Chapter Fifty-Six - Where Are We Going?
AT FOUR IN THE AFTERNOON, Renante was on his way out of the VVatvh building. Kasalukuyan siyang naglalakad nang malaman ni Hamilton mula sa sekretarya na paalis na siya.
Humabol ito. Hindi pa nakakalayo si Renante mula sa binabaang elevator nang bumukas ang katabi niyon. Hamilton saw him and made fast strides to catch up with him.
"Renante!"
Hindi niya ito agad nilingon.
"Renante!" tawag ulit ng lalaki, kasabay na niya ito sa paglalakad.
"Yes, Hamilton?" tanong niya sa presidente ng kumpanya.
"You're leaving too early?" palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa dadaanan.
Nanatili namang diretso sa harap ang kanyang tingin. Despite his brooding air, VVatch's president was not intimidated at all.
"Obviously, Hamilton. Ano ba ang kailangan mo?"
"Dumating na ang proposals para sa disenyo ng susunod nating model ng mga relo. You might want a glimpse of them before this day ends."
"What is the rush?" bahagyang kunot ng noo niya. "They're just proposals. And I am sure they were submitted on time."
"Exactly. Pero naglabas ng panibagong disenyo ang kalabang company nito lang. That is unexpected."
His eyes narrowed.
"We figured that we need to immediately release, at least, a prototype of a newer model of watches before they manage to set the minds of our target market into what they should buy this summer."
Hindi siya agad sumagot.
"You said, you want to oversee as much of what's going on here in VVatch as possible," paalala ng lalaki sa kanya.
He didn't know what was Hamilton's intention for that, the more he remained silent.
"We have to get majority of the market this summer. People have the tendency to buy watches because, you know, company summer outings or team building— pwedeng pang-prize ang relo. Maraming grumaduate. Birthdays. Maraming summer events. People would love to wear something new that they can flex during summer concerts or festivals—"
Sanay na siya sa pagiging overdoer ni Hamilton. He would really do and say everything just to get the result he wanted. It could be irritating at times. A concern too, kasi baka napapagod ang lalaki na maging taga-ako ng gawain ng iba sa sobrang kasipagan. But that was also the reason why he wanted Hamilton to be a part of VVatch.
So, Renante remained tolerant of this trait of him as much as possible. At the same time, he would tell when Hamilton needed to slow down a bit.
"Look, Hamilton. Kung pwedeng i-scan ang mga iyan, ipa-scan mo tapos i-email mo sa akin. Got it?" lingon niya sa binata.
He nodded. Doon lang tila nahimasmasan ang lalaki. "Noted."
At nagpaiwan na ito. Tinanaw na lang siya ni Hamilton hanggang sa nakalabas na siya ng building bago nito tinungo ang elevator. Meanwhile, Renante already got inside his car. Pagkasampay ng suit blazer sa sandalan ng katabing upuan, hinubad niya ang neck tie, tinanggal ang ilang butones at tiniklop ang sleeves ng suot na polo bago pinaandar ang kotse.
Nakatanggap siya ng tawag kanina mula kay Detective Orlando at nakatakda silang magkita ngayon sa isang restaurant. He made a reservation for a private dining room for them. Ayon sa detective, nakumbinsi nito na maka-meet-up nila ngayong hapon ang detective na nag-imbestiga noon sa stalking case ni Stacey. He was naturally a very patient man. If Renante was required a very, very long time just to get the result he wanted, he would not mind stalling, buying time or be scheming as he wait. Kaya lang, hindi na niya nagugustuhan ang nagiging epekto ng pagiging mapagpasensya niya.
He could not stop replaying what happened last night. Stacey was crying again. The domino effect of this stalker's moves was poking an old wound that hurt Stacey so much. Her past issues were resurfacing, and for Renante, it would not just affect how she deals with this stalker, but how she would deal with their relationship as well. Nakakausad na silang dalawa palayo sa nakaraan, hindi na niya hahayaang hilain sila niyon pabalik sa square one.
Pagkababa ng kotse, dumiretso siya sa restaurant. Inasiste siya ng waiter patungo sa pribadong dining room kung saan naghihintay na ang dalawang lalaki. He could see that Detective Orlando was seated there with someone who looked like in his mid or late forties. Kapwa casual ang attire ng dalawang lalaki. Tumayo ang mga ito nang palapit na siya sa mesa at tinanggap agad ang pakikipagkamay ng kasama ni Orlando.
"This is Detective Robert," pakilala ni Orlando sa kasama nito.
"Robert," tango niya sa lalaki bago sila nagkanya-kanya ng upo roon.
"Naka-order na ba kayo?" tanong niya sa mga ito. "The bill's on me. Make your orders."
Pagkatapos nila um-order at pagkaalis ng waiter na kumuha niyon, tumuwid ng pagkakaupo si Renante. Maingat niyang pinag-aralan ang hitsura ni Detective Robert. Alon-alon ang itim nitong buhok, may katabaan. Jeans at puting turtleneck shirt ang suot nito. Kapansin-pansin din ang may kalakihang backpack nito na kandong.
Napansin yata ng lalaki kung paano siya tumingin kaya hinuli nito ang mga mata ni Renante.
"Are you still a detective?"
"Hindi na. Tumigil na ako sa pagta-trabaho sa agency namin pagkatapos ng stalking case ni Stacey."
Mukhang na-briefing na ito ni Detective Orlando...
"Bakit naman? Hindi ba sapat ang binayad sa iyo ni Ronnie Villaluz?"
Wala sa bokabularyo ni Renante na kuripot ang kanyang kapatid. He was sure that Ronnie paid a pretty handsome sum despite not getting anything worthy out of that investigation. Kasi, kung hindi malaki iyon, hindi mapapansin ng ama nila at kukuwestiyunin noon kung para saan ang perang ginastos na iyon ni Ronnie.
Nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki. Renante didn't like it. Humihingi ba ng saklolo itong Robert na ito kay Orlando?
Mabilis na nagdilim ang anyo niya. Renante had to make it clear that it wasn't Orlando who was in control in this room. He remained calm, yet his low voice hinted a warning for Robert.
"I demand the truth, Robert. I bet you have nothing to lose if you'll answer my questions honestly. Right?" matalim na titig niya rito.
Pinatatag ng dating detective ang sarili.
"I just want to know what made you resign from your agency after having my brother as your client. May kinalaman ba iyon sa amin? Sa pinaimbestigahan namin?"
Lumikot ang mata nito, pero mukhang hindi willing si Orlando na tulungan ang lalaki. Sa palagay ni Renante, pinaniwala lang nito si Robert na si Orlando ang bahala rito. Pero ang totoo, sa oras na makaharap na siya ng mga ito, lalabas ang totoo na silang dalawa ng detective ang magkapanig.
Relaxed na napasandal siya sa backrest ng upuan.
"Robert... I'm waiting..." he darkly hinted and tapped his fingers on the table.
Napahugot ito ng malalim na paghinga. Robert wildly turned to Orlando. "Akala ko ba magtatanong lang siya tungkol sa kaso nung Stacey? Bakit parang tungkol sa akin ang tinatanong nito? Wala ito sa usapan natin, Orlando!"
Nanatiling walang imik ang lalaki. Bagkus, nilipat nito ang mga mata sa kanya, hudyat na ituloy lang niya ang ginagawa. Walang magawa si Robert kaya binalik nito ang atensyon sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano ang kinalaman ng pagre-resign ko sa kaso ninyo ngayon," maangas nitong saad, defensiveness para kay Renante, "pero sasagutin ko iyang tanong mo, Sir. Nag-resign ako dahil napagtanto ko na delikadong trabaho pala ang pagde-detective."
"Not really if you're smart," he smirked and glanced at Orlando. "Hindi ba?"
Hindi ito sumagot. Nauunawaan niyang nagpe-playing safe ang detective.
He returned his cold, brooding eyes on Robert.
"At ano ang trabaho mo ngayon? Security guard, hindi ba? Ilang taon ka nang security guard. Hindi ba delikado rin iyon?"
Hindi ito sumagot. Binigyan lang siya ni Robert ng nagtitimping titig.
"What makes the detective work so scary? I'm sure, you encountered something worse on Stacey's case. Kasi kung hindi naman, baka nagbago ang isip mo tungkol sa kung gaano kadelikado ang trabaho mo, 'di ba?"
"Saan ba papatungo ito, Sir?"
"I just want the truth," his eyes probed the emotions that reflected on Robert's eyes. "Because if you'll tell me the truth, you'll be able to live your life peacefully. But if you dare lie to me... you'll live in hell."
Paling ang naging ngiti ni Robert. "Pinagbabantaan mo ba ako?" tapang-tapangan nito.
"Of course not. Hindi ako mahilig magbanta. I always remain quiet about my plans. Magugulat ka na lang kapag kumilos na ako," he smugly grinned.
"Kung ako sa iyo, sasabihin mo na ang totoo, Robert," usig ni Orlando rito. "Kinuwento ko na sa iyo kung anong klase ng tao si Renante. Mahirap banggain iyan."
There was a hesitation in Robert's face before he internally groaned.
"Kapag sinabi ko ang totoo, siguraduhin mo na hindi magagambala ang buhay ko," ani Robert.
"You have my word," maingat niyang saad.
Mas nakatutok na ngayon ang mga mata ni Renante sa kausap. Umaasa na siyang kasunod nito ay ang pagkwento ni Robert sa mga nalalaman nito na maaaring makatulong sa sitwasyon ngayon.
"Nagresign ako noon dahil malaki ang nakuha kong pera mula sa mga magulang nung stalker nung Stacey."
Renante felt the shock, but made sure that it would not get the best of him. His eyes simply narrowed at Robert. Inamin na ngayon ng gagong ito na totoong may stalker si Stacey. This simple fact deprived from him placed his impression and trust for Stacey at stake. It ruined Stacey for him and Ronnie. Kaya paanong hindi siya makakaramdam ng galit? Paanong hindi kukulo ang dugo niya sa rebelasyong ito?
Kinuyom niya ang kamao. Kung magwawala siya, mapupurnada lang ang pag-uusap nila ni Robert. Posibleng matakot na itong magkwento pa ng mga detalyeng kakailanganin niya para matulungan si Stacey. Renante felt his chest heave so he inhaled deeply. That, and he did not let his feelings ruin the cold demeanor he was emitting in this conversation.
"Nahuli nila ako noon. Baguhan pa ako, ayokong mapahiya o masesante. Kaya nung tinakot ako ng mga bodyguards ng stalker na iyon, sumama na lang ako ng kusa. Kinausap ako ng mga magulang niya. Nasabi ko ang tungkol sa pag-iimbestiga sa kanya. Binigyan nila ako ng tseke, huwag ko lang daw ipaalam na ang anak nila ang stalker. Makukuha ko raw ang kalahati ng bayad kapag mapapakitaan ko sila ng ebidensya na iba ang resulta ng imbestigasyon na irereport ko."
"At ano ang pinanakot nila sa iyo? Ano ang gagawin nila kung hindi ka sumunod sa gusto nila."
Mataman siyang tinitigan ni Robert. "Ipapapatay nila ako. At ang pamilya ko. Mayaman daw sila. Kaya raw nilang mag-hire ng detective para alamin kung sino ako at ang pamilya ko. Kung taga-saan kami. At kaya nilang magbayad ng tao para iligpit kami."
"Hindi mo man lang ba naisip na gamiting valid na ebidensya laban sa kanila ang mga pinagsasasabi nila?" tanong niya bago pa nakapagsalita ulit si Robert.
"Hindi mo na maiisip iyon kapag may nakatutok nang mga baril sa iyo, Sir."
"Can I say that you're stupid? And inefficient?" he hissed in a controlled voice.
Napaiwas na lang ng tingin si Robert sa kanya. Kita niyang nangangati na itong sagut-sagutin siya, nagpipigil lang dahil wala ito sa posisyon ngayon para gawin iyon.
Napabuntong-hininga na lang si Renante. Mahinang napalo ang mesa. "Paano mo naman nagawang i-alter ang resulta ng imbestigasyon?" balik niya ng mga mata sa lalaki.
"Hindi pa noon uso ang immediate forwarding ng mga nakakalap na ebidensya sa headquarters," paliwanag ni Orlando sa kanya. "Ang sistema noon sa agency, iipunin muna namin ang mga ebidensya bago pagtagni-tagniin. Pagkatapos namin makagawa ng report, at saka lang namin iyon isa-submit. Kumbaga, summarized na dapat at pulido ang report bago i-submit."
He returned his eyes on Robert. "It's been ten plus years since that investigation, don't you think? Pero siguro naman, natatandaan mo pa kung ano ang pangalan nung stalker?"
"Hindi ko na tanda 'yung apelyido," iling nito.
His jaws tensed. Sinusubok talaga ng hayop na ito ang pasensya niya.
"Ang first name? Ang hitsura?"
Kumunot ang noo ng lalaki. Pinilit nitong makaalala. "Marty ang pangalan. Patpating lalaki. Nakasalamin."
Fuck.
Robert returned his eyes on him. "Magkaklase yata sila nung Stacey, kaya alam niya ang schedule nung babae. Alam niya ang tamang timing para mag-iwan ng kung anu-ano sa locker niya o bag."
Iniwas niya ang tingin sa lalaki. Kung hindi, mandidilim na talaga ang paningin niya sa pahamak na ito.
.
.
NITONG NAKARAAN PA binalik ni Stacey sa cellphone ang dating sim card. Kaya nung tinawagan siya ni Marty, natanggap niya iyon at nasagot. As soon as their conversation ended, she already adviced the guards to assist Marty in her office.
Balak daw kasing dumaan ng lalaki para ipakita sa kanya na nakuha na nito mula sa car repair ang sasakyan nito.
Of course, she wanted to make sure that the job was done well. Kaya naman heto at nagsasamsam na sila ng mga papel at folder na nakakalat sa kanyang desk. Marty would arrive any minute now.
Nai-off na niya ang desktop computer nang makatanggap ng tawag mula sa guard house na dumating na ang lalaki.
"Pakisabi, diyan na lang niya ako hintayin," aniya sa kausap. "Ako na mismo ang pupunta riyan."
Hindi na yayayain pa ni Stacey sa loob ng opisina ang binata. Office hours kasi at baka may lakad din ito. Ayaw niyang makadagdag sa abala na binigay niya rito tulad nung nasira ang sasakyan nito.
As soon as Stacey got out of the building, she saw Marty on the parking space, standing by his car. Lumapad ang ngiti niya habang pinapasadahan ng tingin ang kotse.
"Marty," bati niya rito.
Hindi alam ni Stacey kung ano ang mararamdaman. She had put Marty a lot just because of her stalker. At the same time, she could not set aside the fact that in Renante's eyes, he was still a suspect.
"Stacey, hi," nerbyos na bati nito bago naalala kung ano ang gagawin. Umatras ito at pinatong ang isang kamay sa bubong ng kotse. "Look. Dinala ko rito itong kotse para makita mong nakuha ko na."
"Ang bilis nilang naayos, no?" pasada niya ng tingin sa kotse.
"Oo. Wala naman daw kasing nasira sa internal ng sasakyan. Puro external parts lang tulad ng mga tires, salamin, mga gasgas..."
Their eyes met. Tipid niyang nginitian ang binata.
"Anong oras ang out mo? Let me treat you for dinner."
"Dinner?" kunot-noo niya. "For what?"
"Para dito!" turo ng mata nito sa kotse. "Hindi biro ang ginastos mo para ipaayos ito."
"Marty," atras niya, "you don't have to. It's my fault. Nadamay ka sa gulo ko."
"But you did not intend for this to happen. And please, just let me. I understand what you are going through, mahirap iyon tapos... tapos napagastos ka pa para rito sa kotse."
Matamang tinitigan ni Stacey ang lalaki. "Where are we going then?"
May sumilay na pag-asa sa mga mata ng binata. "Ikaw? Okay lang ba kung... kung doon ulit tayo sa café kung saan tayo nagkita dati?"
"Sa Tagaytay?" hilig niya ng ulo. That was a bit too far from here. Stacey figured she would need to bring her things and clock out early.
Marty nodded. Tila bumalik dito ang tensyon.
"Okay," she replied after a few minutes of consideration. At binalikan ni Stacey ang mga gamit sa kanyang opisina.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro