Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen - Told U So

SOMETIMES IT IS MUCH BETTER TO NOT ASK QUESTIONS. Hangga't aware silang dalawa kung bakit sila magkasama at para saan ang pagtira ni Renante sa bahay niya, tama na iyon para kay Stacey. Sapat na iyong dahilan para huwag na siyang mag-assume pa ng kung anu-ano.

The sex it wasn't not just an expression of love. Sometimes, it is a therapy, a stress-reliever... a conditioning kind of activity? Now she was questioning if it really mattered why people have sex with each other...

Of course, it should matter but life is full of contradiction and situational-basis scenarios...

Nilingon ni Stacey si Renante nang ma-realize iyon.

May natutunan na naman ako sa iyo, her eyes softly laid on Renante's face. At may iniwan ka na namang mga tanong sa akin, Renante.

He was already calm and peacefully sleeping.

Nanakit man ang katawan, pinilit niyang makabangon. Tinanggal niya ang braso nito na nakayakap sa kanya bago bumaba ng kama. Hinahanap niya ang mga damit nang mapansin sa night table ang cellphone ni Renante. Dinampot niya iyon at in-on. Bumungad sa kanya ang kulay itim na wallpaper. That's it. Just a black-colored wallpaper without any design or whatsoever. She shrugged and looked at the clock on display.

Alas-singko na! panic niya kaya binaba iyon at nagmadaling nagbihis.

Mahimbing pa rin ang tulog ng lalaki nang sumilip siya sa labas. Pigil pa rin niya ang paghinga.

Wala si Marty. Good.

Maingat siyang lumabas at sinara ang pinto ng kwarto ni Renante. Tumingin ulit siya sa paligid.

Tahimik. Sobrang tahimik.

Doon niya pinakawalan ang pinigilang paghinga. Dali-dali siyang pumasok sa sariling kwarto. Stacey had a long hot shower before dressing up to a high necked sleeveless dress. Puting-puti iyon. Bumagay ang contrast sa pagkakapula ng may lipstick niyang mga labi. Naggayak na siya dahil alanganing oras na. Magbu-book pa siya ng sasakyan dahil hindi siya mahahatid ni Renante. She also haven't bought a new car yet. Magte-take out na lang din siya ng pagkain. Sa office na lang siya kakain.

Naglagay siya ng kaunting make-up at nag-spray ng pabango.

Stacey stared at her own reflection.

"Bakit hindi ka na-in love sa akin, Renante?" kuwestiyon niya. "Maganda naman ako, ah?"

Napalabi siya. Hay, ewan.

Nilisan niya ang dresser at inayos ang mga gabi sa gagamitin niyang shoulder bag. As she opened the door, she remembered Marty.

God. Nakalimutan ko na naman si Marty, isip niya habang papunta sa kwartong ginagamit nito. Hindi naman ako pwedeng mag-luto nang ganito na ang suot.

Kinatok niya ang kwarto. "Marty?" Tumigil siya at naghintay ng response. Wala pa rin kaya kinulit niya ito ng pangangatok. "Marty! Marty?"

Nakahinga lang siya ng maluwag nang bumukas na ang pinto. Bumungad ang pupungas-pungas na binata.

"Oh, Stacey?" gulat nitong bungad at napahikab pa.

Bagot na tingin ang tinapon niya rito. "Hoy, Marty. Anong oras na. Alas-sais na. Ayaw mo naman sigurong ma-traffic pabalik ng Tagaytay."

"Ah, yes," antok nitong sandal sa hamba ng pinto.

Naekis niya ang mga braso. "Nagpuyat ka ba?"

Inayos nito ang suot na salamin. "Ako? Ah... Hindi. Hindi naman."

Parang inaantok ka pa kasi, paniningkit saglit ng mga mata niya rito. Stacey composed herself. "Get ready to go. Kasi aalis na ako para pumunta ng office."

"Si Renante?" tanong nito.

Paano ba niya ipapaliwanag na nakatira rito si Renante? Hindi pa nga pala niya nababanggit iyon kay Marty. Pero kailangan ba?

"Huwag mo nang pakialamanan yung tao. Asikasuhin mo muna iyang sarili mo, okay?" she smiled at him.

Matamlay ang ngiti nito, dala ng antok bago tumango. "Okay. mabilis lang ako." Pabalik na ito sa loob nang mapalingon sa kanya. "Stace!"

Naantala ang balak niyang umalis. "Hm?"

"Sira ang kotse mo, 'di ba? Pwede kitang ihatid sa work mo bago ako dumiretso sa Tagaytay."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Eh 'di lalo kang na-late?"

"Eh, sabi mo nga, six AM na. Late na rin ako makakapasok sa trabaho kaya hayaan mo na akong ihatid ka."

She shrugged, a little uncertain. "Well..."

"Para mapag-usapan na rin natin ang tungkol sa stalker mo."

That was the main reason why Marty went all the way here, right? Medyo na-guilty tuloy siya kasi parang mapupunta pa sa wala ang pagparito ng lalaki kung hindi siya magpapahatid dito.

"Good. Sige. Ihatid mo ako sa work."

He politely smiled and returned to close the door.

Umupo siya sa sofa at matiyagang hinintay ang lalaki. Sumulpot din ito agad, dala na ang bag. Bagong toothbrush at hilamos na rin. She didn't mind Marty not taking a bath. Wala naman yata kasi itong baong pambihis.

Lumabas na sila ng bahay. Maliit lang ang bakuran kaya halos sakop na iyon ng kotse ni Renante. Kaya naman, lumabas pa sila ng gate para mapuntahan ang kotse ni Marty. Palapit pa lang ng gate, natanaw na nilang may kakaiba sa kotse nito. Naglakad-takbo sila para tingnan agad.

Napasinghap siya nang makita ang kalunos-lunos na dinanas ng kotse ni Marty. Akala niya babagsak sa matinding panlalambot ng mga binti. But she remained composed. Hindi mahahalata sa mukha ni Stacey ang kaba o sindak.

Hindi naman makaimik si Marty. His eyes almost bulged out its sockets, his mouth dropped open as he walked around his car. Hindi nito maitago ang pagkabigla at malaking dismaya.

The car already has scratches, broken windows and side mirrors. Someone spray painted Told U So on the windshield in bright red. Flat ang mga gulong na sinadyang butasin.

Habang nagpapanic si Marty at hindi malaman ang gagawin, inikot niya ang paningin sa paligid. CCTV. She was looking for CCTV cameras. Mayroon sa malapit na poste. Mayroon sa katapat na poste. Stacey did her best to slow down her breathing.

Bumalik ang mga mata niya kay Marty. Kulang na lang yata, maiyak ang lalaki.

She was here terribly sorry.

"We need to call the police," hablot nito sa mga braso niya. "You hear me, Stacey? We need to call the police!"

Tinulak niya ito palayo. "Calm down, will you? Kalalaki mong tao!"

"Ano ba ang kasalanan ko?" medyo nagtaas na ito ng boses. "Bakit hindi kotse ni Renante ang tirahin niyang stalker mo? Wala namang namamagitan sa atin! I am just helping you and nothing else!"

"Malamang, hindi madadamay ang kotse ni Renante!" Tinampal niya ito ng katotohanan. "Nasa loob ng gate, 'di ba, Marty?" turo niya sa likuran.

Napailing-iling ito. Pabalik-balik ang lakad sa harap ng kotse nito.

"Look. I'll pay, okay? This is my fault. I'll have your car repaired—"

"Look at it!" turo ng nakalahad na kamay nito sa sasakyan. "This is beyond repair!"

.

.

BUMUSANGOT ANG MUKHA NI RENANTE. Napilitan siyang dumilat. Pinunasan ng palad ang mukha bago umupo. He turned and found no one on the other side of the bed. Hinagilap niya agad ang cellphone at tsinek ang oras.

"Shit," he muttered, leaving the bed.

That's when he realized he was stark naked. Naghanap sa sahig ang mga mata niya nang makita sa paanan ng kama ang mga hinubad niyang damit. Nakatiklop na ang mga iyon. He cocked his head to the side.

Typical Stacey, yuko niya para isa-isahin ang dampot sa mga damit pag nasuot na ang isa.

Yes. It was so typical of Stacey to do little things like that. He used to trust her when it comes to Sondra. May pagka-maternal kasi si Stacey. Overprotective. Kayang makipagbangayan sa kahit sinong nang-aapi sa mga kaibigan nito. Laging tsinetsek ang mga kasama nito kung okay lang ba sila. Among Sondra's friends, it was Stacey would always notice him, make him feel not out of place. Lalo na at si Sondra lang naman ang kaibigan niya sa kanila.

Nakapagbihis na siya at sinipat ang nakabendang kamay. It was stinging a bit. Napwersa niya yata dahil pinangtukod kagabi. Kailangan niyang magkontrol-kontrol kung gusto niyang gumaling agad.

"Come on, Marty!" pang-aaway ni Stacey sa kausap nito sa labas.

Naalala na niya kung bakit siya nagising. Maingay sa labas. Nagmamadaling pinuntahan niya ang mga ito. Abala si Marty sa cellphone nito, iniiwasan si Stacey na panay ang harang dito.

"You can't just back out," pagbaba ng boses ng dalaga. "I believe you can really help me."

"What's going on here?" pakikisali niya kaya napalingon ang dalawa sa kanya.

He appeared in front of them in his jet black tousled hair, v-neck shirt and loose boxer shorts.

Marty just rolled his eyes and continued with using his phone. Mabibigat ang mga hakbang na sinugod niya ito. Hinablot niya ang lalaki sa balikat at pinuwersang harapin siya. Marty gave him a shove that created their distance.

"Anong ginawa mo?" anas niya rito.

"Ako?" he scoffed. "That's right. Ano nga ba ang ginawa ko at parang sa akin ang bagsak ng lahat ng kamalasan!"

Nilipat niya ang tingin kay Stacey. Mas maganda pang kausap ang babae kaysa sa lalaking ito.

Wala pa siyang sinasabi pero parang naiintindihan nito ang gusto niyang itanong.

"Yung kotse ni Marty," matatag ang boses nito, pero puno ng pag-aalala ang mga mata.

Just seeing how it affected Stacey already made him highly concerned. Yet, shadows began forming on his handsome face. Bumalik ang tingin niya kay Marty.

"Someone ruined your car?" kalmadong tanong niya rito.

Matalim ang tingin ni Marty sa kanya. "Yes. I'm booking a car. Uuwi na ako sa Tagaytay."

"What about your car? Hindi mo ipapa-tow?"

"I—" singit ni Stacey sa pag-uusap nila, "I've already done that."

Lalo siyang hindi napalagay.

"I'm having it repaired. It's my fault kaya..." hindi nito tinuloy ang sasabihin nang paningkitan niya ito ng mga mata. Again, she seemed to get what his every action meant.

He coldly faced Marty, who was already done with his phone yet kept on checking and glancing at it.

"Let's check your car," anyaya niya rito.

"Why?" pagdududa ng lalaki sa kanya.

"Mainit ang mata sa'yo ng stalker ni Stacey. I figured that's a good thing."

"A good thing?" histerikal nito. "A good thing? Fuck you, Renante Villaluz! First, Petchie! Then a threat! Then my car! Ano na ang susunod? Ako? Gusto mong patayin na ako sa susunod ng kung sinong demonyo ang obsessed dito?" turo nito kay Stacey.

Tinampal niya agad ang kamay ni Marty. "Don't you dare, point at her like that," he hissed when Marty was about to attack him or something for what he did.

Nagtitimping umatras na lang ito. Nanunukat ang tingin ng lalaki sa kanya.

"It's a good thing, kasi ikaw lang pala ang pain na kailangan namin para ma-track ang stalker niya." He was cool again, and still unfazed. "Keep being around Stacey and you'll piss him more. Hindi rin makakatiis iyon at baka mapilitang magpakita. Or maybe, he might mess up on one of his attempts to scare you."

"So you're thinking of turning me into a Shaggy and Scooby Doo? Pang-pain sa stalker ni Stacey?" hindi makapaniwalang bulalas ni Marty.

Renante's grin was wicked. "Yes," aniya bago nilagpasan ang lalaki.

Stacey was digesting everything he said. She was quiet and strategizing.

"Tara na, Marty. Tingnan natin ang kotse mo," aniya habang tuloy-tuloy ang labas sa pinto.

Marty let out a frustrated groan. Napipilitang sumunod ito sa kanya sa labas.

Hindi pa dumarating ang magto-tow sa sasakyan ni Marty kaya naroon pa iyon nang lumabas siya ng gate. Inikutan ni Renante ang sasakyan. Sinikap niyang inspeksyunin iyon ng mabuti bago huminto sa harap nito. Binasa niya ulit ang ini-spray paint doon na Told U So.

"Told U So," banggit niya rito sa nakasulat sa windshield ng kotse. "Para saan iyang Told U So na iyan?" lingon niya kay Marty.

Nakatayo na ito sa tabi niya. He tsk-tsked, shaking his head a bit in great disappointment. Kung maka-react ang katabi niya, parang iyon ang una at huli nitong kotse na maa-afford. Hinayang na hinayang kasi.

"Marty," usig niya rito.

Napabuntong-hininga ito. "I am supposed to have a meeting with Stacey last night, right?" panimula nito. "Dahil nakatanggap na naman ako ng text galing sa stalker niya."

Nilahad niya ang kamay. "Let me see."

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. "At bakit?"

Hinarap niya ito. "Bakit hindi?"

Tinitigan siya ni Marty. Nananantya bago mahinang tumugon.

"I don't trust you, Renante."

"Oh, great," sarkastikong kibit niya ng balikat. He faked a sigh. "Don't tell me the rivalry for Cum Laude is still alive. Ang pagkakatanda ko, grumaduate na tayo at ikaw ang nanalo."

"Fuck you, that's not it," Marty hissed at him, growing serious as they share a stare-off match. "I just don't trust you."

Istupidong lalaki. Kung wala itong tiwala sa kanya, dapat hindi nito pinapaalam iyon sa kanya, 'di ba?

He gave Marty a bored look. "Why not?"

Tinitigan lang siya nito. Umiwas din ng tingin si Marty.

Okay. I take it back. He's still using his brain. Worse, he's making me more nervous because he doesn't trust me and he doesn't want to show me what the stalker texted to him.

Pinanood lang niya ang pag ikot ni Marty sa nasira nitong sasakyan.

But one thing is for sure, tanaw pa rin ni Renante dito. He was given a warning by that stalker.

Nalingunan niya si Stacey sa gate. Lumabas ito at tumayo sa tabi niya. Nakatanaw din ito kay Marty. Kahit ilihim pa ng babae, nararamdaman niya na sobra-sobrang nahihiya ito kay Marty dahil sa nangyari. She was caught off-guard when he placed an arm around her shoulders. Kinabig niya ito para mapasandal sa kanya habang nakaakbay siya rito.

Gulat na nag-angat ito ng tingin sa kanya. He should not catch her gaze. Baka kung saan sila mapunta.

"May tinext daw yung stalker mo kay Marty," wika niya sa mababang tinig para hindi marinig ni Marty. "Iyon daw ang pag-uusapan niyo dapat kagabi. Alamin mo na kung ano. Ayaw niyang sabihin sa akin, eh."

Naramdaman niya ang unti-unting paglayo ni Stacey. Nanghihinayang man, binaba niya ang nakaakbay na braso dito.

"Renante."

Strange. Her voice was small now. He turned to check immediately. Stacey's eyes were glossy. The way her lips tightly shut just showed how hard she was trying to suppress her emotions. Hindi ba ito nahihirapan sa ginagawa? Stacey had been doing this for years. Since he first met her. And maybe even before they've met, she had been torturing herself this way— bottling her feelings just to make herself look strong and independent.

"Ayokong matulad ka rin kay Marty," halos kapos ang hininga nito habang nakatitig ngayon sa mga mata niya.

"Ako matutulad kay Marty?" he scoffed then stole a glance at Marty. Sapo na nito ang ulo at pailing-iling na naman. "That guy? How come?" mahina niyang tawa. "Marami akong pambili ng kotse. I won't be acting like that just for a car."

Biglang sumimangot si Stacey. Kita sa mukha nito ang pinaghalong nakornihan at nadismayang reaksyon. Nakita niya iyon nang ibalik ang tingin sa dalaga kaya sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

"Nakuha mo pa talagang magbiro ng ganyan," gigil na kurot nito sa kanya.

"Aray," nilalabanan niya ang tawa pero mas lalong sumisirit ang mahinang bungisngis sa mga labi niya.

"Alam mo, ang matapobre mo! At ayusin mo iyang sense of humor mo!" panenermon na nito. "Bakit ganyan ka? Nagjo-joke ka sa ganitong klase ng mga bagay? At malay mo, may sentimental value yung kotse kaya ganyan mag-react si Marty!"

Naguguluhang napatingin sa direksyon nila si Marty, walang kamuwang-muwang.

"What can I say," he coolly shrugged, just smiling now, "statistics claim that when you're good looking, you have the worst sense of humor."

"Statistics? Anong statistics naman iyan?" pangongontra na naman ni Stacey. "Imbento mo?"

Ah, bahala na si Stacey. Basta siya, babalik na sa loob ng bahay. Papunta na si Renante sa gate.

"Renante!" galit nitong tawag pero hindi niya na ito nilingon pa.

Napailing na lang si Stacey habang pinapanood ang paglayo niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro