Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty-Five - Through Dangers Untold

MAG-IISANG LINGGO NA RIN ANG NAKAKALIPAS. Medyo naging abala sila ni Renante. The man was catching up with his company's recent transactions. Kaliwa't kanan ang mga meeting. Sa chat at text o tawag nila nakakamusta ang isa't isa. Si Stacey naman, bukod sa kumpanyang pinamamahalaan, naghanap-hanap din ng malilipatang condominium unit.

Nakaabang ang bukas na mga gate sa bungalow na kanyang tinirahan. Nilagay ni Stacey ang huling bagahe sa backseat ng kotseng gamit niya. Natigilan siya at nilingon saglit ang bahay.

Just a glance and a mix of memories rolled out at the back of her mind. There had been two deaths in that bungalow— the suicide of her uncle, Manuel, and Detective Brian's. Nagbaba siya saglit ng tingin. Sa palagay niya, hahayaan muna niyang trabahuin ng panahon ang paglimot sa mga nangyaring masalimuot sa lugar na ito.

Desidido na siyang umalis muna rito.

Sinara niya ang pinto at inokupa ang driver's seat. Before she started the car, she remembered something. Mabilis niyang dinampot ang cellphone na nasa dashboard.

Nagdadalawang-isip si Stacey kung ite-text ba si Renante o ano.

At this very moment, there were still a lot of things she was uncertain of. Kamusta na kaya sila Ka Olga? Si Mang Lito? Ang Tres Marias? Nakausap niya nitong nakaraan si Mary Grace sa cellphone, pero para sa ikapapalagay ng kanyang loob, gusto niyang bumisita sa mga ito sa susunod na weekend.

At sila ni Renante... Gaano katagal kaya siyang mamahalin nito?

Napatitig siya sa kawalan. Ganito pala ang feeling kapag na-reciprocate ang feelings mo. Natanggal man ang takot mo na hindi ka niya mahal, matatakot ka pa rin sa isiping gaano katagal ka niyang mamahalin. Matatakot ka pa rin sa isiping ikaw lang ba ang mamahalin niya? Matatakot ka sa isiping, baka may makilala siyang mas gusto niya at iwanan na lang bigla ng taong mahal mo. Matatakot ka na baka isang araw, hindi ka na niya mahal...

And the worst of it all was, she knew that if any of that happens, she and Renante would never ever be together again. This second chance is that now or never, that make it or break it.

Nakakatakot. Nakakatawang-isipin na hindi niya nakuhang matakot sa patay o sa stalker tulad ng ganitong klase ng takot na nararamdaman niya.

Napapitlag siya nang mag-vibrate ang cellphone. She gripped it tightly and read Renante's name on the screen. Sa segundong iyon, medyo nataranta siya, hindi malaman ang gagawin. Nagbuga siya ng hangin sa pagitan ng mga labi bago mas composed na sinagot ang tawag.

"Hello," she confidently greeted. "Renante?"

Hi, Stace. Good morning, masuyo nitong bati. How are you? Nag-almusal ka na?

Asus. Umagang-umaga, ganito ang bungad sa kanya ng binata. Pigil ang ngiti na napalingon na lang si Stacey sa katabing bintana.

Let's have breakfast at Elite building? Sa rooftop resto?

Pigil niya ang matawa. "Why all of a sudden? Hindi mo man lang ako tinanong nitong nakaraan kung available ba akong pumunta doon today."

I'm sorry, bahagyang pagtamlay ng boses nito. May lakad ka ba ngayong araw? Daan na lang siguro ako diyan.

Kainis. Bakit bigla siyang na-guilty?

"Fine. Daanan na lang kita sa resto na iyan, okay? Then, I'll leave immediately."

Where are you going today? Baka naghahanap ka ng kasama.

She shyly lowered her eyes. "I'm good. Maglilipat lang ako ng mga gamit sa... sa bago kong titirahan."

He was silent for a while. Aminado si Stacey na kinabahan siya sa pananahimik ng binata.

Sorry. I'm just shocked.

"Pasensya na hindi ko sinabi agad." Pinasya niyang haluan ng pang-aasar ang sagot dito. "Hindi pa naman kita boyfriend, no, para magpaalam ako sa iyo."

Alanganin ang tawa ng binata. I know. And I understand, Stace. I respect that.

Napangiti na lang siya. "At kahit maging boyfriend pa kita, I'll still make my own decisions, ha."

Nanunubok lang siya kaya pigil ang matawa.

Of course. Kahit naman kasal na tayo, you are still allowed to make your own decisions. Don't let me control your decision-making process, Stace. Isa pa, I trust you. I trust that you make good decisions.

She rolled her eyes, suppressing her wide smile while thinking, Hay. Nakakainis. Grabe naman. Kasal agad?

Lingid sa kanya ang pag ngiti-ngiti ni Renante sa kabilang linya habang pinapaikot-ikot sa daliri ang key ring kung nasaan ang susi at remote ng sasakyan nito. He was already descending the stairs of their house.

"Ano? Pupunta na ba tayo sa resto o... magbababad na lang tayo rito sa phone?"

He gently chuckled. The way the static transmit his voice made him sound thousand times sexier.

See you there, Stace. Pupunta na ako roon.

Nanlaki ang mga mata niya. Agad-agad? So, kanina pa handa ang lalaking ito?

"Okay! See you!" panlalaki ng mga mata niya bago tuluyang naputol ang tawag.

"God," nagmamadaling baba niya ng cellphone sa dashboard. Hindi mapakali ang mga kamay niya sa paghalungkat sa katabing shoulder bag.

She fumbled on every cosmetic item she could find and carefully adjusted the rearview mirror on top of the dashboard. Nang makita ang repleksyon, inisa-isa niya ang mga hawak.

"Oh, God. Oh, God," her wits flew out the window. Hindi na niya alam kung ano sa mga foundation, blush-on at lipstick ang uunahing i-apply.

Pagkatapos, nagmaneho agad siya papunta sa Elite building, tulad ng usapan nila ni Renante.

Her car slowed down by the parking lot. No way she was going to take the basement parking. Dito na lang siya paparada sa available na parking space sa tapat ng gusali. Pagbaba ng sasakyan, sumalubong sa kanya ang mainit-init na sikat ng araw. She checked the time on her phone— it was already 10 in the morning. Dala siguro ng pagod ni Renante sa trabaho kaya late na ito nagising para magyaya ng almusal.

At siyempre, kahit nakakain na siya ng almusal, pinaunlakan niya ito.

Wala, eh. Mahal niya si Renante, eh.

She smiled as she entered the building.

"Good morning, Miss Stacey," bati ng gwardiya kaya medyo nailang siya.

Stacey awkwardly smiled and mumbled good morning as she continued her strides.

Nasulyapan niya ang babaeng nasa receptionist area. Matamis ang ngiti nito sa kanya. Tila nakaabang sa kanya na pansinin ito kaya magalang na tumango nang magtama ang mga mata nila.

Naging tipid ang pag ngiti niya. Hindi lang siya sanay na ganito ka-warm ang welcome sa kanya ng ibang tao. Natigilan siya nang may pumailanlang na tugtog. It started with a romantic piano intro and chimes.

Her cheeks felt hot the moment a chorus of voices plead her not to go.

Pumindot na lang siya ng buton sa elevator. The singer was still begging her in falsetto to not go.

Mabilis na bumukas ang pinto ng elevator. Sumapa siya roon. Hindi pa nakakasara ang pinto nang sumalubong sa kanya ang mga litratong nakadikit sa bawat sulok ng pader niyon. She looked at the doors that closed behind her and saw more photos there. Hindi niya malaman kung saan unang titingin. Patuloy pa rin sa pagtugtog ang kanta na narinig niya sa lobby pa lang.

She could not help an emotional gasp upon realizing that it was her on the photos.

She and Renante.

Ang ilan sa mga litrato ay kuha pa noong highschool sila. Mayroon namang kuha nung college, tulad na lang nung magkakasama sila ni Kylie sa community service. May solo picture din niya noong nag-role play sila ng Annabel Lee. Naroon din ang litrato nila nung debut ni Sondra at ang mga party na pinuntahan nila. Karamihan sa mga iyon ay may kasama silang ibang tao. May mga stolen naman na natitiyempuhang silang dalawa lang ang focus ng camera. Pakiramdam niya, namumula na siya sa sobrang kahihiyan dahil karamihan sa mga stolen photos, huling-huli siya. Huling-huling nagnanakaw ng sulyap kay Renante.

And yet, her heart melted on some photos where she could see Renante paying attention to her while talking. May mga litratong sinadyang i-crop para silang dalawa lang ni Renante ang makikita roon. Maliban sa mga litrato, nadedekorasyunan din ang elevator ng mga puti at pink na bulaklak.

Tears were already rimming her eyes when the doors decided to slide open.

She breathed in deeply, recollecting her courage and composure before stepping out. Hindi niya inahan na sobra-sobra na pala ang panlalambot ng mga binti niya.

Damn, why was she even feeling like this?

The song went on, telling her to not go.

So she kept walking toward the restaurant. May nakaabang na sa kanyang waiter. Bukod sa uniporme nitong long-sleeved white polo na napapatungan ng itim na vest, may makikitang corsage na kulay pulang rosas sa bandang dibdib nito.

He stretched a hand, pointing her to walk in. Magalang siyang tumango, nangangapa sa kanyang paglakad papasok ng restaurant.

The restaurant was empty, yet it looked the same. Maayos na nakasalansan ang mga upuan doon, walang nagkalat na mga staff o waiter. Lalo siyang kinabahan hanggang sa napansin niya ang nakakalat na mga rose petals sa sahig. It made a trail for her to follow.

Dinala siya ng mga talulot sa bukas na entrada patungo sa labas ng restaurant, ang parte niyon kung saan malapit ang mga seats sa balkonahe. Sinalubong siya ng preskong hangin na pinatamis ng bango ng mga bulaklak. She gently brushed away some strands of her hair that touched her face and saw Renante standing in a distance. He stood there, simple in his washed-out jeans and black v-neck long-sleeved shirt. Maayos na nakahawi ang itim nitong buhok. May pagkabigla at paghanga sa mga mata nang masulyapan siya— Siya na naka-jeans lang ang tank top na puti, nakaladlad ang buhok at natatakpan ang noo ng bangs. She applied a subtle red lipstick and a brush of blush-on.

Hindi niya alam kung matatawa o maiiyak. Ngayon lang niya napagtanto na matagal na siyang malungkot at nag-iisa. Na wala pang gumagawa ng ganitong klase ng romantic gesture para sa kanya.

She felt her chest and looked around, seeing an arch of flowers that she needed to walk underneath to, just to meet Renante. Unang sulyap pa lang ng binata sa kanya, kumilos na agad ang mga paa nito para salubungin siya.

At ngayong nasa ilalim na sila ng arko ng mga bulaklak, ginala muli ni Stacey ang paligid.

"Mr. Villaluz, what is this?" hindi niya maitago ang pagkamangha sa paligid.

"You know what this is," he murmured softly.

Napalingon tuloy siya sa lalaki. Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila.

"I've been busy this week not just because of work, but also for this," paliwanag nito habang ginagagap ang mga kamay niya. "It was a little torturous, not seeing you through the weekdays. But seeing that smile on your face, made me feel it's all worth it.

What? Nakangiti pa rin siya?

Nagtaas-noo siya. Medyo sinungitan ito. "At saan mo nahagilap ang mga pictures dun sa elevator?"

"Siyempre sa mga kaibigan mo. I asked for copies."

Nag-iwas siya ng tingin mula sa binata.

"Tara," anyaya nito sa kanya sa mesang naghihintay para sa kanila. Nakalutang ang table set sa infinity pool na nasa bandang dulo ng parteng iyon ng restaurant. The infinity pool was safely walled by a thick, transparent glass, allowing the beautiful morning view of the city to reach their eyes.

Sumampa si Renante sa dulo ng pool nang pisilin niya ang kamay nito.

He turned to her with asking eyes.

"Ayokong mabasa itong suot ko..."

He chuckled. Inabot ng paa nito ang glass flooring at mahinang tinapik-tapik iyon. "Hear that? Glass flooring, Stace. There's nothing to worry about."

Namilog ang mga mata niya. Ibig sabihin, may nakapatong na glass flooring sa buong ibabaw ng infinity pool na iyon. Rose petals calmly swim about on its blue waters that gently waved beneath the flooring.

Maingat silang sumampa roon at pinaghila siya ng binata ng upuan para makaupo.

Pero hindi siya natinag sa kinatatayuan. Napalingon tuloy ito sa kanya.

"Stace?"

Pigil niya ang maluha. "This... This is really nice, Renante."

God, please, don't let my voice get shaky now...

He smiled. "You deserve not just nice things. But great ones. Next time, I'll—"

"This is great," she interrupted in a breath.

Medyo nagulat ito. Then he smiled.

"Sorry," nahihiyang baba niya ng tingin. "No one really treated me this special before, I—"

"No one, because it's me who's supposed to," he smiled at her.

And damn it. Magpapaligoy pa ba siya? She smiled back at him, teary eyed.

"So, please, don't leave, Stace."

"Leave?"

"Yeah," now there's his sad smile.

"I have to. Hindi ko pa kayang tumira doon sa bungalow. After seeing Brian's corpse there, I... I just don't want to be reminded of the stalker thing."

"Then, move somewhere near."

Gumusot ang noo niya. "Aba, siyempre."

"Siyempre?" naguluhan na rin ang lalaki.

"Oo. Sa malapit lang ako lilipat. I found this condo unit days ago and I did not think twice about buying it and processing it ASAP."

"Hindi ka pupunta sa malayo? Tulad ng Italy? O Rizal?"

Pinaningkitan na niya ito ng mga mata at pinamewangan. "What gave you that idea?"

Napatitig na lang sa kanya ang binata. He was so overwhelmed he could barely speak.

"Fear," he murmured.

"Fear?"

His eyes grew glossy. "Akala ko, malalayo ka na naman sa akin... I... I got scared... Damn!" iling nito, sapo ang noo. "I thought..." he turned to her and finally exploded. "You made me panic, okay? Like what I said before, I have always thought that you're the type of woman who leaves whenever she feels like it! At iyon na naman ang naramdaman ko nung sinabi mo kaninang aalis ka na naman! And what I learned from three years ago, when you left me, is that, I can't bear not having you in my life! I don't mind going through dangers untold over and over again, makasama lang kita! Just don't make me wait again! Because I can wait for anything but you. Yes, you are worth the wait, but I can't let the chance just pass me by, Stace." The long litany exhausted him. "I can't let you pass me by ever again..." tila nanghihina nitong pakiusap.

Sasagot sana siya pero hinablot siya ng binata sa mga braso.

She released a shocked sigh and lifted her eyes to meet his passionate gaze.

"I love you, Stace," kapos-hininga nitong deklara.

Lumukob ang kaba sa binata nang titigan lang niya ito. Nakikiusap ang mga mata nito na sana mapagbigyan.

"Prove it," she gently smiled.

It was as if a bomb exploded in front of him. He was shocked beyond words. Speechless and even stuttered as he asked, "T-Then... Then it's a date?"

She nodded happily.

"Oh..." he sighed in relief. "Yes. Yes. Yes!"

Natatawa na siya nang kinabig niRenante para yakapin ng mahigpit. Stacey gently rub her hand on his back,hugging him as well as she rested the side of head over his shoulder.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro