Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Seventeen - Loosen up my buttons, Babe

DUMATING SILA STACEY AT RENANTE SA BAHAY. Dumaan pa sila sa malapit na ospital kaya may bandage na ang napuruhang kamay ng binata. Pagkasara ng pinto, hinatid niya sa sariling kwarto nito ang binata. He sat on the side of the bed, untied his shoes before taking them off. Sinampa nito ang mga paa sa kama at umusog. Aksidente nitong naitukod ang kamay sa kama kaya napadaing. Dali-dali siyang lumapit para alalayan itong makausog pagitna sa kama. Hindi na niya namalayang sumampa na rin siya sa kama at halos bakuran ng isang braso si Renante.

She turned to him, to see it from his face how he was feeling now.

At the closeness of their faces, Stacey found her insides somersaulting.

May mga pagkakataong nilalapit niya ang mukha sa mga kaibigan. Sa mga kausap. Sa mga nakakalandian noon sa bar na ginagawa niya sa pag-aakalang maalis niyon ang pagkagusto niya kay Renante. That happened obviously, because she came at some point that she got tired. Tao lang siya. Napapagod din siyang umasa lalo na't alam niyang si Sondra talaga ang gusto ni Renante.

Bumaba ang tingin niya sa suot nitong damit. Gusot na iyon. At mukhang hindi komportableng matulog nang naka-long sleeves ang binata.

"Ikuha ba kita ng pamalit?" presenta niya rito.

"Sige," mahina nitong sagot.

Why does it have to be overcoated with tension when they are together? Bakit para siyang balisa at nag-iinit ng sabay marinig lang ang tinig nito? Mailapit lang niya ng ganito ang mukha rito? Masulyapan lang niya ang matiim na mga mata ni Renante? Her heart pounded, and before she gets deaf, Stacey left the bed.

Nilapitan niya ang bag ni Renante na nakapatong sa isa sa mga drawers doon. Hindi pa kasi naglalabas ng mga gamit ang binata.

"Dito ba?" hawak niya sa bag sabay lingon kay Renante.

He stared at her heavily, cocked his head to the side. She was having this feeling that he was checking her out while her back was turned, facing his direction. Pinasadahan siya nito ng tingin bago sinalubong ang nag-aabang niyang mga mata. Damn, she felt stripped naked already.

"Oo," mainit nitong sagot.

Mainit? How could she describe the way he talked as... hot?

Umiwas siya agad ng tingin dito. Binuksan niya ang zipper ng bag at ilang piraso ng mga briefs at boxers ang bumungad.

God! hawi niya sa mga iyon para makahanap ng mas komportableng shirt.

She pulled one out after another. Pinipilian niya ito ng isusuot bago pinakita iyon kay Renante.

"This one?" tanong niya rito.

Nagtaas-noo ito, pinag-aralan ang hawak niyang itim na v-neck shirt. Lumipat ang mga mata nito sa kanya. Tumango.

Ewan kung ano ang nakakakaba. Iniwan niyang bukas ang bag at nilapitan agad si Renante. Hindi pa siya nakakalapit, niyuko na nito ang suot na polo para tanggalan ng butones. The closer she got, the more she could clearly see him struggling. His bandaged hand tried to hold the shirt in place, but it wasn't sufficient. Lumulukot ang mukha nito kapag dinidiin sa shirt ang naka-bandage na kamay.

Stacey sat on the side of the bed and carefully moved his hands away.

Wala siyang sinabi, pero tila nagkakaintindihan sila. Hinayaan ni Renante na siya na ang magbukas sa polo nito. Binilisan niya ang pagtanggal sa butones dahil parang pagpapawisan siya sa ginagawa. She started from the bottom, because she wanted her eyes to be far from glimpsing Renante's face as possible. Habang pataas ng pataas siya sa mga butones, paunti-unti ang paglantad ng balat ng lalaki. His slightly slouched sitting position made his flat stomach wrinkle a bit. She tried to hide how deep she sucked a breath when the middle of his chest finally appeared.

Napaangat siya ng tingin kaya napatingin din si Renante sa mga mata niya.

Her lips parted. After all these years, she still couldn't explain why it always felt this way when they are together. There is this tension that never wanes. This is not just emotional, because her body could even feel it. She was reluctant to look away, but she has to. Tinuloy na niya ang pagtanggal sa butones nito. Naramdaman niya ang malayang kamay ni Renante. Siyang bukas niya sa huling butones. Umalalay ito sa bewang niya, humila. At para siyang dahong nagpadala sa hangin. Umusog siya, sumunod kung saan ito ginagabayan ng kamay nito na puntahan. Nakasampa na siya sa kama, nakatukod ang mga palad sa dibdib nito. The skin of her palm touching his bare chest made her hands feel warm.

Sa pagsampa niya sa kama, humantong siya sa kandungan nito. Her legs positioned on Renante's sides as she glided closer to him, rubbing her crotch and ass against the top of his thighs. It was torturingly slow, the way they rubbed until she stopped and sat on his lap. Humagod ang kamay ni Renante sa kanyang bewang pataas sa gilid ng kanyang dibdib. Then he gently felt her breast before sliding up to her shoulder. Then it dropped to her arm.

Naihilig ni Stacey ang ulo bago napadpad ang namumungay na mga mata sa mga mata ni Renante. He reciprocated her gaze with a soldering depth, and she was instantly magnetized to gravitate closer. They say the body talks, and it is the loudest. Yes, it could be the loudest, but that doesn't mean it conveys the clearest message for being that loud.

Because right now, she could not understand why this is happening.

She closed her eyes and felt her lips against Renante's.

Umahon ang kaba sa kanyang dibdib. Itutulak ba siya nito palayo? Gigisingin ba siya nito mula sa mga delusyon niya? His hand found her back and moved to the small of her waist. Mas nilapit pa nito ang katawan niya rito, kasabay ng pagkilos ng mga labi nito.

Doon siya nakaramdam ng kalayaan. Sa kalagitnaan ng pag-iinit na nabubuhay sa kanyang katawan, uhaw siyang tumugon sa halik nito.

Damn his lips. So good. So delicious. She winced a bit and pulled back. He was already biting. His hand found her nape and brought her close to him again. They grew torrid with their kisses. Their smacking echoed in the room. Pigil niya ang paghinga habang nilalabanan ang halik ni Renante nang mas marahas pa sa binibigay nito sa kanya.

There was a couple of ringing, as if she was in a boxing ring, being called to stop.

Oh, no, she wouldn't. Inihilig niya ang ulo para mas idiin ang mga labi dito.

Renante moaned against her lips as he opened his mouth and splitted her lips apart with his tongue. Bumuwelo siya bago ito pinapasok sa kanyang bibig. He swirled around and massaged her tongue with his' while his hand freely clutched on her hair at the back of her head. Their heads moved in a rhythm that went along with the slow sensual kiss. Stacey pulled back, sucking his tongue while sliding it through her lips back and forth.

Then they stopped using their tongues. Muling nag-ipitan at nagkiskisan ang mga labi nila.

She felt him growing within his pants, so she began moving her hips, grinding against his hard-on.

"Ahh," dulas ng hininga nito kaya naghiwalay ang mga labi nila.

Stacey caught Renante's dark, hazy eyes.

She was alerted by the sound of the door bell.

So, the ringing was not an imagination. Gulat na napalingon siya sa pinto.

Tumunog ulit ang doorbell.

"Oh, no," tarantang alis niya sa kandungan ni Renante. Nakatayo na siya bago naisipang huminto para lingunin ito.

She felt so sorry seeing him left hanging like that- sexy dark messed up hair, reddish lips and his chest peeking between his unbuttoned polo.

"Titingnan ko kung sino ang nasa labas," paalam niya rito, kinakalma ang sarili bago lumabas at sinara ang pinto.

Stacey felt weak in the knees. Kailangan niya ang suporta ng pinto kaya sumandal muna siya roon para maghabol ng hininga. She felt the sides of her mouth slick with spit. Inabot niya ang dulo ng sleeve ng suot na blouse para punasan iyon. Thank God, she was wearing a non-smear lipstick. Then she placed a hand on her pounding chest.

Bakit ko ginawa iyon? Ako ang humalik sa kanya, nahilamos niya ng kamay ang mukha.

Bumalik siya sa reyalidad nang tumunog ulit ang doorbell.

Stacey composed herself and headed to the main door. Pagbukas niyon, tinanaw niya kung sino ang nasa gate.

Si Marty.

Napasinghap siya. Oo nga pala! Magkikita kami dapat ngayon!

Dala ng pagmamadali kaya naiwanan niyang bukas ang pinto. Pumunta siya agad sa gate at pinagbuksan ang lalaki.

Alanganin ang ngiti nito. "Hi, Stace. Sorry-"

"Sorry, sorry, sorry," akay niya sa lalaki papasok. "Nakalimutan ko. Magkikita nga pala tayo."

"You forgot?" nagtatakang lingon nito sa kanya habang papasok ng gate. "Eh kanina lang, tinatanong mo pa ako kung nasaan na ako banda."

That was before the attempted kidnapping happened.

Hindi niya nasara ang gate. Natigilan si Stacey at nilingon ito.

"Paano mo nalamang nandito na ako sa bahay?" salo niya sa mga mata ni Marty.

Nakaharap na ang lalaki sa kanya. "Eh, iyon ang sabi ng mga guard sa kompanya mo," nagtataka pero sinagot nito ang tanong niya. "Nabilinan mo yata sila na pupunta ako roon kaya sinabi nila na umuwi ka na raw kasi may nagtangka raw kumidnap sa'yo?"

Tumalikod siya saglit para isara ang gate. Then she accompanied Marty back to her house.

"Upo ka," alok ni Stacey bago sinara ang main door.

Nakaupo na ito nang okupahin niya ang upuang katapat ng sofa kung nasaan si Marty.

"What happened, Stacey? Buti na lang nakauwi ka," gusot ng mukha ni Marty.

She heavily sighed. "Thank God, dumating si Renante," tanaw niya sa kawalan. Napasandal na lang siya, nakatukod ang siko sa armrest ng solohang sofa habang pinipisil-pisil ang sariling sentido.

Napansin niyang hindi kumbinsido si Marty sa mga sinabi niya. Pero nilihim ni Stacey ang obserbasyon.

"That's weird. Imagine, napigilan ni Renante 'yung mga kikidnap sa iyo? All by himself?"

"No. Not really," paglilinaw niya. "Sa tapat ng kompanya ko nangyari, may CCTV ang mga guards kaya nakitang nagkagulo sa labas ng gate. Tumulong din sila."

Nabawasan na ang agam-agam sa mukha ni Marty. Tumango-tango ito at inayos ang salamin na medyo dumulas pababa sa ilong nito. His eyes found hers again.

"Sorry pala at late ako sa usapan natin. May mga last minute emergencies kasing nangyari sa work. They would not let me leave without explaining my business proposal. Imagine, kapapasa ko lang. They did not even set a meeting so I can prepare! Diretso ako sa conference room agad," Marty groaned.

"It's okay," tango niya.

Namayani ang katahimikan bago hindi nakatiis si Marty.

"Nasa kondisyon ka bang pag-usapan ang tungkol sa stalker mo?" paghina ng boses nito. "I understand if you want a break from it. Lalo na at... may ginawa na naman siyang hindi maganda."

Medyo nahihiya na tuloy siya kay Marty. He seemed really worried for her.

"Nag-dinner ka na ba? I'll prepare something for us to eat," pilit niyang ngiti rito.

"You are almost kidnapped! Paano mo nakukuhang ngumiti at ipagluluto mo pa tayo ng hapunan?" napasandal ito sa kinauupuan. He was filled with bewilderment.

Mahina siyang natawa. "I can't stop living my life nang dahil lang sa stalker ko, 'di ba?" tayo niya mula sa sofa. "I'll go prepare something for us to eat." Paalis na siya nang muling lingunin si Marty. "Can I ask a favor, Marty?"

Kumunot ang noo nito. "What is it?"

Tinuro ng mga mata niya ang pinto ng kwarto na ginagamit ni Renante. "Na-injure ang kamay ni Renante, kaya hirap iyon kumilos nang isang kamay lang ang gamit. Can you help him wear his shirt?"

Tumayo agad si Marty. "S-Sige," may pag-aalangan man, pumayag pa rin ang lalaki.

"Thanks," she smiled and headed to the kitchen.

.

.

TUMAYO NA SI STACEY. Nagmamadaling umalis si Renante mula sa pananainga sa kaunting siwang na ginawa niya sa pinto. Bumalik siya ng upo sa gilid ng kama.

That's weird. Imagine, napigilan ni Renante 'yung mga kikidnap sa iyo? All by himself?naalala niyang sabi ni Marty kay Stacey kanina.

Fuck him, his jaws tensed, eyes glared. Pinagsususpetsahan na yata ako ng Marty na iyon.

Hinanap ng mga mata ni Renante ang cellphone. Saan nga ba iyon naipatong ng lalaki?

I need to do something about that bastard.

Umusog siya ng upo, palapit sa night table. Pagbukas ng drawer niyon, wala roon ang cellphone niya. He froze a bit when someone knocked on the door. Paglingon niya, tinulak na iyon pabukas ni Marty. Nakasilip ang lalaki sa kanya.

"Ey, Renante," bati nito. Marty gave him a nod up.

Renante nodded up in return. Kinuha iyong senyales ni Marty para pumasok sa kwarto. Gumala pa ang mga mata nito sa paligid. "Wow, nagpe-paint ka, Renante?"

"Hindi ko kwarto ito," mabigat niyang sagot. "Pinagamit lang sa akin ni Stacey."

Marty just nodded, still looking around while walking toward him. Sinara ni Renante ang drawer. Siyang upo ni Marty malapit sa kanya. Sinisipat na nito ang nakabenda niyang kamay.

"Shit. Anong nangyari sa kamay mo? Grabe naman yata ang injury mo?"

Renante glanced at his bandage. "Sa mukha ko nasuntok 'yung kidnapper. Gawa siya sa matigas na plastic, so..." he shrugged.

Marty sucked a breath through his teeth. "Damn. Ang tapang mo rin, no?"

Sinalo ni Renante ang tingin ng kausap.

"Linawin mo nga, Renante. Pinopormahan mo si Stace, no?" nanunukso bigla ang ngisi nito. "I mean, come on, you're so obvious!"

"And what about it?" paniningkit ng mga mata niya rito.

Napakibit-balikat lang ang binata. "Wala naman. Mabuti nang alam ko, kasi paano kung ikaw 'yung stalker niya?"

Lalong naningkit ang mga mata ni Renante. Marty released a nervous laugh.

"Is that too forward? Sorry, I didn't mean to offend you. At paano namang ikaw ang magiging stalker niya? Eh tingnan mo nga iyang nangyari sa kamay mo, maipagtanggol mo lang si Stacey."

"Hindi mo ba gagawin iyon para sa taong mahalaga sa iyo?" mabigat niyang tanong dito.

He could see that Marty was growing restless, not knowing how to handle him when he's beginning to become dead serious and intense.

"Siyempre, gagawin ko!" sagot nito.

Dinampot niya ang t-shirt na naiwan ni Stacey sa kama niya at binato iyon kay Marty. Bumagsak iyon sa kandungan ng lalaki.

"Tulungan mo akongmagbihis," anas niya rito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro