan ni Piccollo sa kanya kanina, nabuhayan naman siya ng loob ngayong sabay silang kumain ni Renante. He took her hand and took her out of that café after dining while talking about their plans regarding the stalker.
"Saan naka-park ang kotse mo?" lingon sa kanya ng lalaki.
Medyo napapiksi siya. Inalis agad ni Stacey ang mga mata sa kamay nilang magkahawak.
"Ah... Ano..." naghanap na ang mga mata niya. "Basta, banda roon."
"Mauna kang umalis. I'll follow your car."
Napalingon siya sa binata. Bumalik sa kanya ang pag-aalala. Mga mata lang niya ang hindi mapigilang ipakita ang nararamdamang iyon.
"Thank you," she could feel her eyes growing misty.
He stepped back, eyebrows furrowing. "Stace," he cupped her cheek. "You don't have to thank me, alright? You've done your part and I've done mine. I don't get all the credit here, okay?"
"Of course," taas-noo niya habang pinipigilan ang sariling maluha. "Nag-thank you lang ako para... para magkaroon ka pa ng motivation. Para hindi mo ako iwan."
"Is that what Piccollo just did?"
Hindi siya makatingin ngayon sa lalaki. She kept a straight face and yet, could not bring herself to meet Renante's waiting gaze.
"Hindi naman ako galit," suko niya sa wakas. Her voice remained soft and whispery. "Nadismaya lang siguro ako. Akala ko kasi... akala ko magkaibigan kami."
"Por que ba, hindi niya kayang makatulong ngayon... hindi na kaibigan ang tingin mo sa kanya?"
She remained silent.
"Minsan, may shortcoming din ang mga kaibigan. Hindi nila nagagawang maging nandiyan agad sa tabi mo kapag kailangan mo sila. May mga concerns din kasi sila. Kaya kahit gusto nilang makatulong..."
"Alam ko, naiintindihan ko naman," lingon niya rito. "He's scared. He has the right to be scared. I understand."
"Masyado kang nag ngunguyngoy diyan kay Piccollo, eh nandito na naman ako."
She could feel her cheeks warmer as her shocked eyes found Renante.
He gave her a heart-staggering reassuring smile before patting her cheek with a hand.
"Tama na ang kakatitig sa kagwapuhan ko. Let's go."
Lumakad na ito. Balak yata siyang ihatid ng binata sa kotse niya kaya sumabay na lang siya rito.
Natatawang napailing siya. "Gumagaling ka nang mag-joke, ha?"
"Alin ang joke sa sinabi ko? Natatawa ka lang dahil in love ka sa akin," patiuna nito.
"Ang yabang mo," panlalaki niya ng mga mata rito bago ito hinabol.
Nang marating nila ang pinaparadahan ng kanyang kotse, nilagay ng binata sa backseat ang natirang mga paper bag ng pinamili nilang pagkain. He slammed the door close and turned to her. Nakatayo na si Stacey sa likod ng bukas na pinto sa bandang driver's seats. Their eyes met for one more time, with Renante moving closer to her.
"Huwag masyadong bilisan ang pagmamaneho. Para masusundan kita, alright?" he murmured as Stacey felt their distance growing smaller.
Napansandal na lang siya sa pinto ng kotse nang ma-corner doon ng binata.
She could not deny how sheepish she felt at his gaze, making her lower her eyes. Maingat na lumapat sa mga balikat ni Renante ang kanyang mga kamay.
"Yeah, duh," sarkastiko niyang saad.
Pigil niya ang paghinga nang damputin nito ang kanyang baba.
Ngayong napatingala na siya ng lalaki, wala na siyang kawala sa dahan-dahang pagdampi ng mga labi nito sa kanyang mga labi. As they slowly parted, a smile formed on their lips.
Her heart grew wings and began fluttering.
.
.
USING RENANTE'S CELLPHONE, he forwarded the photos from Aurora's tablet to Detective Orlando. Nang mai-sent iyon, tinuloy ng binata ang pagbaba ng hagdan hanggang sa malisan ang mansyon ng mga Ejercito. Nakakubli ang detective sa loob ng kotse nito. Nakasunod ang lalaki kay Stacey para bantayan ito nang matanggap ang mensahe ni Renante. He immediately forwarded the photos to another email.
Ilang minuto lang at sinagot ni Orlando ang isang tawag.
Nakatanaw pa rin si Orlando sa salaming pader ng café kung saan matatanaw si Stacey, Piccollo at ilang customers na kahanay nila ng upuan pero nakadistansya sa dalawa.
"Oo. Legitimate source ang pinagmulan niyan. Kasama naman siguro yung email mismo ni Sir Renante sa mga picture na ini-forward ko, 'di ba?" sagot ni Orlando sa nasa kabilang linya.
I see, sagot ng katrabaho nitong nakapwesto sa harap ng laptop nito sa opisina nito sa kanilang agency.
"Sa tingin ko, ang pinaka-ebidensya talaga natin diyan ay 'yung picture nung bahay. Maa-identify mo kaya kung saan iyan?"
The researcher clicked on the photo of a house. It zoomed out occupying most of the laptop's screen.
Ang tanong, bakit kinunan ng litrato ang bahay na ito? Baka naman misleading ang picture na ito?
"Sige, paano siya magiging misleading sa tingin mo?" mahinang wika ng lalaki, nasa binabantayan ang mga mata.
Posibleng alam ng gumagamit ng cellphone ni Aurora na accessible pa nung may-ari itong mga pictures sa cloud memory. Paano kung pampalito lang ang mga ito? Para mapunta sa ibang tao ang suspisyon natin?
"Pero sa tingin ko, hindi, George. Kasi bakit nandiyan yung mga litrato nila Stacey at Renante na minamatyagan nila? At bakit may picture din ng mga pagkain? At selfies ng dalawang tao na hindi pa natin naa-identify?"
Lumalim ang mga guhit sa noo ni George. Hindi pa nito masyadong natitingnan ang ibang litrato kaya ini-zoom out nito ang sa mansyon at hinanap ang tinutukoy nitong selfie ng dalawang lalaki.
Kapansin-pansin ang lalaking may peklat sa mukha.
Tama ka diyan. Napaka-istupido naman nila kung alam nilang may ibang makakakita tapos magkukukuha sila ng picture nila.
"Ibig sabihin, hindi sila aware na accessible pa ang cloud memory ng phone. At nakikita ang mga pinagkukuhanan nilang litrato."
The excitement Orlando felt was brought by the belief that the investigation will be over really soon. Naikonekta ni Orlando ang peklat sa mukha ng lalaki sa pagsuntok ni Renante rito habang nakamaskara noon. Kasama iyon sa mga nai-note nito nang muling itanong sa kliyente tungkol sa mga na-miss out nitong pangyayari na related sa kaso.
Sige, uunahin ko ang pag-identify muna sa dalawang tao na nasa picture. Sa mga lalaking ito... Mas siguradong may mapapala tayo sa pagkilala sa kanila kaysa sa may-ari ng bahay na nasa litrato.
"Sige. Kamusta naman ang researching?"
Napaunat ng isang braso si George. Heto, medyo masakit din sa mata, his fingers automatically massaged the space between his eyes.
Orlando's laugh sounded dry in his attempt to keep his voice low, yet it was genuine.
"Kaunting tiis na lang, bata."
Thanks, Detek. At gusto lang kitang bigyan ng head's up tungkol sa pinapahanap mo na mga taong nakaaway ni Renante Villaluz. Pareho sa negosyo at sa personal.
Kumunot ang noo nito. "You're good. Kahit 'yung personal, na-manage mong i-research?"
Oo naman. Pero... dalawa lang naman. Available sa internet dahil naging iskandalo ang mga ito.
Napaisip si Detective Orlando. "Sa tingin mo ba, may sense pa rin ang suspetsa ko na hindi kagagawan ng isang admirer ang stalking technique ng kasong ito kundi ng isang kaaway?"
George smiled formally. Bakit hindi?
.
.
MALAYO-LAYO NA RIN SILA. Nakasunod lang ang kotse ni Renante kotse na nasa unahan niya. Lingid sa binata na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi nito habang nagmamaneho ng kotse. Sumulyap siya sa cellphone na naipatong sa dashboard nang mag-ring iyon.
Nasa magaang mood pa rin siya nang damputin iyon saglit para sulyapan.
Mula sa notif tab, nababasa na niya ang unang parte ng natanggap na text message.
You can't fool me, Renante.
Binitawan niya agad ang cellphone.
Obviously, you saw us, isip niya habang unti-unting nagseseryoso ang kanyang mood.
Maingat na sumulyap siya sa rearview mirror ng sasakyan. Sa dami ng mga kotseng nakasunod sa kanya sa public highway na iyon, hindi masasabi ni Renante kung alin sa mga iyon ang nagmamatyag sa kanila ni Stacey.
Pero dahil sa larawan ni Stacey at Piccollo na nakita niya sa tablet ni Aurora, may hinuha siyang hindi umalis sa café ang stalker. Hindi rin niya maikakaila ang posibilidad na baka nakasunod ito ngayon sa kanila.
Renante remained cautious until their cars arrived at the quiet subdivision where Stacey lives.
Nang iangat ang mga mata sa rearview mirror, may nakasunod pa ring kotse sa kanya. Malayo-layo nga lang ang distansya niyon. Now that they reached a quieter place over shadowed by tall trees that lined along the streets, he grew more alert. His eyes narrowed, trying to identify the features of the car on the back.
Then, his eyes stole a glance in front.
Napasinghap siya sa biglaang paghinto ng kotseng sinusundan niya. Napaapak siya agad sa brake ng kotse.
"Shit!" he muttered, feeling his body almost thrown to the steering wheel, caused by the force from the abrupt braking.
Nag-angat siya agad ng tingin. Salamat sa Diyos at malayo-layo ang kotse nila ni Stacey sa isa't isa. Salamat sa Diyos at hindi niya nabangga ang dalaga. His chest still thumped. Lumagpas sa sasakyan ni Stacey ang kanyang tingin at napagtanto ang dahilan ng paghinto niyon.
Isang police car mula sa intersection ang humarang dito.
Muling binalik ni Renante ang tingin sa kotseng nakabuntot sa kanya. Palapit na ito sa kanila. Kapansin-pansin ang pagbagal ng takbo ng sasakyan.
His returned in front. Narinig niya ang pag-ring ng cellphone sa dashboard.
It was Stacey, calling.
Sinagot niya agad ang tawag.
Ano, Mr. Villaluz? Tagumpay ba?
He finally managed a smile. Tumingin ulit siya sa rearview mirror at natanaw ang paglabas ni Stacey mula sa kotseng nasa likuran ng sinasakyan niya.
Namilog ang mga mata niya. "Stacey! Bakit lumabas ka na agad!?"
He heard her confident chuckle. Akala yata ng dalaga por que na-corner na nila ang kotseng panay ang sunod sa kanila, nahuli na nila ang stalker.
"Makikibalita lang ako."
She was already walking toward their direction.
Siyang baba naman ng dalawang pulis mula sa kanilang sasakyan. Nilapitan nito ang driver's side ng kotseng nasa unahan ni Renante.
Now it's time for a reveal.
.
.
.
***
AN
Hi, dears! Ilang dekada na ba akong hindi naga-AN??? T^T <3
BTW, malapit-lapit ko nang matapos itong TDU! T^T Most possibly next week!
I know this chapter may be confusing, pero laging nasa susunod na mga chapters ang explanation kung paano nangyari ang ganito at ganyan. <3
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro