Chapter Forty-Seven - Final Decision
TUMULONG DIN SILA RENANTE SA MGA TANOD sa pagliligpit ng mga gamit sa simbahan nang natapos ang Easter egg hunt event. Malamig-lamig na ang gabi nang naglakad sila pauwi. Unang madadananan ang kanto paliko sa bahay ni Kapitana Anore. Kaya nung paliko na sana ang matanda, nagpaalam si Renante rito na ihahatid sila Stacey. Pinagmulan tuloy iyon ng tuksuhan bago pumayag ang ginang sa gusto niyang gawin.
Hinatid muna nila ang kanyang Tita Lola bago tumuloy ng lakad.
Sinadya nila Mary Grace at Mary Jane na mauna sa paglalakad. Stacey glanced at Renante, observing him.
He sensed it and said, "I knew this is going to be risky. Parang gusto ko nang lumubog ngayon sa kinatatayuan ko."
Ang tinutukoy ng binata ay ang pagpresentang ihatid si Stacey sa bahay.
Stacey played it coolly. "Bakit naman? May gusto ka ba sa akin?"
He narrowed his eyes on her. He was about to say of course when interrupted by a reminder that he instructed Stacey to behave as if she didn't know his feelings for her. And the knowing glint in her eyes strengthened his understanding of why she said that and acted that way.
Abot-tanaw pa lang nila noon ang gate nang nagpaalam si Mary Grace.
"Oh, daanan lang muna namin sila Lola, hane?" paalam nito, nanunukso ang tingin at ngiti sa kanila.
"Oh... samahan ko na kayo," presenta ni Stacey.
"Ay, huwag na," Mary Grace waved a hand. Mary Jane stood behind her, peering over her sister's shoulder and smiling meaningfully at her and Renante.
Bago pa nakapagsalita si Stacey, nagmamadaling dumiretso sa bahay nila Mang Lito at Ka Olga ang dalawa.
Nagkatinginan tuloy silang dalawa ng dalaga.
"Well," she trailed off, slightly shrugging her shoulders, shyly avoiding the look in his eyes.
"Well," he murmured lowly, trying to catch her eyes still. "Let's go?"
Tinugunan nito saglit ng sulyap ang titig niya bago sumagot. "Tara. Para makauwi ka na rin agad."
Naunang lumakad si Stacey, inakyat ang inukit sa lupa na hagdan bago nakalapit sa gate ng tinitirahan nito. Renante followed and watched her unlock the gate's padlock. Palipat-lipat ang hawak nitong Easter egg sa kamay para lang makuha ang padlock. Binulsa iyon ng dalaga sa front pocket sa kanan, habang makikitang nasa back pocket nito ang ref magnet at ballpen na souvenir mula sa dinaluhan nilang Easter egg hunt kanina.
Narinig ni Renante ang mahinang pagkiskis ng bakal, ang pagkalansing niyon ng kaunti habang hinihila ni Stacey ang harang na bakal para tuluyang mabuksan ang pang-taong pinto ng gate. Naalerto ang mga aso at kumahol nang kumahol. Hindi pa titigil kung hindi sinaway ng dalaga ang mga ito. Before she entered, she turned to face him. Pumuwesto si Renante sa kabila ng bukas na gate.
Now that they were facing each other, he took note of the way the night shadows touched Stacey. And the subtle lighting from the neighboring houses that gave her a soft Casablanca-movie glow. It gave Stacey's eyes a touch of soft brightness that stood out against the shadows from the gently swaying threes that fell upon them.
Renante found himself lost for words in that moment, pulled by a magnet closer to her. His eyes remained on hers, and spent a second glimpsing at her parted lips.
"You're alone here tonight?" he asked, out of concern, with one step forward.
Paano kung may panganib na naghihintay sa dalaga sa loob ng bahay?
"Probably," her voice was so hot, so sultry, her feet took a few steps back.
Pinaglalayo sila dapat ng pag-atras ng dalaga, pero hindi. Para bang sa pag-atras nito, siyang natural na hila ng dalaga sa kanya pasulong para sundan ito.
They shared the same kind of trance that locked their gazes into each other's eyes. Everything felt so heavy all of a sudden. So intense. This feeling had always been the reason why he could not take this woman lightly when they talk, when they look at each other... when the meet. He comes up with the corniest of jokes and struggle to make her smile maybe because of this intensity.
This tension that makes him hold his breath, makes him cautious and armed, everytime.
"Probably?" he questioned, drawing himself closer to her, almost sensing their bodies and faces a few breaths apart. "Are you expecting someone to join you in there?" hakbang pa niya na nagpasandal kay Stacey sa pinto ng gate.
Naalerto siya sa kaunting ingay ng pagbangga nito, napahawak tuloy siya sa gate para ipirmi iyon.
Damn. This should be just a simple conversation why was he feeling this excited yet tensed? Wala pa sa isip niya na i-prioritize kung anuman ang real score sa pagitan nila ni Stacey. They agreed on solving their problems first before this steamy flirtation.
Stacey looked over her shoulder before catching his pierching gaze, their chests touching one another, rising and falling slow and in one same beat.
"Yes," she gave him a soft underlook. "I am... expecting... someone here..." she blinked. "Sila Mary Grace."
He left a lingering stare before gently stepping back. How natural and suave he moved.
"I'm glad, may kasama ka. You have to stay safe."
Stacey managed a smile. "I know how to take care of myself, and how to survive."
"That's good. I wonder what else you can take care of," he pulled a playful grin as their distance grew wider.
"That stalker," her weakness was replaced with determination. She smiled with courage. "Humanda siya pagbalik natin ng Manila."
Napangiti na siya ng tuluyan.
Umalis na si Stacey ng pagkakasandal mula sa gate. "Good night, Mr. Villaluz," she ended the conversation in a breathy voice that sounded like a soft, sexy sigh.
Napahugot na lang siya ng malalim na paghinga, pumasada ang mga mata sa kabuuan nito. He was completely breathless the moment he answered, "Good night."
Ngumiti ang dalaga. It was as if, she knew that the victory was hers. Renante could not do anything but watch her step in and close the gate. Nag-iwan pa ito ng sulyap na nagpaliyab sa kanya bago ito napangisi, tumalikod at lumakad na papunta sa bahay nito.
Hinatid niya ng tingin si Stacey. Narating nito ang porch ng bahay. May pinindot. Bumukas ang mga ilaw sa bawat sulok ng sementadong bakod at gayundin sa mismong porch. Natanaw niya ang pagtanaw ng dalaga sa kanyang direksyon.
Renante managed a gentle smile before he turned to leave.
Siyang mabilis na alis nila Mary Grace, Mary Jane at Ka Olga mula sa pasimpleng pagdungaw sa dalawa sa bintana ng bahay nila. After sighing in relief, assured that they were not caught, they began giggling.
Tahimik ang paglalakad ni Renante pauwi. Sinadya niyang lumakad sa sementadong kalsada na katabi lang ng pampang ng lawa na nasa paanan ng kabundukang iyon. Despite the chill in the air, he could still feel how hot he was all over.
While walking, he receives a text message: I know where Stacey is. And also where you are.
His jaws tensed. That stalker was good and catching up. Evil never rests. With his dark shadowed face, he hurried back to Kapitana Anore's house.
.
.
.
***
.
.
.
NILAPAG NI STACEY SA MESA ANG BAGONG BAKE NA LASAGNA.
"Whoa!" silip agad ni Mary Ann sa pagkain bago nilingon ang katabing si Ka Olga. "Lola, masarap iyan!"
Sumingit siya sa tabi ni Mary Jane na katabi ni Mary Grace. Nasa kabila ng mesa sila Mang Lito, Ka Olga at Mary Ann. Kita niya ang pamamangha at paninibago sa mga mata ni Mang Lito. Meanwhile, there was a satisfied smile on Ka Olga's lips. Kulang na lang mag-away ang magkakapatid dahil nagpapaunahan sa makakakuha ng slice ng lasagna. But all was for the sake of bickering for fun. Nagtatawanan pa kasi ang mga ito habang nagbibiruan.
Napatitig na lang si Stacey sa mga ito. Ang saya siguro nung may kapatid. She would always wonder how it actually felt like having a sibling. Nangingiting tumayo na siya para ipagsalin ng lasagna ang pinggan ni Mang Lito.
At magana na silang kumain. Ilang araw na ang nakalipas mula nung Easter Sunday. Sabado ngayon ng gabi. Nagsimula lang sila kumain nang nakauwi na si Mary Ann mula sa byahe nito galing sa trabaho. It was a bit late, but no one minded the wait. Ang mahalaga kasi para sa mga ito ay kumain ng sabay ngayon.
"You're a good cook, ha?" silip sa kanya ni Mary Grace. "Kaya naman hinabol ka hanggang dito ni Nanting, eh!"
Hay, naku. Heto na naman sila sa panunukso sa kanila ni Renante.
"Oo nga pala," baba ni Mary Ann sa tinidor nito. "Bakit hindi mo siya niyaya rito?"
Hindi niya inaasahang mapapaaga ang plano niyang sabihin sa mga ito ang tunay niyang agenda. Ang dahilan sa likod ng pag-imbita sa mga ito na samahan siya ngayong gabi maghapunan.
"Ah, eh... siyempre. Hindi ba pwedeng tayo-tayo lang muna ang magkakasama rito?"
Pinaningkitan siya ni Mary Jane ng mga mata. "Weh, 'di nga? Be honest. Anong meron at naisipan mong magkakasama tayong maghapunan ngayon dito?"
Inalis niya ang tingin sa katabi. Sumalubong sa kanya ang nag-aabang na mga mata nila Mang Lito. The silence was nudging her to answer Mary Jane's question.
She sighed. "Ano kasi, nakapagdesisyon na akong bumalik ng Manila. Bukas na sana."
May gulat sa mga mata ng nasa hapag na iyon. It was Mary Ann who showed the most obvious reaction. Tila nanamlay ang mga mata nito at bumagsak ang mga balikat.
"Hala, bakit naman?" mahinang tanong ni Mary Grace. "Hindi mo siguro matiis kung gaano kasimple ang buhay dito, hane?"
"Hindi naman sa ganoon," malumanay niyang ngiti rito bago binahagi iyon sa iba pa nilang mga kasamahan. "I love it here. Really. Sa sobrang tagal ng panahon, palipat-lipat ako ng lugar. Paiba-iba ng mga kinakaibigan." Nagbaba siya saglit ng tingin. "Dahil siguro, naghahanap ako ng peace of mind. At dito," pasada niya ng tingin sa mga kasama, "ang peaceful dito. Walang gumagambala sa akin. Lagi niyo pa akong sinasamahan... Mary Grace... Mary Jane... Mary Ann." Inisa-isa niya ang pagtingin sa tatlong magkakapatid. Mary Jane remained serious. Mary Grace looked worried. Mary Ann and her soft puppy eyes made her sadness very well expressed. Payapa lang at may pang-unawa ang ngiti ni Ka Olga. Gusot man ang mukha ni Mang Lito, alam ni Stacey na pagkalito ang kahulugan niyon. Tila nabibilisan ito sa biglaan niyang desisyong umalis.
"Eh, paano ang promise mo kay Kapitana Anore na magta-try kang mag-Reyna Elena?" may kaunting pangongonsensya sa boses ni Mary Ann.
Matamlay ang kanyang pagtawa. "Si Renante na ang bahalang mag-explain."
"Oh, si Renante," bulalas ni Mary Jane, tila nagkaroon ito ng Eureka moment, "don't tell me, iiwanan mo rin si Renante rito?"
"Oo nga!" segunda ni Mary Grace. "Naku, sige ka. Baka pagbalik mo rito, naagaw na ni Mary Ann ang Papa mo—" natawa ito nang ambahan ng batok ni Mary Ann mula sa kinauupuan nito. "Joke lang! Joke lang, eh!"
"Mga apo," awat ni Ka Olga sa mga ito, "importante naman siguro ang dahilan kaya kailangang bumalik ng Manila ni Stacey ngayon."
"Bakit biglaan, hija?" hindi matiis na itanong ni Mang Lito sa kanya.
"May negosyo ho kasi ako sa Manila," dahilan niya. "Ngayong tapos na ang Holy Week, imomonitor ko lang saglit."
Mary Grace sighed in relief. "Eh, 'di ang ibig sabihin, eh, babalik ka rito 'di ba?"
Stacey smiled at them reassuringly. Deep in her heart, despite the dangerous world she would be facing upon going back to Manila, Stacey knew that she would come back here. Gagawin niya ang lahat para makabalik sa lugar na ito.
"Oo naman."
"Kailan?" tanong ng nabuhayan ang loob na si Mary Ann.
"Agad-agad. Matapos ko lang ang trabaho ko sa Manila."
Napangiti ang mga matatanda. Mary Jane smiled and nodded.
"Sabi mo iyan, ha?" Mary Ann pouted before smiling and picking up her fork.
"Oo naman," ngiti niya sa mga ito.
Tinuloy na nila ang pagkain. Paminsan-minsan, nagnanakaw si Stacey ng tingin sa mga ito. Inuukit sa kanyang puso ang mukha nila at ang bawat alaalang pinagsaluhan nila kahit sa sobrang ikling panahon. It way beyond her how people that she had met and been with for years were nothing compared to this family that she had only been with for a short time and yet, made her feel more loved.
Appreciated.
Cared for.
Hindi tulad noon na mismong mga kaibigan mo ang lihim mong kalaban. Na sila rin pala ang tatalikod sa iyo sa oras na makasagupa mo ang isa sa kanila. Na sila pala ang palihim na nagnanais agawin mula sa iyo kung ano ang mayroon ka... o kung ano ang inaasam mo.
With those thoughts, she was reminded of Vernon... Cynthia... Fritzie...
And Kylie.
.
.
.
***
AN
Hi, dears! Thank you sa pagsubaybay sa THROUGH DANGERS UNTOLD! <3
The next chapters will be titled JOINT FORCES and THE COMEBACK. They will be posted on Wednesday ;) <3 Stay safe, healthy and at home! Kitakits sa susunod na update!
With Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro