Chapter Forty - Destiny Is At The Backstage
NAKA ISANG LINGGO NA SI STACEY SA PROBINSYA. Sa loob ng isang linggo, naipasyal na siya ng Tres Marias sa mga magagandang pasyalan at importanteng lugar na dapat niyang malaman. Nakakatulong na rin siya kina Ka Olga at Mang Lito pagdating sa pag-aalalaga ng mga pananim nilang gulay sa bakuran ng kanyang bahay. Medyo bumait na rin sa kanya ang dalawang askal na bantay doon.
Hindi niya masyadong pinapansin ang mga kapitbahay. Nakasanayan lang niya siguro noon sa Maynila na mula pagkabata, eh hindi masyado naglalalabas ng bahay. Hindi rin palalabas ang mga kapitbahay niya sa mga subdivision na natitirahan.
Paminsan-minsan, nakakabatian din niya si Kapitana Anore kapag nagkakataong nag-iikot-ikot ito kasama ang ilang tanod.
"Buti pa kayo," labi ni Mary Ann habang magkakasama sila ngayon sa salas ng kanyang bahay. It was a Saturday night. Walang pasok sa trabaho ang dalawang guro. Kakauwi lang naman ni Mary Ann kaya suot pa ito ang unipormeng blouse, pencil skirt at stockings. "Eh kami, may pagkalaki-laking sale pa sa mall, eh! Kaya may pasok ako sa Mahal na Araw."
"Asus, para saan pa ang leave?" pang-ookray ni Mary Grace sa kapatid, suot ang reading glasses at kunot pa ang noo. "Gamitin mo, aba!"
Nakaupo sa sahig sila Mary Grace at Mary Jane, gamit ang coffee table habang inaatupag ang mga record books nila. Naghahabol ang mga ito, hindi dapat umabot ng Mahal na Araw ang ginagawa nilang computation ng grades. May gaganapin din kasing Recognition Day sa high school na pinagtuturuan nila kaya kailangang matapos agad. Panay tuloy ang takatak ng mga calculator.
"Eh late na!" anito. "At para saan ang Vacation Leave kung wala namang mapagbabakasyunan, hane? Mapagalitan pa tayo nila Lola kapag gumala pa tayo ng Mahal na Araw."
"Why? What's wrong with that?" tanong ni Stacey sa tatlo. Nakataas ang mga paa habang nakaupo siya sa sofa katabi ni Mary Ann.
Mary Ann gasped. "Anong what's wrong?" panlalaki nito ng mga mata. "Ang sabi nila Lola eh, kapag Mahal na Araw eh, dapat nasa bahay lang daw. Parang nagluluksa kasi tayo sa Mahal na Araw, Stace."
Well... Hindi na lang niya sasabihin na tuwing Holy Week, nagre-retreat siya sa iba't ibang mga beach at resort...
"Bawal din daw ang maingay," baba ni Mary Ann sa lalagyan ng biscuit na hawak nito. "Bawal din masugatan, kasi hindi gagaling agad. Bawal ang tumawa. Bawal ang maligo."
Napalabi si Stacey. Ganun...
"Bawal din ang sex."
Nagbungisngisan na ang mga ito dahil sa sinabi ni Mary Ann. Namilog naman ang mga mata ni Stacey.
"Pati iyon, bawal?"
"Hindi daw mahuhugot palabas 'yung ano," tawa ni Mary Ann.
"Para namang may makaka-ano tayo, Mary Ann!" natatawang saway ni Mary Jane sa kapatid.
Natatawang napailing na lang si Stacey. These liberated young ladies. She's beginning to love their company.
.
.
MORE DAYS HAVE PASSED. Sunday morning. Nakaramdam si Stacey ng ginhawa nang makalabas ng simbahan. She tugged down her white button-down blouse with a hand to cover her hips exposed by the low-waist jeans. Inasahan na niyang siksikan ang mga tao kaya nag high ponytail siya ng buhok. Nagpaanod siya sa mga tao palabas ng simbahan ngayong tapos na ang misa. Nakakabanggan naman niya ang iba pang dumadagsa sa loob para lang mapabasbasan ang winawagayway nilang mga palaspas.
Nang makalabas, luminga-linga siya sa paligid. Nasaan na kaya ang magkakapatid? Akala niya, nakasunod ang mga ito sa kanya palabas ng simbahan.
"Ah!" lingon niya sa humila ng kanyang kamay. Natawa siya nang makilalang si Mary Jane iyon. Mary Jane looked lovely on that day in her tight jeans and fitting shirt. Her brownish wavy hair and round gentle eyes. Kahit sino, iisiping guro talaga ang dalaga dahil sa sweet image nito. Pero kapag nagsalita na, wala nang kahinhinan sa boses nito.
"Nasaan na 'yung dalawa?" lagpas ng tingin nito sa kanya para hanapin ang dalawang kapatid.
Stacey shrugged.
"Dito nga tayo," akay sa kanya ng dalaga sa hagdan ng simbahan pababa, patungo sa main gate nito. Tumayo sila sa gilid at sumandal sa pader na katabi ng hagdanan para malayang makadaan ang mga tao.
Inisa-isa nila ang mga dumadaan at hinarangan agad sila Mary Ann at Mary Grace. Mary Ann had her brownish dark hair low ponytailed. Nakasuot ito ng bestidang kulay pink. Nagbiro pa ito kaninang mag-o-off shoulder kaya lang bawal daw iyon sa simbahan. Mary Ann wore a pair of jeans and and a fitting orange top with a sweetheart neckline and puffed sleeves. Sumasayad ang dulo ng maikling buhok nito sa mga balikat.
"Hoy!" gulat ni Mary Jane sa mga ito.
"Adjao!" gulat na bulalas ng mga ito bago nakilala agad ni Mary Grace ang kapatid. "Bruha kang babae ka! Kung makapanggulat ka!"
Kinaway-kaway ni Mary Jane ang hawak na palaspas. "Nabasbasan na!"
"Buti naman!" kawit ni Mary Grace ng braso sa kapatid at sabay-sabay na silang lumabas ng gate.
"Ilalagay ito sa pinto, 'di ba?" tanong niya.
"Oo, pangtaboy ng mga masasamang espirito, tulad nung Renante!" tukso sa kanya ni Mary Grace.
"Abno ka talaga," ganti niya rito habang tawang-tawa naman ang mga kapatid nito.
"Stace!"
Napalingon sila sa tumawag sa kanya. Si Kapitana iyon kasama ang hipag na si Leslie. Nakapantalon ang matanda at puting may kaluwagang slip-on blouse na open-collared. Bulaklakin naman ang blusa ni Leslie na pinangterno sa jeans nito. May hawak na mga palaspas ang babaeng kasama ng matanda.
"Good morning, Kapitana!" hindi sabay-sabay na bati nila rito.
"Good morning din," ngiti nito sa kanila. "Ano, Stacey, pumapayag ka na para d'un sa Santa Crusan ha?"
Pumaling ang ngiti niya. Hindi siya sanay sa ganoong mga klase ng exposure pero...
"S-Sige."
"Aba'y mabuti!" masaya nitong ngiti bago nilingon si Leslie. "Tara na." At binalingan sila saglit ni Kapitana Anore ng tingin para kawayan.
"Bye," mahina niyang wika habang tinatanaw paalis ang matanda. Mukhang napasubo yata siya. Natatakot pa naman siyang malagay sa sitwasyon na madali siyang makikita o mapapansin ng mga tao dahil... sa kanyang stalker.
Stacey lowered her hand. Napagtanto niyang medyo matagal-tagal nang hindi nagpaparamdam ang stalker. Her anxiety seemed to be paying a visit. She cautiously looked around, scanned the faces from the crowd and the people who passed by. May dalang mga palaspas ang karamihan, nagmamadali makalabas ng simbahan ang mga nakatapos na ng misa.
She didn't know where the disappointment of not finding anything suspicious coming from. Hindi lang siya makapaniwala. Hindi lang siya sanay. Tinangay na siya ni Mary Jane para maglakad na sila pauwi. Panay ang tukso sa kanya ng magkakapatid sa pagre-Reyna Elena niya.
Stacey managed a small smile.
.
.
.
***
.
.
.
RENANTE CAME HOME EARLY THAT SUNDAY NIGHT. Hinagod niya saglit ang lalamunan, kanina kasi habang nagmamaneho, parang nabilaukan siya kahit hindi naman kumakain. Sinalubong siya ng katulong para sabihang malapit nang ihain ang hapunan.
"Salamat," walang lingon niyang saad bago ito nalagpasan.
Pumanhik lang siya sa kwarto para iwanan doon ang brief case. May dala rin siyang mga canvas bag at paper bag na puno ng mga pinamili niya mula sa mall. Hindi na siya nag-abalang magbihis, dumiretso na siya sa dining room. Nagkataon namang siya ang nauna roon. Plano niyang umupo sa isa sa mga upuan doon para hintayin ang pagkain nang mapadaan sa walkway patungo sa dining room si Luz. She stopped and looked at him. Naghahanap lang ang ginang ng tamang timing bago siya tawagin.
"Anak," pigil nito sa tangka niyang pag-upo nang mahila ang isa sa mga upuan doon.
Renante looked at her over his shoulder before facing her direction. "Mom."
Luz was neat in her white square dress. Her movements were always graceful and slow. It took him a while to wait for her to get closer to him.
"I am glad you're home early for dinner tonight. Too bad it will only be just the two of us. May business-related dinner kasi ang Dad mo at Kuya Ronnie."
"As usual," he sighed. Thank God, he wasn't involved in those kind of dinners anymore.
Isa sa mga bagay na hindi niya maunawaan sa ama ay kung paanong hindi nito mapaghiwalay ang oras para sa personal na bagay at oras para sa trabaho. How could his father consider himself as efficient and successful if he could not separate business from personal life and vice versa?
Pinaghila niya ng upuan ang ina. "It's a date then, Mom. Have a seat."
Mahina itong natawa at umupo. "Oh, Renante."
Tinulak niya ang upuan palapit sa mesa. He decided to occupy a seat across where Luz sat, so that they can talk face to face.
"So, Mom," usog ni Renante ng upuan niya palapit sa mesa, "what are your plans for the Holy Week? Ngayong week na iyon."
"For the Holy Week?" lapag nito sa kandungan ng table napkin. "Oh, I don't know. Wala naman kami napag-uusapan ng Dad mo."
"That's weird. I thought you've already made plans. Like, March pa ako ready para sa lakad ko this Holy Week."
Kung ganitong hindi aalis sa bahay sila Dad, pupunain na naman n'un kung bakit dalawang linggo akong MIA sa VVatch. Sheesh.
"Hay, bakit hindi pa ako nasanay? You're always planning ahead and making sure things are in order. Wala kang pinag-iba sa Dad mo."
Oh, please, Mom... he thought sarcastically.
"Well," diretso nito ng upo, "mukhang dito na naman ako sa bahay. O magbi-Visita Iglesia kasama ang mga kaibigan ko. Kapag ganitong walang pasabi ang Dad at Kuya Ronnie mo, malamang may business matters silang aatupagin."
Mga walang patawad din talaga. Kahit holiday...
"I just remembered Tita Lola," sagot niya sa ina. "I've always promised that I'll visit her, but I never managed to do so."
"So, balak mong lumuwas ng probinsya ngayong Mahal na Araw?"
He unfolded his own table napkin. "Yeah. Gusto niyo bang sumama?"
Luz smiled. Iyon ang klase ng ngiti na binibigay ng kanyang ina para lang magbigay pakonswelo sa mga kausap nito— a false hope.
"I am hoping so. Kaya lang kailan ba ang alis mo?"
"Tomorrow," he shrugged. "I'm done with buying stuff. Ngayon lang ako namili kasi Linggo kahapion, masyadong matao. I don't have the patience for long lines. Namili ako ng pasalubong para kina Tita Lola."
"Oh, that's nice. Paki kamusta nalang ako, anak. I won't be really able to come with you if you're leaving tomorrow. Hihintayin ko na lang siguro kung ano ang plano ng Dad mo para sa Holy Week."
"Sure," he smiled.
As usual, his mother would follow whatever his father's plans are. She wasn't as capable as Stacey who could take change and make her own plans and stick to it.
Damn, why was he even comparing his mother with Stacey?
Maybe, it was because he didn't want a relationship similar with his parents?
Siguro, dahil ngayon lang siya naliliwanagan na mali ang tinuturo sa kanya ng ama? Na kung maghahanap siya ng babaeng makakasama sa buhay, dapat submissive ito at hindi marunong kumontra? Dapat pino ito tulad ng kanyang ina? Malumanay tulad ng kanyang ina? Disente?
And he used to believe that false teaching because Renante use this playing safe tactic as a way of survival?
That maybe, all this time, he was lying to himself about how he felt for Stacey because it was what his survival instincts dictated him to do? To avoid women like her? To not like women like her? That it would be dangerous if he ever entertain the thought that he likes her since back then?
Maybe he was just thinking that he should look at his parent's relationships and learn to not replicate how unhealthy it was just because it was safe? There are unhealthy relationships that we choose to stay in because it's familiar... it makes us feel secured.
Just like Sonny. She's his only friend. He never ventured or went out and tried getting close to anyone else. He chose her for the fact that she fits in the requirements of his father, that being with her will secure him. Unlike Stacey who had always been unstable. Always a free bird. Papalit-palit ng bahay at trabaho. Mahilig mag-clubbing at uminom. Puno ng kalokohang natuturo sa mga kaibigan nito tulad nung ginawa nito noon kay Sondra. She was a dangerous fire who doesn't stay in one place but run around and spread her flames anywhere she goes.
At ang apoy na tulad nito, hindi umaalis nang hindi nag-iiwan ng marka.
It didn't change the fact that he loved Sonny. She was just so easy to love, to fall for.
But if he would think about it, if he made his heart and mind more open, he wouldn't be trapped in this belief that he really loved her that much.
Some men never overthink their feelings, making them susceptible to false notions and to the programming embedded in their brain by their parents since they were young.
And Renante just learned that tonight.
He realized it just by looking at his mother and how she's suffering in the security that she chose over a relationship that would probably make her unstable, but liberate her from this fate.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro