Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty-Four - Clarity And Finality

AYON SA NAGING KONKLUSYON NG COURT HEARING, nagsimula ang lahat bago pa ang alumni party. Yrina Romualdez returned to the Philippines months ago, out of her motivation to exact revenge on Renante Villaluz. Habang pinapamatyagan ang lalaki, nadiskubre nito mula sa inutusang tauhan na hinahanap daw nito noon si Stacey.

Because of that, Yrina thought she found Renante's weakness.

That harming Stacey would double the torture for him.

Sinimulan ni Yrina ang pag-infiltrate sa alumni party na dadaluhan ng dalaga. Ang pamilya ng mga Romualdez ang may-ari ng events place na pinagdausan ng alumni party. Ilang araw din nag-rehearsal doon ang mga host ng alumni party. Yrina patiently observed from afar. Until she noticed the anonymous letters. 'Yung lalaking nakasalamin, nahuli nitong palihim na hinahalungkat ang isang garapon habang nag-oobserba mula sa malayo. Nahuli ito ng isang kasamahan at mukhang nakalusot naman ito nang magdahilan dito.

She grew interested with the anonymous letters. Mukhang magandang doon magsimula ng pananakot kay Stacey.

Yrina immediately approached Marty once he was already alone. In fact, he was alone most of the time during that rehearsals. Choice siguro ng lalaki para may pagkakataon itong halungkatin ang mga anonymous letters sa garapon.

Siyempre, diniskartehan na rin ng dalaga na banggitin ang tungkol sa paghalungkat nito sa garapon. She managed to corner him and make him admit the reason why. She thought, that's more interesting.

The stalker concept... Parang magagamit iyon ni Yrina sa balak nito laban kay Renante.

Kunwari nakikisimpatya siya sa binata. Na lahat ng tao ay may karapatang magbagong-buhay, at kung anu-ano pa. Nagpresenta ang dalaga na dadalhin ang garapon sa opisina nito at ito na mismo ang maghahanap ng sulat na hinahanap ni Marty.

As soon as she took the jar, she put in her own letter for Stacey. Hindi siya nag-abalang hanapin ang sulat na gustong tanggalin doon ni Marty. Magre-rehearsal na noong dumaan ang binata sa opisina na katabi ng mismong event's hall na iyon. Nagkunwari siyang dismayado kasi hindi mahanap ang sulat ni Marty para kay Stacey. Marty was obviously disappointed, but not shocked because he himself knew that the task was impossible.

At doon na nagsimula ang lahat. Yrina hired two men to do the dirty job. At ang dalawang lalaking iyon, naka-engkwentro si Marty nung gabing nakitulog ito kina Stacey.

Marty was anxious that night. Hindi ito makatulog ng maayos kaya pumuslit ng labas ng kwarto. He heard moanings in Renante's room. He thought that it was a good opportunity to sneak out a bit— they were busy.

Binuksan ng binata ang pinto at natiyempuhan ang dalawang lalaking paikot-ikot sa nakaparadang kotse ni Marty. Ginasgasan ng mga ito ang salamin ng kotse. Muntikan na nitong sugurin ang mga lalaki nang pigilan ang sarili. He thought that he should let them ruin his car... it would make the situation in favor of him.

Hidden by the shadows of the dark living room, Marty watched them destroy the car. A creepy relieved smile etched on his lips as a realization dawned upon him— na may ibang taong nananakot kay Stacey. Na ibang tao ang matutunton ng mga ito at hindi ang binata mismo na matagal nang tumigil sa pagi-stalk sa dalaga.

Gusto man nilang imbitahan si Marty sa hearing, hindi na nila ito mahagilap dahil sa galit nitong mga kamag-anak. Galit sila dahil sa nalamang tangka ng lalaking magpakamatay nung kinausap niya ito sa café. Thankfully, Orlando voice recorded his short interview with Marty. Nangyari iyon nang bisitahin ng detective sa ospital at kalmado na ang binata para magkwento ng mga alam nito. Nakumbinsi nito si Marty na magbigay noon ng statement sa kagustuhan ng lalaki na maabsuwelto mula sa gulong si Yrina naman talaga ang may pakana.

Nabigyan din ng linaw na pinanakaw ni Yrina ang cellphone ni Aurora sa pag-aakalang ito na ang bagong weakness ni Renante. Nanghinayang marahil ang mga tauhan nito na itapon iyon kaya ginamit ang gadget bilang personal na gamit at para sa pagmanman kina Stacey at Renante.

Naka-attach sa report ni Detective Orlando ang ilang mga ebidensya tulad ng screenshot mula sa tablet ni Aurora nang ma-access doon ang cloud memory nito. Gayundin ang mga nakuhanang litrato. Recently, Renante managed to visit Aurora for one last time to return her phone.

And the worst of it all, Brian died due to poisoning based on forensic. Natuklasan sa kasagsagan ng hearing na inabutan ni Yrina nang may lasong pagkain ang detective nung nagpanggap itong streetsweeper. Binubuntutan nito ang isa sa mga bayarang tauhan ni Yrina at nasaktuhan ito ni Brian sa mansyon na tinitirahan ng dalaga. Consistent noon ang naging pagmanman ni Brian kaya nakahalata ang tauhan, nag-report kay Yrina at ang babae ang gumawa ng paraan para mailigpit ito.

Sa huling hearing, pumitik ang kaba sa kanyang dibdib bago inangat ang tingin kay Detective Orlando. Hindi niya maipaliwanag ang kaba ngayong ibababa na ang hatol kina Yrina at sa dalawang lalaki na bayaran nito.

"Guilty!" the judge dropped his gavel and completely finalized the hearing.

Nilingon agad ni Stacey si Yrina na nasa kabilang row ng mga upuan. She almost fell on her knees, yet caught by her lawyer before she was taken to be cuffed by the present policemen. Nanatiling kalmado ang babae, pero nagdidilim ang mukha dala ng kinokolektang galit.

Stacey remained standing there, deaf to her lawyer's words and reassuring taps on her shoulder. Inalalayan si Yrina ng mga pulis, kasunod ng dalawa nitong kasamang sangkot sa patong-patong na krimeng ginawa nila. Yrina intentionally stopped midway, blocked by her crying mother. Nanatiling nakatayo sa tapat ng kani-kanilang mga upuan ang iba pang kamag-anak ng babae. Nag-iiyakan din ang ilan sa mga kamag-anak ng dalawa nitong tauhan.

Her breathing stopped when Yrina met her gaze. Ang nakakakilabot pa roon ay ang nang-uuyam nitong pag-ngisi sa kanya.

"Nanalo ka ngayon," mayabang nitong taas-noo sa kanya, "pero... kilala mo ba talaga si Renante? Marami pa akong alam tungkol sa kanya na hindi mo alam."

Sinadya niyang pumihit paharap sa direksyon ng babae.

"Alam ko na hindi ikaw ang talagang mahal niya. Na kahit nandiyan ka sa paligid, si Sondra lang ang ginusto niya, Stacey. You think you're special? Panakip-butas ka lang niya! You should thank me for doing you this favor! Ang paglayuin kayo!"

Guada's wailing ang begging for her daughter— Yrina— to be spared from being imprisoned remained in the background of their conversation.

"If I am not special for him, then why all this effort? 'Yan tuloy," taas-baba ng tingin niya sa kabuuan ng babae, "makukulong ka ngayon."

Nagtitimping tinikom nito ang bibig. Yrina's glare just bounced off her unaffected demeanor.

"Oh, yes. I know. I know he loved Sondra before, Yrina. It hurts me but only before," she bravely smiled. "Too bad, you can't use the past to hurt me anymore. Dahil nasa present na tayo. And here in the present, ako na ang mahal ni Renante. I have nothing else to be insecure of anymore and that's all that matters."

Balak siyang sugurin ni Yrina, pero mabilis na hinatak ito ng mga pulis. Tatangayin sana ng mga ito si Yrina nang sinadya niyang sabayan ng lakad ang mga ito.

"Eh, ikaw, Yrina?" patuloy niya. "Bilanggo ka pa rin ng nakaraan mo. At ngayon, mabibilanggo ka ng literal!" she scoffed proudly.

"Tama na! Tama na!" makaawa ng ina ni Yrina, nagpupumilit itong mayakap ang anak pero panay ang taboy ng mga pulis dito.

"This is all his fault!" tutok ng matalim na mga mata ni Yrina kay Renante na nakalapit na sa kanila. "You ruined my life! Pinahiya mo ako sa libo-libong tao sa pag-ako sa video na iyon!"

Ang video na tinutukoy ng babae ay iyong kinuhanan nito noong nag-usap si Renante at Sondra sa opisina nito. The video was edited to frame them up and make people think they were having an affair when the woman was already married to Maximillian. Of course, with such evil deed is a price to pay. Imbes na sampahan ng kaso o pagbayarin ng anumang danyos, nagkasundo sila na magpa-public apology si Yrina at aakuin ang ginawang kasalanan. For her sanity, she was allowed to leave the country to get away from people who will bombard her with bullying and hate regarding the scandal she caused.

Ito rin mismo ang eskandalong nadiskubre nila Detective Orlando nang ipa-research ang tungkol sa mga iskandalo o away na kinasangkutan noon ni Renante.

"Yrina," he coldly responded, "you ruined your life because you tried to ruin other's lives—"

Naputol ang sasabihin ni Renante nang sampalin ito ng ina ni Yrina.

"Nakakadalawang atraso ka na sa anak ko!"

Renante remained dark and cold, his gaze showed no remorse for Yrina or her mother shedding angry tears while fully-adorned with pearls and a fine white formal dress.

May lumapit nang mga kamag-anak ni Yrina para tangayin ang matandang babae.

Hinayaan nila ni Renante na tuluyang makaalis ang mga ito. Habang tanaw ng binata ang mga ito, dahan-dahan siyang lumapit sa binata. Tiningala niya ito, pinagmasdan saglit.

Sinalo lang ni Renante ang sampal na iyon. Ni hindi umimik o gumanti. That's so... Renante.

She could not help feeling sorry for that slap.

"Renante," nag-aalangan pero dinama niya ang natampal nitong pisngi.

Medyo napakislot ang binata. Pero nang masilayan siya ng mga mata nito, nakayanan ng binata ang iniindang sakit ng pagkakasampal. He pulled a gentle smile for her.

"I'm sure, you're already hungry. Saan mo gustong kumain?" masuyo nitong harap sa kanya sabay hagod sa kanyang mga braso.

Nahihiyang nag-iwas siya ng tingin. Stacey could not understand why she was acting so shy like a high school girl in front of her secret crush.

"Sigurado ako, marami-rami ang makakain mo. Mabaling mo lang lahat ng tension sa pagkain," magaan nitong tawa.

Pabirong inirapan niya ito. "My appetite is big, it doesn't mean I'm a glutton."

"I know, take it easy!" pisil nito sa pisngi niya.

Hay, bwisit. Kinikilig na bwisit.

Pigil niya ang ngiti.

"Let's have lunch with Attorney and Detective Orlando. Treat ko na iyon sa kanila. Then, let's go the café near our old high school."

Nagtatakang kumunot ang noo nito. "Bakit doon? May mas malapit namang café."

Stacey smiled knowingly. Seeing that on her face already gave Renante the message that he should not question and just go along with whatever plan she has in mind.

"Well... okay, Ma'am," magiliw nitong tango bago kinuha ang kanyang kamay. "Let's go."

.

.

SIMULA NA NG KLASE SA MALAPIT NA HIGH SCHOOL. Kaya wala masyadong katao-tao sa milk tea café nang marating iyon nila Stacey. Renante pulled a seat for her before occupying the vacant one beside her.

Nakatanaw na agad sa pinto ng café si Stacey.

"Mamaya na tayo um-order, ha?" aniya sa binata. "Let's wait for her."

Renante nodded. "Okay then," at ginagap nito ang kanyang mga kamay.

Nag-iinit ang pisngi na pinagmasdan ni Stacey ang kanilang magkapatong na mga kamay.

"Sa tingin mo ba... darating siya?" basag niya sa saglit nilang pananahimik.

"A true friend is open to hear the explanation of their friend, right?" lingon sa kanya ng binata.

Stacey took in a deep breath. "Sana nga... hindi pa too late para rito."

Sumulyap si Renante sa pinto. "There she is."

Natanaw nila ang pagpasok ni Kylie. Mabilis sila nitong natanaw dahil sa konti ng tao sa café na iyon. Hindi maikakaila ng kanyang kaibigan ang pag-aalangan sa mga mata. Kylie had her blonde-dyed hair tied in a low ponytail, wore jeans and a yellow puffed-sleeved blouse. Her sunshine look contrasted with the attire they were wearing since the court hearing. Renante wore a pair of slacks pants and button-down polo, sleeves rolled up to his elbows. Samantalang, nakasuot naman ng straight pants na coffee-colored si Stacey, katerno niyon ang isang puting button-down blouse.

Halos sabay silang tumayo ni Renante. They offered Kylie a seat.

"Kylie..." hindi niya alam kung paano magsisimula kaya inunahan na siya ng dalaga.

"Nabasa ko ang pagkahaba-haba mong text!" panlalaki ng mga mata nito sa kanya. "How dare you assume na may gusto ako kay Renante!"

Parang umatras ang dila niya. Hindi masabi ni Stacey kung matatawa o ano dahil sa malaking reaksyon sa mukha ng kanilang kaharap.

"Sinabi ko lang kay Marty na type ko si Renante, kasi alam kong hindi siya makakakontra kapag iyon ang dinahilan ko! I never— ever—" pinanlakihan rin ni Kylie ng mga mata si Renante.

"Kung ganoon, bakit pinipilit mo akong huwag tulungan si Stacey? At bakit ganoon ka umakto nung niyaya mo ako sa café?" nanghuhuling usisa ni Renante.

Pinaypayan ni Kylie ng mga kamay ang sarili. "Oh, my God!"

"Hmm?" salubong ng mga kilay ni Renante.

"Heto na, magpapaliwanag na ako, okay?" she pouted. "Hating-hati ako sa gitna sa inyong dalawa, alam niyo ba iyon?" mabigat ang pagbuntong-hininga nito. "Hindi ko alam kung sino sa inyo ang mas aalalahanin ko. I worry for you—" sulyap nito kay Stacey, "I also worry for you—" tapon nito ng tingin kay Renante. "Until I found out that you guys are not involving the police with your stalker problems, which is weird right? So ewan ko! Malikot lang siguro ang imagination ko! Naisip ko na baka, baka gawa-gawa lang ni Stacey ang tungkol sa stalker! Para maging close ulit kayo! Syempre, kung gawa-gawa mo lang ang lahat, Stacey, I am giving you a hint na itigil mo na dahil may planong makialam si Marty! If he finds out na kalokohan mo lang itong stalker-stalker na ito—" She sighed in frustration. "Oh, but I don't want to offend you. Hindi ko masabi ng diretsahan. So I came up with a lot of excuses..." Napayuko si Kylie. "Tama nga si Renante. All I care about is being in good terms with everyone, that pretty girl image."

Pinababa ni Stacey ang tono ng pananalita."Bakit mo naman naisip na gawa-gawa ko iyon?"

"Bakit hindi?" lingon ni Kylie sa kanya. "Sino ba ang nangi-stalk dati kay Renante?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "No! No! You're not telling that—"

"Tapos one time nga," natatawang iwas ni Kylie sa nananaway niyang pamamalo, "sinundan mo siya sa shower—"

"Bruha ka! Hindi iyan totoo!" namumula niyang angat sa kinauupuan para takpan ang bibig nito.

"Weh? Talaga? Nung nag-community service tayo?"

Naalala tuloy niya noong inatake si Renante ng asthma dahil sa sobrang init. Pinagpahinga ito sa loob ng malapit na building ng organisasyon kung saan sila pinag-volunteer noon nang bisitahin saglit ni Stacey. Nandoon naman siya kaya pinagbantay ng nurse na umalis dahil may bibilhin. Renante was already feeling a bit better when he said he wanted to use the bathroom.

"Fine!" suko niya. "Sinundan ko siya noon, kasi umalis 'yung nurse noon! Baka himatayin na naman siya!" She lowered her voice. "I just got worried."

Napapailing na nag-iwas ng tingin si Renante sa kanila. Nagpipigil ng ngiti.

"And yes, Renante!" harap ni Kylie sa lalaki. "Hoy, humarap ka rito at makinig. Yes! I was acting weird when we went to the café together kasi ang weird, okay? I want to tell you na mag-iingat ka kasi baka nabaliw na itong kaibigan ko at natuluyan na pero nakakahiya pala!"

"Anong nakakahiya roon?" harap ni Renante dito.

"Syempre, babae ako. Lalaki ka. Nakakasama lang naman kita noon kapag nandiyan si Sonny so, hindi tayo talaga friends o magka-close! Baka lagyan mo ng malisya! Tama nga ang hinala ko!"

Renante rolled his eyes. "Kung maka-akto ka kasi noon—"

"OMG! Kita niyo naman siguro na hirap ako makipag-interact sa mga lalaki. Kung hindi ako nabubuwisit, naiilang ako," halukipkip nito. "Tapos, sasabihan pa kitang mag-ingat sa mga hidden agenda niyang malokong kaibigan ko. At in love sa iyo iyang kaibigan ko!" turo saglit ng mga mata nit okay Stacey. Kylie's hands were now on her cheeks. "Sobrang nakaka-awkward! Kaya nga hindi na kita niyaya ulit magkape!"

Nagpalitan ng tingin sila Renante at Stacey.

Nanunukso ang sulyap niya kay Kylie. "Pagpasensyahan mo na iyang si Kylie, Renante. NBSB eh..."

"What the?" depensa ni Kylie. "Ano'ng kinalaman n'un—"

"Masama pa rin ang loob ko sa iyo," nagtataray-tarayan na sabat ni Stacey sa kaibigan. "How dare you! Bakit mo ako pinag-isipan ng gan'un?" nagda-dramang halukipkip niya.

"Kasi, magkaibigan tayo, Stacey," matapang na saad ni Kylie. "Alam ko ang mga kalokohan mo. At alam kong matinong tao itong si Renante."

"Ah, so mas kampi ka sa kanya kaysa sa akin na kaibigan mo?"

Nagpipigil ng tawa si Kylie. "Eh, totoo naman. Mas marami kang kalokohang alam. One time nga nung nag-club tayo, hinanapan mo ng lalaki doon si Sonny. Tapos, nakatulog na kami at lahat, hindi ka na bumalik. Saan mo dinala 'yung lalaki?" nanunukso nitong wika.

"Hoy!" panlalaki niya ng mga mata rito. "Walang nangyari kung iyan ang iniisip mo!" She turned to Renante, seeing him pretend a glare toward her. "Renante! Huwag kang—" Ah, aawatin na lang niya si Kylie, "Tigilan mo na nga iyan! Past is past!"

Natatawang napasandal ito sa kinauupuan. "Nung nalaman mo ngang ikakasal noon si Renante kay Sonny, pumayag ka agad sa plano na ise-seduce mo siya, eh!"

"Kylie!" nanggigigil pero natatawang awat niya rito.

Kylie hearty chuckle made her andRenante broke into a laughter with their friend. In the middle of thatlaughter, Stacey and Renante found themselves glancing at each other. Habangtumatagal ang pagkakatitig nila sa mata ng isa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro