Chapter Four - See You Again
NAKAUPO NA SI STACEY SA TABI NI RENANTE. Habang nagmamaneho ang lalaki, doon na natuloy ang pag-uusap nila.
"All you have to do is answer my question. Bakit ka umalis nang walang paalam?" sumulyap ito saglit sa kanya bago tinutok ulit ang mga mata sa daan.
"Because we argue all the time! I can't live in that kind of negativity!" she seethed. "And you don't respect me. I'm just a tool to you. I'm just your outlet. Your sexual outlet," she scoffed to blow away the strain attempting to blend with her voice. "Nagtataka ka pa kung bakit umalis ako ng walang paalam sa iyo?"
"See? You could've just said that!" he blurted, waving a hand out of his emotions. "Eh 'di hindi tayo nagdidiskusyon ngayon ng ganito!"
'Di ba? Wala ring kwenta? Kahit magpaalam siya, hindi naman siya pipigilan ng Renanteng ito na umalis?
Tumanaw na lang siya sa katabing bintana.
The tension was heating up the car, the air felt too thick for Stacey to breathe in.
She heard Renante's sigh. "You wasted my three years."
"Ako pa?" lingon niya rito, pigil ang maluha sa narinig. "What about me? You wasted my whole life!"
"I did?" salubong ng mga kilay nito. "It's your choice to keep your feelings for me a secret, Stacey. It's your choice to focus on me kahit alam mong may iba na akong gusto. It's you who came back to me and let me use you after the first night something happened to us! So it's you who wasted your whole life!"
"Kaya ayokong makausap ka, eh—" iwas niya ng tingin dito, putol niya agad sa sasabihin bago pa gumaralgal ang boses niya.
Yeah, she was this tough one, but when it comes to Renante, she easily crumbles like a sandcastle. His every word is a slap of water on the shore that dissolves her with just a single touch.
"Dahil ano? Nasasaktan ka?" lingon nito sa kanya. "Ayaw mong malaman ang katotohanan?"
"You know what?" lunok niya ng hininga, bukas niya sa hawak na pouch. "Magbabasa na lang ako rito." Hinagilap niya mula sa naghalo-halong mga wallet at cosmetics ang mga sulat na natanggap kanina sa palabunutan.
"Yeah, right. There you go again with your excuses," Renante muttered.
Binaba niya ang hawak para lingunin ang lalaki. "What excuses?" she hissed while tucking a hairstrand at the back of her ear, immediately pulling herself together.
Nanatiling matigas ang anyo nito. Nasa kalsada ang tingin ng matalim na mga mata.
"Sige! Ituloy natin itong conversation na ito," hamon niya kay Renante nang masiguradong mukha pa siyang composed sa kabila ng pamamasa ng mga mata.
Napasinghap siya nang bigla nitong hininto ang sasakyan. Her body swayed forward. Nahulog tuloy ang pouch niya. Aksidente rin niyang nabitawan ang ilan sa mga sulat na nailabas. Susubasob kasi siya sa harapan kung hindi niya susuportahan ang sarili at hahawak sa pinto ng kotse. Naghagilap agad ang mga kamay niya para kolektahin ang mga nahulog na gamit. Stacey saw nothing else on the floor so she frantically sat up straight, jammed her stuff in the pouch and zipped it close.
Pag-angat niya ng tingin, nakaharap na sa kanya si Renante ng pagkakaupo.
She was about to scold him about stopping in the middle of the street. Pero nasa loob na pala sila isang subdivision. Mabigat ang mga anino ng mga puno at naglalakihang bahay sa kabila ng mga poste ng ilaw na naroon. Pamilyar sa kanya ang subdivision. Iyon din kasi ang dinaanan kanina ng kotse ni Kylie bilang shortcut papunta sa event's place na pinagdausan ng alumni party.
Binalik niya ang mga mata kay Renante.
"My deal here is you should have told me that. That's all," mariin nitong giit bago hinawakan ang manibela ng sasakyan.
"Now that I told you why I left, what changed?"
Renante stiffed. Humigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa manibela.
Inihilig ni Stacey ang ulo. "See? Wala namang mangyayari, 'di ba? Aalis pa rin ako. Magkakalayo pa rin tayo. And most possibly, magkikita ulit tayo sa alumni party na ito at hindi magpapansinan."
"Exactly. By the time we meet again, things could have changed," makahulugan ang matiim na titig nito nang lingunin siya. "At hindi sana tayo nag-aaway ngayon."
She didn't know why her eyes felt watery. Was it because there was something sad behind the coldness in Renante's voice? Was it because she was hurt by the realization that nothing would change no matter how she decide to end their involvement to each other? Was it because she was hurt everytime they argue?
"By this time, I could have already learned what I need to learn," matapang na titig nito sa mga mata niya. "Did you know how your ghosting has wasted three years of my life?"
That pause caused her heart to crack.
"I was left hanging," he hissed. "I was left wondering which of the stupid things I've done has made you think you've had enough. What we had in the past could have helped me grow into a better person. But you did not give me the lesson, Stace. I learned nothing. Instead, I hated myself more."
"It's not my fault you felt that way," she softly replied, regaining her courage while staring straight into Renante's eyes. "Alam mo dapat ang mga ginagawa mo. Hindi sa lahat ng oras, ibang tao pa ang dapat na mag-point out sa iyo ng mga hindi mo dapat gawin."
At binalik na ni Stacey sa harap ng sasakyan ang tingin.
Their trip had been heartbreakingly quiet since then. Stacey managed to make it through because this is what Renante taught her after all those years of secretly loving him— acting tough and hiding her true feelings.
.
.
.
***
.
.
.
HINDI MAKATINGIN SI STACEY KAY KYLIE MATAPOS IKWENTO RITO ANG LAHAT Siyempre, hindi na niya sinama roon o dinetalye pa ang tungkol sa sex history nila ng binata. She just said that they had a one-sided love affair, she ghosted him, and they discussed about it after the alumni party. Naroon na naman sila sa café kung saan sila huling tumambay. Magkatabi sila habang nasa counter table na nakaharap sa salaming pader. Kita sa labas ang pagmamadali ng mga tao. Lunes na kasi ngayon. Kaya naman halos lahat nakauniporme at hindi magkandaugaga.
Stacey lifted her cup of hot coffee and took a gentle sip. She felt the need to close her eyes. This should calm her down. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya mapanatag. May mga nasabi siya na dala ng bugso ng damdamin. Hindi tuloy niya na-digest ng mabuti ang mga pinagsasasabi nila ni Renante sa isa't isa.
Hindi pa rin nagbabago ang epekto sa kanya ng pagtatalo nila ni Renante. Mag-aaway sila, tapos kung kailan tapos na, at saka lang siya nakakaisip ng magandang sabihin o itanong.
She spent the weekend wondering about something that Renante said.
It was something that was not yet clarified.
By the time we meet again, things could have changed. At hindi sana tayo nag-aaway ngayon.
Kung maayos siyang nagpaalam noon kay Renante, ano kaya ang nangyari sa kanila sa alumni party?
Would they be announcing their upcoming wedding? Or a baby?
Sheesh. She must be really crazy for believing the delusions of her nineteen-year-old self; that girl who wrote that for all of their batchmates to hear years later. Masyadong mataas talaga ang kumpiyansa niya sa sarili.
"Well... hindi mo naman sinabi na ganyan pala kalalim ang... ang dahilan kaya hindi kayo nagpapansinan ni Renante..." nahihiyang iwas ni Kylie ng tingin nang malingunan niya.
Gusto niya sanang sabihin na hindi naman lahat ng bagay dapat i-report kay Kylie, por que magkakaibigan sila. Pero pinili na lang ni Stacey manahimik. Maingat na binaba niya ang tasa ng kape.
"Pasensya ka na. Hindi naman talaga ako ganitong klase ng tao. 'Yung mahilig magkwento tungkol sa mga pinagdadaanan ko."
"Iyon na nga iyon, eh," Kylie gave her a teary-eyed look. "Masyado kang nagpapaka-strong. It's okay to be weak and sad sometimes, Stacey."
She just looked at her coffee and released a small smile. Hindi nalalayo ang sinabi ni Kylie sa mga sinabi sa kanya noon ni Sondra. Nung binantayan ito ni Stacey sa ospital, parang ganito rin ang gustong ipahiwatig ng babae. Na hindi sa lahat ng oras, pagtatakpan niya ang totoo niyang nararamdaman kapag feeling niya, pagmumukhain siyang mahina ng mga iyon.
"It's okay to tell me your problems. I can be your outlet," Kylie smiled at her encouragingly.
"Come on, ayoko naman na iyan lang ang maging purpose mo sa akin," pagak niyang tawa. "Friends tayo. Right?"
Nagliwanag ang mukha nito, medyo naluluha pa rin ang mga mata. "As in, real friends?"
"Duh!" Stacey playfully rolled her eyes. "Of course!"
Binigyan siya nito ng nagdududang ngiti. "For real?"
"Bakit ba ayaw mong maniwala?"
"Alam ko naman kasi noon pa na kaya mo lang kami kinaibigan eh, dahil kay Renante."
She gasped. "You knew?"
"Hindi ako manhid, no," labi nito at sumisim ng kaunting hot chocolate mula sa tasa nito. "In comparison to all of them, I cared about you the most. Kaya napapansin ko yung mga times na nao-awkward ka sa amin o nananahimik ka. Mas buhay na buhay ka nga kapag kasama na natin si Renante, eh!"
Namamanghang napatitig siya sa babae.
"Sonny cares about you too," lingon nito sa kanya. "Pero siyempre, medyo ilag kasi nakaka-sense din iyon. Hindi lang niya kayang tanggapin that time na may mga taong ayaw sa kanya."
"Yeah," ayos niya ng pagkakaupo. "That's my impression of Sondra too. She's like this princess, and she thought being a princess makes her adored by everyone. Like, imposibleng may hindi matuwa sa kanya. She even ignored her haters. Iniisip niya, mga naiinggit lang o hindi liberated mag-isip kaya hindi siya ma-gets."
Mahinang tumawa si Kylie. "Kaya masaya na ako ngayon na magkasama na sila ni Maximillian. I am sure, Sonny will learn from his matured outlook on life."
Stacey nodded. "I agree."
"Oh," bukas ni Kylie sa kandong nitong shoulder bag para ilabas ang cellphone.
It was vibrating that's why Kylie knew she received a text message. Medyo napatutok ito sa hawak na cellphone. Hinayaan ni Stacey na asikasuhin muna ng dalaga ang natanggap na text. Sumilip na lang siya sa wristwatch para i-check ang oras. It was only seven thirty two in the morning. Mga empleyado ang nagkukumahog sa ganitong oras. As the CEO of her own company, she assigned her office hours to be at exactly 10 AM sharp. Stacey figured that would give her employees enough time to prepare anything they plan to discuss or submit to her within the day. Bukod naman kasi sa pakikipag-deal sa kanya, sigurado siya na may inaasikaso rin ang mga ito na related sa mga katrabaho o customers nila.
"It's Renante," wika ni Kylie kaya napalingon siya rito.
Parang hindi siya makahinga. "Si Renante?"
"Oo," there was unease on Kylie's soft face. "Hinihingi niya ang number mo sa akin."
Natatawang pinaikot ng babae ang mata nito habang binabalik sa shoulder bag nito ang cellphone.
"Bakit naman daw?"
Kainis, bakit parang interesado siya?
Mukhang naguluhan tuloy si Kylie dahil sa tinanong niya. She gave her a nod to prod her friend to speak up.
"Ewan ko," kibit-balikat nito. "Hindi naman niya sinabi sa text niya."
"Ano ang sinagot mo?"
"Wala," uminom na ito ng hot chocolate.
Blangko ang tingin ni Stacey sa salaming pader na kaharap. Napaisip siya.
Ano kaya ang gustong sabihin n'un sa akin? Hindi naman marunong magbaba ng pride ang lalaking iyon. Medyo nanggigil siya. Namiss lang yata nun highblood-in ako, eh.
"Kylie," lingon niya sa katabi na kabababa lang ng tasa nito, "ibigay mo nga sa akin ang number ni Renante."
"Bakit?" nalilito yata ito. "Akala ko ba..." napalabi ito, "ano, last pag-uusap niyo na 'yung sa kotse..."
"Basta," harap niya rito.
Kylie sighed and took out her phone again.
.
.
.
***
.
.
.
STACEY SMOOTHED HER RED LOOSE PANTS WITH HER HAND. Sinigurado din niya na maayos tingnan ang tinerno niya rito na turtleneck sleeveless top na puti. Nang lisanin ang gusali ng kanyang kumpanya, umupo lang siya sa loob ng kotse sa basement parking. Binuhay niya ang makina ng sasakyan para bumukas ang aircon. Habang pinapalamig pa niya ang loob ng kotse, nilabas niya ang cellphone at naglagay ng pangalan sa search bar ng contacts list.
Renante
She read the name followed by his cellphone number.
Sumandal siya sa backrest ng driver's seat. Napamasahe ang isang kamay sa sentido.
Ngayon ko na ba siya tatawagan?
Tumitig pa siya bago napabuntong-hininga.
Come on, Stacey. For sure this is nothing important. Kaya huwag kang kabahan.
There was only silence in her car.
Kung hindi naman pala importante, bakit kinuha-kuha mo pa ang number ng taong ito? sermon niya rin sa sarili.
She shouldn't be feeling this way. Hindi siya dapat kinakabahan, natatakot, nako-conscious.
"Ay!" pitlag niya nang muntikan nang mahulog ang hawak na cellphone.
Lalo pang nanlaki ang mga mata niya nang makitang pinoproseso na ang tawag niya kay Renante.
"Diyos ko—" ika-cancel na sana niya nang mabasa ang Ringing.
"Damn!" padabog na sandal niya na lang ulit sa backrest.
The call was already connected. Napapailing na dinikit ni Stacey ang cellphone sa tainga.
I said, Hello, bungad ng boses ni Renante sa kanya.
"Too impatient, aren't we?"
Bakit? Sino ba ito? How did you get my number?
Stacey rolled her eyes. "Ang sungit mo. This is Stacey."
There was silence.
Then...
"Oh."
Oh.
Oh?
Iyon lang ang reaksyon ng lalaking ito?
Teka, ano ba ang ine-expect niya? Maglululundag ito sa tuwa?
Stacey cleared her throat. "Kylie told me about your text. Ano ang kailangan mo?"
May naiwan ka sa kotse ko. This must be important for you.
"What is it?" Siya ang magde-determine kung importante nga ang naiwan niya. Dahil kung hindi naman pala, hindi siya magpapakita sa lalaking ito.
It's a letter.
Gumusot ang mukha niya. "Kaya pala kulang 'yung nabasa ko kahapon—"
Oo, aburidong putol nito. Kaya makipagkita ka ngayon sa akin at kunin mo na ito.
Ngayon? Agad-agad?
"Hoy, Renante—"
You know where my office is—
Her eyes widened in disbelief. At siya pa talaga ang pupunta sa lalaking ito!
—may malapit na rooftop restaurant doon.
Yeah, right, his favorite restaurant. Restaurant iyon kung saan lagi nitong dinadala si Sondra. Isang beses lang naman siya niyaya roon ni Renante. Nung sinabi nito sa kanya na pakakasalan na raw nito si Sondra.
Grabe talaga ang lalaking ito. Mapanakit. Masyadong mapanakit.
Nagtaas-noo na lang siya. Aba, hindi na siya affected. Kaya ano naman kung doon sila ulit magkita ni Renante?
Stacey, usig ng binata sa kabilang linya. Natahimik yata siya sa haba ng internal monologue niya.
"Hindi ba pwedeng iabot mo na lang iyan sa akin? Magkita na lang tayo sa tapat ng company niyo."
She heard his groan. Pati ba naman meeting place, Stacey, pagtatalunan pa natin?
Bakit ba kasi hindi na lang din pumayag itong lalaking ito sa gusto niya?
Fine. Dahil siya naman ang mas may kailangan sa kanila, siya na lang maga-adjust.
"Okay then. I'll be on my way there."
Let me know if you're already there.
Bakit pa, eh ang lalaki naman ang mauunang makarating doon. Bahala na.
"Yup." Then she got an idea. "Teka, hindi ba pwedeng basahin mo na lang sa akin over the phone kung ano 'yung laman ng sulat?"
Renante was silent for a while. He must be thinking about something before answering her.
No. You might not believe me when I read it. Mabuti pang ikaw na mismo ang makabasa.
Nagtangis ang bagang niya. "So, binasa mo ang sulat na para sa akin nang walang pasabi man lang sa akin?"
See you, paalam ng lalaki bago nito ini-disconnect ang tawag.
"God!" baba niya agad ng cellphone sa dashboard ng kotse at para simulan ang pagmamaneho.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro