Chapter Forty-Three - Kalbaryo
NAPAHIMBING ANG TULOG NI STACEY KAGABI. Dahil doon, maganda ang kanyang gising. Dahil tuloy na ang mga tao sa bahay nila, sa kanya na nakitulog sila Mary Ann at Mary Grace. Iniwan niyang tulog ang dalawa sa kanyang kama bago tinungo ang kusina. Hindi siya makapag-desisyon kung ano ang ihahandang almusal para sa kanila. She decided to go to the front yard and inhale some fresh morning air.
Napangiti siya habang pababa ng hagdan. Pinagmasdan niya ang mga gulay na pananim doon. Mas lalong nagiging buhay na buhay ang kulay nila habang patingkad ng patingkad ang haplos ng liwanag ng araw sa mga ito. She tried to indentify the plants. Maybe that would give her an idea what to cook. Pero hindi siya ganoon kagaling sa mga halaman kaya 'yung ilan na may bunga tulad ng kalamansi at sili lang ang nakilala niya.
Then she faced her left. Medyo nakasilip sa pagitan ng nagtataasang mga puno at halaman ang view ng lawa. The horizon was swiped by a cooling white wisp of clouds and light blue sky.
Lumapit siya kaagad sa gate nang makitang papalapit doon si Mang Lito.
"Good morning, Mang Lito!" bukas niya ng gate para rito.
Nakasunod sa matanda si Ka Olga. Naiwan kasi sa bahay nila si Mary Jane para maghugas ng mga pinagkainan nila at maglinis. Maaga kasi sila gumising at mag-almusal.
"Good morning din," halos sabay na bati ng mga ito. "Kamusta ang pagpunta ng Gewang-Gewang kagabi?" kamusta ni Ka Olga.
"Yun. Sobrang dami ng mga tao," magaan siyang natawa. "Nagkawalaan pa nga kami, pero okay lang kasi sabay-sabay naman kaming nakauwi nila Mary Grace at Mary Ann."
"Ganyan talaga taon-taon," ngiti ni Ka Olga bago siya nalagpasan ng mag-asawa na nakapasok na sa bakuran.
Sinara ni Stacey ang gate at sinamahan ang mga ito.
"Tulungan na kita sa pagdidilig ng mga halaman, hane?" sulyap sa kanya ni Mang Lito na may dinudukot sa bulsa ng shorts nito. "Tapos titingnan ko lang din ang mga tanim kung kamusta na."
"Sige po."
"At," manginig-nginig dala ng pasma ang kamay nito na may inaabot sa kanya, "may nagpapabigay nga pala nito sa iyo."
Kunot-noong tinanggap niya ang nakatiklop na papel.
Kinakabahan siya.
Natunton na kaya siya rito ng stalker niya?
She held her breath as she hurried to unfold the letter.
"Eh, galing iyan kay Nanting."
Natigilan siya sa narinig. Kahit ang mga paa niya, hindi na nakagalaw para sabayan ang dalawang matanda sa paglalakad. Her hands felt shaky the moment she found out where the letter came from.
Nag-angat siya ng tingin. Malayo-layo na ang dalawa. Huminto lang ang mga ito at nilingon siya nang mapansing naiwan siya ng mga ito. Kita ang paghahalo ng pag-aalala at pagtataka sa kanilang mga mukha.
Stacey didn't even know how to react. It was as if she completely stopped breathing.
"Galing kay Nanting? Para ba talaga sa akin ito?"
Maluwag ang ngiti ni Mang Lito, tila nanunukso. Tipid naman ang kay Ka Olga, tila tulad ng mga babae sa edad nito, hindi na ito madaling makumbinsi ng mga pasimpleng pagporma ng mga lalaki.
"Aba'y oo. Mukhang nakita ka yata eh, nakursunadahan ka."
No. He knows me that's why he gave this...
Nasa papel na hawak na ulit ang tingin niya.
"Susunod ho ako," aniya sa mga ito at hindi na hinatid ng tingin ang dalawa.
She remained standing there, gently opening the letter to read what Renante wrote.
It took her a few minutes before her soft gaze was replaced with rage. Nagtitimping ginusot niya ang papel.
So, all this time, siya pala 'yung may stalker? Habang panay ang sisi ko sa sarili ko sa mga nangyayari kina Marty at Piccollo... Siya pala. Siya pala ang dahilan ng mga iyon.
Binuka niya ang kamao, lumantad ang gusot na papel.
Kung gan'un, bakit ka pa pumunta rito? Para ipahamak ako, Renante? Kung ayaw mo akong mapahamak, lalayo ka. Tulad ng ginawa ko para sa iyo, sa inyo! You're so selfish!
Tinapon niya kung saan ang papel at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
All this time, you made me blame myself! You made me believe this is all my fault!
Her eyes grew glossy with tears she refused to spill.
All this time it was you who's involved. Who let that stalker do those terrible things to me. To Marty . To Picco.
Sometimes, her rage gets the best of her. This had always been one thing that Sondra warned people about her. Na kapag pinangunahan siya ng galit, nawawalan siya ng rason. Hindi siya nakakapag-isip ng maayos.
.
.
NAKADALAWANG LINGON SI KAPITANA ANORE. Nung una kasi, hindi ito makapaniwala na si Renante ang nakitang bihis na bihis. He walked around the living room in his tight jeans and v-neck black shirt. Pabalik-balik ang lalaki sa harap ng salamin. Nakadalawang hairstyle na rin nga ito bago nagpabalik-balik sa kusina. Tsine-tsek niya kasi kung may almusal na. Kapag wala pa, mag-aayos muna ito sa harap ng salamin sa salas.
Mahihilo na yata ang matanda rito. Tinapik nito saglit sa braso si Leslie na ilalapag pa lang ang malaking pinggan ng kanin sa dining table. Nagpaalam ito saglit bago iniwan ang ginagawang pag-aayos ng mga kubyertos doon.
Sumilip ang kapitana sa bintana, natanaw na patapos na sa pagwawalis sa bakuran nila si Theo. Walang pasok sa kolehiyo ang dalawa sa mga pinsan ni Renante kaya tanghali na'y tulog pa. Siya tuloy ang napupuna ng matanda.
Muntikan pa itong mabangga ni Renante nung balak niyang sumilip ulit sa dining room.
"Tita Lola!" nakangiti niyang bati rito.
"Aba, mahihilo na ako kakapabalik-balik mo rito, eh!" pamewang nito. "Bakit hindi ka mapakali diyan sa buhok mo?"
Renante shrugged. "Wala ho, Tita Lola."
Pinasadahan siya nito ng tingin. "At saan naman ang lakad mo? Ang aga-aga, gayak na gayak ka."
"Ah... ano," paano ba niya ipapaliwanag, "mag-iikot-ikot lang."
Naningkit ang mga mata nito. "Saan ka naman mag-iikot? Napapadalas iyang paglabas-labas mo, ha? Bawal iyan at Mahal na Araw."
Dinaan niya ito sa lambing. "Tita Lola naman..." yakap niya rito.
Kapitana Anore rolled her eyes. Kunwari hindi ito tinatalaban sa paglalambing ng apo.
"Ayaw mo ba na nae-enjoy ko ang mga lugar dito? Gandang-ganda ako rito, Tita Lola," he smiled as they parted. "Talagang alagang-alaga ng barangay captain ang lugar na ito. Ang linis, eh. At saka ang ganda pa at ang sariwa ng hangin dito."
"Aba, pagtitigilan mo nga ako, Nanting!" panlalaki nito ng mga mata sa kanya.
Magaan siyang tumawa. "Exercise din ito, Tita Lola. Maglalakad-lakad lang ako, okay? Pero siyempre, hindi ko palalagpasin 'yung niluto ninyong almusal ni Tita Leslie para sa amin. Ang sarap kaya magluto ng Tita Lola ko," agapay niya rito patungo sa dining room.
"Sinasabi ko sa iyo, Nanting," panghuhuli nito sa kanya, "mabilis kumalat ang balita rito. Malalaman ko rin kung ano iyang mga pinagpapasyalan mo."
"Eh, okay lang, malalaman mo rin naman kasi magkukwento rin ako sa iyo, Tita Lola."
"Naku, Nanting!" gigil nitong kurot sa tagiliran niya.
Pero kung anong gaan ng atmosphere sa bahay ng kanyang Tita Lola, siyang bigat ng tensyon na lumukob sa kanya ngayon. Nakatayo na ulit si Renante sa tapat ng malaking bahay kung saan nakatira si Stacey. To relax his senses, he took some time to admire the growing plantation there. May mga gulay at ilang halaman tulad ng sili at kalamansi. Nababakuran ang mga iyon ng mga stick at net. Para siguro hindi masira ng dalawang aso na kinakahulan na naman siya.
Renante sported a gentle smile and lifted his eyes on the house. Hindi nakaharap sa direksyon niya ang bintana niyon kaya wala siyang ideya kung ano ang hitsura sa loob.
"Tao po!" tawag niya. "Tao po!"
Nakailang tawag pa siya bago sumilip ang dalawang babae. Bumalik ang mga ito sa loob. Ewan kung bakit. Pero nung lumabas na ng bahay, tatlo na sila. May pagkakahawig ang mga ito kaya palagay niya ay magkakapatid sila. Isa sa mga dalagang lumapit sa gate si Mary Grace.
"Uy, Nanting!" bati nito sa kanya sa tila scripted na tono bago nilingon ang mga kapatid.
He could not understand why they were narrowing their eyes on him. But when he happened to glance at them, they would quickly change their facial expressions. They would grant him a fake smile.
"Hi. Ano ang kailangan nila?"
Fine. He would not be intimidated by these three.
"Good morning," he greeted, composed and coolly. "Nandiyan ba si Stacey?"
"Si Stacey?" nagkatinginan ang magkakapatid.
Baka ikaila pa ng mga ito kaya inunahan na niya ang tatlo.
"Yes. Ang sabi ni Mang Lito, dito siya nakatira," his eyes pierced them.
Natahimik saglit ang tatlo, nagpalitan ng tingin. There was something going on, he could tell. Stacey could have probably already gave them a briefing on what to do in situations like this. They had always been playing mind games, so he would not mind playing along once more.
Just for the sake of being with her again.
"Pwede ko ba siyang makausap? Pakisabi na importante ito," usig niya sa tatlo.
Inekis ni Mary Grace ang mga braso. "Sa pagkakaalam ko kasi, ayaw ka niya makausap. Paano iyan?" Her tone annoyingly sounded like she was faking sympathy for him.
Renante remained unshaken. "Well, tell her that life is not always about what she wants to do. There are things that should be done because they should. Like talking to me just for a moment. Dahil importante ito. At buhay niya ang nakasalalay dito."
Sumingit na si Mary Jane. "Tama na nga, Ate." At tinutok nito ang mga mata sa kanya. "Alam ni Stacey na pupunta ka rito, kaya maaga siyang umalis. Plano niyang ikutin ang buong Binangonan, maiwasan ka lang kaya kung gusto mong makahabol, puntahan mo na kaagad siya sa Kalbaryo."
His eyebrows furrowed. "Sa Kalbaryo?"
Pinanlakihan si Mary Jane ng mga mata ng mga kapatid nito. In Renante's assessment, that probably meant that they disapprove of what she did. Which lead him to the conclusion that this woman was telling him the truth.
"Oo," walang buhay na titig nito sa kanya. "Alam mo kung saan iyon?"
He shook his head. "H-Hindi."
"Eh, sabihin mo na lang sa tricycle driver. Alam ng kahit sino kung saan iyon. Maaga pa lang pumunta na roon si Stacey para mag-exercise at magpahangin. Most probably nasa may krus na siya roon."
Nanatiling tahimik ang mga kasama nito. Kaya napatingin siya sa dalawa para pag-aralan ang reaksyon ng mga ito.
"Puntahan mo na dahil kahit bumalik ka pa rito mamayang gabi, hindi ka n'un pagbubuksan ng pinto." At tinanguan ni Mary Jane ang dalawa. "Tara na."
With narrowed eyes, he followed the three women as they left the gate. Ano kaya ang pinagsasasabi ng Stacey na iyon kaya parang galit ang tatlo sa kanya.
He sucked in a deep breath and didn't knew that he would actually find himself inside a tricycle.
"Sa Kalbaryo ho," bayad niya sa driver.
Walang sinagot ang driver na tinanggap ang bayad niya. Malayo-layo ang biyahe at huminto ito sa tapat ng isang malaking arko na gawa sa bato. Buhay pa rin ang makina ng motorsiklo nito nang lingunin siya ng driver.
"Nandito na tayo," silip nito sa kanya.
Nag-aalangan siyang sumilip sa labas. Sa loob ng arko na ito ba ang Kalbaryo? Nilingon niya ang driver.
"Saan dito ang Kalbaryo?"
"Dumiretso ka diyan," turo nito. "May makikita kang hagdan diyan, dumire-diretso ka ng akyat."
Inalala niya ang mga sinabi ni Mary Jane. "Yung Krus ng Kalbaryo?"
"Sabi na nga ba, eh, bago ka lang dito," puna nito bago tinanaw ang tinuturong daan sa kanya. "Basta pumasok ka na lang diyan at magtanong-tanong kung nasaan ang hagdan at gate paakyat sa Kalbaryo. 'Yung krus na sinasabi mo, eh nasa pinakatuktok ng bundok."
Napalunok siya. "Bundok?"
"Aba'y oo. Bundok."
Sinunod niya ang instruksyon ng driver at natagpuan ang sarili na nakatayo sa paanan ng pagkataas-taas at pagka-haba-habang hagdan. Napahinga siya ng malalim.
Bundok. Isang mataas na bundok ang Kalbaryo na tinutukoy ng babaeng iyon.
Sa sobrang haba ng hagdan at dahil isa lang daw ang daan papunta at paalis ng Kalbaryo, kampante siya na sa pagkakataong ito, makakaharap na niya si Stacey. There would be no more stopping them from meeting again.
He filled himself with courage before he began climbing the stairs.
.
.
PAGKABALIK NG MAGKAKAPATID, nilingon ang mga ito ni Stacey. Her eyes followed them as they walked toward the living room. Nagkanya-kanyang hanap ang mga ito ng mauupuan.
"Ano? Anong nangyari?" isa-isa niya sa mga ito. "Umalis na ba?"
Kung umalis man si Renante, hindi siya kumbinsido na titigil na ito. Stacey knew him so well. He had been so consistent with Sondra for years. Once he set his mind into something, even if he changed how he felt about something, he would still stick to his decision. Ganoong klase ng consistency ang mayroon si Renante.
"Oo," naiiritang wika ni Mary Ann. "Ito kasing si Ate!" tapon nito ng irap kay Mary Jane.
"Adjao, bakit parang sinisisi mo ako? Hindi ba, ang goal, paalisin siya. Na hindi niya tayo mapilit na makapasok ng bahay at makausap itong si Stacey."
"Oo nga, pero bakit pinapunta mo 'yung tao sa Kalbaryo?" paglambot ng mukha ng dalaga. "Kawawa naman 'yung tao. Paano kung pumunta iyon doon?"
"Para namang pupunta siya roon. Malamang babalik na lang iyon mamaya kapag feeling niya nakauwi na rito si Stacey. O 'di kaya, mag-aabang lang siya sa pagbaba ni Stacey—"
"Kahit na, paano kung seryosohin n'un? Mukhang seryoso pa naman ang mukha n'un kanina!"
"Oh, eh 'di at least, nakaganti tayo sa ginawa niya kay Stacey!"
Naguguluhang inawat niya ang mga ito. "Teka, teka. Ano itong Kalbaryo?"
Mary Grace remained calm as she explained. "Hindi ba, nung papunta tayo sa bayan, may makikita kang bundok doon? 'Yung may malaking krus na puti?"
"Oo," titig niya rito.
"Iyon 'yung Kalbaryo."
Her breathing stopped. "Yung bundok mismo?"
"Oo," singit ni Mary Ann. "Sinabi ba naman ng luka-lukang iyan—" tukoy nito kay Mary Jane, "—naroon ka?"
"Bakit iyon ang sinabi niyo?" hindi niya napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses habang patayo mula sa sofa. "May hika 'yung tao!"
"Hala!" singhap ni Mary Ann.
Tulad nito, nagulat at nag-alala na rin ang mga kapatid nitong si Mary Grace at Mary Jane.
But Stacey did not just stand thereand watch their reactions. Nagmamadaling nagbihis siya para mahabol si Renante.
.
.
.
AN:
Thank you, my dearest readers for waiting for the latest chapters today. Sobrang antukin talaga ako today. I don't know if it makes sense, but I am extra sleepy on a new moon.
Btw, how are you enjoying the story so far? ;) <3 At kamusta naman kayo sa mga bahay-bahay ninyo diyan? I hope everyone is at home and safe. Pagkakaalam ko, may iba na hindi totally kasama sa bahay ngayon ang loved ones nila dahil kung hindi frontliners, stranded naman kung saan sila inabutan ng kakulangan ng masasakyan o community quarantine. I am hoping everyone is holding up. I hope, my updates help you stay more at home and just read for a few hours or so. I am making my updates as consistent as possible kasi dama ko rin ang boredom ng pagkukulong sa bahay (altho sanay na akong nakakulong sa bahay, but it feels different when you are ordered and it is mandatory to stay at home, hahaha!)
Now that you're done reading these new chapters, disinfect your gadgets and wash your hands! Stay strong. Have faith. We can make it through!
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro