Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Five - Hatid

AN:

Hello, dears! <3 <3 <3

This is the last UD for today! See you all again tomorrow for new updates! Hindi ako makakapag-promise kung anong oras kasi may gagawin ako bukas, but I am sure makakapag-UD ako. ;)

Thank you so much for reading and enjoying Stacey and Renante's story! ;) <3

With Love,

ANAxoxo

.

.

.

NANATILING NAKATANAW SI STACEY SA GLASS WALL. Nakaekis ang mga braso niya, nakatanaw sa labas sa salas habang abala naman sa pagkukwentuhan sila Mary Jane at Mary Ann. She could see the soft glow of the afternoon sunlight, touching the bamboo trees, the plans... glimmering on the faraway view of the lake.

Si Mary Grace naman ang wala dahil sinamahan nito ang lolo't lola sa talagang bahay ng mga ito na malapit lang din sa kanyang tinitirahan.

"Hoy, Stacey," pukaw sa kanya ni Mary Ann. "Kanina ka pa tahimik diyan."

Napalingon tuloy siya sa mga ito. Seryoso pa rin ang kanyang mukha.

"Iniisip mo na naman si Nanting, ano?" panunukso ni Mary Jane kaya napangisi na rin ang kapatid nito.

Iniwan niya ang salaming pader para umupo sa solohang sofa roon. Sinadya niyang itiklop ang mga binti para masampa sa upuan ang kanyang mga paa. She placed an arm on the arm rest.

"I just realized how immature I have been. For running away from everything that I don't want to deal with," malumanay niyang saad. "Ngayon ko lang na-realize na ilang taon ko na palang ginagawa iyon... No. All my life... I've been doing that." She lifted her eyes from one woman to another. "And I made myself believe that I'm a strong person just because I am so capable of leaving when I want to leave."

Napahugot ng malalim na paghinga si Mary Jane. "Well... ang lalim n'un, ah. Hindi mo man lang kami pinag-prepare, Stace," umayos na ito ng pagkakaupo sa sofa.

Alam niyang sinusubukan lang nitong pagaanin ang pakiramdam niya, kaya sinikap niyang ngitian ang mga ito.

"Sorry," matamlay pa rin ang boses niya.

"So, iyon ba ang pinag-usapan ninyo ni Renante?" interesadong suksok ni Mary Jane sa dulo ng sofa, mas malapit iyon sa solohang upuan na kinauupuan niya. "Willing ka na bang i-share sa amin?"

Stacey looked blankly at nowhere now. She had never done this before, spill everything she felt. Wala naman kasi talagang may pakialam, 'di ba? Interesado lang sila para may malaman. Interesado lang sila para ma-identify kung kaibigan ka ba talaga o threat sa kanila. Interesado lang sila sa mga problema mo para may mapag-usapan kapag nakatalikod ka na... o para gumaan ang pakiramdam nila at isiping ang swerte nila kasi wala silang problema na kasing bigat nung kanya.

But she was already beyond her breaking point. She would liberate herself from keeping her feelings and thoughts. Ang ipagkakait lang niya ay ang mga bagay na ayaw ni Renante na malaman ng iba.

"Hindi ako nandito dahil sa broken hearted ako. Umalis ako ng Manila kasi... kasi may nagtatangka sa buhay ng mga taong malapit sa akin doon. Na kung hindi ako aalis, lahat ng madidikitan ko roon, mapapahamak. Tapos kagabi, nabanggit ko rin na... na may binigay na sulat si Renante. Na galit ako sa mga sinabi niya sa sulat na iyon kaya huwag na huwag niyong papapasukin ng bahay. It wasn't because it's related to the heart break issue. Tanggap ko na naman kasi noon pa na... na hindi talaga kami para sa isa't isa." Nasapo niya ang noo. "Oo na, aaminin ko. Minsan, umaasa ako. Pero bumabalik din ako sa wastong pag-iisip, at pinapaalala ko sa sarili ko na... hindi. Hindi ka mahal n'un. Mabait lang siya sa iyo. Kasi... ganoon naman siya sa lahat ng tao. Sa lahat ng kaibigan niya. Mai-inlove ka ba kay Renante kung masama siyang tao?" her voice was a little shaky as she chuckled a bit. "At kanina, pinakiusapan ako ni Renante na... na bumalik na ng Manila. Na i-solve ang isyu tungkol sa stalker."

"Okay..." ina-assess ni Mary Jane ang kwento niya. "Eh bakit ganoon katindi ang concern ni Renante na ma-solve iyang issue mo sa stalker mo?"

"Stalker, 'di ba?" singit ni Mary Ann. "So, ibig sabihin, may gusto sa iyo itong taong ito at tinatakot ka niya kapag nadidikit ka sa ibang lalaki, tapos kung anu-ano ang nireregalo niya o binibigay sa iyo, 'di ba?"

Stacey just nodded.

"Ah," nang-aasar ang pagkakangisi sa kanya ni Mary Jane, "baka concerned si Nanting kasi paano ka niya mapopormahan kung may stalker na aali-aligid sa iyo?"

At tila mga high school students ang dalawa na nabuhayan ng loob nang nagkuwento ang kanilang guro tungkol sa mga love life. Nagtili-tilian at kantyaw ang dalawa sa kanya.

"Ayie, ayie, ayie!" abot sa kanya ni Mary Jane para tusuk-tusukin ng hintuturo sa braso.

"Ano ba?" pigil niya ang matawa sa pang-aasar ng mga ito. "This is a serious situation!"

She should also tell that to herself. How couldshe manage to even smile? O dahil nature na talaga ng tao na minsa'y idaan nalang sa pagtawa ang mga problema?

"Alam namin! Wala naman kaming magagawa rin, hane? So ito na lang ang tulong namin, taga-tanggal ng stress mo," tawa ni Mary Jane.

.

.

NAPATAAS NG ISANG KILAY SI KAPITANA ANORE. Tahimik lang ito, kunwari nanonood ng TV pero nag-oobserba ang mga mata sa apong si Renante. Aba, kanina pa ito pabalik-balik sa salamin.

"Nanting," hindi na ito nakatiis, "baka pagtingin ko mamaya sa salamin, repleksyon mo na ang makita ko imbes na akin, ha?"

Nawiwirduhang nilingon niya ito. "What?"

"Tigilan mo nga ako sa what-what na iyan," nanenermon na ang boses ng ginang.

Mukhang nakakalimutan na naman niyang pansinin ang kanyang Tita Lola. Heto na at tatabihan na niya ito sa sofa. Boring daw ang ilang mga palabas sa TV kaya silang dalawa lang ang nasa salas. His cousin was at the covered court, playing basketball some friends even if he shouldn't. Abala naman sila Theo at Leslie sa pamamalengke at hindi pa nakakauwi.

Inakbayan niya ang matanda. "Tita Lola."

"Oh, ano?" masungit ang tinig nito nang tapunan siya ng tingin. Pigil niya ang matawa. Sanay na siya sa mga matanda at ang tendency nila minsan na umakto na parang bumabalik sa pagkabata. His father was the more annoying version of that though. Meanwhile, his Tita Lola was obviously just yearning for his affection.

"Nagpunta ako kanina sa Kalbaryo."

Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "Ano? Aba'y bakit? Ano'ng oras? Mainit doon, eh! Bawal kang mainitan, eh!" harap nito sa kanya at sinimulan na nitong sipatin siya na para bang tsinetsek kung may lagnat siya.

"Tita Lola, nandito na ako, 'di ba? It means, I'm already okay, hm?"

"Hmph! Kahit na!" baba nito ng mga kamay. "Huwag mo nang uulitin iyon! Ang tanda mo na, Nanting!"

Ang tanda na raw niya pero grabe ito makasipat sa noo at leeg niya kanina... Nilihim niya ang natatawang reaksyon. Natutuwa lang siya sa kanyang lola.

"Kasama ko si Stacey kanina," nagpapahiwatig ang tinig niya rito.

Kumunot ang noo nito. "Si Stacey?"

"Yung bago rito?"

Nagliwanag ang mukha nito. "Ah, si Reyna Elena!"

Nagsalubong ang mga kilay niya. Reyna Elena? Ano'ng Reyna Elena?

Parang nabuhayan ang matanda. "Aba, eh, kaya ka yata pagala-gala rito, eh. Aba'y mas inuna mo pa ang pagporma!" kurot nito sa tagiliran niya.

"A-Aray, Lola! A-Aray!"

"Lola?" kurot ulit nito.

"T-Tita Lola... Tita Lola!" awat niya rito.

Even if he had the strength, Renante didn't have the heart to push the woman away. Bahala nang mabugbog ang tagiliran niya ng kurot nito.

"Aw..." he rubbed his side when she finally released him from her pinches.

"Akala ko pa naman, nandito ka para makipag-bonding sa akin."

Ayan na. Nagtatampo na ang matanda.

He hugged her from the back. "Tita Lola, iyon naman talaga ang pinunta ko rito."

"Heh, sinungaling ka! Kausap ko 'yung apo ni Ka Olga kasi hinanap ka namin ng Tito Theo mo!"

He suddenly felt bad. Napatitig siya sa matanda.

"Ano... may past-past daw kayo nung... nung si Reyna Elena!" pagmamaktol pa nito.

Renante sighed. "Pero Tita Lola, hindi lang naman isa ang reason ng pagparito ko, eh. Siyempre, nung nalaman kong dito nagpunta si Stacey, ikaw ang una kong naalala. Kaya nga dito ako dumeretso muna sa inyo, kaya nga hindi ko inuna ang paghahanap sa kanya rito. Kasi... kasi naalala ko ang promise ko noon sa iyo. Nahihiya ako na hindi ko natutupad."

Nanunukat ang titig ng matanda sa kanya.

"Hanggang kailan ka rito?"

"Hanggang next week, Tita Lola."

Napatitig ito sa kawalan. "Eh 'di may isang linggo pa ako para kilalanin siya, 'di ba?"

"Tita Lola!" panlalaki niya ng mga mata rito. "H-Hindi... Hindi pa naman kami nagde-date o ano!"

"Eh 'di ano?" paniningkit ng mga mata nito sa kanya. "Bakit kasama mo siyang mamasyal kanina sa Kalbaryo."

Hay... paano ba niya malulusutan ito? Hindi pa nga siya nakakapag-isip ng diskarte nila ni Stacey, kung paano nila pakikitunguhan ang isa't isa at ano ang iaakto pagbalik ng Manila.

"Tita Lola," pinapakalma niya ito, "relax, okay? Huwag nating madaliin ang mga bagay-bagay? Huwag kang magbanggit ng kahit ano kay Stacey na may kinalaman sa akin? O sa kung ano sa tingin mo ang... ang..." he was hesitating. Damn, he never knew that opening up this much felt this hard! "...ang feelings ko? Please?"

Titigan muna siya ng nag-iisip na matanda bago iniwas ang tingin sa kanya.

"Aba, ang tatanda niyo na, pinatatagal niyo pa iyan. Paano ako magkakaroon ng apo sa iyo niyan?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Tita Lola!"

.

.

NAGLALAKAD-LAKAD SILA STACEY SA PRITIL. Papalubog na ang araw, mas malamig na ang haplos ng sariwang hangin habang nilalaro niyon ang kanilang mga buhok. Nagbibiruan sa likuran nila ni Mary Grace sila Mary Ann at Mary Jane. Habang ganoon kagaan ang vibe sa likuran, seryoso naman ang pag-uusap nila ng kasabay niya sa paglalakad.

"Eh 'di ibig sabihin, eh, hindi ka rin pala magtatagal dito?" malumanay nitong tanong.

Malapit na nilang madaanan ang barangay hall.

"Well... pinag-iisipan ko pa rin nga kung kailan ako babalik ng Manila."

"Siyempre, dapat agad-agad," ani Mary Grace. "Paano kung matunton ka nung stalker dito?" Sinadya nitong babaan ang tono ng pananalita para walang makarinig sa kanila.

Napayuko na lang siya.

There was a short silence before she managed to say, "Sorry. Dahil sa ginawa kong pagtatago rito, madadala ko pa rito sa inyo ang problema ko sa Manila. 'Yung imbes na doon lang sa Manila nangyari 'yung mga... 'yung mga nangyari sa mga kaibigan ko... baka madamay pa kayo ngayong nandito ako."

Mary Grace gave her an understanding smile. "Ano ka ba? Eh, sigurado naman akong naisipan mo lang umalis para sa ikabubuti ng mga naroon."

"Thank you," she smiled.

Siyang labas nila Kapitana mula sa barangay hall. Kakatapos lang nito ipulong ang mga tanod na under nito bilang paghahanda sa Linggo ng Pagkabuhay bukas. May gaganapin din daw kasing event ang simbahan at nangangailangan ng pag-asiste nila para sa kaligtasan ng lahat.

Naalerto sila at bahagyang nagulat. Huminto agad sila sa paglalakad. Ganoon din ang dalawang babae na kasunod lang nila.

"H-Hi, Kapitana!" naunang bati ni Mary Grace.

"Hello po!" ani Mary Jane.

Mary Ann even waved. "Kamusta ho, Kapitana?"

All Stacey managed to do was display an unprepared smile. Lalo siyang naguluhan nang pasadahan siya nito ng tingin. Kulang na lang balatan siya ng ginang.

"Hello po," matatag niyang bati sa mababang tono.

Nagtaas ito ng noo. "Maggagabi na. Dapat nasa bahay na kayo."

Medyo may pagkailang sa nerbyos na tawa ng Tres Marias.

"Eh, huwag kayong mag-alala, Kapitana, hane? Eh, hanggang basketball court lang kami, tapos uuwi rin kaagad."

"Eh, magroronda na rin naman kami, eh," tipid nitong ngiti. "Samahan na namin kayo."

"Ay, may pahatid si Kapitana!" magaang tawa ni Mary Jane. "Nakakahiya naman po. Thank you, Kapitana pero—"

Napasinghap si Stacey nang kumawit ang braso ng matanda sa braso niya. "Tara na, mga hija."

Naguguluhan siya kung magpapatangayo ano. She remained composed, hiding her shock as the woman lead her back theroad. Patungo na sila sa daan paakyat sa gilid ng bundok kung saan nakatindigang bahay na tinitirahan niya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro