Chapter Fifty-One - Are You Lying, Stacey?
KAKALABAS LANG NI STACEY NG GUSALI. She stopped on her tracks, saw Renante across the cemented path toward the parking lot. Kanina pa ito naghihintay kaya napandal na sa gilid ng sasakyan nito. His hands anxiously played with the keys before clutching them in his palm.
Nang makita siya, tumuwid ito ng tayo at humarap sa kanyang direksyon.
He wore a grey suit with unbuttoned cuffs. Iyon ang dahilan kaya narolyo ng lalaki ang mga sleeves niyon. Not a very friendly thing to do with a suit blazer that was hard to iron once wrinkled badly. Naihilig na lang niya ang ulo, mataray ang tingin na pinukol sa binata habang papalapit dito.
But behind that irritated look was Stacey restraining herself from admiring the way he looked.
Those piercing dark eyes— intense and melting her; and the way a few strands of his hair kissed his forehead. Her hands wanted to brush them off before kissing his forehead.
Kissing his forehead? What. The. Hell?
"Oh? Naligaw ka yata ng opisina, Mr. Villaluz?" aniya nang huminto ang mga paang may suit na puting high heels sa tapat nito.
His eyes shortly explored her— from her neat full bangs and short hair, to the white high-waist straight pants that complimented her off-shoulder orange crop top. Nakapatong sa kanyang mga balikat ang suit blazer na kulay peach.
She easily got bored with his silence. "Alam mo, may kotse na akong ginagamit. I have to go," aalis na sana siya nang magsalita ito.
"Stace, I am sorry," he almost sank.
Hinarap niya ulit ito. "For what?" taas niya ng kilay.
Siyempre, alam niya kung ano ang kinagalit dito. Gusto lang niya alamin kung alam ng lalaki ang kasalanan nito at nagsisisi na.
"Sorry about the suggestion I made this morning," titig nito sa kanya, pinahina ang tinig nito ng hindi maikailang kaba. "I... I didn't mean to make that remind you of what I did before."
"But it's obvious that you haven't learned, Mr. Villaluz."
"I have learned!" giit nito. "No!" kontradiksyon nito sa sarili. "I mean, yes," naghihirap ang kalooban ng binata, "you're right. Yes, I haven't learned. But I will learn. I learned now. I won't do that again."
She could not help rolling her eyes.
"Look. About what happened, I swore not to do that again to you. Hindi ko naman alam na lahat na ng babae sa buong mundo hindi exempted doon. O itong dahilan na gagawin ko lang iyon para ma-track na natin ang stalker mo for once and for all."
"Seriously?" mataray niyang anas. "Hindi mo alam na lahat na ng babae sa buong mundo, hindi exempted? So, magpapaasa ka ng mga babae kapag may pagkakataon ka?"
"Stacey naman," bagsak ng mga balikat nito. "Hindi sa ganoong paraan ko gagawin 'yung sinabi ko sa iyo! It's only for purposes like this. Itong pag-solve sa problema natin. Look, I don't mind hurting all the women in this world, para sa ikabubuti mo, para sa ikasasaya mo—"
Tinaas niya ang isang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. "Please, Renante. Stop. In the first place, it's your stalker, not mine."
At tinalikuran na niya ang binata.
"Pero ikaw ang pinapahamak niya!"
He had a point. Sa kanilang dalawa, siya ang mas dapat na mag-alala dahil hindi makakaya ng stalker na kantiin si Renante.
"I'll follow, Stace," he hollered. Palipat-lipat sa kanya at sa binubuksan nitong pinto ng kotse ang tingin nito. "Susunod ako sa sasakyan mo, okay? We'll talk!"
Hindi niya na ito nilingon pa ulit. Stacey got into her car and would see from time to time on the rearview mirror that Renante's car was tailing her. Napagdesisyunan niya tuloy na dumeretso sa isang restaurant kung saan sila pwedeng maghapunan.
"And..." Stacey trailed off as her eyes scanned the menu card. "An iced coffee."
"At this hour?" mulagat ni Renante sa kanya.
Nagtaas siya ng tingin at patay na mga mata ang sinalubong sa titig nito.
"May narinig ba akong nagrereklamo?" maang-maangan niya. "Ang pagkakaalam ko kasi, may nagpresenta na magbabayad sa lahat ng kakainin ko para makabawi siya sa pang-iinis sa akin."
Renante gave her a stare as she watched him slowly putting down his violent reaction.
"Hmm..." tingin niya sa taas at sa kaliwa at kanan, nagkukunwari na nag-iisip.
"Wala po," suko ng binata.
Stacey smiled. "Great," balik niya ng mga mata sa menu. "At may pahabol pa akong o-orderin."
"Siguraduhin mo lang na mauubos mo lahat iyan," Renante murmured, checking his own menu card.
"May nakakalimot yata na malakas ako kumain," ngisi niya, nanghahamon ang tinig.
Habang naghihintay ng order nila, doon na siya masinsinang kinausap ni Renante.
"So, let's reverse the plan then," titig nito sa kanya. "Ako ang bahala kay Marty. At ikaw naman ang bahala kay Kylie."
Stacey squinted her eyes, trying to assess everything before waving a hand. Kailangan niyang maging maingat sa susunod na mga sasabihin dahil baka simulan na naman ito ng away nila ni Renante.
"You know what? Mas maganda kung ikaw ang makikipag-close kay Kylie, at ako naman kay Marty. Kasi, 'di ba? Parang hindi maganda ang relations ninyo ni Marty? He obviously doesn't like you. And you feel the same. Magtataka iyon kapag nakipag-close ka. He might not welcome it."
Pinigilan niya ang matawa sa binata. She saw the dumbfounded look on his face as he stared at her, wide-eyed. Ngingiti-ngiting nilabas ni Stacey ang cellphone. Kunwari may itse-check siya.
"God. Stace. God!" he groaned, combing his hair upward a bit with his fingers before his eyes returned on hers. "That's what I've been trying to say all along!"
Ah, she's not admitting na napangunahan siya ng pagiging overreactive kaninang umaga.
Thank God, Renante chose to let it slide instead of arguing more about his side.
Sa kanilang dalawa talaga, si Renante ang pinaka-logical mag-isip. Ito rin ang mas may kapasidad na maging detached kung kinakailangan. How Stacey wished that she can have that kind of professionalism and reservation within herself. Hindi iyong natatangay siya kaagad ng damdamin niya.
Nagnakaw siya ng sulyap kay Renante. Pigil niya ang mapangiti sa binata na napatitig ngayon sa kanya. Nakita niya ang tila paglambot ng mga mata nito.
Still, she won't apologize to those cute, pleading eyes.
Aba, reasonable naman kahit paano kung bakit siya nagalit, ah?
"How can you act like nothing happened?" maktol nito. Parang bata. Pigil niya ang matawa rito. "Matapos mo ako sigaw-sigawan kanina at hindi mo ako pinakain nung fried chicken na luto mo at—"
Ah, sige, maglitanya lang siya riyan. She'll keep herself busy with her phone for a while.
.
.
NASA MANSION PA NG MGA VILLALUZ ang mga gamit ni Renante. Kaya pagkatapos maghapunan, dumiretso roon ng uwi ang binata. Stacey made sure everything in the house that needed to be locked were already locked. Ni-lock lang niya ang mga iyon nang masiguradong walang kakaiba na nakapasok sa loob ng bahay.
Stacey sucked in a deep breath. May nakasuksok na balisong sa garter ng suot niyang night shorts. Kinapa niya iyon at nakaramdam ng relief kahit papaano nang maramdaman iyon. Pinatungan niya ang suot na satin shorts at thin-strap top ng roba. Habang patungo sa pinto, hinihigpitan niya ang pagkakatali niyon sa kanyang bewang.
Natanaw niya sa gate si Detective Orlando.
She grew more cautious. Pinapasok niya ang lalaki, pinaupo sa salas at nagpaalam siyang ipaghahanda ito ng maiinom. Sinadya niyang sumaglit sa kanyang kwarto para ilabas ang tin box na naiwan ni Detective Brian para sa kanila. Nilapag niya iyon sa coffee table para masipat ulit ni Detective Orlando bago tumungo sa kusina.
Stacey texted Renante about Orlando being in her house before preparing his coffee.
Nasa kalagitnaan ang lalaki ng pagbabasa ng isa sa mga sulat na pinamigay noong alumni party nang ilapag niya ang isang mug ng kape malapit sa tin box.
"That coffee will keep you awake," nakahilig ang ulo na titig niya sa detective nang makaupo sa solohang sofa. "You'll need that later, kapag bumiyahe ka na pauwi."
Tumango-tango ang matandang lalaki. Inamoy ang kape bago sumimsim ng kaunti.
"Thank you, Ma'am."
"May update ka siguro kaya naparito ka," aniya. "Hindi mo man lang ako in-inform na pupunta ka rito."
Dumiretso ito ng pagkakaupo. "Sinadya ko iyon, Ma'am, kasi baka yayain mo si Sir Renante rito kung maaga kong ipapaalam sa iyo."
Tumaas ang isa niyang kilay. "Ano ngayon? May hindi ba dapat malaman si Renante?"
"Tungkol ito sa mga natagpuang gamit sa bangkay ni Detective Brian."
She crossed her arms and legs.
"What about it?" sandal ni Stacey sa backrest ng upuan.
May dinukot ang lalaki mula sa suot nitong denim jacket. "Natagpuan ang cellphone niya sa bulsa, pero nawawala ang memory card."
Shit. Probably, tons of evidences were there. At nabura na ang mga iyon bago pa naipadala ni Brian ang mga kopya sa agency nila o kay Renante.
May nilapag itong manila pouch sa mesa. Orlando made sure to toss it in her direction. Dumulas iyon at huminto sa parte ng coffee table na katapat ng kinauupuan niya.
"Pero, may naiwang mga video sa phone at cloud memory. I think you'll be interested to see who are in the photos."
Dinampot niya agad ang pouch at tiningnan ang mga litratong naroon. Napaawang ang mga labi niya. Nag-alala ang mga mata niya nang ibalik ang tingin kay Detective Orlando.
"Base sa mga pictures," paliwanag ng lalaki, "posibleng minamanmanan ni Brian ang lalaking iyan. Mukhang pamilyar, 'di ba?"
Hindi siya makapagsalita. Binaba niya ang tingin sa hawak na litrato.
"Based on our profiling, that man is Ronnie Villaluz."
Nasa pinaka-unahan niyon ang larawan ni Ronnie. Kausap nito si Brian. On the edge of the photo was some sort of obstruction.
"Kung mapapansin mo sa mga larawan," tuloy ng detective, "mga screenshots iyan. Most of them are videos. Ise-send din namin sa inyo ang kopya ng mga video."
"Paano mavi-video ni Brian ang sarili niya na kausap si Ronnie?" kwestiyon ni Stacey.
"Easy," walang emosyong tugon ng lalaki. "Bago pa sila magkita ni Ronnie, tinago na ni Brian ang cellphone sa hindi madaling makikita ng ibang tao. Kahit ng mismong kausap niya."
"So, he's taking videos of him and Ronnie talking, without Ronnie's permission?"
"Correct."
"At bakit gagawin iyon ni Brian?"
"Maraming posibleng dahilan, Ma'am. Pwedeng ginawa niya ito para may ebidensya siya na nakausap niya itong Ronnie na ito. Pero magtataka ka kung bakit kailangan niyang i-video pa kahit hindi naman dinig sa video ang usapan nila, 'di ba?"
Her eyes narrowed.
"One more thing about Ronnie Villaluz," basag ng detective sa saglit na katahimikan. "Kilalang kliyente si Ronnie sa agency namin."
Pigil niya ang paghinga. "Oh really? Pwede bang malaman kung ano ang pina-imbestigahan niya noon?"
Mataman siya nitong tinitigan sa mga mata. "Isang stalking case ng isang college student."
"College student?"
"Stacey ang pangalan."
Gumusot ang mukha niya. "What are you talking about?"
"Kahawig at kapangalan mo ang nasa profiling."
"I don't understand."
Naging matigas ang anyo ng detective. Nakakakaba ang pagdidilim ng anyo nito.
"Ma'am," maingat nitong wika, "ngayon pa lang, sabihin mo na kung seryoso ba itong kaso mo ng stalking o hindi."
"What are you talking about?" she snapped yet maintained the lowness of her voice.
"Are you lying, Stacey?"
"Why would I do that?" nagtitimpi niyang wika. Now she was stiff on her seat. "Ano ang mapapala ko sa pagsisinungaling?"
"Ayon sa kasong pina-imbestigahan ni Ronnie Villaluz, hindi raw totoo na may stalker si Stacey Vauergard. Ayon sa detective na in-charge sa pagmanman, ang babae raw mismo ang naglalagay ng mga kung anu-ano sa locker niya at sa bag niya."
"What are you talking about?" he hissed. "At bakit naman papaimbestigahan ni Ronnie 'yung stalker ko noong college pa lang ako?"
"Ang gusto ko lang sabihin, Ma'am, ngayon pa lang, magpakatotoo ka na. Hindi magandang biro ang gawa-gawang kwento para lang sa anumang personal na motibo."
"You're accusing me of crafting my own stalker-story?" she seethed. "Such audacity!"
Tumayo na siya kaya mabilis na tumayo ang lalaki.
"Makakahanap din tayo ng ebidensya, Ma'am," naghahamon nitong saad sa kanya. "Sa oras na matumbok ka ng mga ebidensya, malaki ang pagbabayaran mo dahil may buhay na nasawi."
"You're questioning my innocence, and yet, you're not questioning why Ronnie and Brian are talking in these," tapon niya ng pouch at mga litrato sa pagmumukha nito, "photos! In that so-called video you're claiming!"
Hindi natinag ang detective. "Pinagsasabihan na kita, Ma'am. Kasi pwedeng maging maayos ang pagtatapos natin sa kasong ito o..."
He intentionally trailed off and gave her a suspecting look from his eyes.
"Or what?" matatag niyang saad. "You'll frame me? Frame me. B ecause you won't find any evidence against me."
Magalang na tumango ang lalaki. "Aalis na ho ako, Ma'am."
She doesn't trust him. Sigurado si Stacey na ganito rin ang sasabihin ng detective kay Renante kapag nagkita ang mga ito.
Hindi na niya hinatid pa si Detective Orlando palabas ng bahay. Pinanood niya ang pagsara nito ng pinto. Natanaw niya mula sa bintana na lumabas ang lalaki at sinara ang gate bago sumakay sa kotse nito. Binalik niya ang mga mata sa nagkalat na pictures.
No, he won't tell, Renante. Judging from how that old man thinks, he would escalate the situation, tinanaw niya ang sasakyan nito. Bumukas ang mga ilaw niyon bago umandar. He went her to make me panic. Alam niya na panic ang magpapahamak sa isang stalker. Nakakagawa sila ng hindi maganda kapag nagpapanic. And they are a victim of that panic because they won't be stalkers if there is nothing wrong with the way they're thinking.
Humugot siya ng mas malalim na paghinga.
If Renante still doesn't know this, I can ask him for one last favor then.
Iniwan ni Stacey ang salas at dinampot ang cellphone na naiwan sa countertable na humahati sa kusina at salas. Sinadya niyang iwanan iyon doon na nakabukas ang recording app.
Akala niya, siya lang ang marunong mag-record ng mga usapan? dampot ni Stacey sa cellphone para i-save ang anumang na-record doon.
May hindi pa siya nababasang text mula kay Renante.
Umabot iyon ng tatlo.
Why didn't he tell me he's visiting you there? Para saan daw?
Ang sumunod naman ay:
Stacey? Pupunta na ba ako diyan?
The last one is:
I know, you'll just tell me you can manage. Fine. Pinigilan ko ang sarili kong sumugod diyan dahil baka lalo kang magalit sa akin. Tawagan mo ako pagkatapos ninyo mag-usap. O kung may emergency.
Stacey could imagine Renante's sigh in surrender. Tinawagan niya ito.
Hindi pa nakakadalawang ring nang sagutin iyon ng binata.
Stace, his voice was strained with worry, how are you? Kamusta ang pag-uusap ninyo?
She gathered all the courage she could before replying.
"Maayos naman. May gusto lang akong hinging pabor sa iyo."
Nawala ang pagtataka sa boses ng binata. It was replaced by curiosity.
What is it?
"Gusto kong makausap ang kuya mo."
Si Ronnie? Bakit?
Pabalik-balik sa kanyang isip ang naging sagutan nila ni Detective Orlando. Habang tumatagal, mas lalong nag-iinit ang dugo niya. Mas lalo siyang nabubuhayan ng loob.
Mas lalo siyang nagkakaroon ng motibasyon na ma-solve na ang kasong ito.
"I'll explaintomorrow."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro