Chapter Sixteen - Why Are You Here?
STACEY WAS ALMOST STUMBLING ON HER STEPS. Sukbit niya ang bag habang bitbit ng kamay ang cardboard kung nasaan ang bagong design na ginawa niya. She hurried out of the house and locked the door.
Nang talikuran ang pinto, nagmamadaling sinuksok niya ang susi ng bahay sa bagong bukas na shoulder bag. She currently tucked the cardboard under her arm while stealing glances at Renante.
Maganda rin na kasama niya ngayon sa bahay ang lalaki. Hindi na niya kailangang magpa-book ng sasakyan papunta sa opisina. Nakaabang na sa kanya ang bukas na pinto ng sasakyan. Stacey immediately stepped in. Pinatong niya ang cardboard sa dashboard at kinandong ang shoulder bag. Nahigit niya ang paghinga nang yumuko ang binata para silipin siya.;
Hindi nakaligtas kay Stacey ang preskong amoy nito. His perfume was crisp, neat and minty. What made her heart stagger the more was the way he gallantly carried his outfit— a hugging pair of dark jeans and a black button-down shirt with sleeves folded in three-fourths.
"Yung susi ng gate?"
"Oh," yuko niya agad para hanapin iyon sa bag at iabot sa lalaki.
In exchange, he gave her the car keys. "Ilabas mo yung kotse, ako ang magla-lock sa gate."
Stacey nodded and closed the door. Lumipat siya sa driver's seat at nilabas ng bakuran ang sasakyan. Sinilip niya sa side mirror ang pagsara ng lalaki at pag-padlock doon. Then, he hurried toward the car. Nagmamadaling lumipat si Stacey sa katabing upuan.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki nang isara nito ang pinto. Buhay na ang makina ng sasakyan kaya pinausad na lang iyon ni Renante. Stacey kept her eyes on the road. Lingid sa kanya ang maikling pagsulyap ng binata sa kanya. She felt good about her white pencil skirt and a powerful red wrap-top. Nakaladlad pa ang buhok niya na medyo basa pa. Hindi na siya nakapag-blower dala ng pagmamadali.
She glanced at her rose gold wristwatch. Damn, she was already late.
"May appointments ka ba?" tanong ng binata sa kanya. "You look worried."
"Worried?" alertong ini-compose niya ang sarili. "No. I'm fine."
"I'm just asking. Kasi kung may alam kang shortcut, you better tell me already. Para mabilis kitang mahatid sa office."
Hinayaan niyang mamagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Dama niya ang nagtatakang sulyap ni Renante. Natagalan yata ito sa sagot niya.
"There's no shortcut," he concluded.
"Let's make one thing clear, Mr. Villaluz," pagseseryoso niya. "All of this is just to pacify your guilt, right?"
"Why ask me that?" pagbaba ng tono nito. Nasa kalsada na ang mga mata nito.
"Wala. Ayoko lang siguro umasa na may iba pang reason na ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin."
The silence was making the tension grow. Hindi na niya napigilang lingunin si Renante para basahin ang emosyon sa mukha nito. To her frustration, he was hard to read. His eyes were darkened to hide his mystery better. Tikom lang ang mga labi nito.
"Come on, Mr. Villaluz. I can take the truth," usig niya rito.
"You're right. Nagi-guilty lang ako sa ginawa ko sa iyo noon. Kaya ginagawa ko ang lahat ng ito."
That should put her at peace. Pero hindi pa rin siya mapalagay sa sinagot ng binata. Hindi siya makampante. Hindi siya kumbinsido.
O baka ayaw lang niya maniwala.
"Thank you," iwas niya ng tingin dito.
Hindi yata masakit ang umasa. Ang mas masakit ay 'yung alam mong wala talagang pag-asa.
Yes. She still loves him. Despite everything and all.
Stupid. So stupid.
.
.
STACEY WAS SITTING SIDE BY SIDE WITH YVONNE. Ang babaeng kausap niya ngayon ang production manager na gumagabay din sa mga mananahi ng kompanya niya. Nasa kalagitnaan sila ng diskusyon tungkol sa bago niyang disenyo nang mag-ring ang cellphone sa bag niya.
"Don't mind that," aniya sa babae at binalik ang tingin sa hawak na cardboard. "As you can see," dama ng daliri niya sa yarn na nakadikit doon, "ito sana ang gusto kong pattern ng pagkakahabi para sa bag. I am imagining a softer kind of material for this one. Pero matigas ang matibay 'yung loob ng bag. Leather material siguro tapos 'yung exterior niya, malambot hawakan." She leaned an arm on the table and faced Yvonne. "Ano ang masa-suggest mong material for this kind of design?"
There was a pause. Hindi kasi natapos-tapos ang pagri-ring ng cellphone niya.
Pinigilan niya ang mapabuntong-hininga. Kailangang composed pa rin siya sa harap ng kanyang kausap. Stacey just managed a smile for Yvonne.
"The call must be urgent," aniya rito. "You can study this," abot niya ng cardboard sa production manager, "and also ask our purchasing department for estimates para sa mga materials na naiisip mong bagay para sa design. Sana, after lunch, may ma-suggest ka sa akin na ideas."
"Sure, Ma'am," magalang nitong ngiti. "By 1 PM at kung available kayo, pwede niyo akong ipatawag, Ma'am."
"Great," her smile was almost a sigh of relief. "Thanks."
Tumayo na si Yvonne at nilisan ang silid bitbit ang cardboard. Nang puminid na ang pinto, at saka lang niya nilabas ang cellphone sa shoulder bag. Stacey shook her head before answering the call.
"Marty," malamig niyang salubong.
Hi, Stace... nanimbang pa ito. Nanatili siyang tahimik kaya napilitan ang lalaki na ituloy ang sasabihin. I'm sorry about what happened. Yung pagsugod ko sa'yo sa bahay mo nung nakaraan.
Tumango na lang siya, nanatiling seryoso ang mukha. "Apology accepted."
Ano naman kasi ang silbi kung hindi niya patatawarin si Marty? Nag-apology na naman yung tao. At wala siyang oras para entertain-in ang anumang damdamin para rito. Marami siyang mas dapat alalahanin sa ngayon.
I just called in case you're interested to meet me tonight. Baka kasi may maitulong ako sa problema mo.
Napaderetso siya ng upo. "You have already helped me enough. Natanggap ko ang attendance list na sinend mo sa akin."
Oo. Pero baka lang naman kailangan mo ng extra hand. Hindi mo naman siguro kayang maglaan ng buong oras mo para lang alamin kung sino ang stalker mo, 'di ba? I can spare some of my time to help you out—
"And why are you doing this?" her eyes narrowed. "As far as I remember, hindi naman tayo ganoon ka-close nung college."
Well...
Ah. Gets na niya.
"Because of Kylie?"
Hindi ito nakasagot agad.
"You think, helping me would give you better chances with Kylie, hm?" prangka niyang panghuhuli rito.
Stacey, look. I am really willing to help.
"Dahil kaibigan ako ni Kylie," matabang niyang wika.
Hay, kailan ba may ginawa ang mga tao na para lang sa kanya? Noon, pinagkatiwalaan siya ni Renante. Hinahatid siya pauwi kapag nalalasing sa mga clubs, dahil lang sa kasama niya si Sondra. Dahil si Sondra talaga ang gusto nitong sunduin at siguraduhing safe. Ngayon naman, gusto siyang tulungan ni Marty para lang makuha ang loob ni Kylie...
Hindi naman sa ganoon. Remember, may atraso rin sa akin iyang stalker mo.
Yeah, right. Nilason daw nito ang isa sa mga alagang aso ni Marty.
Napaisip siya. Alam ng stalker niya kung saan nakatira si Marty. Ibig sabihin, posibleng personal na kakilala ng binata kung sino man ang demonyong iyon.
Her heart pounded with excitement. It was the kind of excitement anyone would feel when they are having some kind of a milestone.
Kung ganoon kakilala ng stalker niya si Marty, ibig sabihin, magandang maging malapit nga siya sa binata.
Bahagyang gumanda ang mood niya. Umuusad ang misyon niyang makilala kung sino ang tao sa likod ng pagsira ng kotse niya at walang humpay na padala ng mga sulat at regalo noong college.
"Ite-text ko sa'yo ang address ng opisina ko. Hindi pa ako nakakabili ng bagong kotse so, sunduin mo na lang ako rito mamaya."
Sige, bakas sa boses ni Marty na nabuhayan ito ng loob. Hihintayin ko ang text mo, Stace. See you later.
.
.
KYLIE WAS COMBING HER HAIR IN FRONT OF THE DRESSER MIRROR. Napatitig ang dalaga sa sariling repleksyon pagkababa ng suklay. Then her cellphone vibrated. Inabot iyon ni Kylie at napasimangot agad nang mabasa ang caller ID.
See, she was only keeping Marty's number in her phone to know it's him who's calling. Para maiiwasan nito na sagutin ang tawag hanggang sa mapagod ang lalaki at tigilan si Kylie. Sinadya rin nito na i-vibrate mode ang cellphone dahil may mga pagkakataon na hindi talaga ito tinitigilan ni Marty hangga't hindi nasasagot ang tawag nito.
Biglang naalala ng dalaga si Stacey. Nung huling bisita kasi ni Marty, mukhang determinado ang lalaki na tulungan si Stacey mahuli ang stalker nito.
"Hello?" napipilitang sagot ni Kylie sa tawag.
Hi, Kylie!
Lalo itong kinabahan. Mukhang maganda ang mood ni Marty. "Napatawag ka?"
Gusto lang sana kitang yayain mamayang gabi. Free ka ba? I'm going to meet Stacey.
Her cute, baby face twisted slightly. "And why are you going to meet her?"
Sinabi ko naman sa iyo, eh. Tutulungan ko siyang mahuli ang stalker niya. That makes two of us in this mission. Ano? Sama ka na!
Marty was such an idiot. Palibhasa nerd kaya parang kulang ng adventure sa buhay at ginagamit ang problema ni Stacey para hindi tuluyang mabagot sa napaka-boring nitong buhay. Kylie was so disgusted at him. Such a creep. Akala yata ng lalaki, nasa Mission Impossible ito o isang James Bond movie. Parang hindi man lang natatakot para sa sitwasyon ni Stacey.
Then she remembered talking to Stacey at the café yesterday. Doon lang napasin ni Kylie ang pamumugto ng mga mata sa repleksyon nito sa salamin. Ngayon lang nakaligo ang dalaga dahil iyak ng iyak mula nung sabihan ni Stacey na lumayo rito.
Kylie understood that Stacey was only concerned about her safety.
What she was crying about was the fact that she was hurting her friend.
Unti-unting naaalala ni Kylie na ito na lang ang natitirang kaibigan ni Stacey. May hidwaan na ito at si Sondra. Tapos, kay Sondra pa kumampi sila Vernon. This is the time that Stacey needed her the most and yet... she was overcome by fear. Kylie feared for her own life... her own safety...
Pakiramdam ng dalaga, napakawalang-kwenta nitong kaibigan kay Stacey.
Come on, Kylie. Makakasama niyo naman ako ni Stacey. You have nothing to be scared of, as long as I am here.
Kylie just decided to disconnect the phone call.
.
.
INIP NA IN-ON ULIT NI STACEY ANG CELLPHONE. Walang text messages. In-on niya ang data at binuksan ang Messenger. Wala ring chat mula kay Marty. Napunta tuloy sa bintana ang mga mata niya. Madilim na. She was supposed to be able to clock out by six in the evening. Ayon sa oras sa cellphone niya, siyam na minuto na lang at alas-siyete na.
Napabuntong-hininga na lang tuloy si Stacey. Should she call Marty already?
Medyo sumigla siya nang makareceive ng text.
Galing iyon kay Marty.
Stace, otw na ako. Pasensya na kung ang tagal mong naghintay diyan. Alam mo naman, galing pa akong Tagaytay. Ang traffic na dito sa pa-SLEX.
Binaba niya ang cellphone. That idiot! Anong oras na, pa-SLEX pa lang ito?
Naiinis na talaga siya rito. Alam naman nitong alas-siyete sila sabay maghahapunan, anong oras na lumakad. She was already thinking about postponing the meet-up, but she changed her mind.
Kailangan niyang tiyagain itong si Marty. She reminded herself that her stalker knew Marty's new house. Iba na kasi ang tinitirahan ng lalaki sa bahay nito noong college pa lang sila. Her stalker knew that Marty has pet dogs. Her stalker knew which pet to poison to alarm Marty.
Ibig sabihin, kilala nito si Marty.
Kilalang-kilala.
Posibleng nabisita na rin nito ang bahay ni Marty o naimbitahan na roon.
Kaya kahit naiinis siya ngayon sa lalaki, kailangan niyang makalapit dito.
Nilisan ni Stacey ang opisina. Sa labas ng gusali na lang siya maghihintay.
Binati siya ng guard bago nakalabas sa main entrance at exit ng kompanya. Kaunting lakad lang at nasa tapat na siya ng guard post na nakabatian niya bago siya lumabas ng gate. Sinara ng gwardiya mula sa loob ang gate. Siyang pwesto ni Stacey sa kalapit na sementong bakod ng gate na iyon. From the outside, the company building looked more like a warehouse than a corporate building. Mataas ang sementong pader at highly secured. Walang built-in store ang kompanya niya dahil pagko-consignment delivery ang paraan nila ng pagbebenta.
She stood there waiting, watching a few cars pass by. Medyo tahimik kasi ang lokasyon ng kompanya niya. Nang may matanaw siyang sasakyan na pabagal ang takbo. She squinted her eyes, fighting the blaring headlights that hit a bit of her direction.
That idiot. Pinaglololoko yata ako ng Marty na iyon na pa-SLEX pa lang para pag-trip-an ako, eh.
Buhay pa rin ang makina ng sasakyan nang may bumaba mula sa shotgun seat. Palapit lang si Stacey nang matigilan sa pagbaba ng taong naka-maskarang puti. Maikli ang tabas ng buhok nito at malapit sa balingkinitan ang katawan. Halos nakasampay dito ang malaking hoodie habang nakatutok ang baril sa kanya.
Stacey gasped.
Ito rin 'yung hitsura nung mga nanira ng kotse niya sa CCTV video sa Elite building.
"Huwag kang tatakbo o matatamaan ka!" banta nito nang mapansin ang tangka niyang umatras.
Stacey grew fiery. "Oh, can't handle me? Kaya kailangan mo pa ng baril para mapilit akong sumama sa inyo?"
Nakatutok pa rin ang baril nito sa kanya nang pagbuksan siya ng pinto sa backseat ng kotse. "Sakay!"
"He—" naputol ng singhap niya ang tangkang paghingi ng saklolo nang mahablot ng kidnaper . Diniin nito ang nguso ng baril sa tagiliran niya.
"Subukan mong sumigaw at babarilin kita sa binti!" anas nito.
Boses lalaki.
She felt a hard lump on her throat. Halos kaladkarin na siya nito palapit sa sasakyan. Kailangan niyang pahirapan ang lalaki para makakain ng kaunting oras. Someone might come and be able to save her. Lingid sa kanya ang palapit na humaharurot na sasakyan.
It immediately halted beside the kidnapper's white car, tires screeching.
Siyang labas ng mga gwardya mula sa gate ng kanyang kompanya. Naalarma ang mga ito nang mapansin sa CCTV ang nangyayari sa kanya.
"Hoy!" sigaw ng isa sa mga gwardiya at tinutukan agad ng baril ang kidnapper niya.
Alertong hinila siya nito paharap sa mga gwardiya. "Subukan niyo! Masasaktan ito! Pwede naming barilin itong babaeng ito!"
Nanatiling nakatutok ang baril ng dalawang gwardiya sa kidnapper niya. Nakakawit na ang braso nito sa leeg niya, pasakal, habang nakadiin sa tagiliran niya ang baril.
They were slowly stepping back when someone pulled her kidnapper from behind. Hindi napaghandaan ng lalaki kaya napabitaw sa kanya at napaikot paharap sa humila rito. Renante's fist welcomed the kidnappers face, crunching against the plastic mask. Siguradong tumusok ang basag na plastic sa mukha nito dahil medyo dumugo. Sinundan ang suntok ng sunod-sunod na daing at mura ng napuruhang lalaki.. Renante withdrew his fist while hissing. Stacey was quick to take action. Kumawala agad siya sa kidnapper at pinalo ng hawak niyang shoulder bag ang kamay nito. Nabitawan tuloy ng mahilo-hilong kidnapper ang baril. Sammantala, palapit na ang mga gwardiya para hulihin ang kidnapper.
As the gun roughly slid on the ground, the car window opened. Nagpaputok ang kasamang driver ng kidnapper niya kaya napayuko ang mga gwardiya. Siyang hablot sa kanya ni Renante. He protectively hugged her, shielding her while the injured kidnapper took that as an opportunity to get inside the car. Sa bukas na pinto ng back seat na ito dumeretso, ni hindi na naisara ang pinto nang pinaharurot ng natatarantang driver. Nag-iwan pa ito ng ilang putok ng baril para makalayo-layo.
Every gunshot made her quiver. Nanatiling mulat ang mga mata ni Stacey, malakas ang loob sa kabila ng takot na baka may natamaan sa kanila. She didn't know they were already gone not until Renante loosened his arms around her.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. In her peripherap vision, Renante's eyes were on her face. But Stacey's looking over and past his shoulder. Tinanaw niya ang nakalayo nang sasakyan. The guards were still pointing their guns on the car while carefully stepping close to them.
Wala na siya sa loob. Ni hindi namamalayang nakatayo siya dahil inalalayan pa ni Renante sa mga siko. Kusang sumunod lang ang katawan niya habang nakatanaw pa rin sa malayo. Now, she could not see the car that had already swerved right.
Her lips shook but only for a minute. Hindi niya pwedeng hayaang magapi siya ng sindak.
"Ma'am, wala ho ba kayong tama ng baril?" kamusta agad ng isa sa mga gwardiya.
"Ipaharang niyo sila!" She did not expect to be blurting that all of a sudden. "Tumawag kayo sa gate ng subdivision! Make sure hindi sila makakatakas!"
Gulat na napatitig sa kanya ang gwardya.
"Ano? Go!"
Tumalima na ito at sinundan ng kasama pabalik sa loob ng gate.
Pipihit sana siya paharap sa mga ito para sundan nang maagapan ng mga braso ni Renante. He pulled her close, caged in his hold as he murmured.
"Stace, get yourself together—"
"I am calm!" she spat to his face as she turned to him.
Sumalubong sa kanya ang madilim na anyo ng lalaki. "How are we supposed to tell them which car to stop? Ni hindi natin alam 'yung place number nung sasakyan?!"
Medyo natigilan siya. Naguguluhang napatitig sa mga mata ng binata. "Wait. What are you doing here?"
"I was late," he sounded quite emotional, still carried away by the tone of their argument. "But I am meaning to drive you home with me. Alam kong wala kang kotse kaya susunduin sana kita."
"And you did not even tell me?"
"Because I know you'll say no!"
"And I have the right to say no. Right, Renante?!"
He released her from his hold. "Right," he replied in a pant, looking quite defeated.
Parang doon lang siya natauhan. Parang ang sama-sama niya dahil sa pagiging bastos sa pakikipag-usap dito. Nagmamagandang-loob lang naman ang lalaki na sunduin siya. Para ligtas siyang makauwi. Para hindi aksaya sa pamasahe o hindi time-consuming sa kakahanap ng mabu-book na sasakyan pauwi. Hindi ito nagsabi dahil totoo naman. Tatanggihan lang niya ito dala ng hiya. O ng pride niya.
His stare was only making her weak in the knees. Out of shame. Iniwas niya ang mga mata rito. Nagbaba siya ng tingin kaya napansin niya ang pagdurugo ng kamao nito. The broken plastic could have wounded his fist from punching the kidnapper with a mask on.
Nanghihinang humakbang siya palapit. Pakiramdam niya, unti-unti siyang nalulunod dahil sa ideyang tumatakbo ngayon sa utak niya. Hindi siya handang magpakumbaba dahil hindi naman siya ang may atraso. Pero dapat bang ganoon? Na kung sino ang nagkamali, ito lang ba ang dapat na nagpapakumbaba?
Stacey could feel her lips quivering as her shaky hands reached for his injured hand.
Renante flinched. Impulse made him jerk away his hand, but she was quick. Hinigpitan niya ang hawak sa bandang pulsuhan nito at hinila ang kamay ng lalaki para masipat iyon ng mabuti.
Dahil sa akin kaya nangyari ito, titig niya sa nagdudugo nitong kamao at ilang mga daliri.
"Umuwi na tayo," aniya, nasa kamay pa rin ng lalaki ang mga mata. "Gamutin natin ito."
As she lifted her eyes, she met his stare. For the first time, Stacey was able to see what he was really feeling. Naaninagan niya ang pag-aalinlangan sa mga mata nito na nahaluan ng pagtitis sa iniindang sakit. He seemed to be sucking in his breath through his teeth as his gaze softened.
"Ma'am," lapit sa kanila ng isa sa mgagwardiya.
Hawak pa rin ng dalawang kamay niya ang pulsuhan at ilalim ng kamay ni Renante nang lingunin ito.
"Nabigyan na namin ng head's up 'yung guard post ng subdivision. Gusto niyo ho bang dumeretso na sa police station para magreport? Kung sakaling naunahan nila tayo at nakalabas na ng subdivision, may mga CCTV naman tayo na pwedeng i-request para—"
Stacey managed a tired smile. "Pwede ho bang bukas na lang natin pag-usapan ito? Uuwi na lang ho muna siguro kami."
At saka lang napansin ng nagulat na gwardya ang kamao ni Renante.
"Pasensya na sa inasal ko kanina," tango ni Stacey dito. Naramdaman niya ang pagbawi ni Renante sa kamay nito kaya nag-aalalang napalingon siya sa lalaki.
She saw him walking toward his car. Naiwang bukas ang pinto niyon, bukas ang makina at bukas ang mga headlights. Renante obviously gone out of his wits and seemed to literally jump out of the car the moment he saw she was being kidnapped.
"Sige ho, Ma'am," wika ng gwardya. "Ingat ho sila sa pag-uwi."
Hindi niya ito nilingon. Nakatanaw pa rin siya kay Renante na huminto sa tapat ng bukas na pinto ng kotse. Napahawak ito sa sugatang kamao.
Nagmamadaling nilapitan niya ito.
They're going home.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro