Chapter Forty-Six - A New Beginning
"MAGSILBI SANANG ARAL sa atin na ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa araw na ito ay simbolo ng isang panibagong panimula. At ang bawat panibagong panimula ay hindi nangangahulugang magsisimula muli sa umpisa. Minsan, ito ay ang pagsasantabi sa nakaraan at pagbibigay-daan sa ikalawang pagkakataon. Tulad na lamang ng pagsasakripisyo ni Hesukristo ng Kanyang buhay para dumating ang araw na ito at ipaalala sa atin na ang ginawa Niya ay para sa atin. Para bigyan tayo ng ikalawang pagkakataon na mula sa orihinal nating pagkakasala, ay bigyan tayo ng pag-asa para makapagsisi sa ating mga pagkakamali at magbago.
Pag-asa dahil may ikalawa na tayong pagkakataon para makasama Niya sa Langit."
Iyon ang ilan sa mga sinabi ng pari sa misa na tumatak sa isip ng mga dumalo. Madilim pa ang langit nang magsimula ang event simbahan kung saan umawit ang koro ng mga bata na nakasaplot pang-anghel habang nire-reenact ang muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinisimbolo ng pagtanggal sa belong panluksa ng Birheng Maria.
Pagkatapos, dumiretso na ang lahat sa loob ng simbahan para sa misa.
As they got out of the church, the sunrise was already peeking behind the horizon by the mountains behind the church. Malamlam ang liwanag nito. It made Stacey really feel that today is definitely an Easter— a fresh, new beginning, a new day, a new hope.
Bumaba mula sa simbahan ang tingin niya nang maramdaman ang umaalalay na paghawak ni Renante sa kanyang siko. She had to remind her heart to behave. His eyes seemed to ask for her permission. Stacey seemed to understand and let him lead her away from the crowd of people walking out to the church.
They managed to be alone by the church's balcony, overviewing the trees, houses and lake— looking fresh and peaceful as the sun was just about to rise.
Narating nila ang pinaghalong bato at sementong balkonahe ng simbahan na nahaharangan pa ng barbed wire para sa kaligtasan ng lahat. Mataas ang elevation ng simbahang iyon kaya naman mula sa balkonahe, isang malaking bangin na ang nakaabang kung saan nagkukumpulan ang mga nagtataasang puno. Mangilan-ngilan ang bahay-bahay na matatanaw sa baba. Kung titingin sa malayo, mas marami na ang makikitang mga bahay-bahay doon. Lumayo pa ang tingin ni Stacey at napadpad na iyon sa lawa na pumapagitan sa probinsyang ito mula sa katapat nitong siyudad sa malayo. The buildings there looked like a cold, ghostly apparition of pale light blue. A fog seemed to intensify how lifeless they looked. Wisps of white clouds stretched on the brightening soft blue sky.
Stacey took in a deep breath, admiring the view right where Renante took her.
She was extremely absorbed by the refreshing sight, unaware of his soft gaze for her alone. They shared the same awe and feeling about what their eyes were looking at. Payapa ang naging pag ngiti ni Stacey bago nilingon si Renante.
Bigla itong naalerto, napakurap at umayos ng pagkakatayo sa tabi niya.
"How are you?" he finally asked.
Pinatong niya ang mga braso sa ibabaw ng balkonahe. "Actually... I've never felt this better, Renante," bumalik sa tanawin sa kanyang harap ang tingin niya. "O baka dahil lang sa misa... kaya ganito kagaan ang pakiramdam ko? O sa view," nguso niya roon. "Ang ganda, hindi ba?"
Renante didn't know it made him smile, his eyes were on Stacey. On how the usual tensed look in her eyes were suddenlyt his calm and soft and admiring. On how her bangs softly fell over her forehead, making her look livelier. On how her simplicity— the fitting jeans, mustard yellow ringer shirt and sneakers— tickled his senses.
"Yes," he murmured softly. "I agree."
Stacey turned to him and caught his gaze. Napansin niya ang tila pamumungay ng mga mata nito. Medyo nag-alala siya. Kinulang siguro ng tulog si Renante, medyo inaantok kaya ganoon klase makatingin ngayon sa kanya. Dinaan na lang niya sa nahihiyang ngiti ang nararamdamang kakaiba.
"Gusto ko 'yung sermon ngayon ng pari," aniya habang nasa malayo ulit ang tingin. "Tungkol sa... new beginnings."
Nilingon niya ito para makita ang reaksyon ng lalaki. Mukhang nahimasmasan na ito at mas sumeryoso na. Still, it was refreshing to see Renante in a more relaxed mood.
"Me too."
She offered a handshake. "So, let's remember this year's Easter as a new beginning for the both of us."
Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ng binata sa kanyang kamay at mga mata.
"You're sure?"
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Tell me, how can we work together against that stalker, if we will let the past affect us, hmm?"
"I don't want to forget the past," harap nito sa kanya, patagilid na sumandal sa mataas na pagkakabakod sa kanila ng balkonaheng iyon. "Because looking back on them helped me learn something."
"Of course, we don't have to forget it, silly!" panlalaki niya ng mga mata rito. "What I am saying is, let's completely move on from it and just... just consider this a new beginning."
Napasinghap siya nang walang babalang hinawakan nito ang kamay niya. He tugged her hand down for one handshake before pulling her by that same hand. That brought her close to him, their bodies and faces. Nanuot ang titig ng matiim nitong mga mata sa kanya.
"Inaaway mo na naman ba ako?"
"Maayos kasi kitang kinakausap, kinokontra mo pa ako," sagot niya. "Ayaw mo yata, eh."
"Wala akong sinasabing ayaw ko," lapit pa ng mukha nito sa kanya, may kalakip na paghahamon sa pagbaba ng tinig nito.
And it was beyond Stacey why she sudden felt this excitement fluttering in her belly.
"Hoy!" sigaw ni Mary Grace sa kanila sabay talon sa palapit sa kanila.
Gulat na napapiksi sila ni Renante at nagbitaw ang mga kamay. Tarantang napalingon sila sa dalaga. Both of them felt like two high school kids caught red-handed for doing some silly things.
"Anong ginagawa niyo diyan?" nanghuhuling lapit nito sa kanila bago tumawa. "Eh, tama na ang pagmo-moment, hane?" hila nito sa kanya. Her eyes shifted on her then on Renante, meaning Mary Grace was talking to both of them. "Tara na at tumulong na tayo kina Kapitana!"
Ah, oo nga pala. Humingi ang simbahan ng tulong sa barangay para mag-provide ng ilang mga mesa at monobloc chairs para sa mga bata. Gayundin ang pagbabantay at pagsigurado na magiging ligtas ang event. Pagkatapos kasi ng misa, may gaganaping Easter egg hunt sa mismong simbahan. Mga bata ang participants sa umaga, at walang ligtas silang mga matatanda na mamayang hapon ang egg hunt event.
Stacey smiled and turned to Renante while she was being pulled away by Mary Grace.
"Oh, tara na... Nanting," tawag niya rito sabay tawa nang mabanggit ang nickname nito.
Lumayo ang binata sa balkonahe at tinanaw ang paglayo niya mula rito. How Stacey wished she knew what's going on behind those dark mysterious eyes and that calm smile. Yes, this must be already a new beginning, yet one thing never changed.
She was still unable to decipher the thoughts behind that kind of stare.
Napapangiting binalik ni Stacey sa harap ang tingin at binilisan ang mga lakad para masabayan si Mary Grace.
May tinalagang tent para sa mga bata. Doon din naka-arrange ang mga mesa at upuan. Nagkaroon ng maikling pagbati at pamimigay ng mga loot bags. Napuno na ng katahimikan sa simbahan nang magsimula ang Easter Egg Hunt. Paano, nagkalat na ang mga bata at nagsimula nang maghanap. Hindi pwedeng lumabas ng gate ang mga bata kaya may nakabantay na roon na ilang mga tanod. Sa loob lang ng bakuran ng simbahan pwedeng hanapin ang mga Easter eggs. Nanatiling pinid ang mismong pinto ng simbahan, kung saan abala ang ibang mga sakristan sa paglilinis doon.
Natatawang sumandal si Stacey sa batong pader ng simbahan, tinatanaw ang mga bata na paroon at parito.
"Sana, lahat sila may makuha na tig kakanyang Easter eggs no?" tabi sa kanya ni Renante.
Nakakuha yata ito ng tiyempo nang naabala sila Mary Grace at Mary Jane sa pagbabantay sa ilang mga bata. Hindi nila kasama si Mary Ann na may shift ngayon sa mall kung saan ito nagse-sales lady.
"Hindi ka yata nakikinig kanina, eh," pabirong irap niya rito. "Hindi ba, ang sabi ni Sister Yolly, isang itlog lang ang pwede nilang kunin?"
Napukaw saglit ang atensyon nila nang may batang napasigaw. The little boy was jumping with joy and dashing toward Father Daniel. Pinakita nito ang nakuhang Easter egg. Napangiti na lang siya habang pinapanood ang mga ito bago napansing nakatitig sa kanya si Renante.
"Oh, bakit?"
"Wala," tuwid nito ng pagkakasandal sa pader. "Sasali ka ba mamayang hapon sa Easter egg hunt?"
"Aba, siyempre!" nasa harap na ang tingin niya.
Napalingon sa kanya si Renante. He was filled with disbelief. "Why did I even ask? Eh kahit 'yung papremyong sabon doon sa alumni party, hindi mo pinalagpas!"
Nagtaray-tarayan siya rito, sumulyap. "Alam mo, ang dami mo lang arte. Importante ang sabon."
"And is that you're reason too for the Easter Egg Hunt? Importante ang itlog?"
Pigil niya ang matawa habang nasa harap na ulit ang tingin. "Oo," sagot niya bago ito iniwanan.
Natanaw niya kasing parang may hinahanap si Mary Jane. Siya yata iyon. Umalis na siya at baka ulanin na naman sila ni Renante sa pangangantiyaw nito. Ang malala pa naman kay Mary Jane ay nagyayaya ito lagi ng kasama kapag nanunukso sa kanila.
Sa kusina sa likod ng simbahan sila nananghalian kasama ang ilang mga tauhan ng simbahan, si Kapitana at ang ilan sa mga tanod nito.
"Mukhang napapadalas ang pagsama-sama sa iyo ni Nanting, Kapitana," malumanay na saad ni Father Daniel sa kalagitnaan ng kanilang panananghalian bago saglit na tinapunan ng ngiti si Renante. "Siya na ba ang susunod sa yapak ninyo?"
"Aba'y hindi, Father," natatawang sagot ng matanda. "Eh, mainitan lang ang batang iyan, hinihika na."
"Ay, ganoon ba?" naging concerned bigla ito.
Renante managed a polite smile.
"At isa pa," patuloy ni Kapitana, "ayoko naman nung ipasa-pasa itong pagiging Kapitana ko, hane? Kung gusto ni Theo, eh 'di bahala siya. Pero hindi ko siya pipilitin. Marami namang iba diyan na siguro eh, matino. At maganda ang hangarin."
Tumaas ang isang kilay ni Stacey nang mapansin ang pagtango-tango ni Renante sa sinabi ng matanda.
"Wow, Renante, parang relate na relate ka, hane?" biro ni Mary Grace sa binata kaya nagtatakang napatingin dito ang mga kasalo nila sa mesa.
Parang tulad niya, pareho silang napansin ni Mary Grace ang inakto kanina ng binata.
He remained cool and unfazed. Renante slightly shrugged and smiled.
As usual, Renante's tactic for effectively playing safe is to say nothing.
Sanay na siya. Uminom na lang si Stacey ng tubig. Siyang habol ng dalawang pari na nahuli sa panananghalian dahil sinamantalang nasa loob ng simbahan ang lahat para maitago ang mga Easter eggs.
Bago mag-alas-kwatro ng hapon, mulang nag-ayos ng mga upuan ang mga tanod, taga-simbahan at sila Stacey. Ang iba naman ay abala sa pag-aayos ng mga premyo sa ibabaw ng isang pahabang mesa. Everyone seated on the arranged chairs once the event had begun. Mangilan-ngilan lang ang nakarating kaya mahigpit silang binilinan na kahit sobra ang mga Easter eggs na nakatago sa paligid, hindi siya pwedeng magdalawa ng kukunin. Maliban na lang kung walang makakuha sa mga itlog na may nakarolyong papel sa loob kung saan nakasulat ang mga papremyo.
"At sa ibang mga itlog naman," patuloy na paliwanag ni Father Daniel, "nakasulat sa mga papel doon kung ano ang magiging tema ng inyong bagong simula. Itatabi niyo sana bilang paalala sa inyo kung ano ang posibleng new beginnings na inyong kaharapin."
There were murmurs before they were finally told to start the hunt!
Mabilis na nilisan nila ang mga upuan para suyurin ang buong bakuran ng simbahan. May makikitang mga sumisilip sa mga halamanan, ang iba naman ay sa mga sulok-sulok ng hagdan o bakod.
Iniikot naman ni Stacey ang gilid ng simbahan na madalang puntahan ng mga tao. By the windowsill, she saw a yellow decorated egg. She tiptoed to reach it. Her fingers sliding against the plastic egg before she gave it a push that made the egg bounce off the glass of the window. Gumulong iyon at sinalo ito agad ng kanyang mga bisig.
Nang nakuha ang itlog, kampanteng lumapit siya kay Father Daniel. Hindi na ito masyadong nagulat dahil pang-lima na siya sa mga may nahanap na itlog.
"May nakuha na namang isa!" anunsyo nito sa mikropono bago siya in-encourage na buksan ang itlog.
She twisted the egg to uncap it. Sa loob niyon, may nakarolyong papel. Si Father Daniel na ang nagkusang hawakan ang bukas na Easter egg para mabuklat niya ang nakarolyong papel.
New beginnings in love.
Hindi niya alam kung madidismaya ba siya o ano. Wala siyang mauuwing ni-isa sa mga premyo sa mesa. Kahit na may ipamimigay pa ang simbahan na mga souvenir, medyo nalungkot pa rin siya na wala siyang mauuwing ni-isa sa mga naka-cellophane wrap na consolation prizes, o 'yung nakabasket na groceries. But she managed to smile at the priest before showing him the paper.
Hindi na iyon binasa pa ni Father Daniel sa mikropono. He just simply smiled at her serenely and gave her a nod before handing her a souvenir for the event— a ref magnet with a bible verse in it and a ballpen. Umupo si Stacey sa mono block chair na naroon, palipat-lipat ang mga mata sa mga naghahanap pa rin ng Easter eggs. Nagkakasigawan pa at tawanan dahil maloko ang ilan. Bibiruin nito ang may nahanap na itlog na aagawin iyon kaya nagkakaroon pa ng habulan.
Napanganga na lang siya na natatawa nang makitang si Renante na ang hinahabol ng mga ito.
She could he him pant a little as he stood in front of Father Daniel. Naghanda naman ang isa sa mga sakristan nito, pumuwesto malapit sa mahabang mesa ng mga premyo kung sakaling na kay Renante ang Easter egg na magbibigay dito ng grand prize.
Renante's lips moved. She could not hear what he was murmuring before lifting his eyes on Father Daniel. Ngumiti lang ang pari rito bago nagpaabot sa sakristan ng souvenirs para ibigay kay Renante. Stacey cocked her head to the side, watching him touched by the soft yellow four thirty afternoon sunlight. His jet black hair seemed to glow, the side of his face kissed vividly by the sun.
Nasalo niya ang titig mula sa mga mata nito. The side of his dark eyes reflected the mellow sunlight's gold touch.
Umupo ito sa tabi niya.
"Ano ang nakuha mo?" tuwid niya ng upo.
Inabot nito sa kanya ang papel. Habang nagbabasa siya, sinasara na nito ang nakuhang Easter egg na gawa sa plastic.
New beginnings with family.
Napatitig siya sa papel bago ito nilingon. Hindi nakaligtas sa kanya ang tila pagtamlay ng anyo ng binata habang kinokontento nito ang sarili sa panonood sa mga natitirang participants na naghahanap sa mga natitirang Easter egg.
Hindi naman nagkukulang ng paalala si Father Daniel sa mikropono na mag-iingat at huwag masyadong magtatatakbo. It somehow made Stacey smile slightly, thinking about times as precious as this which brings out every adult's inner child. It felt good to see people unleash that inner child every once in a while, right?
Then, her eyes returned on Renante.
"Are you thinking about your parents?" malumanay niyang tanong.
Stacey wouldn't mind if he didn't want to talk about it. Sabihin lang ng binata at hindi siya mangungulit.
He lowered his head, smiled weakly and released a soft breath.
"What do you think does that mean, Stace?" lingon nito sa kanya. Nakukuha pa nitong makangiti kahit kita sa mga mata ni Renante na parang may gumugulo sa isip nito. "Does that mean, I should be close to them? What kind of new beginning is it?"
Napatitig siya sa hawak na papel. "Well... you're the one who makes the choice." Binalik niya ang papel dito, at hinayaan niyang dumampi ang mga kamay ng binata sa kanya. She held her breath, and felt like it took forever before their hands parted.
Yumuko ang binata para basahin ulit ang nakasulat sa nakuha nitong papel.
"All these years, I've always done what they wanted me to do," anito. "Because I used to believe that they know the right thing and what's good and safe for me." He glanced at her, gazed into her eyes. "But I came to a point when I realized that, no one knows better for me than me, myself." He looked away. "That is the reason why... nagkalayo na ang loob namin ni Dad."
"When did this point happen?" curious niyang tanong.
He took in a deep breath. "When I lost you."
Stacey kept a tight hold of her feelings. Nanatili siyang matatag.
"What that does have to do with you realizing that?"
She saw his struggle. Napatingala ito saglit, napabuntong-hininga.
"I've avoided your types all my life. Kasi, kayo 'yung klase ng babae na hindi... hindi makakabuti para sa akin. At least, that's how my Dad says it," he turned to it. "He said every man needed a woman who can keep him stable and steady, not one that will drive him crazy."
Pagak itong natawa, malungkot na napangiti na lang si Stacey.
"Funny," there was a bitter tinge in her softened voice, "because as far as I can remember, I am as wild as Sondra used to be."
"That's the thing, Stace. Sondra isn't naturally like that. She's just pretending to drive Maximillian nuts. And a person who pretends who they are can't keep up the façade too long. They are easy to reform. Unlike those who are naturally... being themselves, you know?"
She get what he meant by that.
"So, I came to that point, Stace. I went crazy when you suddenly disappeared. I won't even know it if Kylie didn't bring it to my attention."
Ewan kung bakit parang may sumaksak sa kanyang dibdib nang magmula sa mga labi ni Renante ang pangalan ni Kylie.
"And now that you're here again, I thought, what's wrong with being a little crazy?" he gazed into her eyes. "Right?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro