Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-Two - Over and Over Again

"I CAN'T BELIEVE THIS."

Hindi nilingon ni Stacey ang binata. Kahit sinabihan na niya ang lalaki na bukas pag-uusapan ang pagbisita ni Detective Orlando, hindi nakatiis ang binata. Dis-oras na ng gabi, heto at nasa bahay niya ang lalaki. They sat on sofa side by side.

Nakakalat ngayon sa coffee table ang mga larawang binigay kanina ng detective.

"Now tell me," Stacey spoke. "Can you still detach yourself emotionally from this? Can you still act logically? Because that's what you're trying to say when you suggested that you'll get close to Kylie for the sake of this case."

"Bakit ba bumabalik na naman tayo diyan?" gusot ang mukha na lingon nito sa kanya.

Nanatiling nasa kawalan ang kanyang tingin.

Sinabi niya ang mga sinabi ni Detective Orlando tungkol sa mga larawan, pero hindi niya binahagi rito ang tungkol sa pagpapaimbestiga noon ni Ronnie sa kanya. Gayundin ang mga akusasyon ng detective na iyon sa kanya.

"I don't know what to feel about this, to be honest," mahina nitong wika.

"Kaya ako ang haharap sa kanya," matatag niyang wika.

"Stace..." titig ni Renante sa kanya.

Was he worried? Was he scared she would find out something that involves him?

Hindi naman nalalayo na involved si Renante, 'di ba? Dahil heto, may involvement ang kapatid nitong si Ronnie sa namatay na si Detective Brian.

"I want to know his schedules, Renante."

"I will. But promise me something."

Napatitig siya sa binata. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Mas nangingibabaw ang panlalamig ng buo niyang katauhan.

"What is it?" walang emosyon niyang salo sa titig nito.

"Be honest with me. All the time. Okay?"

"Bakit?" kontrolado niya ang pag nginig ng tinig. "Iniisip mo na naman ba na isa akong sinungaling?"

He struggled with staring back into her eyes. His eyes slightly drifted, his mind running before their gazes locked once again. Renante's voice turned whispery.

"Of course, not."

"Then why make me promise to be honest?"

Napayuko ang binata.

Sigurado siya na may mga konklusyon nang namumuo sa isip nito. Anuman iyon, umaasa siyang malalaman niya iyon sa oras na makausap niya si Ronnie.

"And what if I lied?" she continued. "Will you stay away from me?"

He stared into her eyes. "No."

"Why not?"

"Lahat tayo, nagkakamali," lapit nito sa kanya. "Kahit ilang pagkakamali pa ang gawin mo, Stace, I don't think I'll ever leave your side. I'll just forgive you over and over again."

No. Renante didn't know what he was saying. He had never been in her position.

Hindi pa ito nasasaktan ng paulit-ulit, tulad ng ginawa nito noon sa kanya.

So, how could he say that he was capable of forgiving her over and over again?

.

.

.

***

.

.

.

NAKATAYO SI RENANTE SA VERANDA. Nakasandal siya sa bukas na two-doors niyon, may hawak na rocks glass. Blangko ang tingin niya sa latag ng berdeng damo at mga halaman na nahahaplos ng malamlam na dilaw na liwanag ng lighting fixtures sa hardin.

"Be honest with me. All the time. Okay?"

"Bakit? Iniisip mo na naman ba na isa akong sinungaling?"

"Of course, not."

"Then why make me promise to be honest?"

He sucked in a deep breath. Napainom siya sa alak na laman ng hawak na baso.

"And what if I lied? Will you stay away from me?"

"No."

"Why not?"

Naibaba na niya ang baso, said ang laman nang natapos ang pagbabalik-tanaw. Hindi na niya bilang kung pang-ilang baso na ito. Kulay itim din ang bote ng alak na iniwan niya sa glass table roon, kaya hindi niya makita kung gaano karami na ang nauubos doon.

Stacey... She did nothing but lie. Always lie to him...

Way back in high school. Plano niya sana noon sorpresahin si Sondra. Dumaan siya sa classroom nito. Sumilip muna siya. Nagkalat ang mga estudyante na kung anu-ano pa ang ginagawa dahil wala pa silang klase.

"Sondra!"

Natigilan siya sa narinig. Palagay niya, nakasandal sa pader malapit sa pinto ang pinagmulan ng pamilyar na tinig.

Dahil nakatalikod si Sondra sa direksyon kung nasaan ang pinto, hindi nahalata ng babae at ng kausap nito ang pagsilip niya. Sondra had her back turned from him, while Stacey rushed to her. Mabilis siyang umatras. Nakita niya ang kalapit na bintana ng classroom. Nagbubukas lang naman ng bintana ang mga classroom sa kanila kapag break time na. Sumandal siya sa pader at umusog ng kaunti malapit sa bukas na bintana.

Tantya niya na malapit doon nag-uusap ang dalawang babae.

"Tama ka," seryosong wika ni Stacey. "Gusto ko siya."

There was silence. Then a light laughter that came from Sondra. "Sabi ko na nga ba, eh!"

"Walang makakaalam nito, okay?"

"Bakit ayaw mong malaman niya? Malay mo, gusto ka rin niya!"

Nagsalubong ang mga kilay ni Renante.

So, Ms. Toughie has a crush now? He could not explain why he felt offended.

"Dahil lalong lalaki ang ulo niya!" mataray nitong saad. Renante could already imagine Stacey crossing her arms. "Ipagmamalaki na naman niyang gwapo siya. At matalino. At mabait."

Renante crossed his arms now. Sino pa ba ang ganoong klase ng lalaki maliban sa kanya?

"Come on, tigilan mo na kasi ang pang-aaway kay Renante. Tingnan mo, kakaasar mo sa kanya, nahalata kong may gusto ka sa kanya."

Namilog ang mga mata niya sa narinig.

Then, they narrowed. There was mischief in the way his eyes squinted. He would pretend he knew nothing, para mapilitan ang babae na umamin sa kanya.

Siyang pasok niya sa classroom ara gulatin ang dalawa.

"Hi!"

Pigil niya ang matawa sa gulat na gulat na mukha ng dalawa. He never saw Stacey that terrified.

Bickering with Stacey was all fun and games until

But of course, he would discover it soon, that for some reason, it was just a lie.

"Thank you, Renante!"sakay ni Sondra sa backseat ng sasakyan nila.

Nasa harapan noon ang driver na naghatid sa kanila sa post-JS Prom Party. It was hosted in the house of one of their school's richest kid. Ang boring daw kasi ng JS Prom nila at walang inuman, kaya sa post-party daw sila magbabawi.

Renante didn't mind not coming there. Marunong naman siya makisama at libangan na niyang mag-observe ng mga tao. Na-late nga lang sila ni Sondra ng mga dalawang oras dahil dinaanan pa niya ito, tapos bukod sa malayo-layo ang pupuntahang mansyon, inabot pa sila ng traffic sa intersection.

Sumalubong ang nakakabinging musika nang marating nila ang mansyon.

It was called a mansion by the host, but for Renante, it was only a big townhouse.

"Tara, hanapin natin si Stacey!" sigaw ni Sondra para marinig niya ito.

Renante gently shook his head. "Go ahead. Kuha lang ako ng maiinom."

Sondra shrugged, looking pretty sassy in her rainbow socks, pink shirt and plastic jewel-studded jeans. Naka-ponytail ang unat at itim nitong buhok.

To be honest, he just needed a drink to cool himself down. For some reason, he was feeling nervous to see Stacey. Ngayon lang niya makikita ang babae sa labas ng paaralan. How weird was that?

Does he look as cool as when he was wearing the school uniform with what he was wearing now?

He only put on a simple pair of jeans and a band shirt.

His hair was brushed-up neatly most of the time. Would his tousled hair ruin the illusion that he looked handsome?

Unang pinuntahan ni Renante ang buffet table. Kukuha sana siya ng juice mula sa punch bowl nang may nag-itsa ng kung ano roon. Kung ano kasi masyadong madilim at malikot ang ilaw, hindi na niya mawarian kung damit o panyo o kung ano ang nakikita niyang nakalublob ngayon sa punch bowl. He sighed and contented himself with a can of softdrinks on the other punchbowl filled with ice and in-cans.

He brushed shoulders and sometimes bump on people as he walked past them.

Hinahanap ng mga mata niya si Stacey nang mahagip ito ng paningin niya. Nakahalo ang babae sa mga nagsasayawan sa gitna ng hardin ng townhouse na iyon. Her hands clutched on a random guy's arms as they kissed.

He didn't have to think twice the moment he saw their lips parted, and Stacey smiled.

It was all just a lie.

He shouldn't love a liar.

And whatever he felt for Stacey, it was never redeemed.

Instead, it was more buried to death by her lies.

She would always lie where she and Sonny were. In what club were they partying. In what club were they drinking. Malalaman na lang niya kapag hirap na silang makauwi. Malalaman na lang niya kapag napasok ang mga ito sa gulo...

"It's okay for the two of you to drink," he answered back. "What's not okay is overdrinking. It's not safe!"

Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ni Stacey. "Of course, you're always concerned if this or that is safe or what."

Nagnakaw ng sulyap si Renante kay Sondra. Siniguradong tulog na ito bago binalik ang tingin kay Stacey.

"Please, Stace, get your shit together. You're the only one I can trust with Sonny's safety," bahagyang paglambot ng mukha nito.

Despite all that, he gave every trust he could to her. He made her feel that despite all these, he can still trust her...

"I'm sorry to hear that, but I really don't have any idea." Binalik ni Stacey ang mga mata kay Renante. "You asked me to prepare a great bachelorette party for her, at iyon ang pinagkakaabalahan ko. Ayoko ring mahalata ni Sondra na may pina-plano akong surprise para sa kanya kaya medyo umiiwas ako sa kanya ngayon at hindi kami nagkakausap—"

Natigilan si Stacey nang marinig ang maingay na pag-usog ng upuan niya. Renante stood up.

"Liar," he hissed lowly that only she could hear it.

He gave her many chances, and yet, more lies came from Stacey...

Napuno na siya noon, hindi ba?

Bakit ganito?

Parang hindi na siya natuto.

Then here he was. He felt such a fool for thinking that that has changed.

A fool for being far too deep now to turn back like how he managed to do it years ago.

Hindi na niya kaya.

Pagod na siyang tapalan ng palusot kung ano ang pangalan ng damdaming ito.

Ayaw niyang maging tanga.

Iniwasan naman niya.

Naging maingat naman siya.

Pero parang iyon pa rin ang kahihinatnan niya.

Dahil hindi na niya kayang takbuhan ito.

Masyado na niyang nilapit ang sarili kay Stacey.

Binuhay niya ang damdamin na akala niya, matagal nang patay.

At ang pinangalan niya rito, ay ang damdaming akala niya'y hindi nage-exist.

Manginig-nginig ang kamay niya habang inaalala ang pinadalang email kanina ni Detective Orlando. Dahil siya ang nakapirmang kliyente, siya ang unang naa-update tungkol sa pinapaimbestigahan niya. The detective also made it clear that he would interrogate her about her past stalking case.

At hindi niya alam kung matatawag bang pagsisinungaling ang hindi pagsabi sa kanya ni Stacey tungkol sa iba pang posibleng sinabi ni Detective Orlando rito.

Lumapit si Renante sa mesa at binaba roon ang baso. Tinukod niya sa mesa ang mga kamay, napatitig sa kawalan dahil lunod siya sa dami ng mga iniisip.

"Is this about her again?"

His jaws tensed when he heard Ronnie's voice. Nanatili itong nakatayo sa pinto, niluluwagan ang suot na neck tie.

"Don't worry, I won't be here too long. Gusto lang daw ako kausapin ni Dad. I think this is going to be about a business associate's party that he wants me to attend at."

Hindi niya ito nilingon o sinagot. Hindi niya alam ang gagawin.

"I've always wanted to make a comment. Pero nirerespeto ko ang kagustuhan mo na hayaan ka namin sa mga gusto mong gawin," wika ni Ronnie, nakatitig sa kanya. Lumambot ng bahagya ang mukha nito dala ng hindi maipaliwanag na pag-aalala. "But... if you were to ask me..."

Dahil nangako siya kay Stacey bago umalis, hindi niya sasabihin kay Ronnie ang tungkol sa mga nalaman niya. Nakuyom niya ang mga kamay na nakatukod pa rin sa mesa.

"That woman isn't good for you, Renante."

Madilim ang kanyang anyo nang nilingon ang kapatid.

"Isn't this getting old? Isn't this the same lie she told you years ago?"

He was right. Yet his rebellious heart didn't want to agree with Ronnie.

Mas pinatatag niya ang sarili.

"If a person kept lying to you all the time, why stay around them?"

"What if she's not lying this time?" mariin niyang wika.

Napatitig lang sa kanya si Ronnie. "How many times are you going to tell that?"

"I really regret having you as my confidante when I was young and stupid, Ronnie!" he growled, grabbing the beer bottle by the neck and the rocks glass on the other hand.

Mabibigat at malalaki ang mga hakbang niya patungo sa pinto.

"Come on, tapos ka nang uminom?" lingon sa kanya ni Ronnie nang lagpasan niya ito. "Tara, dalhin mo iyan sa office room ni Dad," sunod ng kapatid sa kanya. "Hindi mo pa kami sinasamahang uminom. Join us tonight."

Napahinto siya sa paglalakad. May naalala lang siya.

Gusto lang daw ako kausapin ni Dad. I think this is going to be about a business associate's party that he wants me to attend at.

Sabi iyon ni Ronnie.

I want to know his schedules, Renante.

Sabi naman ni Stacey.

He took in a deep breath. Renante must be doomed.

He had always been careful. He couldn't let anyone lie to his face or fool him.

He forgive, but never forget.

But what about now? Was he ready to give blind trust a try?

Nilingon niya ang kapatid. "Kumuha ka ng baso ninyo ni Dad."

At pumanhik na siya sa grand stairs.

Ronnie watched him first, managed asmall smile with a tinge of worry in his eyes. Then he left to get two glasseson the kitchen. Hinintay ni Renante ang kapatid at ito ang pinaunang pumasok saoffice room kung saan naghihintay ang kanilang ama.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro