Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Sixty - Change of Plans

"GOD," mahinang bulong ni Stacey nang magising.

Renante did not leave any note for her but a text message. Hindi na raw nito inabala ang tulog niya para makapagpahinga siya ng mabuti. Stacey hissed as soon as the shower water hit her skin. Iniinda niya ngayon ang matinding pananakit ng mga muscle. Pagkatapos maligo, nadatnan na lang niya sa kusina ang isang pack ng fast food meal na pinadeliver ng binata. It was already two in the afternoon, making them less warm as they should be.

Tipid na napangiti na lang si Stacey. She popped them in the microwave to heat them a bit before eating.

Hindi niya alam ang iisipi mula sa mga nangyari kagabi.

I love you...

And her heart melted again the moment she heard Renante's voice in her head while saying that.

I love you.

Nasapo niya ang noo. Ito ba ang nararamdamang takot ni Renante noon sa kanya? Na paano kung nagsisinungaling siya rito? Paano kung may hindi totoo sa mga pinapakita niya sa binata?

Napapikit na lang siya. Ngayon nauunawaan na niya kung saan nanggagaling ang anumang pag-aalinlangan noon ng binata para sa kanya.

It was so scary... the idea of being lied at, the fact that there was a possibility for it...

Pero umamin na si Renante ng nararamdaman nito para sa kanya.

Shouldn't she be already happy?

"How can I be happy," mahina niyang usap sa sarili, "mas lalong gugulo ang buhay namin. Malalagay siya sa panganib... Siya o ako..."

Why would Renante do this very big risk?

Napailing siya. Because he loves you. Idiot.

Napabuntong-hininga na lang siya. There was another doorbell. Biglang umahon ang pagiging alerto niya. Stacey felt so defenseless all of a sudden. Napalunok siya at hinanda muna ang sarili bago matatag na nilisan ang dining table.

She felt fine in her pair of short-shorts and fitting shirt. Light and tightly clad material. Hindi siya mahihirapan sa suot na tumakbo o tumakas kung kinakailangan.

Pagbukas ng pinto, natanaw niya sa labas si Detective Orlando.

Pinatuloy niya ito, inalok ng maiinom pero tumanggi ang detective.

"Sandali lang ako rito, Ma'am," pormal nitong saad. "Para wala masyadong makahalata na involved tayo sa isa't isa kung sakaling minamanmanan ka ngayon ng stalker mo."

"Pero malamang, nakita na niya tayo sa police station."

"Don't worry, magpagkakamalan lang naman siguro ako na nagta-trabaho para sa pulisya. Hindi para sa inyo," prenteng upo nito sa sofa.

"O—kay," upo na lang siya sa solohang sofa at humarap siya ng pagkakaupo sa direksyon nito. "Ano ngayon ang pag-uusapan natin?"

She noticed that little microphone attached on his shirt's collar. Bit by bit, Stacey was getting used to it. Pinagkwento siya ng lalaki tungkol sa mga pinag-usapan nila ni Marty kagabi bago nito naisipang magpakamatay. Nang matapos, nanatiling walang emosyon sa mukha nito.

Sinipat nito ang dalang smartphone.

"Kaninang umaga, nagtanong-tanong ulit ako sa ospital. Mukhang normal naman daw si Marty makitungo o kumilos. It must be because he was already calmed when interviewed." Nagnakaw ito ng sulyap sa kanya. "Pero dahil may past records siya na may kinalaman sa obsessive behavior at depression, maga-undergo siya ng iba pang tests. Hanggang doon lang ang gustong i-provide ng mga nurse sa akin kahit pinakitaan ko na sila ng lisensya. Normal lang iyon kasi patient confidentiality na ang usapan dito. At hindi ko na pinakiusapan pa ang mga kamag-anak ni Marty na bigyan ako ng persmiso para ma-access ang records niya."

"Why not?"

"Kasi, tulad nga ng mga sinabi ni Detective Robert kahapon sa amin ni Sir Renante, nung college lang siya nang-stalk sa iyo. Na nagpapatunay na, ibang tao ang talagang hinahanap natin."

She crossed her legs. "Pero kilala ni Marty kung sino siya."

"How sure are you? Tulad ng sinabi mo kanina, tinanggi niyang kilala niya 'yung stalker."

"Then how would he know that there's another person stalking me?" kwestiyon niya rito.

"Well, tulad nga ng unang drafts ng reports ni Brian," he cleared his throat and looked at him with grave eyes, "kadalasan, may dalawang taong naka-hood na kumikilos para sa stalker. O marahil, isa sa kanila ang stalker mo. Or maybe both of them."

Her eyes narrowed.

"One of the two hooded persons could be Marty."

Napaisip siya.

"Pwede ring hindi," tuwid ni Orlando ng pagkakaupo. "Pwedeng puro utusan lang sila. At alam ni Marty na may stalker ka dahil 'yung mga utusan lang ang naka-engkwentro niya."

She leaned forward from her seat, out of interest. "May kopya ka nung CCTV na nakuhanan ang pagsira sa kotse ni Marty, 'di ba? Dalawang tao na nakahood ang gumawa niyon."

"Gayundin sa video ng kotse mo, nung sinira ng mga naka-hood na iyon."

Nanghihinang napasandal siya sa kinauupuan.

"Hindi basta-basta ang taong ito, Ma'am. Kaya niyang magbayad ng mga tao para gawin ang lahat ng ito. At isipin mo, nakumbinsi ng taong ito— o ng mga tao niya— si Marty na huwag sila isumbong."

"They only convinced Marty because he didn't want to be blamed for all of this," iwas niya ng tingin sa detective.

"Oo nga pala," angat muli ng mga mata ni Orlando mula sa cellphone na hawak pabalik sa kanya. "Mga ilang araw bago ang Mahal na Araw, nagtago ka sa probinsya?"

"How did you know?" he eyes narrowed at him.

"Magaling talaga ako sa trabaho ko, hindi ba, Ma'am?" taas ng sulok ng labi nito.

Napahalukipkip na lang siya. Oo, magaling kung magaling. Kaya siguro hindi siya komportable kay Detective Orlando. Dahil na-sense niya yata na may nakakainis itong yabang.

"Oo, lumuwas ako sa Rizal nitong nakaraan."

"Nung pumunta ka roon? Hindi man lang ba nagparamdam ang stalker sa iyo?"

Binalik niya ang mga mata rito. "Hindi."

"Walang mga texts o tawag? Mga emails? Mga sulat? Wala bang destruction of property na nangyari? O mga pagpatay?"

"Hindi ko alam ang tungkol sa pagpatay." Her tone was flat. "Sa tingin ko, nung Mahal na Araw nangyari ang pagpatay kay Brian bago iniwan ang bangkay niya sa mismong bahay na ito. Pero nung nasa Rizal ako, wala namang mga napahamak sa mga taong nakasalamuha ko roon."

"Sigurado ka ba?"

Natigilan siya. "W-What... What do you mean?"

"Nakamusta mo ba sila nung nakarating ka rito?"

Gimbal na hindi niya maapuhap ang sasabihin. "H-Hindi."

"Hindi. So, hindi ka sigurado kung—"

"Ang ginugulo lang naman ng stalker, o ng mga tauhan niya, eh, yung mga taong nakakasama ko. Tulad ni Marty noon. Tulad ni Detective Brian at Piccollo. Habang nasa Rizal ako, okay ang mga kasama ko roon. Wala silang nae-experience na hindi maganda o mga pananakot."

His eyes returned on his phone. Everytime he asks a new question, he would tap something on his phone first.

"Bakit hindi mo man lang sila na-contact o nakausap nung nakauwi ka na rito?" angat ulit nito ng tingin sa kanya.

"Nawala sa isip ko," pagod niyang sagot. "Kasi pagkarating na pagkarating ko rito, bangkay na ni Detective Brian ang bumungad sa akin."

Orlando politely nodded and tapped on his phone.

"Detective Orlando—"

"Yes, Ma'am," salo nito sa nag-aalala niyang mga mata.

"Okay lang ba sila? Sila Ka Olga? Si Mang Lito? Sila Mary Grace, Mary Jane at Mary Ann... Are they alright?"

"Siguro naman, ayos lang sila," kibit nito ng balikat. "Sa totoo lang, hindi ko pa alam. Aalamin natin iyan."

Lalo siyang kinabahan. "Bakit mo... Bakit mo natanong ang tungkol sa kanila? At kung nasundan ako ng stalker sa Rizal?"

He tapped on his cellphone.

"Kasi, kahapon, nung nasa biyahe kami ni Sir Renante para puntahan ka, nabanggit niya ang tungkol sa huling text ng stalker sa kanya," balik ng atensyon nito sa kanya. "Ang sabi nung stalker, alam niya kung nasaan ka."

"Kaya ba... kaya sinundan ako ni Renante sa Rizal?"

Hindi ba dahil iyon sa Tita Lola niya? Hindi ba dahil gusto niya mag-spend ng Mahal na Araw kasama sila?

"Oo. Buti na lang at may naikabit na tracking device si Detective Brian sa isa sa mga gamit mo. Kaya natunton ka niya. Nagkataon namang may kamag-anak daw doon si Sir Renante, kaya may naidahilan siya sa mga tao rito kung bakit mawawala siya sa Manila."

"He really did that for me..." mahina niyang bulong sa sarili.

"Paano kaya nalaman nung stalker na umalis ka rito sa Manila?"

Napatitig siya rito. "Hindi ko alam... Wala naman akong pinagsabihan."

"Kahit isa... wala kang pinagsabihan?"

Naghalungkat siya sa isip ng mga nangyari nung mga panahong naghahanda pa lang siya sa pag-alis ng Manila hanggang sa nakarating siya sa Rizal.

"Wala—" her words were interrupted by a thump.

Her heart thumped at remembering something.

"Meron!" bulalas niya kay Orlando. "Meron! Meron akong napagsabihan!"

Nakita niya ang interes sa mga mata ng detective. "Sino?"

"Si Aurora," baba niya ng tingin habang binabalikan ang mga nangyari. "Gusto raw niya akong kausapin, inaagaw ko raw si Renante sa kanya, hinamon ko siyang puntahan niya ako, sinend ko sa text ang address ko noon sa Rizal para ma-intimidate siya sa sobrang layo, para hindi na niya ako kulitin..."

Then she found Orlando's eyes.

"Pero imposibleng si Aurora ang may pakana ng lahat ng ito, Orlando. Hindi pa siya nakikilala ni Renante, pinoproblema na namin ang stalker na ito."

Walang sinagot ang lalaki, tumango-tango lang ito bago ini-tap muli ng daliri ang hawak na cellphone.

.

.

"THANKS, ORLANDO," pagtatapos ni Renante sa phone call bago siniksik sa back pocket ang cellphone.

He immediately left his room, dressed up casually as he descended the stairs. Hindi niya namalayang nakatulog na siya kanina pagkauwi dala ng sobrang pagod. Ang tawag na lang mula sa detective ngayong hapon ang gumising sa kanya.

His eyes easily detected Luz. Abala ang ina niya sa pagsipat ng mga bulaklak sa salas. It had been one of their mother's hobby to meticulously inspect those flowers, check which needed to be replaced and which needed fresh water in their vases.

Napalingon agad ang ginang sa kanyang presensya.

"Renante!" bati nito bago napalitan ng pagtatanong ang tingin sa kanya. "Gayak na gayak ka na naman."

"I'll just go and visit Aurora," paalam niya at aalis na sana.

Pero pinigilan siya ng boses ng ina. "Halika nga rito."

"Mom!" his eyes widened. "I'm in a hurry!"

She only gave him a bored yet scolding look. "Dumito ka muna sabi!"

He internally groaned. Parang maamong tupa na lumapit siya rito. "Yes, Mom?"

"Nalilito na ako, anak. Akala ko hindi na kayo nagde-date ni Aurora? At akala ko, kaya galit na galit ang Kuya Ronnie mo, dahil nauubos ang oras mo sa Stacey na ito at—"

"Mom," he remained calm and reassuringly squeezed Luz' shoulders, "just relax, okay? May itatanong lang ako kay Aurora."

"Oh? May itatanong lang pupuntahan mo pa ng personal?"

"Apparently, hindi nagco-connect ang tawag ko sa phone niya. Alright?"

"Then use the telephone!" talikod nito sa kanya para ituloy ang pagsipat sa mga bulaklak.

"Mom... Matanda na ako, alright? Hindi pwedeng hindi ako lalabas dahil ayaw niyo."

Matalim na tingin ang pinukol ni Luz sa kanya. "Ang problema kasi sa iyo, dito ka na nga ulit sa bahay nakatira pero parang hindi ka pa rin dito nakatira, anak! Panay ang alis mo na naman!"

Oh, he already get it. Renante gently smiled and planted a soft kiss on his mother's cheek.

"Mom, babawi ako soon, alright?"

Napipilitang tinaboy na siya nito. "Alright! Alright! Be sure you'll be here for dinner!"

"Mom..." may mahinang protesta sa kanyang tinig.

"What? After Aurora, si Stacey naman ang pupuntahan mong bata ka?"

He smiled sheepishly.

.

.

RENANTE WAS ALREADY DRIVING HIS CAR. He was supposed to give Kylie a visit today. Alinsunod iyon sa usapan nila ni Stacey, pero nagbago ang plano nang tawagan siya kanina ni Detective Orlando. Ayon sa lalaki, may posibilidad na may kinalaman si Aurora sa kinahaharap nilang kaso. Ito lang daw ang napagsabihan ni Stacey noon kung nasaan ito sa Rizal.

His car halted in front of the metal gates. Aurora, along with her family, lives in a handsome two-storey duplex mansion with several cars lined in the front yard.

Bumaba mula sa sariling sasakyan si Renante. Naghalo ang init at lamig sa haplos ng hangin habang nilalapitan niya ang malaking gate. Bumungad sa kanya ang gwardiya na nakabantay sa kabila niyon.

"Yes, Sir?" anito.

"Good evening. Nandiyan ba si Aurora Ejercito? Pakisabi, this is Renante Villaluz."

Surprisingly, he did not have any trouble getting into the mansion at all. Pagkatapos samahan ng guard sa pinto, sinalubong siya ng isa sa mga unipormadong katulong.

"This way ho, Sir," gabay nito sa kanya.

Nilagpasan nila ang magarbong salas para panhikin ang isa sa dalawang hiwalay na hagdanan na nagsasalubong na sa ikalawang palapag. The stairs only seemingly provided a space between them for the gold chandeliers. Pinagbuksan siya ng pinto ng katulong at nasulyapan niya mula sa loob ang isang kama.

Despite not liking where he was being led, Renante kept his agenda in mind. Hindi siya pwedeng umalis nang walang napapala rito kaya lakas-loob na tumuloy siya sa loob.

As soon as he stepped in, the maid gently closed the door behind him.

Binalik niya sa silid ang mga mata. Heavy cream colored curtains draped on the sliding doors of the terrace made of clear glass. There was something satin about the texture of the bedsheet and messy blanket on the bed. Gulo rin ang mga unan. Against the sole of his shoes was a soft furry carpet.

The ambience looked warm and sensual because of the peach colors that blended with the white curtains. Siyang labas ni Aurora mula sa banyo.

She suggestively posed on the door. Tinukod niya sa hamba niyon ang kamay at pailalim siyang tinitigan. Nakahanda na ang kamay nitong nakahawak sa pinagbuhulan ng nakatapis na tuwalya sa katawan nito.

Renante just gave her a bored look. "Sorry to interrupt you. I guess, I'll wait outside."

"Renante, wait!" biglang panic nito nang talikuran niya.

"I'm not looking until you get dressed," mahigpit niyang wika.

Nagdududang napatitig ito sa kanya.

"Come on, Renante," pang-aakit ng boses nito. "Isa lang naman ang ibig sabihin ng pagpunta mo rito. You missed me. And... gusto mo siguro makabawi dahil sa ginawa mo sa akin nung nakaraan..."

Hinarap niya ulit ito. He was not bothered with how she looked. He was more concerned of how other people in this house would interpret him seeing Aurora with only bath towel on— and in her own bedroom.

"My actual concern is your missing phone."

Tumaas ang isa nitong kilay. "How did you know that my phone is missing?"

"Dahil hindi mo nasasagot ang mga tawag ko."

"Hindi ba pwedeng, sinadya ko iyon pagkatapos ng ginawa mo sa akin?" panunumbat na ang nasa tinig ng babae. Inekis na rin nito ang mga braso, tila nawala na sa mood na akitin siya.

"I've already assessed you, Aurora. Your curiosity is heavier than your pride. Magtataka ka rin kung bakit ako tumatawag. Iyon ay kung natatanggap mo ang tawag ko."

Aurora let out a heavy sigh. "Fine!" suko nito. "Na-snatch ang phone ko. I went to a boutique's ribbon cutting event and all of a sudden, it's not in my pocket anymore."

His eyes narrowed. In-assume lang niyang nanakaw ang cellphone ng dalaga para hindi na ito makapagkaila pa sa kanya. At mukha namang hindi nito sinakyan lang ang ideyang iyon. She even tried to deny it at first.

"What about it?" usig ni Aurora sa kanya.

"Magbihis ka muna. And let's talk somewhere else na hindi tayo bibigyan ng malisya ng mga tao rito," tango niya sa dalaga bago lumabas ng silid.

Napapadyak na lang ito. Her mouth moved, cursing and screaming at him in muted fashion. Bago kinalma ang sarili.

"What does he want this time?" bulong nito habang pabalik sa banyo para magbihis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro